Share

CHAPTER TWO

"So...are you accepting my offer?" walang paligoy-ligoy nitong sabi. Natigilan pang saglit ni Karina sa mga winikang iyon ni Winston bago nito binitawan ang kanyang sagot.

"T-teka, Sir. Napakabilis naman yata. Hindi kaya't may mabigat na kapalit naman ito?" prangkang tanong ng dalaga.

Winston chuckled a bit at biglang nagseryoso ng mukha. Bilis magbago ng mood, ah?

"You're so frank. Anyway, I just need a maid so urgent. Nothing more, nothing less," mariin nitong sagot.

Napakagat-labi si Karina dahilan upang mas lalong ma-press ang maninipis at mapulang bibig nito. Napatitig doon si Winston tila nakuha nito ang kanyang atensyon. Such a kissable lips. Sa isipan pa niya.

"Stop doing that," sita nito sa dalagang si Karina.

Humalukipkip naman ang dalaga at tila naguluhan.

"A-ang ano, Sir?" tanong nito.

"Stop biting your lips," puna naman muli ni Winston. Naguluhan man doon si Karina ay hindi na siya nagsalita pang muli. Ngumiti na lamang siya bilang sagot.

"I'm waiting for an answer," malamig nitong sabi.

Nataranta tuloy si Karina kung ano ang sasabihin. "A-ah, opo, Sir!" sagot nito.

"Anong opo?" naguguluhang tanong ni Winston.

"I'm accepting your offer," she said firmly. Pagkatapos no'n ay ngumiti siya ng isang abot tengang ngiti.

"Don't smile like that either," pagpapaalala pa ni Winston.

Ano bang problema ng taong 'to? Tanong ni Karina sa kanyang isipan.

"Po? E, ano na lang ang gagawin ko?" pagrarason ni Karina.

"Just obey me," mariin nitong sagot sa dalaga.

Napabuntong-hininga na lamang si Karina at tinanong ang kanyang sarili. Sigurado ba ako pinasok kong 'to? Diyos ko! Help me!

"Sit," utos ni Winston. Kanina pa kasi nakatayo ang dalaga. Hindi naman ito umupo.

"A-ay, oo nga pala," natatawang sagot nito. Maging siya ay natawa sa kanyang sarili.

"I have few questions to ask," panimula nito. "Are you willing for stay in?" tanong ni Winston.

Nag-isip saglit ang dalaga. Kapag nagstay-in siya, malaki ang chance na makaiwas siya sa pang-aalipusta ng Tiya Alicia niya. Sa kabilang banda, mag-aalburoto ito sa galit at tiyak uusuok ang ilong no'n kapag wala nang mag-aasikaso sa bahay nila. Ito na kaya ang sagot para makalaya siya sa impyernong bahay na 'yon?

"I'm waiting," he reminded Karina.

"Ah, oo, Sir!" mabilis na sagot ng dalaga.

"Your monthly salary would be fifty thousand pesos, everything is free," wika pa ni Winston regarding Karina's possible salary. "Kapag ginalingan mo pa ay makakatanggap ka naman ng bonus," walang buhay na dugtong ng binata. Sa fifty thousand pesos na sinabi nito ay halos kuminang na nga ang mga mata ni Karina. Pano kapag nagka-bonus pa? Aangat na talaga ang buhay nito.

"Parang hindi naman kayo masaya sa pagbibigay ng bonus, e," bulong pa ni Karina.

"Are you murmuring something?" nakataas ang kilay na pag-uusisa ni Winston.

"N-nothing," she answered and shooked her head.

"Ako lang ang pagseserbisyohan mo," sabi pa ni Winston.

Umandar tuloy ang pagkarumi ng isip ni Karina. Ano naman kayang serbisyo ang sinasabi ng lalaking ito? Isusuko ko ba ang bataan sa kanya?

"Anong ibig mong sabihin, Mr. Miller?"

"Sa'kin ka lang magta-trabaho. May ibang serbisyo ka pa bang iniisip maliban diyan?" he grinned while staring at her.

