Happy lunch.
Matapos ang ilang oras na pinaganda nila ang mukha ko, pati buhok ko ay naka-ayos na rin. This is too much. Testing lang naman ito pero sobrang effort ng glam team na napili nina Juni. “ANG GANDA!” si Karen at Juni na nakatitig na sa akin. “Oh my God! Super ganda mo March!” Si Juni na tuwang tuwang habang nakatitig sa akin. Pinamulahan ako ng mukha sa mga komplimento nila. “Talaga ba?” tanong ko. “Oo nga. Tignan mo ang sarili mo sa salamin,” ang sabi nila. Nang tignan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin, napangiti ako kasi maganda nga ang pagkaka-make up sa akin. “Iyong gown! Isuot ang gown,” si Juni na excited. Nanlalaki ang mata ko na tumingin sa likuran kung nasaan ang wedding gown na napili ni Eya. “Susuotin ko ang gown? Pero bakit?” “Duh! Para malaman natin kung aling parte ang babaguhin,” ang sabi ni Junisa at inikutan ako ng mata. Ngumuso ako. Kung ako ang tatanungin, sobrang ganda ng gown at actually dapat wala ng babaguhin dahil maganda naman talaga siya. Baka m
-TANYA- “Ayos ka lang?” ang tanong ni Ernesto sa akin habang pinagmamasdan ako na nanonood ng TV. Ngumiti ako at tumango habang umiiyak. Napapanood ngayon ng live ang kaganapan sa kasal ni Rodie James Chavez at sa ina ng quintuplets niya na si March Yana. “Bakit ka umiiyak?” tanong ng kaibigan ko. Tumayo ako at palihim na pinunasan ang luha sa mga mata ko. “Wala naman. Sinong nagsabi na umiiyak ako?” ang sabi ko at lumabas ng bahay. Umupo ako sa upuan na nasa veranda habang nakatingin sa kalangitan. Siguro ito ang kaparusahan sa lahat ng kasalanan na nagawa ko. (Flashback) “Ate, ulam,” tumambad sa harapan ko si Virgie, ang kapit bahay kong laging naghahatid sa akin ng ulam. “Naku, nag-abala ka pa,” sabi ko. “Hali ka, pasok ka sa bahay ko,” Ngumiti siya at pumasok. “Ate, anong nararamdaman mo?” Ngumiti ako at tumingin sa tiyan ko kung saan siya nakatingin. “Maayos naman ang pakiramdam ko.” “Hindi ba mahirap magbuntis, ate?” “Mahirap pero ayos lang naman,” “Nakakainggit ka n
Hindi pa rin ako sumuko na puntahan si Clarissa. Gusto kong makita ang anak ko. Hindi mapipigilan iyon ni Quilacio kahit na anong gawin niya. Kahit patago lang, ayos lang sa akin. Basta masilayan ko lang siya lagi. “Ate Tanya, napaka busy mo,” si Virgie na nasa bahay ko na naman nakatambay. “Lagi kang umaalis sa bahay mo.. Wala tuloy akong kausap.” “Bakit? May gusto ka bang sabihin?” “Naku ate! Magsusumbong lang ako. Si Alfredo kasi ate, ang kulit kulit. Sinabi ko na sa kaniya na ayaw ko siyang sagutin kasi may sakit ako, sabi niya hindi siya susuko. Kung pwede ay papakasalan niya raw ako. Nababaliw na talaga siya.” Napangiti ako habang nakatingin sa mukha niyang sobrang pula. “Huwag mo kasing pigilan ang sarili mo. Alam ko namang kinikilig ka,” Ngumuso siya. “Anong ginagawa mo ate?” napatingin siya sa laruan na binabalot ko. “Gusto ko kasing bigyan ng regalo ang anak ko,” Nagulat siya ng banggitin ko ang anak. “Anak? May isa ka pang anak ate?” “Oo, Virgie. May isa pa akong
“Ate, siya ba ang anak mo?” tanong ni Virgie sa tabi ko habang nakatingin kay Clarissa na naglalaro na naman mag-isa sa labas ng bahay kasama ng manika niya. “Oo. Ang ganda niya hindi ba?” “Oo ate, ang ganda niya.” Ang sabi niya sa akin. “Pero ate, paano tayo makakalapit sa anak mo?” Hindi ko rin alam. Gusto kong ibigay ito sa kaniya ngayon ang regalo ko. Naghintay muna kami ng ilang sandali at nang makita na sandaling umalis ang mga guards sa gate, nagtangka akong lumapit ngunit nakita ko si Quilacio kasama ng kaibigan niyang si Renan na lumabas mula sa loob ng bahay nila at nag-usap sa harapan ng pintuan. Napatago ako muli at nanlalaki ang mata nang mamataan ko si Renan. Nandito siya? Tumingin si Virgie sa akin nang nagtataka. “Papa niya iyon ate?” tumango ako nang ituro ni Virgie si Quilacio. “Ako na ang mag-aabot ate.” Kinuha bigla ni Virgie ang regalo para sa anak ko at agad na kumaripas ng takbo papalapit sa gate. Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa kaniya. Jusko
