At dito nagtatapos ang kwento. Chareng. hahaha. We'll stop muna sa POV ni March. We'll proceed to Tanya. So expect na maraming chapters pa na naka focus tayo kay Tanya (sa past) bago tayo bumalik sa wedding day at kapag bumalik tayo sa wedding moment, POV na ni ROD ang mababasa niyo.
-TANYA- “Ayos ka lang?” ang tanong ni Ernesto sa akin habang pinagmamasdan ako na nanonood ng TV. Ngumiti ako at tumango habang umiiyak. Napapanood ngayon ng live ang kaganapan sa kasal ni Rodie James Chavez at sa ina ng quintuplets niya na si March Yana. “Bakit ka umiiyak?” tanong ng kaibigan ko. Tumayo ako at palihim na pinunasan ang luha sa mga mata ko. “Wala naman. Sinong nagsabi na umiiyak ako?” ang sabi ko at lumabas ng bahay. Umupo ako sa upuan na nasa veranda habang nakatingin sa kalangitan. Siguro ito ang kaparusahan sa lahat ng kasalanan na nagawa ko. (Flashback) “Ate, ulam,” tumambad sa harapan ko si Virgie, ang kapit bahay kong laging naghahatid sa akin ng ulam. “Naku, nag-abala ka pa,” sabi ko. “Hali ka, pasok ka sa bahay ko,” Ngumiti siya at pumasok. “Ate, anong nararamdaman mo?” Ngumiti ako at tumingin sa tiyan ko kung saan siya nakatingin. “Maayos naman ang pakiramdam ko.” “Hindi ba mahirap magbuntis, ate?” “Mahirap pero ayos lang naman,” “Nakakainggit ka n
Hindi pa rin ako sumuko na puntahan si Clarissa. Gusto kong makita ang anak ko. Hindi mapipigilan iyon ni Quilacio kahit na anong gawin niya. Kahit patago lang, ayos lang sa akin. Basta masilayan ko lang siya lagi. “Ate Tanya, napaka busy mo,” si Virgie na nasa bahay ko na naman nakatambay. “Lagi kang umaalis sa bahay mo.. Wala tuloy akong kausap.” “Bakit? May gusto ka bang sabihin?” “Naku ate! Magsusumbong lang ako. Si Alfredo kasi ate, ang kulit kulit. Sinabi ko na sa kaniya na ayaw ko siyang sagutin kasi may sakit ako, sabi niya hindi siya susuko. Kung pwede ay papakasalan niya raw ako. Nababaliw na talaga siya.” Napangiti ako habang nakatingin sa mukha niyang sobrang pula. “Huwag mo kasing pigilan ang sarili mo. Alam ko namang kinikilig ka,” Ngumuso siya. “Anong ginagawa mo ate?” napatingin siya sa laruan na binabalot ko. “Gusto ko kasing bigyan ng regalo ang anak ko,” Nagulat siya ng banggitin ko ang anak. “Anak? May isa ka pang anak ate?” “Oo, Virgie. May isa pa akong
“Ate, siya ba ang anak mo?” tanong ni Virgie sa tabi ko habang nakatingin kay Clarissa na naglalaro na naman mag-isa sa labas ng bahay kasama ng manika niya. “Oo. Ang ganda niya hindi ba?” “Oo ate, ang ganda niya.” Ang sabi niya sa akin. “Pero ate, paano tayo makakalapit sa anak mo?” Hindi ko rin alam. Gusto kong ibigay ito sa kaniya ngayon ang regalo ko. Naghintay muna kami ng ilang sandali at nang makita na sandaling umalis ang mga guards sa gate, nagtangka akong lumapit ngunit nakita ko si Quilacio kasama ng kaibigan niyang si Renan na lumabas mula sa loob ng bahay nila at nag-usap sa harapan ng pintuan. Napatago ako muli at nanlalaki ang mata nang mamataan ko si Renan. Nandito siya? Tumingin si Virgie sa akin nang nagtataka. “Papa niya iyon ate?” tumango ako nang ituro ni Virgie si Quilacio. “Ako na ang mag-aabot ate.” Kinuha bigla ni Virgie ang regalo para sa anak ko at agad na kumaripas ng takbo papalapit sa gate. Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa kaniya. Jusko
