Home / Romance / His Personal Maid / CHAPTER SEVEN

Share

CHAPTER SEVEN

"Cute name! Kasing cute mo," ani Evo na siyang nakapagpalula ng pisngi niya.

Hala itong lalaking 'to. Lakas mang good time? E, bakit nga ba 'ko namumula? Aniya sa isipan. Kung ganito ba naman kaguwapo, willing akong magpa-uto. Pagbibiro niya sa isipan. Nangangarap ng gising.

Hanggang sa exit door ng mall ay hinatid siya nito. Nakita naman iyon ni Winston habang nasa loob siya ng limo niya at naghihintay sa paglabas ni Karina. He can't help but laugh nang makita niyang halos hindi ito makita sa dami ng bitbit niyang paper bags. Then binalingan niyang tingin ang lalaking nakatayo katabi niya. Sinadya niyang lumabas para salubungin si Karina hindi para tulungan ito kundi para ipaunawa sa kanya that she needs to learn her place. Isa pa, kilala niya ang lalaking kasama nito. Kilalang-kilala.

"Winston?" ani Evo nang makitang lumabas si Winston sa tapat sasakyan na hinintuan nila ni Karina.

"Kilala mo siya?" nagtatakang tanong ni Karina.

"Yes. He's my best friend!" nag fist balm silang dalawa ng kaibigan.

Napanganga tuloy si Karina sa gulat. Sobrang liit naman ng mundo!

"Why are you here, bro?" tanong ni Winston kay Evo.

"May binili lang. I saw this young lady carrying loads of paper bags so I offered a help," ani Evo.

"Don't be so kind, bro. This young lady here is my personal maid. It's her duty to carry those bags. Besides, she spoke ill to me."

Napa-woah si Evo sa kanyang isipan. So this girl is really something? Aniya pa.

"Really? How brave of you, Karina! No one ever spoke ill to this Mr. Billionare right here. I salute you!" namamangha pa nitong sagot.

"Shut up, man. Ako ang kaibigan mo dito."

Evo chuckled. He can't believe na nakahanap ng katapat si Winston.

Wala talagang nagatatagal na personal maid sa binata bukod sa masyado siyang makalat, maiksi rin ang pasensya nito at mabilis na magalit lalo na kapag hindi pabor sa kanya ang ginawa mo. Karina is just one of those many personal maids na puwede nitong paalisin anytime. Pero hindi niya makitang mapapalis si Karina at her state now.

"A-Ah, Sir? Baka lang naman may balak kang papasukin ako sa kotse nang mailagay ko na sa loob ang paper bags na 'to? Hindi ko na kayang buhatin lahat, e," sarkastikong tugon ni Karina. Bakas ang pagtagaktak ng pawis sa kanyang noo at pamumula ng kanyang pisngi.

"Tss." Tanging naisagot ni Winston before he gave way for Karina.

"Thank you, ha?" sarkastikong tugon muli ng dalaga.

"Dude! She's unbelieveable! Idol ko na si Karina!" natatawang turan ni Evo.

"Palaban talaga siya, dude. Pero magpapatalo ba 'ko?"

"Well, you can get everything in your own ways. Pero she's really pretty, dude! Simple nga lang. You know what, I kinda have crush on her already," nakangiti nitong sagot na parang nagdi-day-dream.

Mahina siyang tinapik ni Winston.

"No. Just find anyone else, but not Karina, bro."

"Bakit?" seryosong tanong ni Evo.

"She's mine. I-I mean, my maid. Kailangan niyang pag-igihan muna ang trabaho niya sa 'kin. I won't let her have any other relationship with anyone except being my maid." Pagdidiin ni Winston.

Evo just shrugged his shoulders.

"Fine, bro. Aalis na 'ko. Siya nga pala, may number ka ba ni Karina? Pahingi naman!" pagbibiro nito.

Mukhang paninindigan na talaga ni Winston ang sinabi niya. With all his Riches, kayang-kaya niya iyong gawin kay Karina. No other relationship except being his maid? Hindi rin ito puwedeng makipagrelasyon sa iba habang personal niya itong yaya? He's really capable of making that happen. Pero, makakapayag ba ang isang Karina de Joseph na sanay sa hirap ng buhay? Palaban at may pangarap?

