Share

Chapter 2

Author: Late Bloomer
last update Last Updated: 2023-12-19 15:06:15

Walang emosyon si Kath habang bitbit ang maliit na bag habang pababa ng hagdan. Alas- syete na ng mga oras na iyon at katatapos niya lang ipunin lahat ng gamit niya. Isang maliit lang na bag ang pinagkasiyahan ng kaniyang mga gamit dahil wala naman siyang masyadong gamit.

Sa baba ng hagdan ay naroon na si Donya Elsa, ang ina ni Noah na demonyita at nang makita siya na pababa ng hagdan ay bigla itong napatayo. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito ng makita siya. Ngiting tagumpay.

Hindi niya itinago ang iritasyon at disgusto na nakaguhit sa kaniyang mukha. Wala nang dahilan pa para irespeto niya ito. Isa pa ay hindi nito deserve ang respeto niya dahil sa pag- uugali nito.

“I told you…” masayang saad nito na halos humalakhak pa dahil tila ba sa pakiramdam nito ay tila nanalo sa isang pustahan.

Ang mga katulad nitong tao ay hindi niya dapat pag- aksayahan ng oras. Akmang lalampasan na sana niya ito ng bigla na lamang siya nitong harangin. Tinapunan niya ito ng masamang tingin. Ano pa kaya ang kailangan nito sa kaniya? Ayaw niya namang gumawa ng eksena kahit pa sobra- sobra ang galit niya sa babaeng kaharap niya.

“Hindi ka pwedeng umalis na hindi nache- check yang gamit mo.” saad nito na ikinapanlaki ng mata niya.

Hindi siya makapaniwala sa ugaling mayroon ito. Ano ang inaakala nito? Na nagnakaw muna siya bago siya umalis sa bahay nito? Kahit naman hindi siya binbigyan ng pera ni Noah ay wala sa isip niya na magnakaw o magdala ng kahit anumang hindi naman sa kaniya. Hindi niya ugali iyon.

“Auring lumabas ka diyan at inspeksyunin mo ang laman ng bag ng babaeng ito!” sigaw nito.

Mabilis namang lumitaw mula sa kusina si Auring na tinapunan muna siya ng isang tingin na sa tantiya niya ay may kalakip na awa. Hindi niya tuloy maiwasan ang manliit sa kaniyang sarili nang mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay tila siya isang batang hindi alam kung saan pupunta.

Kung sabagay, sino ba naman ang hindi maaawa sa kaniya sa kalagayan niya. Tila siya isang basura na pinapalayas sa pamamahay ng mga ito. Isa pa ay saksi ang mga ito kung paano siya ituring ng mga ito sa bahay na iyon kapag wala si Noah. saka lang naman siya pinapakitunguhan ng medyo maayos kapag naroon na ito pero syempre ay alam niyang peke lamang ang ipinapakita ng mga ito sa kaniya.

Pabagsak niyang ibinaba ang bag niya sa sahig at napakrus ng kanyang mga kamay sa kaniyang dibdib. Kung may mga damit lang siyang natititra pa ay hindi na niya hihintayin pang matapos sa ginagawa si Auring. Pero wala na siyang mga damit na natitira kaya wala siyang choice kundi ang hintayin itong matapos.

Inilabas nito ang lahat ng damit niya at inisa- isa.

“Baklatin mo at tyaka mo ipagpag dahil baka mamaya ay may nakaipit diyan.” sabi ng matandang ipokrita na nasa harapan niya.

Kung nakakamatay lang ang titig niya, paniguradong kanina pa ito nakabulagta sa sahig. Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng inis at galit sa inaasta ng ipokritang matanda. Aalis na nga siya’t lahat na yun naman ang gusto nito ngunit hindi pa siya maka- alis alis dahil nga pinapacheck pa nito ang mga dala niya.

Napaikot na lamang ang mga mata niya. Grabe talaga sa kasamaan ito ng ugali. Hindi niya akalaing may ganitong klaseng ugali ang mga tao. Mabuti na lamang kahit hindi siya ganu kamahal ng lolo niya ay hindi siya ganito kung itrato. Mas masasbai niya pang may puso ang kaniyang abuelo kaysa sa matandang ito.

