Punong puno na si Clark, Clarissa. HAHA
ARU "Aru, hindi ako natutuwa na nakikipag-usap ka sa mga Malaque," ang sabi ni tiyang Ysabel. Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa paghahalo ng harina at itlog para sa gagawin kong kwek-kwek. "Pagkatapos mo diyan, kumain ka na." "Opo," ang sabi ko. Nang mawala si tiyang Ysabel sa harapan ko, agad akong tumayo para kunin ang diary ni mama na nakita ko sa mga gamit ni Tiyang. Binuklat ko iyon at binasa ang unang pahina na nagsasaad tungkol sa anak niya. Sa kasamaang palad, hindi ako ang anak na tinutukoy niya. "Ngayon ko lang nalaman, Clark pala ang pinangalan sa'yo ng mga magulang ni Aru, anak. Kamusta ka na anak? Pasensya ka na kung hindi si mama ang mag-aalaga sa'yo. Mahal na mahal kita." Napangiti ako habang nakatingin sa diary ni mama Cecil. Ang alam ko, 10 days bago niya manganak, pinatay na siya no'ng taong gumahasa sa kaniya. Si Renan Abeola. Nakasulat lahat sa diary ni mama Cecil ang tungkol sa naging buhay niya. No'ng una, narinig ko si tiyang na kausap ang puntod
CLARISSA "Nababaliw ka na! Anong plano mo? Ikulong ako dito?" Tinaasan niya ako ng kilay habang magmamaktol ako sa dito sa couch. Kanina ko pa sinasabi na ilabas niya ako. Namamaos na nga yata ako kakasigaw para palabasin niya ako pero hindi siya nakikinig. Iignorahin lang niya ako at bumabalik sa ginagawa niya. He's being rude to me at naiinis na ako. "Where are you?" his serious face together with his unwavering voice that speaks authority. He's not messing around. "Anong where are you? Malamang nasa bahay mo!" "Then hindi ka nakakulong. Hindi ito presinto incase hindi mo alam." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Napakasarkstiko nitong tao na ito. Hindi nga ito presinto but me being locked in here, walang pinagkaiba ito sa presinto. "Clark, I'm not joking," naiinis na ako. He just declared earlier na may relasyon kami sa lahat ng tao sa bahay namin. Is he out of his mind? Talaga bang wala na siyang pakialam at ginagawa na niya ang gusto niya? Bumaling siya sa akin at
CLARISSA “Aigoo.. Why are you crying like that?” Mas lalo akong naiiyak nang marinig ang mga tawa niya. How can he laugh like that habang ako dito ay umiiyak sa kagalakan dahil bumalik na siya. It’s been 7 years. Wala pa ring nagbago sa kaniya. Siya pa rin ang Aru na kilala ko. I hugged him while continue on crying to his embrace. Kahit na anong mangyari, Aru has a special place in my heart. Tumayo siya bilang kuya ko. “Ang tagal mong bumalik,” “It’s because marami pa akong dapat na gawin sa Europe,” aniya habang mahinang hinahaplos ang buhok ko. “You can comfort her without touching her,” napatalon kami sa gulat nang biglang nagsalita si Clark sabay bagsak no’ng soda sa harapan namin. Tumawa si Aru habang ako at umupo ng tuwid at pinupunasan ang luha sa mga mata ko. “Aigoo.. Don’t tell me jelly ka?” si Aru na sinamaan lang nang tingin ni Clark. “Stop being jealous, Clarky. I’m not going to steal her from you. She’s my sister,” sabi pa ni Aru. I really like it kapag sinasabi
CLARISSA “Mabuti at tumino ka ng babaeng ka,” ito ang unang sumalubong sa akin nang makapasok ako sa office ni dad. Tanya is with me all the time kaya alam kong alam ni dad ang kilos ko. “Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo at magkakasundo tayo,” hindi ako ngumiti, bahagya lang akong yumuko at umalis sa office niya. Ralph: Let’s go to the US together. Bakit ba ayaw mo? Ako: I already told you everything. Dad is watching me, hindi ako pwedeng tumakas. Please take care of my son, Ralph. Paglabas ko ng kumpanya ni dad, sasakyan ni Aru ang nakita ko. Agad akong sumakay doon at naabutan ko sila ni Clark na magulo. “Anong ginagawa niyo?” naguguluhang tanong ko. “Clarky, akina ‘yan! That’s not for kids!” “Gago! Anong tingin mo sa akin? Toddler?” Pumasok ako at tumabi kay Clark na nilalayo ang isang bagay kay Aru na pilit naman nitong kinukuha. “Ano ba iyan?” tanong ko dahil hindi na ako makatiis sa kanila. “These are condoms,” si Clark ang sumagot na ikinalaki ng mata ko. Bumali