Nanindig ang balahibo ni Karina doon. "S-syempre, wala!" pagmamaang-maangan nito.

"You seem to think differently," anito pa.

"E, 'di ikaw na lang ang magsalita," pagsusuplada nito.

"Matapang ka, Miss. Gusto ko 'yan," he winked at her.

Karina just ignored him and stared in space.

"You can leave now," utos ni Winston.

"Agad-agad?" naguguluhang tanong ni Georgina.

"Uhuh," he answered coldy.

"T-teka! T-tanggap na ba 'ko?!" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Sa tingin mo?" taas kilay at supladong sagot ng binata.

"Yes!" Nagsisigaw si Karina habang palabas ito ng silid na iyon.

Pakiramdam niya ay senyales na iyon ng pagkawala niya sa hawla at kadena ng kanyang Tiya Alicia. Sa wakas ay makakapagsimula na itong muli.

Pagkalabas ni Karina ay sinalubong siya ng mga body guards ni Winston. Hinarangan siya nito na siyang ipinagtaka ng dalaga.

"T-teka, ba-bakit kayo nakaharang?" nagtatakang tanong ng dalaga sa nagaguwapuhang body guards ng binata.

"Miss, bilin ni Sir Winston na ihatid ka namin pauwi," sagot ng isang body guard.

"Ha? Wala naman siyang sinabi sa'kin, e." Rason nito.

Hindi pa nagsalita pang muli si Karina bagkos sumunod na lamang sa limang malalaking taong iyon.

"Ah, kuya? Diyan na lang po ninyo ako ibaba sa kanto, ha?" bilin ni Karina bago pa man sila sumakay sa kotse.

"Why?" tanong ng pinakamaaasahan sa lahat ng mga body guard na naroon sa loob.

"E, baka makita kayo ng Tiya Alicia ko at matalakan kayo ng kaliwa't kanan. Hindi n'yo naman nanaising makarinig ng sermon, hindi ba?" pagbabanta ni Karina.

"I will accompany you," alok nito sa dalaga.

"H-ha? Sigurado ka ba?"

Hindi na sumagot pa ang body guard na 'yon. Trained rin ba sila ni Winston ng kasungitan? Isip nito. Napacross-arms na lamang si Karina. Iniisip nito kung nasa tamang mga kasama siya ngayon pauwi. Limitado ang mga salita ng mga body guards ni Winston. Halos maulol tuloy siya sa biyahe.

Nang makarating na sila sa bahay ng dalaga ay inilibot ng nag-iisang body guard na sumama kay Karina ang kanyang paningin sa buong bahay.

"Hintayin mo 'ko rito, Sir," bilin ng dalaga.

"No, I'll come with you." He insisted.

Ano ba 'yan? Para naman akong number one criminal na may patong sa ulo kung makabantay ang body guard na 'to. Isip pa ni Karina.

Napabuntong-hininga na lamang si Karina. Pagpasok niya ay sinalubong siya agad ng kanyang Tiya Alicia. Halos umatras tuloy ang dila nito sa kaba. Anong ira-rason niya?

"Letse ka talaga, Karina! Saan ka na naman ba nangerengkeng?! Buong umaga kang wala! Aba? Wala pang sinaing pagkauwi ko! Gutom na gutom na ako, gaga ka!" Nanggagalaiting bungad nito sa kanya. "Nagdala ka pa ng kasama?! Pokpok ka talaga!" dugtong pa nito na siyang nakapagpatulo ng luha ni Karina.

Gusto na lamang magpalamon ni Karina sa lupa dahil sa kahihiyan. Napakagat-labi ito saka yumuko.

"K-kasi po, T-tit— Ouch!" Malakas na sampal ang iginawad sa kanya ng kanyang tiya bago pa man niya tapusin ang kanyang sasabihin

"How dare you, Miss?! That's a physical and verbal abuse! An offense! I'll report you!" Pagbabanta ng body guard na kasama ni Karina.