Mabuti na lamang at wala ang isa nitong anak na isa ring m*****a. Siguro ay hindi na naman umuwi at sa kung saan na naman natulog. Nakakasuka ang pag- uugali nilang mag- iina sa totoo lang lalo na ang bunsong anak nito. Tatlo ang anak nito at si Noah lamang ang lalaki. Ang panganay ay babae kung saan ay may asawa na at ang bunsing anak nito ang tinutukoy niya kanina.

Bagay na bagay silang magkakabahay sa totoo lang dahil sa kasamaan ng pag- uugali nila at masasabi niyang parang hindi sila astang mayaman dahil sa sobrang sama ng pag- uugali nila. Napaka- matapobre sa totoo lang at halos yurakan ang buo niyang pagkatao. Halos isampal din sa kaniyang pagmumukha na hindi siya mahal ni Noah at napilitan lamang itong magpakasal sa kaniya dahil ayon di umano sa last will and testament ng ama nito ay wala daw itong mamanahin kapag hindi siya sumunod sa pinagkasunduan ng dalwang pamilya.

Sino ba naman ang may ayaw ng bilyones na mana at gugustuhing mawalan ng mana hindi ba? Baka maging siya kapag siya ang gagawan ng kundisyon na ganuon ay mapipilitan siya. Sa dalawang taon, araw- araw siyang minamata ng mga ito at inaapi.

Tiniis niya lahat ng iyon dahil akala niya ay magiging maayos din naman ang pagsasama nila ni Noah. akala niya ay matutunan nitong mahalin siya idagdag pa na ang bilin sa kaniya ng kaniyang abuelo ay huwag na huwag niya raw dudungisan ang kahit kanino mang pamilya dahil napakataas daw ng respeto sa pamilya Montenegro ng mga tao.

Ang dinaranas niya sa piling ng ina ni Noah at sa mga kapatid nito ay walang nakakaalam kundi sila- sila lang. Ang ilang tauhan ng mga ito ngunit hindi ng ibang tao. Kapag may okasyon sa mansiyon ay pinapakitunguhan siya ng maayos ng mga ito dahil maraming taong nakapaligid. 

Pinoproteksiyonan ng mga ito lagi ang kanilang image na akala mo mga banal, pero nagtatago ang mga ito sa mga mala- anghel na mga mukha at nakakubli sa kani- kanilang mga pagkatao ang masama nilang mga budhi.

Sa kaniyang palagay nga ay malayo ang agwat ng ugali ni Noah sa mga kapatid nito lalo na sa ina nito at minsan ay gusto niyang isipin na ampon ito. Malamig makitungo ito sa kaniya pero sa ibang taong nakakausao nito minsan ay hindi naman ito ganuon.

Sadyang hindi lang siguro siya nito mahal kaya ganuon na lamang ang pagtrato nito sa kaniya.

“Wala pong nakaipit maam.” narinig niyang sabi ni Auring.

Ngunit hindi pa rin ito nakuntento.

“Kapkapan mo siya at baka itinago niya sa katawan niya.” 

“Ano namang akala mo sa akin? Magnanakaw?” hindi makapaniwala niyang tanong rito.

Hindi niya akalaing sagad sa buti talaga ang kasamaan nito ng pag- uugali.

“Mahirap na, dahil alam ko namang ang kagaya mo ay hayok sa mga bagay na wala siya.” saad nito na tinapunan siya ng tingin pataas- pababa.

Ilang sandali pa nha ay natapos na din sa wakas si Auring sa pagbabalik ng mga gamit niya sa kaniyang bag. Tumayo ito at pagkatapos ay inumpisahan siyang nitong kinapkapan hanggang sa kaniyang mga paa. Nakasuot siya ng faded jeans. Iyon lamang kasi ang gusto niyang isuot, isa pa ay ang mga binili sa kaniya ni Noah na mga damit ay hindi niya dinala.

