Remember niyo naman ang scene na na-aksidente si Rod diba? Uutayin muna natin ang sequence
CLARISSA "Punn... anak..." Sinubukan ko siyang palapitin sa akin pero mukhang natatakot siya. Nagtago siya sa likod ni Ralph at nasasaktan ako habang nakatingin sa anak kong ayaw na sa akin. Nakalabas na siya ng hospital dahil matapos akong hulugan ni dad ng pera, pinalipat ko si Punn sa isang private hospital para mas matutukan siya ng mga doctor. Hindi na problema ang bills at gamot niya, dahil lahat iyon nasulosyunan ko na. Tumingin ako kay Ralph, humihingi ng tulong. Kinausap niya ang anak ko at masakit sa akin marinig ang mariing pagtanggi ni Punn. "Papa, ayaw... I'm scared." Kasalanan ko ito. "Punn, ayaw mo ba lumapit kay mama? Mama wants to hug you anak," si Ralph, na pilit kinukumbinsi ang anak ko. "Ayaw papa... Sa'yo lang ako," inosenteng sabi ni Punn. Tumingin ako kay Ralph, "huwag mo ng pilitin Ralph. It's okay," sabi ko kahit nadudurog ang puso ko. "Kailangan ko ng umalis," mahinang sabi ko sa kaniya. Tumingin ulit ako sa anak ko na nakatingin lang sa akin. N
CLARISSA Mga mura at sampal ang natanggap ko sa ina ni Rod. I deserved those slaps. Muntik ng mamatay si Rod dahil sa akin. Tama naman siya na isa akong kriminal. Tulala akong umuwi kay Miss Tanya. May pasa at galos ako sa katawan pero hindi naman masakit. Tama, hindi masakit. Iyong damit ko, wala ng dugo.. Naitapon ko na ang damit na puno ng dugo ni Rod. Ayos na siya hindi ba? Nang makita ako ni Miss Tanya, agad na namilog ang mata niya. Masaya na ako na nadala na si Rod sa hospital. Na maayos na ang kalagayan niya. Ako, nanginginig pa rin ang binti ko sa trauma. Gusto kong umuwi. But where's my home? Is there a home for me? Right. Wala. Walang may gustong tanggapin ako. "What happened to you Clarissa?" napatingin ako kay Tanya matapos niya akong yogyugin. Naririnig ko ang mga iyak niya. Bakit siya umiiyak? Dahil ba sa akin? Ang saya naman no'n. Ang sarap sa pakiramdam na may taong umiiyak dahil nag-aalala sa kalagayan ko. "Si Rod po... Na aksidente," ang tanging nasabi k
CLARISSA 1 week akong nasa bahay ni Miss Tanya nagpapahinga matapos ang aksidente. Maraming itim itim ang naiwan sa katawan ko dahil sa aksidente kaya hindi ako nagpakita kina daddy o kahit kina Ralph. Dala ko ang unan ko nang lumabas ako ng kwarto. Nakita ko si Miss Tanya na nasa couch at nagtatahi. Hilig niyang gumawa ng damit kahit na may makina naman siya. Lumapit ako sa kaniya at tumabi ng upo. Kumportable na ako sa kaniya. Tipong kung gusto ko nang lambing mula sa kaniya ay lalambingin niya ako. "Hindi ka makatulog?" ang sabi niya sa akin. Umiling ako. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at pumikit. Naramdaman ko kamay niya sa pisngi ko na tila hinihele ako. "Gumagaling na ang sugat mo at nawawala na ang mga pantal-pantal," "Oo nga po. Kailangan ko na ring bumalik ng bahay dahil alam kong hinahanap na ako ni dad." Mukhang natigilan siya. "Aalis ka na bukas?" tumango ako. Nakapag decide na ako na doon na ako titira kasama ng anak ko sa bahay ni Ralph. Hindi bale na
