Share

CHAPTER SIX

Hindi mapigilan ni Karina na pagmasdan ang mga paninda sa loob. Sobrang mamahalin. Mapa-coats, dresses, shirts, vases, furnitures, shoes, heels, at kung anu-ano pa. Naaawa siyang napatingin sa suot niya. Naka-t-shirt lang siya at nakasuot ng maong na pants na halata namang ilang taon na niyang ginagamit. Wala naman siyang masyadong maraming damit. Isa lang din ang sapatos niya. Dugo't pawis niya 'yon sa pagtatrabaho sa tiya at sinisimple niya lang ang pagbili no'n sa takot na mabulyawan ng mala-dragon niyang tiyahin sa kagustuhan nitong kamkamin lahat ng kinikita ni Karina.

"Natahimik ka?" tanong ni Winston sa kanya.

Pilit lang siya na ngumiti. "Ang yaman yaman n'yo pala talaga, 'no."

Pumalakpak si Winston dahilan para magsitakbuhan papunta sa kanya ang tatlong sales lady. Napakunot-noo naman si Karina sa tagpong 'yon.

Anong nangyayari?

"I want you to give her everything that she needs," maotoridad na utos ni Winston sa kanila saka tinuro si Karina. Nataranta naman ang mga ito at hindi agad magkandaugaga sa pagsunod sa utos ng boss nila.

"E?" tanging naisambit ni Karina.

"What?" ani Winston saka inilibot ang paningin sa buong mall.

"Wala akong kakayanang magbayad—"

"It's free. You don't have to worry."

Napanganga si Karina sa narinig. Inalog-alog pa niya ang tenga niya at baka nabibingi na siya.

Hindi bababa sa limang libo ang mga paninda rito at pinabibigay niya lang sa akin ang kailangan ko, for free?! Am I dreaming?!

"Please close your mouth," sita ni Winston. Literal kasi na napanganga si Karina.

Agad namang isinara iyon ni Karina na wala sa sarili.

"This is what you get for being the princess. Ano? Ayaw mo pa rin ba na maging prinsesa?"

Napaiwas ng tingin si Karina. Prinsesa your face! Baka nga pinaglalaruan mo lang ako, e. Ang mga mayayaman, walang pakundangan sa paglustay ng pera, samantalang ang mahihirap na tulad ko, isang kahig isang tuka, ni hindi kayang maatim na maglustay ng pera sa isang cheapipay na bagay man lang.

"Iyan ba ang nakukuha ng pera mo?" matapang na sagot ni Karina. "Hindi lahat kaya mong makuha dahil lang mapera ka. Matanong nga kita, Sir. Masaya ka ba?" she furiously asked.

Nag-init ang batok ni Winston sa mga sinabi ni Karina. Nag-iba ang ihip ng hangin at pakiramdam niya ay nainsulto siya.

Am I really happy? Tanong niya sa sarili.

"Shut your filthy mouth."

Iyon lang ang nasabi niya. He's guilty. He can't even answer Karina's question directly.

Nagkibit-balikat si Karina. "Hindi ka masaya. Nakikita ko sa mga mata mo."

"Guards, take her away from me," utos ni Winston saka hinawakan na naman ng mga body guards niya si Karina sa magkabilang braso nito at hinigit papalayo.

Aangal na naman sana siya pero hindi na lang niya tinuloy at mase-stress lang siya.

Dinala nila si Karina sa tatlong sales lady na inutusan ni Winston kanina na pumili ng mga kakailanganin ng dalaga saka siya iniwan doon.

"Hi, Ma'am. Ito na po ang mga napili namin para sa inyo!" masiglang wika ng isang sales lady na medyo may katangkaran. Maputi siya at disente ang ayos niya. Anyway, this mall is decent kasi at mukhang walang lugar ang mga pulubi rito. Gayon din siguro sa qualifications ng staff nila dito.

Iniabot ng mga sales lady sa kanya ang samo't sari at naglalakihang paper bags. Meron ding maliliit. Hindi na nga iyon kayang hawakan at bitbitin lahat ni Karina. Nahirapan pa siya. Mabuti na lang at binalikan siya ng mga body guards ni Winston. Makakahinga na sana siya ng maluwag pero hindi doon natatapos ang kalbaryo niya.

