Share

CHAPTER FIVE

BUONG biyaheng natulog si Karina. Napagod ito sa pagpupumiglas sa naglalakihan at nagkikisigang mga body guards ni Winston Miller. Naubos yata ang lakas niya. Maging ang boses niya ay sumuko na rin. 

Tumigil ang kanilang kotse sa tapat ng isang napakalaking mall. Winston took a glance at Karina who's sleeping next to him. She looks like an angel asleep. Winston can't help but think of how angelic she is sleeping but a total opposite whenever she's awake. Para kasi itong dragon kapag gising.

Tinapik-tapik ng binata ng mahina ang pisnge ng nahihimbing na si Karina. She even drool while sleeping. Napakurap-kurap siya at dahan-dahang iminulat ang kanyang mata. Mariing pinunasan niya ang laway na natulo sa gilid ng kanyang labi. 

Winston smirked at how messy she could be. "Kamusta ang tulog ng munting prinsesa?" ani Winston saka ngumisi.

"Munting prinsesa? Yaya kamo!" Kakagising pa lamang ni Karina ay naghisterikal na kaagad siya. Nanumbalik na ba muli ang lakas niya kaya't heto na naman siya ngayon at nagsisigaw.

"Ayaw mo ba? Prinsesa na nga ang tawag ko sa 'yo."

"Dapat ko ba 'yong ikatuwa, Mr. Winston? Malayo 'yon sa katotohanan." 

Ngumisi ang binata. "Yes! Kasi kung hindi ka prinsesa, hindi mo matitikman ang halik ng isang prinsipe," pagmamayabang na saad ni Winston. 

Kailan pa ito natutong mang-asar? Hindi tuloy maiwasang magtaka ng mga body guards niya. Kahit na matitikas ang katawan ng mga iyon ay tahimik rin lang silang nakikinig sa usapan. Winston trusts them anyway. 

Karina glared at his boss dahil sa mga sinabi nito. How dare he?! Magnanakaw ng halik! 

"At talagang pinaalala mo pa?"

"Miss, you can't talk like that to our boss. He's your boss. You must obey him and agree with him all the time," biglang singit ng isa sa mga body guards. 

Binalingan ni Karina ang lalaki na kasasalita. "Ano ba ang pangalan mo?" tanong niya.

"I'm Marky, miss." 

"Okay, Marky. Kung ganyan kayo ni-train nitong amo n'yo, papayag ka ba'ng basta ka na lang niya halikan? Iyon ba ang ibig sabihin mo ng obey him and agree with him all the time?" taas kilay at naka-cross-arms na untag ni Karina. 

"Miss, isa ka lang naman sa hindi na mabilang na mga naging personal maids ni Sir Winston. As for the record, ikaw ang pinakaunang nagbreak ng rule." 

Nagpantig ang tenga doon ni Karina. Did he just insulted me? Porke isa lang ako sa mga naging personal maids ni Winston wala na akong karapatang humindi? Tumanggi? Gano'n gano'n lang ba 'yon?!

Sisigaw na naman sana si Karina nang takpan ni Winston ang bunganga niya. Malalaki ang palad ng binata kaya't sakop na sakop nito ang kanyang manipis na labi.

"Hmmp!" impit niyang sigaw.

"I'll just let your mouth go kapag tumahimik ka," maotoridad na wika ni Winston. 

Karina gave him a glare saka unti-unting kumalma. Wala na siya sa mood.

Nauna nang lumabas si Winston sa kanyang limo. Sumunod rin sa kanya ang mga body guards niya samantalang si Karina, ni wala yatang balak lumabas. Pakiramdam niya, pinagkakaisahan siya ng mga lalaking kasama niya.

"Aren't you coming out?" inis na wika ni Winston dahilan para mas lalong mainis si Karina. 

"Ito na nga, o. Lalabas na!"

She suddenly realized her purpose of applying for this job. Iyon ay hindi para magsaya kundi para magtrabaho ng matino. Makatakas man lang sa mapanakit niyang tiya. Madami pa siyang pangarap na gustong abutin at isa na itong magandang oportunidad para makamit niya 'yon ng paunti-unti. Kung tutuusin nga, sobra-sobra pa ang ibinibigay na sweldo ni Winston sa kanya. Para na rin siyang nasa abroad no'n. Ang sabi pa nito ay pwede pa 'yong madagdagan, depende sa performance niya. Kaya inisip na lamang ni Karina na tiisin ang lahat ng ito dahil maganda rin naman ang dulot nito sa magiging kinabukasan niya. 

