Several days have passed. Akala ni Tiffany, her plan is going smooth and fine. Napahawak siya sa fake baby bump niya saka tinanggal ito.
"Ang init mo sa tiyan, anyway, handa naman akong panindigan ang pagsisinungaling ko para maging akin ka, Winston. I can do it my way. I have all the money to do it. Maging akin ka lang," nababaliw na wika nito sa sarili niya.
Ngiting tagumpay si Tiffany habang tinutungga ang kanyang wine. Mag-isa siya ngayon sa kuwarto, she prepared a bed of roses on her bed. She is going to have a beauty rest today dahil bukas, ikakasal na siya, finally kay Winston. She had finally closed the deal with her make-up artist, Karina. Naisip niya na hindi naman pala masama na nandoon siya bilang make-up artist nito para makita niya kung gaano kasakit sa pakiramdam na makita ang lalaking mahal niya na itatali sa iba. Nababaliw na yata siya pero hindi niya mapigilang mapangiti sa tuwing iniisip niya ang magiging itsura ni Karina sa kasal niya.
&nb
Few chapters to go bago ang ending! Naiiyak ako. Salamat sa gems, sa reviews, and comments! Mahal ko kayong mga readers na nagbabasa sa legal na paraan. Ang sino mang tumatangkilik ng illegal na soft copies na binebenta sa mga fb groups ay makakarma rin. Nakakahiya sila. Happy reading guys, and salamat sa walang sawang pagsubaybay at pagsuporta sa love team nating #KarTon WHAHAHA ang bantot naman!
The grandest wedding is about to happen few moments from now. Kalmado lang si Karina na nakaupo sa right side ng church. Everything is perfect. The arrangements, the details, and everything ay halata namang mamahalin. Imbitado ang lahat ng mga business partners ng pamilya nina Tiffany. The investors, and some friends from a higher social status. Hindi man lang nakaramdam ng kaunting kaba sa dibdib si Karina. Inaasahan niya pa naman sana na iiyak siya ngayon. Pinaghandaan na niya ang pag-iyak niya, e. If not for Mrs. Olivia. Talagang gagawin nito ang lahat para sa anak niya. Kahit sino naman sigurong ina ay hindi hahayaang mapunta ang anak nila sa pamilya nina Tiffany. Kilala niya ang galaww ng bituka ng mga ito. They know how to play dirty. Hindi nila alam, sanay maglaro sa putikan si Mrs. Olivia. Nasa kaliwa ni Karina si Evo, samantala, sa kanan naman niya ay si Mr. Tao at katabi nito si Eliza kaya ayun ay kilig na kilig ang babae
Karina was rushed into the operating room. Hindi na sila pinapasok ng doctor dahil bawal at emergency situation na iyon. Kung ano man ang mangyari, ay baka ma-shock pa sila. Takot na takot na hinayaan ni Winston na dalhin ng doctor sa loob si Karina. Kung puwede lang na hawak-hawak niya lang ito sa kamay hanggang sa magising ito ay ginawa na niya. But there are procedures she needs to undego. Sa operating room ay nandoon na ang anesthesiologist at ang trauma surgeon kasama ng mga nurses. Katulong ang anestheiologis para mapanatiling buhay si Karina sa isang napakakritikal na oras ng buhay niya. They inserted a breathing tube on her inorder to manage her breathing status. Mabilis ang bawat pagkilos nila dahil marami nang dugo ang tumagas kay Karina because of some tubes left wide open. Kinailangan pa niyang salinan ng dugo. Walang problema. Sagot lahat ng mga Miller. Lahat ng gastos ay hindi iniinda ng bulsa nila. Ang iniinda nila ay ang sakit ng
Kung tatanungin niyo naman kung ano ang nangyari kina Tiffany at sa ama niya, ngayon ay hinihimas nito ang malamig na rehas ng bilangguan. Hindi na nila nagawang tumakas dahil pinalibutan agad sila ng mga body guards no'n nina Winston."Where's my daddy?!! Take him out of here you fools!!! Mga wala kayong alam sa nangyari!!" Walang humpay na nagsisigaw si Tiffany na parang bata. Hinahanap sa bilangguan ang daddy niya. Mabuti nga at naawa pa sa kanya sina Mrs. Olivia at hindi siya dinamay sa pagkakakulong ng daddy niya.Pero pinagtawanan lang siya ng mga pulis. Hindi na nila ito pinansin dahil ilang araw na rin itong pabalik-balik dito, ganyan siya bumati sa mga pulis tuwing binibisita ang daddy niya kaya nasanay na sila.***Kinailangan ng doctor na tanggalin ang lobe sa lungs ni Karina. It isn't much risky. Mabuti na lang at hindi matindi ang tama nito sa lungs niya. Hindi ito mmasyadong napuruhan pero nahirapan sila doon. This is the only way the