CLARISSA "Are you sure na ayos ka lang?" tumango ako sa tanong ni Ralph. I need to do this. Ayaw ko ng gawin ang ipinapagawa ni dad. I know March is back at siya ang nag-aalaga kay Rod ngayon. Wala na akong rason para bumalik sa bahay ni Rod. "Mama, balik ka ah? Wait ka namin ni papa sa car," sabi ni Punn. Tumango ako sa anak ko. Lumabas ako ng sasakyan para pumasok sa bahay namin ngunit hinarangan ako ng bodyguard. "Ma'am, bilin po ng chairman na huwag kayong papasukin," nanlaki ang mata ko. "Parating na po siya dito ma'am." Sabi niya. Tumango ako at tumayo lang dito sa labas ng gate. Kung anong gusto ni dad, iyon ang susundin ko. If he doesn't want to let me in, it's fine. Dahil hihinto na rin naman ako sa lahat ng ipapagawa niya. Tumingin ako sa sasakyan ko, alam kong nasa loob doon ang anak ko na nakatingin sa akin. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari. Alam kong matagal akong hinihintay ni dad dahil hindi namatay si Rod. Alam kong galit siya sa akin dahil hindi ko nagawa an
CLARK (Before the accident happened to Rod and Clarissa) I stared at March's face for a long time. Why do I feel like I've known this woman for a long time? She's in the mall with her son, who named I think CJ? The one that my idiot friend-Fero said na kamukha ko raw. Well, I don't refuse the idea cause we resembled a bit. They were eating shawarma nang makita ko sila dito. I'm wondering, what the hell am I doing here? I shouldn't be here. I glanced at them before leaving. I was busy with work, to search something I can use to take everything from dad cause I couldn't convince his dogs to turn their backs from him. Sobrang loyal ng board of directors sa kaniya at hindi ko siya mapatanggal as chairman. Pero hindi pa rin ako sumusuko. Just a little bit. If I can have the MGC, there's a chance I could get Clarissa back. I know Rod wouldn't mind to take a divorce once he find out na bumalik na si March at may anak pa silang quintuplets. "Bra, you're still working in your condo. Hi
CLARKI was staring at her while she's sleeping peacefully. Hindi ko na nga alam ilang shot ng alak na ang nainom ko.Who's Punn? Who's Ralph? Napalitan niya na ba ako? Kaya ba hindi na niya ako pinapansin? Mga tanong na kanina ko pa gustong itanong sa kaniya.While I was busy finding a way para pabagsakin si dad, napabayaan ko ba siya? Nawalan na ba ako ng oras sa kaniya? Kaya ba no'ng bumalik siya dito sa Pinas years ago, lagi siyang tulala? Kasi wala na dito ang buhay niya? Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Natatakot akong sabihin niya sa akin ngayon na hindi na ako ang mahal niya.Sobrang nakampante ako that she'll hold onto me dearly. Akala ko hindi na siya magmamahal ng iba bukod sa akin pero mukhang nagkamali ako.Hinawakan ko ang pisngi niya. Marami akong gustong itanong sa kaniya. Gaya ng ako pa ba?Tumulo ang luha sa mga mata ko.At pumatak iyon sa pisngi niya. Nakita ko ang unti-unting pagbukas ng mga mata niya. "Hi," ngumiti ako pero iyong luha, ayaw matigil.. This is
CLARISSA "Ma'am Clarissa, bakit pa po kayo bumalik dito?" nag-aalalang tanong ni Yaya nang makita niya ako sa labas ng gate. "Nasa loob po ba si dad?" "Opo. Umalis na po kayo ma'am hanggang may oras pa," sabi niya, na kulang nalang ay umiyak. "Pabukas po ng gate, papasok po ako." Sabi ko. Hindi ako nagpapigil kay Yaya at dumiretso sa office ni dad. March is back, Rod wanted to divorce me and that's what drove dad to be upset. Gusto niya ang yaman ng Chavez. Gusto niyang malamangan ang Chavez at hindi iyon mangyayari kung puputulin na ni Rod ang koneksyon niya sa akin. And now, Ralph and Punn are gone. Nasa bahay sila ni Elma around Gingoog dahil si dad, nagpadala ng tauhan kanina to dispose them. I am furious. Gusto niyang ipatumba si Ralph at Punn? "Anong ginawa mo, dad?" galit na galit ako. Gusto kong magwala. Gustong gusto kong saktan si dad. "I'm quite surprise bumalik ka dito." Sabi niya, na nakangisi. "Anyway, have you received the news? Nagpadala ako ng tauhan to ki