Wala siyang rason para dalhin pa ang mga iyon dahil hindi naman niya iyon mga ginagamit dahil hindi naman siya sanay na mag- suot ng mga ganuong klase ng damit.

Napailing na lamang siya.

“Wala po siyang kinuha maam.” sabi ni Auring.

Pagkatapos sabihin iyon ni Auring ay mabilis siyang naglakad para pulutin ang kaniyang bag. Kanina pa siya kating- kati na makaalis sa lugar na iyon. Idagdag pa na sukang- suka na siya na makita ang pagmumukha ng demonyitang matanda.

“Huwag na huwag ka na ulit babalik rito.” sabi nito sa kaniya na tila ba nandidiri.

Pinulot niya ang kaniyang bag at pagkatapos ay tinalikuran na ito ngunit pagkahakbang niya ng ilang dipa mula rito ay muli siyang lumingon rito.

“Sana masaya ka sa kasinungalingang ginawa mo.” sabi niya at pagkatapos ay tuluyan nang lumabas sa front door ng bahay.

Sa wakas ay makakaalis na siya sa impyernong bahay na iyon, ngunit kasabay ng pagkaisip niya nun ay napabuntung- hininga naman siya. Wala pala siyang pera para pambayad niya man lang ng taxi pauwi sa bahay ng lolo niya. Wala naman siyang alam na ibang pupuntahan na iba kundi doon.

Kahit naman siguro papano ay tatanggapin pa rin siya nito sa pamamahay nito. Halos isang taon na nga rin pala ang nakalipas nang huli niya itong makita. Hindi naman kasi siya nito dinadalaw at wala naman siyang nababalitaan tungkol rito.

Medyo malayo- layo pa naman ang bahay ng kaniyang abuelo mula doon. Hindi nga pala niya naisip na kailangan nga pala niya ng pera kahit pamasahe man lang.

—----------

Related chapters

  • HIDING THE BILLIONAIRE'S TRIPLETS   Chapter 3

    HINGAL na hingal at halos lumabas na ang kaniyang dila sa magkahalong uhaw at pagod. Halos magdadalawang oras na yata siyang naglalakad at ramdam na rin niya ang matinding sikat ng araw sa kaniyang balat. Mabuti na lamang at sa wakas ay nasa tapat na siya ng gate ng bahay na kinalakihan niya.Dali- dali siyang lumapit sa gate kung saan siya nag- doorbell. Pagkatapos ng ilang doorbell ay kaagad naman binuksan ng guard ang gate at pagkatapos ay sumilip. Nang makita siya nito ay halos magulat pa ito. Mabilis siya nitong pinagbuksan nang makita niya at pagkatapos ay binitbit nito ang bag niya.Kulang na lamang at mahihimatay na siya sa sobrang pagod ng mga oras na iyon. Dali- dali siyang pumasok sa loob ng bahay kung saan nang makita siya ng mga kasambahay ang nagunot ang mga noo ng mga ito. Maging siya ay napakunot rin ang kaniyang noo dahil ang mga kasambahay na kaharap niya ng mga oras na iyon ay mga hindi niya kilala.Wala na ang mga dating kasambahay at napalitan na ng mga bago. Mabu

    Last Updated : 2023-12-19
  • HIDING THE BILLIONAIRE'S TRIPLETS   Chapter 4.1

    Napatingala sa langit si Kath ng wala sa oras at pagkatapos ay napapikit at napasabi na, bakit parang ang lupit naman ng mundo sa akin?Sa mga oras na iyon ay hindi niya maiwasan ang hindi mapaisip. Ano bang kasalanan ang nagawa niya sa buhay niya para parusahan siya ng ganito? Hindi niya maiwasan ang magdamdam sa nasa itaas ng mga oras na iyon dahil pakiramdam niya ay tila ba hindi niya maramdaman ang pagkalinga nito sa kaniya.Saan siya nito ngayon pupunta? Wala siyang ibang kamag- anak na kilala kundi tanging ang lolo niya lang at ngayon ay pinalayas pa siya ng Auntie niya sa mismong bahay ng lolo niya na animo’y hindi sila magkadugo. Nalasahan niya ang maalat na likido na nagmumula sa kaniyang mga mata.Pagod na pagod siya sa kaniyang ginawang paglalakad kanina at halos hindi pa niya nababawi ang lakas niya, tapos heto siya ngayon nakasalampak na naman sa kalsada. Tirik na tirik ang araw nang mga oras na iyon, ngunit hindi niya iyon alintana dahil pakiramdam niya ay namanhid ang b