Napatingin naman kaagad si Karina sa lalaki. Nangusap ang mga mata nito na h'wag na.

"Sa tingin mo ay natatakot akong makulong?! Iyang babaeng 'yan ang dapat na ikulong! Walang utang na loob! Pagkatapos kong patirahin sa bahay ko ay—"

"Ay ano, Tita?! Utang na loob ko pa ang impyernong buhay na ito sa inyo?! Dapat ko pa bang pasalamatan ang pangmamaltrato n'yo sa'kin dito?!" sagot ni Karina bago pa man matapos ang sasabihin ng kanyang tiya.

"Wala kang modo! Pinagtataasan mo na ako ng boses?! Palibhasa, wala kang pinagkaiba sa malandi mong ina!" pagdidiin pa nito akmang sasampalin na naman sana siya ng kanyang tiya pero napigilan iyon ng body guard ni Winston.

"Don't you dare. Isang tawag ko lang, nandito na ang mga pulis," anito pa nang may pagbabanta.

Nanggagalaiti nitong niyukom ang kanyang mga palad na kanina pa niya nais isampal kay Karina.

"H'wag na 'wag mong idadamay ang nanay ko dito! Kung may isang tao man akong hindi ko pinangarap tularan, iyon ay ikaw!" sigaw ni Karina habang duro-duro ang kanyang Tiya Alicia.

Napaluha ito hindi sa lungkot 'kundi dahil sa galit at matinding puot na nararamdaman niya.

Walang nagawa ang tiya nito nang dalhin na lahat ni Karina ang kanyang mga gamit. Tinulungan naman siya ng body guard ni Winston na dalhin ang mga 'yon. Kahit halos sumabog pa sa galit ang tiya nito ay hindi na niya ito nilingon pa noong paalis sila.

"H'wag ka nang babalik dito! Wala ka nang babalikan!" sigaw nito habang tinatanaw sa malayo si Karina.

Noong puntong iyon ay nakahinga na ng maluwag ang dalaga. Iyon na nga talaga ang panibagong simula ng kanyang buhay. Malayo sa kinagisnang mundo. Malayo sa malupit na tadhana.

"Salamat, Sir," mahinang sabi nito sa body guard na kasama niyang magbuhat ng mga gamit.

"Anything for Sir Winston," sagot nito.

Naguluhan naman doon si Karina. Anything for Mr. Winston? Bakit para kay Sir Winston, e ako ang ang niligtas niya? Tanong nito sa kanyang sarili.

"B-bakit para kay Winston—I mean, Sir Winston?" naguguluhan niyang tanong.

"You don't need to know, Miss," tipid nitong sagot.

Humahangos pa ng kaunti si Karina nang makasakay sila sa kotse.

"Here," alok ng body guard na kasama niya. Binigyan niya ng isang panyo si Karina upang gamitin nito pamunas sa kanyang luha.

"Salamat," tanging naisagot nito.

"You shouldn't waste your energy to people like your aunt," mabilis nitong sabi.

Mapait na ngumiti si Karina. Kahit papaano kasi ay nirespeto at minahal niya ang kanyang tiya kahit hindi naibalik ang pagmamahal na iyon naibalik sa kaniya. Akala nito ay magiging ayos ang trato ng kaniyang tiya sa kanya sa kadahilanang ulila na itong lubos. 'Dun pa yata siya nagkamali. Gayunpaman, umaasa pa rin ang dalaga na bukas o sa makalawa ay magigising ang tiya niya na hinahanap ang kalinga ng isang anak. Araw na hindi na maghahanap pa ng kalinga si Karina sa pagmamahal ng isang ina.

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Jhonadel Gallana
Ang ganda ng story na ito ...️
goodnovel comment avatar
Your Sunshine
may new story po si Ms. Zenshine. ... • Hiding The Ceo's Baby • The Casanova's Contracted Wife
goodnovel comment avatar
Ybhor Zurc Aled Torres
Ang ganda ng story nakakaantig ng puso. Sana palarin ka Karina.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status