ARU "Aru, hindi ako natutuwa na nakikipag-usap ka sa mga Malaque," ang sabi ni tiyang Ysabel. Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa paghahalo ng harina at itlog para sa gagawin kong kwek-kwek. "Pagkatapos mo diyan, kumain ka na." "Opo," ang sabi ko. Nang mawala si tiyang Ysabel sa harapan ko, agad akong tumayo para kunin ang diary ni mama na nakita ko sa mga gamit ni Tiyang. Binuklat ko iyon at binasa ang unang pahina na nagsasaad tungkol sa anak niya. Sa kasamaang palad, hindi ako ang anak na tinutukoy niya. "Ngayon ko lang nalaman, Clark pala ang pinangalan sa'yo ng mga magulang ni Aru, anak. Kamusta ka na anak? Pasensya ka na kung hindi si mama ang mag-aalaga sa'yo. Mahal na mahal kita." Napangiti ako habang nakatingin sa diary ni mama Cecil. Ang alam ko, 10 days bago niya manganak, pinatay na siya no'ng taong gumahasa sa kaniya. Si Renan Abeola. Nakasulat lahat sa diary ni mama Cecil ang tungkol sa naging buhay niya. No'ng una, narinig ko si tiyang na kausap ang puntod
LAST AUTHOR’S NOTE Hi everyone, this is your Ms. A. I’m no longer putting some special chapters here to avoid any confusion. Nag end na po talaga ang story sa Epilogue. Naglagay lang ako ng SC to prolong the story a bit para may ma e look forward kayo na medyo related kina March at Clarissa. Iyong special chapters, medyo confusing na yata sa ibang readers so ayaw ko naman magkaganoon, that’s why, I’m ending it here. Ganoon pa man, nagpapasalamat ang puso ko sa inyo na sinamahan niyo ako sa journey ko dito. See you sa story ni Aru. Hope nandoon pa rin kayo. Kitakits sa April! This is indeed a long journey noh? September tayo unang nagkilala sa story ni March at nagtatapos sa 2024. Haha. Basta, mahal ko kayong lahat. Thank you po talaga. --Love, bulalakaw. (Ang story ni Aru ay series, remember the friends of Clark na si Hut, Jed, at Fero? Iyong business nila na Ship of Temptation ang gagawin kong series. Si Aru ang mauuna sa kanila (the first member) at isusulat ko siya sa 3rd po
MARCH “Ma, si kuya DJ ayaw akong samahan sa mall,” sumbong ni Farrah. Mainit ang ulo ko dahil kagabi pa hindi umuuwi si Rod. Kasama niya si kuya, Symon, Yu at Kin. Sinabi ko ng umuwi siya ng maaga pero nilasing ng walangho kong kapatid. “DJ?” Tumayo si Daniel at naglalambing na tumabi sa akin. Binata na ang boys ko pero kung umasta, parang bata pa rin. “Ma, huwag ako please.. Ayoko,” “Kuya, bakit ayaw mo kasi?” “Dahil kasama mo for sure ang baliw mong kaibigan,” nakangusong sabi ni Daniel. “Farrah, ang ate Alexa mo nalang ang isama mo,” sabi ko at wala siyang choice kun’di ang pumayag sa sinabi ko. Nang umalis si Farrah sa harapan namin, tumingin ako kay DJ. Nagpeace sign siya agad. “Ma, pupunta ka ba kay lolo ngayon?” “Bakit?” “Can I come?” “At bakit nga?” Lumapit siya sa tenga ko at may ibinulong. “Lolo has a treasure,” Pinagsingkitan ko siya nang mata at saka ko na namalayan na kumpleto na pala ang mga anak ko sa harapan. “Anong ginagawa niyo?” tanong ko. Nakasuot s
