Hindi na magkandaugaga ang mga kaibigan at pamilya ni Karina sa paghahanda para sa pag-uwi nito. They have prepared a surprise dito mismo sa bagong condo na binili ni Winston para kay Karina at sa tiyahin nito. Okay na rin sina Evo at Winston. Sa katunayan, si Evo pa mismo ang nag-offer ng tulong sa kung ano mang balak ni Winston sa relasyon nila ni Karina starting today.
FLASHBACK. . .
"Para quits na tayo, gusto kong tulungan ka kay Karina." Suhestiyon ni Evo. Nasa labas sila ng hospital. Katatapos lang kasi na dalawin ni Evo si Karina. Doon niya napagtanto na kailangan na nga talaga niyang isuko ang dalaga, hindi dahil alam niyang hindi siya nito magagawang mahalin, kundi dahil hindi talaga ito para sa kanya una pa lang.
"What do you mean?"
Inis na nagsalubong ang kilay ni Evo. "Tsk. How have you become so slow, man? Pakasalan mo na si Karina! Ano pa ba ang hinihintay mo? Panibagong delubyo? O, ba
Who's up for a special chapter? Taas ang kamay! Hihihi. Naiiyak ako dahil tapos na siya. Mami-miss ko sila, at syempre kayo na rin.
"Karina! Aba? Bilis-bilisan mo naman sa paglalampaso ng sahig, hipokrita! Pinapakain kita dito hindi para magbuhay-reyna sa pamamahay ko! Magsilbi ka! Walang kwenta!" Umagang-umaga ay pinuputakti si Karina ng kanyang Tiya Alicia. Malupit talaga ito. Kahit kadugo nito si Karina ay hindi ito maramdaman ng dalaga. "O-opo," sagot naman ng dalaga. Kahit maraming beses niyang gustong manlaban sa tiya, hindi niya magawa. Takot nitong mapalayas siya sa bahay na tinitirhan niya. Tinitiis lamang nito dahil sobrang hirap mabuhay sa lansangan at walang bahay na masisilungan tuwing uulan o aaraw man. "Opo ka ng opo! Bilisan mo dahil may trabaho ka pa sa bar! Ano? Nagsisitambakan na ang mga resibo ng mga utang natin! Sumasakit ang ulo ko!" pagtatalak nito sa dalaga sabay hilot ng kanyang sentido. "Tsk, e, kung sa'yo ko kaya ihampas itong panlinis," bulong ni Karina. "May binubulong ka pa?!" pagalit na tanong ng kanyang tiya
"So...are you accepting my offer?" walang paligoy-ligoy nitong sabi. Natigilan pang saglit ni Karina sa mga winikang iyon ni Winston bago nito binitawan ang kanyang sagot."T-teka, Sir. Napakabilis naman yata. Hindi kaya't may mabigat na kapalit naman ito?" prangkang tanong ng dalaga. Winston chuckled a bit at biglang nagseryoso ng mukha. Bilis magbago ng mood, ah?"You're so frank. Anyway, I just need a maid so urgent. Nothing more, nothing less," mariin nitong sagot.Napakagat-labi si Karina dahilan upang mas lalong ma-press ang maninipis at mapulang bibig nito. Napatitig doon si Winston tila nakuha nito ang kanyang atensyon. Such a kissable lips. Sa isipan pa niya."Stop doing that," sita nito sa dalagang si Karina. Humalukipkip naman ang dalaga at tila naguluhan."A-ang ano, Sir?" tanong nito."Stop biting your lips," puna naman muli ni Winston. Naguluhan man doon si Karina ay hindi na siya nagsalita pang muli. Ngumiti na lamang si
UNANG araw ng trabaho ni Karina sa kanyang amo na si Winston. Hinatid siya muli ng mga body guards nito sa loob. Pagpasok niya pa lang sa gate ng mga Millers ay tila naglalakad siya sa isang red carpet. Lakas maka palasyo ng hallway nila. Gawa iyon sa marmol. Nakasuot siya ng simpleng T-shirt at maong na short. Mukha tuloy itong napadaan lang.Sa gilid ng marmol na hallway na iyon ay may naggagandahang mga bulaklak. Sumasabay pa ito sa ihip ng hangin na tila sumasayaw. Hindi mapigilang mapangiti ni Karina. Masyado yata itong nag-concentrate sa mga bulaklak."Aray ko po!" reklamo ng dalaga nang mauntog sa isang matigas na dibdib."S-Sir Winston..." nahihiya pa nitong sambit habang unti-unting inaangat ang kanyang ulo upang ingnan ang reaksyon ni Winston. "Hehehe." Pilit nitong ngiti."Watch where you're going." Salubong ang kilay ni Winston nang sabihin niya iyon. Napa-pout tuloy si Karina sa katangahan niya. Unang araw ay bad impression agad ang ibinigay niya k