“ATEEE!” Sunday morning, rinig na rinig ko na ang boses ni Virgie sa labas ng bahay ko. Kasalukuyan akong nagluluto ng itlog para sa breakfast ko. “Ateee! Nasaan ka ate?” “Nasa kusina ako! Bakit ka sumisigaw?” natatawa kong tanong. “Ate, may gooood neeeews ako!” Excited na sabi niya. Ako naman ay pinatay ko ang kalan at hinarap siya. “Anong good news iyan?” tanong ko. “Ateeee, lumabas na ang latest biopsy results ko.” Aniya, na naluluha. “Ate, may chance na hindi na ako iinom ng gamot sa sakit ko kasi there are no detectable cancer cells sa katawan ko. Huhu! Ateeee. Sana magtuloy tuloy na.” Napaawang ang labi ko. Nanlalaki ang mata at niyakap ko siya at sabay sabay kaming tuma-talon talon sa tuwa. “That’s a good news Virgie. I’m so happy for you,” naluluha na sabi ko. “Ate, si baby.. ano ka ba!” Sabi niya sa akin at nakalimutan kong buntis nga pala ako pero tumalon talon ako. “Ang saya ko talaga ate kasi maayos na naman ang katawan ko. I mean, hindi na ako nahihilo, wala ng ma
Galit na tinignan ni Renan si Alfredo. “Sir Renan, calm down. Nasa public area tayo, hindi ka pwedeng gumawa ng gulo.” Ang sabi no’ng respected secretary sa pamilyang Abeola. Napatingin ako sa mga bodyguards na nagsidatingan. “Tandaan mo ito, Tanya, kahit saang lupalop ka man ng mundo magtago, hahanapin kita dahil akin ka,” aniya at napapikit ako at ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. “Hey. Nandito lang ako,” bulong ni Alfred at niyakap ako. Siguro ramdam niya ang takot ko. “You bastard! D-Don’t touch her!” Si Renan na binalak pa akong hablutin kay Alfred ngunit mabilis akong nailayo ni Alfred sa kaniya. Nagsimula nang magwala si Renan kaya walang nagawa ang mga bodyguards niya kun’di ang hawakan siya at hinila naman ako ni Alfred paalis, nagmamadali, dahil ayaw kong masundan ako ni Renan. Sumakay kami kaagad ng jeep at hindi na ako lumingon pa dahil ayaw kong makita ako ni Renan. Nilagay ni Alfred ang cap no’ng hood na pinasuot niya sa akin ng sa ganoon, matago ako. Dahil a
“Ate, ano mararamdaman mo kapag 3 months ka ng buntis?” tanong ni Virgie habang kumakain ng manggang hilaw. Hawak ko pa ang tabo at damit dahil marami pa siyang tanong kaya hindi ako makaligo. “Depende,” “Aw. Talaga ate? Hindi ka ba nagsusuka? Mahihilo? Hindi ba ganoon ang buntis gaya no’ng nasa mga pelikula?” No’ng kay Clarissa, nahihilo nga ako pero dito sa pangalawa, parang wala naman ako masiyadong problema. Nagmana siguro sa akin ito. “Depende talaga e,” “Ah.. Sana naman hindi ako pahirapan ng baby ko,” aniya na halata namang excited at sobrang masaya. “Hindi iyan. Sinabi mo na ba kay Alfred?” “Yes ate at tuwang tuwa nga po siya. Sabi niya, gusto niya na bago lumabas si baby namin e magpakasal na kami.” Ngumiti ako at natuwa. Wala akong masabi kay Alfred dahil mabait naman talaga at responsable. Saka masaya lagi si Virginia sa kaniya and that's more than enough for me. “Oh e anong sabi mo?” “Sabi ko sa kaniya ate na sige kasi mahal na mahal naman namin ang isa’t-isa a