    Last Updated : 2024-01-29
  • HIDING THE BILLIONAIRE'S TRIPLETS   Chapter 4.2

    Ramdam na ramdam na ni Kath ang pamamaltos ng paa niya dahil sa kalalakad niya. Halos ilang oras na siyang naglalakad at halos padilim na rin nang mga oras na iyon. Ramdam na ramdam na rin niya ang pagkalam ng sikmura niya dahil halos kaninang umaga pa siya walang kain.Hindi niya naman naharap na kumain kanina nang dumating siya sa bahay ng kaniyang lolo dahil mas inuna niyang hanapin ito at pumunta sa silid nito. Nagugutom na siya at wala siyang dalang pera, idagdag pa na wala din siyang alam na pupuntahan niya. Napatingala siya sa papadilim na kalangitan.Saan siya pupunta? Saan siya matutulog? Bigla siyang napadaan sa isang establisyemento kung saan ay isang restaurant at mas lalo lamang siyang nagutom nang makita niya ang mga kumakain sa loob. Hindi niya tuloy naiwasan ang hindi mapabulong sa hangin na ang swerte- swerte nang mga tao sa loob dahil wala silang mga problema samantalang siya ay tila ba siya binagsakan ng langit at lupa dahil sa dinaranas niya.Sa mga oras na iyon da

    Last Updated : 2024-01-29
  • HIDING THE BILLIONAIRE'S TRIPLETS   Chapter 4.3

    Napahinga ng maluwag si Silvia nang sabihin sa kaniya ng doktor na wala naman daw injury ang babaeng dinala nila sa ospital. Nawalan lamang daw ito ng malay marahil daw sa pagod. Mabuti na lamang at walang masamang nangayri rito dahil kung hindi, paniguradong masesermonan siya ng amo niya.Ilang sandali pa nga ay nagpaalam na ang doktor sa kaniya. Naiwan siyang mag- isa sa silid kung nasaan ito. Napatitig siya sa natutulog na dalaga. Tuyong- tuyo ang mga labi nito at tila ba namumutla ito. Napalingon siya sa dala nitong bag at hindi naiwasan ang mapatanong sa sarili kung saan ito pupunta.Dahil sa bag na dala nito ay nasisiguro niya na naglayas ito sa kanila, pero ang hindi niya lubos maisip ay kung bakit ito nasa kalsada ng madilim na at naglalakad. Hindi ba ito natatakot sa mga adik? Nagkalat pa naman ngayon ang mga masasamang loob sa kalye. Mabuti na lamang at kahit papano ay sila ang dumaan nang mawalan ito ng malay.Habang nakatitig sa natutulog nitong mukha ay hindi niya maiwasa

    Last Updated : 2024-01-31
  • HIDING THE BILLIONAIRE'S TRIPLETS   Chapter 5.1

    Hindi na nga nagtagal pa si Kath sa pananatili sa ospital. Kinabukasan rin ay tuluyan na siyang pinayagan ng doktor upang umuwi dahil wala namang nakitang injury sa kaniya. Sadyang nawalan lang talaga siya ng malay dahil sa pinaghalong gutom at pagod.Nang mga oras nga na iyon ay patungon na sila ni Silvia sa bahay nito. Naging seryoso nga ito sa pagkupkop sa kaniya dahil marahil ay naawa ito sa kalagayan niya dahil sino ba naman ang hindi maawa sa kaniya kung sariling pamilya niya mismo ay itinakwil na siya ng tuluyan at wala na rin talaga siyang iba pan mapuntahan.Hindi naman siya pumayag na basta na lamang kupkupin ni Silvia, syempre kahit papano ay tumatanaw siya ng utang na loob rito kaya ipinangako niya rito na siya na ang bahala sa lahat ng gawaing bahay kapalit ng pagpapakain at pagpapatira nito sa kaniya sa bahay nito.Sobra pa sa sobra ang pasalamat niya rito dahil kahit hindi sila magkaano- ano ay hindi ito nagdalawang isip na tulungan siya. Ngayon niya lang napatunayan na