Iminulat ni Karina ang mga mata niya at halos mapapikit siyang muli sa tindi ng silaw na tumama sa kanyang mga mata. "Nasaan ako?" aniya sa sarili. Hindi siya pamilyar sa lugar pero puro puti ang nakikita niya sa paligid. Pagod na pagod siya sa paglalakad. Kanina pa niya binabagtas ang mahabang daan na ito kahit na wala siyang ibang maaninag kundi puro kaputian. Nang makarinig siya ng isang pamilyar na boses. "Anak." Nanginig siya sa narinig niya. Agad na nanghina ang kanyang mga tuhod nang mapamilyaran ang boses ng kanyang ina. She cried. She cried so much. Nagmistulang ilog ang mga luha niya at hindi na tumigil sa pagpatak. Humawi ang mga ulap at napatakbo siya nang maaninag ang imahe ng kanyang ina. "Mama?!" umiiyak nitong sigaw. Agad siyang napatakbo para yakapin ang ina niya na sobra-sobra niyang na-miss. Wala siyang ideya kung bakit niya ito kasama ngayon pero hindi na niya iyon
Hindi na magkandaugaga ang mga kaibigan at pamilya ni Karina sa paghahanda para sa pag-uwi nito. They have prepared a surprise dito mismo sa bagong condo na binili ni Winston para kay Karina at sa tiyahin nito. Okay na rin sina Evo at Winston. Sa katunayan, si Evo pa mismo ang nag-offer ng tulong sa kung ano mang balak ni Winston sa relasyon nila ni Karina starting today. FLASHBACK. . . "Para quits na tayo, gusto kong tulungan ka kay Karina." Suhestiyon ni Evo. Nasa labas sila ng hospital. Katatapos lang kasi na dalawin ni Evo si Karina. Doon niya napagtanto na kailangan na nga talaga niyang isuko ang dalaga, hindi dahil alam niyang hindi siya nito magagawang mahalin, kundi dahil hindi talaga ito para sa kanya una pa lang. "What do you mean?" Inis na nagsalubong ang kilay ni Evo. "Tsk. How have you become so slow, man? Pakasalan mo na si Karina! Ano pa ba ang hinihintay mo? Panibagong delubyo? O, ba
"Karina! Aba? Bilis-bilisan mo naman sa paglalampaso ng sahig, hipokrita! Pinapakain kita dito hindi para magbuhay-reyna sa pamamahay ko! Magsilbi ka! Walang kwenta!" Umagang-umaga ay pinuputakti si Karina ng kanyang Tiya Alicia. Malupit talaga ito. Kahit kadugo nito si Karina ay hindi ito maramdaman ng dalaga. "O-opo," sagot naman ng dalaga. Kahit maraming beses niyang gustong manlaban sa tiya, hindi niya magawa. Takot nitong mapalayas siya sa bahay na tinitirhan niya. Tinitiis lamang nito dahil sobrang hirap mabuhay sa lansangan at walang bahay na masisilungan tuwing uulan o aaraw man. "Opo ka ng opo! Bilisan mo dahil may trabaho ka pa sa bar! Ano? Nagsisitambakan na ang mga resibo ng mga utang natin! Sumasakit ang ulo ko!" pagtatalak nito sa dalaga sabay hilot ng kanyang sentido. "Tsk, e, kung sa'yo ko kaya ihampas itong panlinis," bulong ni Karina. "May binubulong ka pa?!" pagalit na tanong ng kanyang tiya
"So...are you accepting my offer?" walang paligoy-ligoy nitong sabi. Natigilan pang saglit ni Karina sa mga winikang iyon ni Winston bago nito binitawan ang kanyang sagot."T-teka, Sir. Napakabilis naman yata. Hindi kaya't may mabigat na kapalit naman ito?" prangkang tanong ng dalaga. Winston chuckled a bit at biglang nagseryoso ng mukha. Bilis magbago ng mood, ah?"You're so frank. Anyway, I just need a maid so urgent. Nothing more, nothing less," mariin nitong sagot.Napakagat-labi si Karina dahilan upang mas lalong ma-press ang maninipis at mapulang bibig nito. Napatitig doon si Winston tila nakuha nito ang kanyang atensyon. Such a kissable lips. Sa isipan pa niya."Stop doing that," sita nito sa dalagang si Karina. Humalukipkip naman ang dalaga at tila naguluhan."A-ang ano, Sir?" tanong nito."Stop biting your lips," puna naman muli ni Winston. Naguluhan man doon si Karina ay hindi na siya nagsalita pang muli. Ngumiti na lamang si
UNANG araw ng trabaho ni Karina sa kanyang amo na si Winston. Hinatid siya muli ng mga body guards nito sa loob. Pagpasok niya pa lang sa gate ng mga Millers ay tila naglalakad siya sa isang red carpet. Lakas maka palasyo ng hallway nila. Gawa iyon sa marmol. Nakasuot siya ng simpleng T-shirt at maong na short. Mukha tuloy itong napadaan lang.Sa gilid ng marmol na hallway na iyon ay may naggagandahang mga bulaklak. Sumasabay pa ito sa ihip ng hangin na tila sumasayaw. Hindi mapigilang mapangiti ni Karina. Masyado yata itong nag-concentrate sa mga bulaklak."Aray ko po!" reklamo ng dalaga nang mauntog sa isang matigas na dibdib."S-Sir Winston..." nahihiya pa nitong sambit habang unti-unting inaangat ang kanyang ulo upang ingnan ang reaksyon ni Winston. "Hehehe." Pilit nitong ngiti."Watch where you're going." Salubong ang kilay ni Winston nang sabihin niya iyon. Napa-pout tuloy si Karina sa katangahan niya. Unang araw ay bad impression agad ang ibinigay niya k