From that day on, halos hindi ko na makita si Virgie na dumadalaw sa bahay. Alam kong sobrang bigat ng pinagdadaanan niya. It’s 24th on March at naghahanda na ako ng gagamit dahil luluwas na ako ng siyudad sa susunod na buwan then out of nowhere, nakita ko si Virgie sa pintuan. “Ate, bakit nandito ka pa?” nanibago ako sa kaniya dahil pumayat siya. “Bakit? Saan ba dapat ako?” natatawa kong sabi. “Ate, ano ka ba naman. Dapat sa hospital ka na. Feeling ko manganganak ka na e,” aniya. “Virgie, malayo pa,” “Malayo pa? Ate, puputok na ang tiyan mo oh! Pinagsasabi mo diyan na malayo pa? Tara samahan na kita,” aniya. Actually, pwede na akong pumunta ng hospital ngayon pero iniisip ko kasi si Renan. Natatakot akong magpangabot kami. Sana ay wala siya sa siyudad pero sobrang impossible dahil ang Abeola ang pinakama-impluwensyang pamilya ngayon sa Cagayan de Oro at pumapanglawa ang Malaque. “Sige na. Pero sasama ka?” takang tanong ko. “Oo ate kasi wala ka namang kasama na mag-aassist sa
-After 2 years- “Congratulations, you’re hired,” ngumiti ako at nakipagkamay kay Mrs. Chavez, ang asawa ng may-ari ng bagong hotel na ito. “Salamat, ma’am,” ang sabi ko. “Pwede ka ng magsimula bukas,” sabi niya at magalang akong tumango. Umuwi ako ng bahay at naabutan sa labas ng pintuan ang mga bulaklak na alam kong galing kay Renan. Kinuha ko ang bulaklak at itinapon sa basurahan. Hindi nga ako literal na nakakulong, ngunit lahat naman ng kilos ko ay bantay sarado niya. “Hindi mo kailangang itapon ang bulaklak, hija,” napalingon ako sa likuran at nakita ang ama ni Renan. “Anong ginagawa niyo dito?” “Tanggapin mo ang pinamili namin sa ‘yo,” sabi nito. “Kunin niyo na ‘yan, hindi ko tatanggapin iyan,” Hindi siya nakinig at pinapasok sa mga tauhan niya ang mga binili niya. “Gusto kong magpasalamat at nakumbinsi mo ang anak ko na magpatingin sa psychiatrist,” sabi niya. Pagak akong natawa. “Wala naman akong choice. At mabuti na rin iyon kesa paulit ulit niya akong halayin at
LAST AUTHOR’S NOTE Hi everyone, this is your Ms. A. I’m no longer putting some special chapters here to avoid any confusion. Nag end na po talaga ang story sa Epilogue. Naglagay lang ako ng SC to prolong the story a bit para may ma e look forward kayo na medyo related kina March at Clarissa. Iyong special chapters, medyo confusing na yata sa ibang readers so ayaw ko naman magkaganoon, that’s why, I’m ending it here. Ganoon pa man, nagpapasalamat ang puso ko sa inyo na sinamahan niyo ako sa journey ko dito. See you sa story ni Aru. Hope nandoon pa rin kayo. Kitakits sa April! This is indeed a long journey noh? September tayo unang nagkilala sa story ni March at nagtatapos sa 2024. Haha. Basta, mahal ko kayong lahat. Thank you po talaga. --Love, bulalakaw. (Ang story ni Aru ay series, remember the friends of Clark na si Hut, Jed, at Fero? Iyong business nila na Ship of Temptation ang gagawin kong series. Si Aru ang mauuna sa kanila (the first member) at isusulat ko siya sa 3rd po
MARCH “Ma, si kuya DJ ayaw akong samahan sa mall,” sumbong ni Farrah. Mainit ang ulo ko dahil kagabi pa hindi umuuwi si Rod. Kasama niya si kuya, Symon, Yu at Kin. Sinabi ko ng umuwi siya ng maaga pero nilasing ng walangho kong kapatid. “DJ?” Tumayo si Daniel at naglalambing na tumabi sa akin. Binata na ang boys ko pero kung umasta, parang bata pa rin. “Ma, huwag ako please.. Ayoko,” “Kuya, bakit ayaw mo kasi?” “Dahil kasama mo for sure ang baliw mong kaibigan,” nakangusong sabi ni Daniel. “Farrah, ang ate Alexa mo nalang ang isama mo,” sabi ko at wala siyang choice kun’di ang pumayag sa sinabi ko. Nang umalis si Farrah sa harapan namin, tumingin ako kay DJ. Nagpeace sign siya agad. “Ma, pupunta ka ba kay lolo ngayon?” “Bakit?” “Can I come?” “At bakit nga?” Lumapit siya sa tenga ko at may ibinulong. “Lolo has a treasure,” Pinagsingkitan ko siya nang mata at saka ko na namalayan na kumpleto na pala ang mga anak ko sa harapan. “Anong ginagawa niyo?” tanong ko. Nakasuot s