    Last Updated : 2024-01-31
  • HIDING THE BILLIONAIRE'S TRIPLETS   Chapter 5.2

    Napalingon si Silvia sa bukana ng kusina nang makita niya si Nina na tila ba nag- aalangan na lumapit sa kaniya. Agad namang tumaas ang kaniyang kilay dahil rito. Itinigil niya ang paghahalo ng kaniyang kape at pagkatapos ay humarap rito.“Ano yun?” magkasalubong ang mga kilay na tanong niya rito.Agad naman itong nag- alangan dahil sa tanong niya at pagkatapos ay dali- daling lumapit sa kaniya. Sabi na e, nasisiguro niyang may sasabihin ito sa kaniya dahil sa tingin nito.“Pwede po bang magtanong ate Silvia?” tanong nito sa kaniya.“Hindi ka pa ba nagtatanong sa lagay na yan Nina?” seryosong balik niyang tanong rito na ikinakamot lamang nito ng ulo.“Ang ibig kong sabihin e, sino ba yung babaeng dinala niyo rito? Kamag- anak mo ba?” tanong nitong muli sa kaniya.Napapikit naman siya at pagkatapos ay napabuntung- hininga. Oo nga pala, nakalimutan nga pala niyang may pagka- tsimosa si Nina at hindi talaga ito titigil hanggat hindi niya sasagutin ang mga tanong nito. Muli niyang itinulo

    Last Updated : 2024-02-01
  • HIDING THE BILLIONAIRE'S TRIPLETS   Chapter 5.3

    NAPANGANGA si Viviane nang tuluyan nang nasa harapan niya ang babaeng tinutukoy ni Silvia kanina. Bigla siyang napatayo sa kaniyang kinauupuan at pagkatapos ay lumapit rito. Hinawakan niya ang kamay nito at pagkatapos ay ilang sandaling nakatitig sa mga mata nito, sa mukha nito at pagkatapos ay dahan- dahang tumaas ang kamay niya upang haplusin ang mukha nito. Ang dalaga ay nakatayo at tila ba naitulos din mula sa kinatatayuan nito ng mga oras na iyon habang nakatitig sa kaniya. Ramdam na ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso niya at isang emosyon na hindi niya sigurado at hindi niya mabigyan ng pangalan.—--------“Oh hello hija.” nakangiting bati ni Donya Elsa sa babaeng dinala ni Noah sa bahay nila.Kararating lamang galing ni Noah sa isang meeting kung saan ay tumawag ito sa kaniya at sinabi na maghanda siya ng isang lunch para sa magiging bisita nito at hindi niya akalaing isang maganda at classy na dalaga ang dadalhin nito sa pamamahay nila.Isang ngiti ang sumilay sa labi n

    Last Updated : 2024-02-06
  • HIDING THE BILLIONAIRE'S TRIPLETS   Chapter 6.1

    FOUR YEARS LATER“Anong sinabi ko sa inyong tatlo? Hindi niyo na ba talaga ako susundin?” nakakunot ang noong tanong ni Kath sa mga anak niya.Nanatiling nakayuko ang tatlo habang pinapagalitan niya ang mga ito. Wala na lang siyang nagawa kundi ang mapabuntung- hininga dahil rito. Paano ba naman kasi ay muntik- muntikan nang mawala sa paningin nila ang mga ito. Nasa airport pa naman sila dahil napag- desisyunan nila ng kaniyang ina na uuwi na siya ng Pilipinas kasama ang mga ito para asikasuhin ang isang bagay.Ayaw naman niyang ang iwanan ang mga ito doon dahil alam niya na malulungkot ang mga ito kapag nalayo sa kaniya. Isa pa ay mawala lang siya sandali sa paningin ng mga ito ay nag- iiiyak na ang mga ito kaya pinag- isipan niya talagang mabuti ang pinaka magandang desisyon para na rin sa ikabubuti ng mga ito.Iniisip niya kasi ang pag- aaral ng mga ito pero nasisiguro niya naman na sa Pilipinas ay may mataas pa rin naman kalidad ng edukasyon sa mga pribadong eskwelahan. Doon na la