Habang nasa sasakyan sila ay tahimik lang si Karina. Tahimik na nagdi-day-dream kay Evo. Mukhang nabihag agad ito sa kapogian ng bestfriend ni Winston. Nakangisi siya habang nakatingin sa kawalan na parang nababaliw.

Napatingin sa gawi niya si Winston ag napakunot-noo. Na-weirdohan siya pagngisi-ngisi ni Karina. Tinatanong sa isipan kung nababaliw na ba ang dalaga o sadyang baliw lang talaga ito noon pa man.

"Are you day-dreaming or something?" he asked.

"Ha," nakangiti niyang sagot habang kumikinang pa rin ang mga mata. Baliw!

"You're crazy!"

"Crazy?" sagot muli ni Karina na wala sa sarili. Nakangisi pa rin ito.

Sobrang bilis ng pagpapatakbo ng driver nila pero tila slowmotion ang dating kay Karina.

"Stop the limo!" utos ni Winston kaya't biglang nagpreno ang sasakyan.

"AAAHHH!!" sigaw ni Karina nang masubsob siya.

"Ano ba naman 'yan, Kuya! Magdahan-dahan ka naman sa pagpreno. Kainis!" reklamo niya sabay hawak sa matangos niyang ilong na nasaktan sa pagkakasubsob niya.

"There, you're back to your own self," nakangising sabi ni Winston saka pinaandar ulit ng driver ang sasakyan.

"Sinadya mo 'yon?!" histerikal na turan ni Karina. Saka niya biglang naalala na kailangan na pala niyang magpakabait at hindi na niya dapat sigaw-sigawan si Winston.

"Sadyain mo pa pala ulit," aniya na parang siraulo na pabago-bago ng mood.

Hindi siya pinansin ni Winston hanggang sa makauwi sila ng mansyon. Hinayaan rin siya ng mga body guards na buhatin lahat ng paper bags na pinamili nila kanina. Pakiramdam niya tuloy, kahit nilibre siya ni Winston, may kaakibat naman iyong paghihirap! Hindi pa rin libre pero puwede na. Minsan lang sa tanang buhay niya siya magkakaroon ng gano'n kamamahal at kagagandang mga damit.

Saglit na tumigil si Winston. Pero dahil hindi na makita ni Karina ang dinadaanan niya dahil natatabuan ng paper bags ang mukha niya, hindi niya iyon napansin kaya't ang ending, nabunggo siya sa likoran ng binata.

"Ouch!" reklamo ni Winston.

"Nako po!" ani Karina saka napahilamos sa kanyang mukha dahil sa nagkandahulog na naman na mga paper bags. Maghihirap na naman siyang pulutin ang mga iyon isa-isa. Kalbaryo ba itong pinasok ko? Aniya sa isipan.

"Sino ba ang nagsabi sa 'yong dalhin mo 'yan lahat ng sabay? Are you even using your little brain?" sarkastikong sabi ni Winston.

Oo nga naman, Karina? Sino ba ang nagsabing pagsabay-sabayin mo 'yan lahat? Si Wonder woman ka ba?

Napa-pout na lamang siya at hindi na sumagot kay Winston. Mahirap na, baka hindi na naman siya makapreno ng dila niya. Matiyaga niya na lamang na pinulot ang mga iyon.

"Tss."

Tanging nasabi ni Winston saka dumiretso ng lakad papasok.

Napa-roll eyes si Karina sa kahaningan. Nanggigigil siya dahil ni isa sa mga body guards ng amo niya ay walang tumulong sa kanya. Pakiramdam niya ay nagsiakyatan ang lahat ng dugo niya sa ulo. Wala na bang gentleman sa panahon ngayon?

Zenshine

Sana po magustohan ninyo! 🥰 rate this story if you love to!

| 75
Mga Comments (35)
goodnovel comment avatar
Marilou Cabuslay Tomagan
kiliggg much.........
goodnovel comment avatar
Wilma Garcia Bacruya
Nice story hindi boring basahin thanks...️
goodnovel comment avatar
Jeffrey Dancalan
super cute nila ,nakakakilig po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status