MARCH Pagpasok namin sa kwarto kung nasaan ang lolo Renan, napahinto kami nang makita siyang nakaupo sa kama at tinitignan ang sarili sa maliit na salamin. “Gwapo na ba ako?” sabi niya sa assistant niya. Tumingin ako sa tabi ko, nakita kong nalukot ang mukha ng kuya ko habang nakatingin sa lolo namin. “Dapat gwapo ako oras na magkita kami ng isa ko pang apo,” sabi niya. “Bakit hindi naman siya nagpagwapo no’ng ako ang kinita niya?” bulong bulo ni Clark sa tabi ko/ “LO!” Tumingin si lolo Renan sa gawi namin at agad umaliwalas ang mukha niya nang makita niya ako. “Ang apo ko!” Sabi niya at tumayo pero nakaalalay ang mga nurses papunta sa akin. “Hello po,” nahihiya kong sabi. “Apo, sa wakas, nandito ka na,” sabi pa niya. “Lo, apo mo rin ako,” sabi ni Clark pero hindi siya pinansin ni lolo Renan. “Parang isang beses pa niyang nakita ang paborito niyang apo ah,” si Clark na agad kinurot ni Ate Clarissa. “Tumahimik ka nga love,” ate “Bitter ka lang e,” Rod Sinimangutan silang da
MARCH “Let’s go?” sabi ni ate at tumango ako. Hinawakan niya ang kamay ko saka niya pinaandar ang sasakyan niya paalis papunta sa bahay ng lolo ni Clark. Kinakabahan ako. Pero nakita at nakilala ko na naman si lolo Renan sa tagal ng panahon na magkakilala kami ni ate at Clark. At masasabi kong sobrang spoiled talaga ako sa kaniya. Akala ko ay natural lang siyang ganoon pero ngayon, alam ko na bakit kakaiba ang kabaitan niya sa akin at sa mga anak ko. Nagring ang phone ko at nakita kong tumatawag si mama. “Ma?” “Papunta na kayo sa lolo niyo?” “Opo ma at kasama ko si ate,” “Are you okay anak?” Tumingin ako kay ate bago sumagot ng “yes ma, I’m okay,” Narinig ko ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya. “Ma, I’m fine. Huwag na kayong mag-alala sa akin,” “Hindi ko maiwasang mag-alala anak lalo pa’t-" hindi na natuloy ni mama ang sasabihin niya.. Naiintindihan ko kung mahirap sa kaniya na pagkatiwalaan muli si Sr. Renan kahit pa ilang taon na ang lumipas. “Ma, kasama ko n
MARCH “Nina texted me, your boys ordered a 1 case of beer from her.” Nakasimangot na sabi ko. Rod smiled at kissed my forehead. “Hindi ka pa ba nasanay?” “Why are you looking so proud there?” Natawa siya. “I’m not proud ah, what are you talking about?” “Sus, hindi daw!” “Oo nga. By the way, they are here,” sabi niya habang nakatingin sa gate. Nakita namin si ate na nakatayo sa labas at sa likod niya ay naroon si Clark na nagtatago sa akin. It’s been what? More than 10 years nang pinili nilang itikom ang bibig nila para sa akin. “Why are you hiding from ate’s back?” taas kilay na tanong ko. Oo, inabot ako ng ilang taon para tanungin kay mama kung sino ang totoong ama ko. When mama said the name Abeola, I knew that Clark and his grandfather are somewhat connected to me. Noon pa man, nagtataka na ako sa kabaitan ng lolo ni Clark sa akin, pero pinili kong huwag pansinin at piniling mamuhay kasama ni Rod, mga anak namin, ni mama, at ibang malapit sa amin. Hindi ko na inisip pa an