“ATEEE!” Sunday morning, rinig na rinig ko na ang boses ni Virgie sa labas ng bahay ko. Kasalukuyan akong nagluluto ng itlog para sa breakfast ko. “Ateee! Nasaan ka ate?” “Nasa kusina ako! Bakit ka sumisigaw?” natatawa kong tanong. “Ate, may gooood neeeews ako!” Excited na sabi niya. Ako naman ay pinatay ko ang kalan at hinarap siya. “Anong good news iyan?” tanong ko. “Ateeee, lumabas na ang latest biopsy results ko.” Aniya, na naluluha. “Ate, may chance na hindi na ako iinom ng gamot sa sakit ko kasi there are no detectable cancer cells sa katawan ko. Huhu! Ateeee. Sana magtuloy tuloy na.” Napaawang ang labi ko. Nanlalaki ang mata at niyakap ko siya at sabay sabay kaming tuma-talon talon sa tuwa. “That’s a good news Virgie. I’m so happy for you,” naluluha na sabi ko. “Ate, si baby.. ano ka ba!” Sabi niya sa akin at nakalimutan kong buntis nga pala ako pero tumalon talon ako. “Ang saya ko talaga ate kasi maayos na naman ang katawan ko. I mean, hindi na ako nahihilo, wala ng ma
Galit na tinignan ni Renan si Alfredo. “Sir Renan, calm down. Nasa public area tayo, hindi ka pwedeng gumawa ng gulo.” Ang sabi no’ng respected secretary sa pamilyang Abeola. Napatingin ako sa mga bodyguards na nagsidatingan. “Tandaan mo ito, Tanya, kahit saang lupalop ka man ng mundo magtago, hahanapin kita dahil akin ka,” aniya at napapikit ako at ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. “Hey. Nandito lang ako,” bulong ni Alfred at niyakap ako. Siguro ramdam niya ang takot ko. “You bastard! D-Don’t touch her!” Si Renan na binalak pa akong hablutin kay Alfred ngunit mabilis akong nailayo ni Alfred sa kaniya. Nagsimula nang magwala si Renan kaya walang nagawa ang mga bodyguards niya kun’di ang hawakan siya at hinila naman ako ni Alfred paalis, nagmamadali, dahil ayaw kong masundan ako ni Renan. Sumakay kami kaagad ng jeep at hindi na ako lumingon pa dahil ayaw kong makita ako ni Renan. Nilagay ni Alfred ang cap no’ng hood na pinasuot niya sa akin ng sa ganoon, matago ako. Dahil a
“Ate, ano mararamdaman mo kapag 3 months ka ng buntis?” tanong ni Virgie habang kumakain ng manggang hilaw. Hawak ko pa ang tabo at damit dahil marami pa siyang tanong kaya hindi ako makaligo. “Depende,” “Aw. Talaga ate? Hindi ka ba nagsusuka? Mahihilo? Hindi ba ganoon ang buntis gaya no’ng nasa mga pelikula?” No’ng kay Clarissa, nahihilo nga ako pero dito sa pangalawa, parang wala naman ako masiyadong problema. Nagmana siguro sa akin ito. “Depende talaga e,” “Ah.. Sana naman hindi ako pahirapan ng baby ko,” aniya na halata namang excited at sobrang masaya. “Hindi iyan. Sinabi mo na ba kay Alfred?” “Yes ate at tuwang tuwa nga po siya. Sabi niya, gusto niya na bago lumabas si baby namin e magpakasal na kami.” Ngumiti ako at natuwa. Wala akong masabi kay Alfred dahil mabait naman talaga at responsable. Saka masaya lagi si Virginia sa kaniya and that's more than enough for me. “Oh e anong sabi mo?” “Sabi ko sa kaniya ate na sige kasi mahal na mahal naman namin ang isa’t-isa a
From that day on, halos hindi ko na makita si Virgie na dumadalaw sa bahay. Alam kong sobrang bigat ng pinagdadaanan niya. It’s 24th on March at naghahanda na ako ng gagamit dahil luluwas na ako ng siyudad sa susunod na buwan then out of nowhere, nakita ko si Virgie sa pintuan. “Ate, bakit nandito ka pa?” nanibago ako sa kaniya dahil pumayat siya. “Bakit? Saan ba dapat ako?” natatawa kong sabi. “Ate, ano ka ba naman. Dapat sa hospital ka na. Feeling ko manganganak ka na e,” aniya. “Virgie, malayo pa,” “Malayo pa? Ate, puputok na ang tiyan mo oh! Pinagsasabi mo diyan na malayo pa? Tara samahan na kita,” aniya. Actually, pwede na akong pumunta ng hospital ngayon pero iniisip ko kasi si Renan. Natatakot akong magpangabot kami. Sana ay wala siya sa siyudad pero sobrang impossible dahil ang Abeola ang pinakama-impluwensyang pamilya ngayon sa Cagayan de Oro at pumapanglawa ang Malaque. “Sige na. Pero sasama ka?” takang tanong ko. “Oo ate kasi wala ka namang kasama na mag-aassist sa