PAGMULAT ni Karina ng kanyang mga mata ay kumurap-kurap pa ito at halos hindi pa kayang paniwalaan na para siyang si Cinderella na tumira sa palasyo ng prinsipe. 'Yon nga lang, hindi para maging asawa nito 'kundi para maging personal maid.Napangiti ang dalaga sa kanyang isipan. Wala nang nambubulabog sa kanya sa umagang ito. Wala nang magtatalak sa kanya tuwing umaga para paglampasuhin siya kahit buong gabi siyang pagod. Dito, hindi man niya hawak ang kanyang oras ay atleast, walang malupit na tiya na magbabantay sa lahat ng galaw niya. Inilibot ni Karina ang kanyang paningin sa buong kwartong katamtaman lang ang laki para sa isang babaeng katulad niya. Napaka-kapal ng kutson na iyon na hinigaan niya. Malambot, may makapal at kumportableng bedsheet at may mabangong unan at kumot. Airconditioned pa ito. Hindi niya tuloy lubos maisip na narito na siya ngayon at tila hindi siya katulong.Lumabas si Karina sa kuwarto niya. Pagbukas niya ng pintuan ay doon na n
BUONG biyaheng natulog si Karina. Napagod ito sa pagpupumiglas sa naglalakihan at nagkikisigang mga body guards ni Winston Miller. Naubos yata ang lakas niya. Maging ang boses niya ay sumuko na rin. Tumigil ang kanilang kotse sa tapat ng isang napakalaking mall. Winston took a glance at Karina who's sleeping next to him. She looks like an angel asleep. Winston can't help but think of how angelic she is sleeping but a total opposite whenever she's awake. Para kasi itong dragon kapag gising. Tinapik-tapik ng binata ng mahina ang pisnge ng nahihimbing na si Karina. She even drool while sleeping. Napakurap-kurap siya at dahan-dahang iminulat ang kanyang mata. Mariing pinunasan niya ang laway na natulo sa gilid ng kanyang labi. Winston smirked at how messy she could be. "Kamusta ang tulog ng munting prinsesa?" ani Winston saka ngumisi. "Munting prinsesa? Yaya kamo!" Kakagising pa laman
Hindi mapigilan ni Karina na pagmasdan ang mga paninda sa loob. Sobrang mamahalin. Mapa-coats, dresses, shirts, vases, furnitures, shoes, heels, at kung anu-ano pa. Naaawa siyang napatingin sa suot niya. Naka-t-shirt lang siya at nakasuot ng maong na pants na halata namang ilang taon na niyang ginagamit. Wala naman siyang masyadong maraming damit. Isa lang din ang sapatos niya. Dugo't pawis niya 'yon sa pagtatrabaho sa tiya at sinisimple niya lang ang pagbili no'n sa takot na mabulyawan ng mala-dragon niyang tiyahin sa kagustuhan nitong kamkamin lahat ng kinikita ni Karina. "Natahimik ka?" tanong ni Winston sa kanya. Pilit lang siya na ngumiti. "Ang yaman yaman n'yo pala talaga, 'no." Pumalakpak si Winston dahilan para magsitakbuhan papunta sa kanya ang tatlong sales lady. Napakunot-noo naman si Karina sa tagpong 'yon. Anong nangyayari? "I want you to give her everything that she needs," maotoridad na utos ni Winston sa kanila saka tinuro si K
"Cute name! Kasing cute mo," ani Evo na siyang nakapagpalula ng pisngi niya. Hala itong lalaking 'to. Lakas mang good time? E, bakit nga ba 'ko namumula? Aniya sa isipan. Kung ganito ba naman kaguwapo, willing akong magpa-uto. Pagbibiro niya sa isipan. Nangangarap ng gising. Hanggang sa exit door ng mall ay hinatid siya nito. Nakita naman iyon ni Winston habang nasa loob siya ng limo niya at naghihintay sa paglabas ni Karina. He can't help but laugh nang makita niyang halos hindi ito makita sa dami ng bitbit niyang paper bags. Then binalingan niyang tingin ang lalaking nakatayo katabi niya. Sinadya niyang lumabas para salubungin si Karina hindi para tulungan ito kundi para ipaunawa sa kanya that she needs to learn her place. Isa pa, kilala niya ang lalaking kasama nito. Kilalang-kilala. "Winston?" ani Evo nang makitang lumabas si Winston sa tapat sasakyan na hinintuan nila ni Karina. "Kilala mo siya?" nagtatakang tanong ni Karina. "Yes. He's m
Sa wakas ay nakarating si Karina sa kuwarto ni Winston dala ang pinamili ng amo para sa sarili nito at sa kanya. Pero halos mapaupo siya nang makita ang sitwasyon ng kuwarto ng binata. "Tao ba ang dumaan dito, o delubyo?" aniya sa kawalan. Hindi niya napansin na nasa likoran lamang niya si Winston at tahimik siyang pinagmamasdan. "Lord, give me strength!" aniya pa sabay na pinagdikit ang palad na nagdadasal. "Hindi ka kayang tulungan ni Lord na maglinis diyan kaya magsimula ka na." Napalingon si Karina sa pinanggalingan ng boses. Si Winston ang nagsalita. Sinamaan niya ito ng tingin pero agad rin nitong binawi ang masasamang titig niya at pinalitan ng pagpapa-cute. Baka maparusahan na naman siya ng 'di oras. "Oo nga, Sir ano?" sarkasitiko niyang sabi kasabay ng paniningkit ng kanyang mata. Ibinagsak niya ang mga paper bags sa sahig. "What the! Be careful with my things! Mas mahal pa sa buhay mo 'yan!" sigaw ni Winston. "Ay,