PUNN Lalapit na sana ako kay kuya BJ at Munn nang may kumalabit sa akin sa likuran. Nang tignan ko kung sino, nakita ko si Farrah. She’s smiling from ear to ear and hula ko ay may kailangan siya sa akin. “Kuya Punn, are you busy tomorrow?” Yeah. Tomorrow is Sunday, magsisimba kami. “Magsisimba kami bukas, bakit?” “Kuya, pasama ako bukas after ng samba niyo. Is it fine?” “Saan ka pupunta?” lumapit siya sa akin at may binulong. Nanlaki ang mata ko nang banggitin niya ang pangalan ng taong pupuntahan niya bukas. “Why me? Your brothers wouldn’t mind kung sila ang sasabihan mo,” Nakita kong humaba ang nguso niya. “Papa wouldn’t let me to come alone for sure. And ate AJ has something important to do tomorrow. Sina kuya naman, may training sila bukas sa martial arts.” “Yeah but I’m sure one of them wouldn’t mind to skip that training for you,” Pinagsingkitan niya ako ng mata. “Ayaw mo ba akong samahan kuya?” She’s here again, gaslighting me to get what she wanted. Farrah is a sl
PUNN “Punn, the table is set! Sunduin mo nga mga kuya mo sa labas!” ate AJ said, annoyed cause my cousins are not here yet. “Ate, walang magpapaypay dito!” I am pertaining to the barbeque na ginagawa namin. Ako nakatoka, kanina pa. “Si Farrah na bahala diyan!” I sighed and put down the fan para sunduin ang mga kuya ko na bumili lang naman ng drinks sa labas ng villa. Paglabas ko palang, I saw my cousins hitting on Aleng Nina’s granddaughter. Jujelen is at my age, and I heard kuya Blake kinda like her. I’m wondering, what’s with her, why kuya find her pretty? She’s plain and simple. I just sighed. “Kuya,” tawag ko sa kanila nang makalapit ako sa kanila. Jujelen looked at me, I just stared at her blankly before I look at my cousins. “Hanap kayo ni ate AJ,” sabi ko. I saw how kuya Elias’ eyes widen. “I told you kuya na bumili na tayo ng beer at bumalik. You didn’t listen,” kuya CJ said while busy on his phone. “Aleng Nina-" “Sinabi ng magulang niyo na no beer so walang beer. K
CLARISSA (15 years later) “Clarissa, pakilagay ito sa mesa,” “Mommy, wala pa po ba si kuya?” Napabuntong hininga siya. “Ewan ko ba dito sa kuya mo, sinabi ng agahan nila umuwi pero hanggang ngayon, wala pa rin,” Natawa ako. “Prena, hindi ka pa nasanay sa anak nating iyon,” natatawang sabi ni tiyang Ysabel na kakapasok lang ng kusina kasama ng mga maids sa likuran niya. Lumapit si mommy kay tiyang at isinabit niya ang kamay niya sa kamay ni tiyang. “Alam mo bang ang panyong ginawa mo?” “Talaga ba? Magbenta kayo ako sa mga amega mo?” Natawa nalang ko at napailing sa kanilang dalawa. “Tawagan ko lang si kuya mom, tiyang,” paalam ko pero hindi yata nila ako narinig na. Isang dial palang sinagot na agad ni kuya Aru ang tawag. “Nasaan ka na ba kuya?” “Easy lang little sis. Malapit na kami diyan. Nandiyan ba si tiyang?” “Kanina pa. At lagot ka sa kanila ni mommy pagpunta mo dito. Ang tagal mong dumating e,” “Traffic kasi sa langit kanina e. Hindi makadaan ang airplane na sinasakya
Happy new year, dear readers! Thank you po sa inyong lahat. Sana happy kayo kung nasaan kayo ngayon. :3 Please know na I am happy and grateful for what you've done to me. Sobrang salamat talaga sa inyong lahat kasi naging part kayo ng 2023 ko. Alam kong I'm not here to where I am now kung wala kayo. Kaya your Ms. A is very happy na nameet kayo. This is a sudden message. Haha. Pero gusto ko lang e type ito at sabihin sa inyo na heto, thankful ako. Sana po, hayaan niyo ako maging part ng 2024 niyo at maging part kayo ng 2024 ko. Hoping for a prosperous and bless year this coming 2024 and sana lahat tayo masaya. ------ Love, bulalakaw.