MARCH Pagpasok namin sa kwarto kung nasaan ang lolo Renan, napahinto kami nang makita siyang nakaupo sa kama at tinitignan ang sarili sa maliit na salamin. “Gwapo na ba ako?” sabi niya sa assistant niya. Tumingin ako sa tabi ko, nakita kong nalukot ang mukha ng kuya ko habang nakatingin sa lolo namin. “Dapat gwapo ako oras na magkita kami ng isa ko pang apo,” sabi niya. “Bakit hindi naman siya nagpagwapo no’ng ako ang kinita niya?” bulong bulo ni Clark sa tabi ko/ “LO!” Tumingin si lolo Renan sa gawi namin at agad umaliwalas ang mukha niya nang makita niya ako. “Ang apo ko!” Sabi niya at tumayo pero nakaalalay ang mga nurses papunta sa akin. “Hello po,” nahihiya kong sabi. “Apo, sa wakas, nandito ka na,” sabi pa niya. “Lo, apo mo rin ako,” sabi ni Clark pero hindi siya pinansin ni lolo Renan. “Parang isang beses pa niyang nakita ang paborito niyang apo ah,” si Clark na agad kinurot ni Ate Clarissa. “Tumahimik ka nga love,” ate “Bitter ka lang e,” Rod Sinimangutan silang da
MARCH “Let’s go?” sabi ni ate at tumango ako. Hinawakan niya ang kamay ko saka niya pinaandar ang sasakyan niya paalis papunta sa bahay ng lolo ni Clark. Kinakabahan ako. Pero nakita at nakilala ko na naman si lolo Renan sa tagal ng panahon na magkakilala kami ni ate at Clark. At masasabi kong sobrang spoiled talaga ako sa kaniya. Akala ko ay natural lang siyang ganoon pero ngayon, alam ko na bakit kakaiba ang kabaitan niya sa akin at sa mga anak ko. Nagring ang phone ko at nakita kong tumatawag si mama. “Ma?” “Papunta na kayo sa lolo niyo?” “Opo ma at kasama ko si ate,” “Are you okay anak?” Tumingin ako kay ate bago sumagot ng “yes ma, I’m okay,” Narinig ko ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya. “Ma, I’m fine. Huwag na kayong mag-alala sa akin,” “Hindi ko maiwasang mag-alala anak lalo pa’t-" hindi na natuloy ni mama ang sasabihin niya.. Naiintindihan ko kung mahirap sa kaniya na pagkatiwalaan muli si Sr. Renan kahit pa ilang taon na ang lumipas. “Ma, kasama ko n
MARCH “Nina texted me, your boys ordered a 1 case of beer from her.” Nakasimangot na sabi ko. Rod smiled at kissed my forehead. “Hindi ka pa ba nasanay?” “Why are you looking so proud there?” Natawa siya. “I’m not proud ah, what are you talking about?” “Sus, hindi daw!” “Oo nga. By the way, they are here,” sabi niya habang nakatingin sa gate. Nakita namin si ate na nakatayo sa labas at sa likod niya ay naroon si Clark na nagtatago sa akin. It’s been what? More than 10 years nang pinili nilang itikom ang bibig nila para sa akin. “Why are you hiding from ate’s back?” taas kilay na tanong ko. Oo, inabot ako ng ilang taon para tanungin kay mama kung sino ang totoong ama ko. When mama said the name Abeola, I knew that Clark and his grandfather are somewhat connected to me. Noon pa man, nagtataka na ako sa kabaitan ng lolo ni Clark sa akin, pero pinili kong huwag pansinin at piniling mamuhay kasama ni Rod, mga anak namin, ni mama, at ibang malapit sa amin. Hindi ko na inisip pa an