CLARISSA Rod is pursuing the divorce. Hindi ko na alam anong gagawin and day by day mas lalong nagiging maiksi ang pasensya ni dad. At nababahala rin ako sa banta ni mama (Atty. Manilou). Kanina pa ako tulala at nakatingin sa kawalan. “You looked tired. Bakit ayaw mong sumuko at hayaan nalang ang lahat?” Napatingin ako kay Aru na may dalang kape at nilapag sa harapan ko. “How’s your face?” Right. Nasampal nga pala ako kanina no’ng sinugod ko si March. “I deserved this,” ang sabi ko. “Kahit na. Hindi ka dapat sinaktan ng mother in law mo,” Well I deserve that slap dahil sinugod ko si March. I need to do that kasi pinapasundan ako ni dad. Kailangan kong maging iskandalosa, kunwari aawayin si March para makita ni daddy na may ginagawa ako. Pero nabahala ako sa sinabi ni mama. May DNA test siyang hawak. Hindi ko alam kaninong DNA test ang hawak nila ni Rod. DNA test ko bilang Malaque? O DNA test ko at ni Punn? Kaya ba desidido sila sa divorce dahil may matibay na ebidensya na sila
CLARISSA “Tita Elma?” napatingin ako kay Punn nang magising ito. Agad ko siyang pinuntahan ngunit agad siyang lumayo sa akin. “Tita Elma, where are you? Nasaan si papa?” Parang winawasak ang puso ko habang nakatingin sa anak kong nilalayuan ako. “Tita Elma?” “Punn, nandito si tita,” lumabas si Elma galing kusina. Nandito kami sa lumang bahay ng papa ni Elma. Nandito kami sa Baluarte. “Tita, nasaan po si papa?” Yumuko si Elma para magpantay sila ni Punn. Nag-iwas ako nang tingin. Nasasaktan ako na ayaw na sa akin ng anak ko. “Papa is busy Punn pero nandito naman si mama mo e,” Tumingin si Elma sa akin na nag-aalala. “Tita, gusto ko po kay papa,” “Miss mo na si papa?” Inosenteng tumango ang anak ko. “Don’t worry anak, mamaya uuwi si papa.. Ngyaon, bakit hindi ka nalang muna makipag-usap kay mama?” Umiling si Punn. “Wala akong mama, tita,” Tumulo ang luha ko sa sinabi ng anak ko. Right, sa harapan niya, itinanggi ko siyang anak ko siya kay dad. Sinabi ko sa harapan ni Punn n
CLARISSA “Tumaob lang ang motor ko pero buhay naman ako,” agad siyang nasapak ni Elma sa balikat. “At mukhang masaya ka pa ngayon? Tapos ni ‘lang’ mo lang iyon?” “Oo? Kasi buhay ako?” natatawa niyang sabi uli. Naiinis na sa kaniya si Elma habang ginagamot ang mga sugat niya sa katawan. “Anong nangyari bakit nabaliktad na naman ang utak ng dad mo?” tanong ni Ralph nang lingunin niya ako. “Si Rod kasi, binili ng palihim ang shares ng ibang shareholders sa MGC na hindi alam ni dad,” biglang natawa si Ralph kaya agad idiniin ni Elma ang bulak na may alcohol sa sugat niya. “Huwag ka nga muna gumalaw,” naiinis na sabi ni Elma “Aray naman! Daha-dahan,” Ralph na inirapan lang ni Elma “Ibang klase rin ang asawa mo, Clarissa. Mukhang inaatake niya ang dad mo. Anong plano ng asawa mo at ginawa niya iyon?” nagkibit balikat ako sa tanong ni Ralph “Masikreto si Rod, Ralph. Hindi mo mahulaan anong iniisip niya,” “Sa nakikita ko, ganoon nga siyang klase ng tao.” Pagsang-ayon niya “Oh tapos
CLARISSA 3 days straight na kaming nandito sa Baluarte, nagtatago. “Tumatawag na naman si Clark,” ang sabi ni Elma sa akin sabay abot ng cellphone ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa kaniya at pinatay ang tawag tapos si Aru na naman ang sunod na tumawag. “Ayaw mo bang ipaalam sa kanila ang tungkol sa ‘yo at kay Punn? Hindi mo ba sila pinagkakatiwalaan?” Tumingin ako sa apoy na ginawi namin ni Elma. Gabi na at napag desisyunan namin mag-camping sa labas ng bahay. “I trust them like how I trust you and Ralph. Pero unlike you, malapit sila kay dad. Nakita mo ang kaya gawin ng daddy ko Elma, hindi iyon mangingiming manakit ng kadugo makuha lang ang gusto niya.” “Pero si Clark ang totoong ama ni Punn. Sa tingin mo ba hindi kayang protektahan ni Clark ang anak ninyo?” “Hindi ko alam Elma. At wala akong planong sumugal. Hindi ko alam anong resulta kung ipapaalam ko kay Clark na may anak kami. Alam kong may gulo at natatakot ako dahil kawawa ang anak ko.” Tumingin ako sa gawi kung nasaa