Isang hakbang pa lang palabas ang nagagawa niya ay nalula na siya sa napakalaking mall na tumambad sa kanyang pagmumukha. Mukhang pinagmuka no'n sa kanya ang pagiging dukha niya. Binasa niya iyong nakasulat sa electronic signboard. ‘Sophistique’ ang nakalagay doon.

"M-Mall ba t-talaga 'to, o hotel?" hindi makapaniwala niyang sabi sa kanyang sarili. Nalula siya sa kalakihan ag kagandahan no'n. Mukha talagang mamahalin. Ni hindi nga niya kayang tapakan ang red carpet na papasok sa mall na iyon. Akala ko sa ball lang maypa-red carpet! Sa mall rin pala? Aniya sa isipan na hindi pa rin makapaniwala.

"Boys, take a look after her. Baka mahimatay sa loob," pang-aasar muli ni Winston. 

Nagsitawanan pa tuloy ang mga body guards niya dahilan para mas lalong isipin ni Karina na pinagkakaisahan siya ng mga lalaking 'to. 

Hindi biro ang mall na iyon na pagmamay-ari mismo ng mga Miller. Kanila lang 'yon. Isa lang ito sa mga namamayagpag na business nila at hindi rin biro ang bilyon-bilyong ginastos nila sa pagpapatayo ng mall na ito. 

"Miss, baka hindi pa nakukuwento ni Mr. Winston sa 'yo, this is their mall." 

Halos malaglag ang panga ni Karina nang marinig 'yon. I-It's their mall?! Nanlalaki ang kanyang mga mata. 

"H-Ha?!" histerikal niyang sagot.

Napangisi lang si Winston sa naging reaksyon ni Karina. She's really clueless kung hanggang saan at kung gaano kalawak ang yaman ng mga Miller. Kaya nga yata nilang bilhin ang isang buong pulo. 

Nanginginig si Karina na inihakbang ang kanyang paa. Napatigil siya saglit kaya't napatingin sa kanya lahat ng body guards ni Winston pati na rin ang binata. Nakakunot-noo silang binalingan siya ng tingin. 

Hinubad ni Karina ang suot niyang rubber shoes dahilan para mas lalong kumunot ang noo nilang lahat. 

"What the hell are you doing?" nagtatakang tanong ni Winston. 

"Ano ba kayo, hubarin n'yo iyang mga sapatos n'yo. Madudumihan ang sahig! Tingnan n'yo nga, marmol pa ito!"

Nasapok na lamang ni Winston ang kanyang noo. 

"Tumayo ka riyan, don't make a scene," maotoridad niyang sambit

"Bakit?"

"I said stand!" 

Dali-daling napatayo si Karina at natarantang isinuot ang sapatos niya. Mukhang naging dragon na si Winston. Mahirap na. Paiba-iba ba talaga ito ng mood? She said to herself.

Hinigit siya ni Winston dahilan para ma-lock siya sa malalaki nitong braso. Hindi na siya nakagalaw pa. Nang magkadikit ang mga balat nila ay hindi na niya alam kung normal pa ba ang bilis ng pagtibok ng puso niya. 

"B-Bitawan mo ako," ani Karina.

"No. Baka ano pang maging resulta ng ka-clumsyhan mo at makasira ka pa ng mga paninda rito. Mas mahal pa sa buhay mo lahat ng naririto," pagmamayabang ni Winston. 

Umusok naman ang ilong ni Karina sa tinuran ng kanyang amo ngayon lang. Wala na siyang nagawa kundi ang itikom ang bibig niya at sumunod na lang dito kung gusto niyang makawala sa mga bisig nito. Pero sa bango ni Winston, sumagi rin sa isip niya na kahit hindi na siya bitawan ng binata. Langhap na langhap nito ang kanyang perfume na hindi naman gaano katapang. Masyadong nakakalalaki ang amoy. She loves his scent. Hindi niya namalayan ang sarili na sinisinghot-singhot na ang kili-kili ng binata. 

"What the heck?" ani Winston saka mahina siyang naitulak. 

"Ay, sorry, Sir. Nadala lang!" Napa-peace sign na lamang si Karina sa kahihiyan. Gosh! Ano ba naman 'yan, Karina? Magtigil ka nga sa kagagahan mo! Aniya sa sarili.

Comments (7)
goodnovel comment avatar
SKYGOODNOVEL
hahaha, dami kong tawa dito. Ang ganda nitong story.
goodnovel comment avatar
Jhonadel Gallana
Ang ganda ...️
goodnovel comment avatar
Merlie Ortinez-Tinte
i love this story......️.........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status