PUNN Lalapit na sana ako kay kuya BJ at Munn nang may kumalabit sa akin sa likuran. Nang tignan ko kung sino, nakita ko si Farrah. She’s smiling from ear to ear and hula ko ay may kailangan siya sa akin. “Kuya Punn, are you busy tomorrow?” Yeah. Tomorrow is Sunday, magsisimba kami. “Magsisimba kami bukas, bakit?” “Kuya, pasama ako bukas after ng samba niyo. Is it fine?” “Saan ka pupunta?” lumapit siya sa akin at may binulong. Nanlaki ang mata ko nang banggitin niya ang pangalan ng taong pupuntahan niya bukas. “Why me? Your brothers wouldn’t mind kung sila ang sasabihan mo,” Nakita kong humaba ang nguso niya. “Papa wouldn’t let me to come alone for sure. And ate AJ has something important to do tomorrow. Sina kuya naman, may training sila bukas sa martial arts.” “Yeah but I’m sure one of them wouldn’t mind to skip that training for you,” Pinagsingkitan niya ako ng mata. “Ayaw mo ba akong samahan kuya?” She’s here again, gaslighting me to get what she wanted. Farrah is a sl
PUNN “Punn, the table is set! Sunduin mo nga mga kuya mo sa labas!” ate AJ said, annoyed cause my cousins are not here yet. “Ate, walang magpapaypay dito!” I am pertaining to the barbeque na ginagawa namin. Ako nakatoka, kanina pa. “Si Farrah na bahala diyan!” I sighed and put down the fan para sunduin ang mga kuya ko na bumili lang naman ng drinks sa labas ng villa. Paglabas ko palang, I saw my cousins hitting on Aleng Nina’s granddaughter. Jujelen is at my age, and I heard kuya Blake kinda like her. I’m wondering, what’s with her, why kuya find her pretty? She’s plain and simple. I just sighed. “Kuya,” tawag ko sa kanila nang makalapit ako sa kanila. Jujelen looked at me, I just stared at her blankly before I look at my cousins. “Hanap kayo ni ate AJ,” sabi ko. I saw how kuya Elias’ eyes widen. “I told you kuya na bumili na tayo ng beer at bumalik. You didn’t listen,” kuya CJ said while busy on his phone. “Aleng Nina-" “Sinabi ng magulang niyo na no beer so walang beer. K
CLARISSA (15 years later) “Clarissa, pakilagay ito sa mesa,” “Mommy, wala pa po ba si kuya?” Napabuntong hininga siya. “Ewan ko ba dito sa kuya mo, sinabi ng agahan nila umuwi pero hanggang ngayon, wala pa rin,” Natawa ako. “Prena, hindi ka pa nasanay sa anak nating iyon,” natatawang sabi ni tiyang Ysabel na kakapasok lang ng kusina kasama ng mga maids sa likuran niya. Lumapit si mommy kay tiyang at isinabit niya ang kamay niya sa kamay ni tiyang. “Alam mo bang ang panyong ginawa mo?” “Talaga ba? Magbenta kayo ako sa mga amega mo?” Natawa nalang ko at napailing sa kanilang dalawa. “Tawagan ko lang si kuya mom, tiyang,” paalam ko pero hindi yata nila ako narinig na. Isang dial palang sinagot na agad ni kuya Aru ang tawag. “Nasaan ka na ba kuya?” “Easy lang little sis. Malapit na kami diyan. Nandiyan ba si tiyang?” “Kanina pa. At lagot ka sa kanila ni mommy pagpunta mo dito. Ang tagal mong dumating e,” “Traffic kasi sa langit kanina e. Hindi makadaan ang airplane na sinasakya
Happy new year, dear readers! Thank you po sa inyong lahat. Sana happy kayo kung nasaan kayo ngayon. :3 Please know na I am happy and grateful for what you've done to me. Sobrang salamat talaga sa inyong lahat kasi naging part kayo ng 2023 ko. Alam kong I'm not here to where I am now kung wala kayo. Kaya your Ms. A is very happy na nameet kayo. This is a sudden message. Haha. Pero gusto ko lang e type ito at sabihin sa inyo na heto, thankful ako. Sana po, hayaan niyo ako maging part ng 2024 niyo at maging part kayo ng 2024 ko. Hoping for a prosperous and bless year this coming 2024 and sana lahat tayo masaya. ------ Love, bulalakaw.