Pinabitbit rin sa kanya ang samo't-saring paper bags na naglalaman ng mga pinamili rin ng binata. Halos malaglag ang panga niya sa dami no'n.

"What the hell! Sigurado ba kayong ipapapasan n'yo lang ng 'to sa 'kin? Mukha ba 'kong kargador?" Pagrereklamo niya.

"Sa susunod kasi, Miss. Don't ever speak ill of Mr. Winston, nang hindi ka parusahan ng ganyan. Isa pa, know your place. You are just his maid."

Nasaktan siya sa mga sinabing iyon ni Marky. Isa sa mga body guards. Nagulat pa siya dahil hindi niya agad naalala kung anong masamang sinabi niya kay Winston.

Ilang saglit pa nang tuluyan niyang maalala ang sinabi niya. Nainsulto niya si Winston.

Napa-face palm na lamang si Karina. Iyang tabas ng dila mo kasi, self e. Nako! Magpe-preno na talaga ako sa susunod. Kaya tayo nalalagay sa alanganin, e.

Napabuntong-hininga na lamang si Karina na tinanggap ang kasalanan niya. Pinilit na lamang niyang bitbitin ang mga paperbags na iyon na halos tabunan na siya sa dami at laki ng mga iyon. Pinagsumikapan niya iyong dalhin lahat at tinanggap na iyon ang parusa sa kanya ni Winston.

Ilang beses rin siyang nasubsob at tumayo ulit. Hindi talaga siya binabalingan ng mga ugok na lalaking kasama niya. She pouted saka isa-isang pinulot na naman ang mga paper bags na iyon.

Maya-maya pa ay nakabunggo siya ng isang lalaki dahilan para magkandahulog na naman ang dinadala niya.

"Hala! Sorry, Sir! Sorry!" natataranta niyang sabi saka pinulot ang mga nahulog na paperbags at isinabit iyon muli sa braso at kamay niya.

"It's okay, Miss. Mukhang madami 'yan. Gusto mo ba, tulungan na kita?" Alok ng lalaki sa kanya.

Hindi niya pa maaninag ang mukhang 'yon ng lalaki dahil sa dami ng dala niya at nakatakip sa kanyang mukha.

"T-Talaga po? P-Pero hindi na po. A-Ayaw kong makaabala." Tanggi ni Karina.

"No! I insist. I can't stand just watching you like that!" Pagpupumilit ng lalaki.

Napangiti si Karina. Ang bait naman ng lalaking 'to! Aniya sa kanyang isipan saka ipinahawak sa lalaki ang iba niyang dala. Doon rin niya nasilayan ang mukha nito. At halos mapatulala siya sa nakikita niya.

Nasa langit na ba ako? Bakit parang may isang anghel na bumaba sa lupa? Ang guwapo!

Nagtitili na siya sa isipan niya. Hindi niya alam na bukod kay Winston, may isa pa rin palang guwapong nilalang na nasa ibabaw ng lupa at pagala-gala. Hindi niya agad naialis ang tingin niya sa lalaking nasa harapan niya ngayon. Nakasuot ito ng puting polo, saka navy blue na pants saka balat na sapatos.

Panigurado, mayaman rin 'to.

"Salamat, ha." Iyon lang ang tanging naibulalas niya. Parang nagslowmotion ang lahat sa paligid. Bigla siyang naging pabebe!

"It's nothing, Miss. I'm Evo by the way. Evo Sanches. You are?" tanong ng lalaki. Inilahad nito ang kanyang kamay kay Karina but she seems shy to take it.

Nag-aalangan pa siya dahil baka marumi ang kamay niya.

"A-Ako si K-Karina," humahangos niyang sagot. Nangininig at nanlalamig pa ang kamay niyang iniabot iyon sa binata. 

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Your Sunshine
may new story po si Ms. Zenshine. ... • Hiding The Ceo's Baby • The Casanova's Contracted Wife
goodnovel comment avatar
Emm Sanchez
.........i love the story..
goodnovel comment avatar
Jessa Gilladoga
ganda nang story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status