His Personal Maid
MAHIRAP ang buhay kaya't ang ulilang lubos na si Karina ay handang magtiis na manirahan sa kaniyang tiya kahit madalas siyang pagmalupitan nito. Ang tiya niya mismo ang nag-alok sa kanya ng trabaho upang mag waitress sa isang bar na hindi naman kalayuan sa bahay nila. Sa edad na dalawampo, natuto na si Karina na maging malakas para sa kaniyang sarili dahil wala naman itong maaasahan bukod sa kanyang sarili lamang. Bata pa lang ay hindi na ito namulat sa pagmamahal. Pagmamahal na ngayon ay tila hinahanap niya pa rin. Pagmamahal na hindi maibigay ng kanyang Tiya Alicia at kahit ng mga kaibigan nito sa bar.
Isang araw, sa kanyang pagtatrabaho sa bar ay isang bagong customer ang nagligtas sa kanya mula sa isang bastos na lalaki. Nagpakilala ito bilang si Winston Miller gamit ang binigay niyang business card. Naging interisado sa kanya ang binata dahil nakikita nitong pursigido ang dalaga sa kanyang trabaho at halatang kailangang-kailangan ng dalaga ng pera, bukod doon ay may kung anong malakas na enerhiya siyang naramdaman sa dalaga. He asked her to be his personal maid. Iyon ang usapan nila. Sa laki ng halagang in-offer ni Winston ay hindi na nakapag-hindi pa si Karina. Tinanggap niya agad ito. Iniwan niya ang kanyang tiya na naghihimutok sa galit.