    Last Updated : 2024-02-06

Latest chapter

  • HIDING THE BILLIONAIRE'S TRIPLETS   Chapter 7.7

    Napangiti siya ng marinig ang sinabi nito. Kahit papano ay may napala siya sa pagpapakasal niya kay Noah dahil nabiyayaan siya ng tatlong gwapong mga anghel na kumulay sa buhay niya at nagsilbing lakas niya noong mga panahong pakiramdam niya ay hinang- hina siya.Masasabi niya na hindi nasayang ang lahat ng iyon lalo pa at ng dahil sa paghihiwalay nila ay naging maayos ang buhay niya at tuluyan niyang nakilala ang kaniyang ina na hindi niya kinamulatan sa buong buhay niya. Ang akala ng mga ito na naging dagok at pagkabigo sa buhay niya ay naging daan upang maging maginhawa siya.“Kung sabagay,” sang- ayon niya rito. Hindi na niya kailangan pang kwestyunin ang mga sinasabi nito bagkus ay kailangan na lang niyang sumabay sa mga sinasabi nito.Nagbago na nga pala siya. Hindi na nga pala niya iniisip ang sasabihin ng ibang tao sa kaniya ngayon at higit sa lahat ay hindi na siya magpapagod pa upang ipaliwanag ang sarili niya sa mga taong kagaya nito. Pare- parehas lang ang mga uri ng mga i

  • HIDING THE BILLIONAIRE'S TRIPLETS   Chapter 7.6

    Dahil nga sa nabanggit sa kaniya ni Shaira ay nagka- interes siyang usisain ang records ng kompanya. Pagkatapos nga lang nilang magmeryenda kanina ay kaagad niyang hiniling rito na kuhanin ang mga iyon upang mabasa niya.Halos mag- iisang oras na nga siyang nagbabasa tungkol sa mga funds at profit ng kompanya at halos sumasakit na ang kaniyang ulo dahil hindi niya mapagtugma ang mga nakalagay doon. Ibig sabihin lamang ay may posibilidad na totoo ang sinabi sa kaniya ni Shaira at hindi basta isang tsismis lamang.Nakatala din doon na kasalukuyan ngang nagbabayad ang kompanya ng pagkakautang sa isang kompanya na Montenegro Builders, na kahit hindi niya pa man nakikita o nakikilala ang may- ari nito ay alam na niya kaagad na ang pamilya ni Noah ang may- ari ng kompanyang ito.Dahil nga dalawang taon din silang mag- asawa ni Noah ay naging pamilyar din siya kahit papano sa pangalan ng kompanya nito at hindi niya lubos akalain na sa kompanya pa nito nagkautang ang komapnya na itinayo ng ka

  • HIDING THE BILLIONAIRE'S TRIPLETS   Chapter 7.5

    “Pasensiya na talaga kayo ma’am Kath…” patuloy na paghingi sa kaniya ni Shaira ng paumanhin at sa katunayan nga ay hindi niya na halos alam kung pang ilang beses na nitong paghingi ng paumanhin sa knaiya iyon.“Ano ka ba naman, okay lang iyon. Hindi mo naman kasalanan ito ‘no.” sabi niya rito at pagkatapos ay patuloy sa pagpupulot ng mga basag na vase sa sahig.“Oo nga po, kaso nga lang ay pati kayo tuloy ay naistorbo. Ito pa naman ang unang araw niyo rito sa kompanya.” sabi nito sa kaniya habang nagwawalis din.Napangiti naman siya ng wala sa oras dahil sa sinabi nit. Kahit papano ay mukhang may makakapalagayan na siya ng loob sa kompanya ng knaiyang lolo. Kailangan niya rin naman kasi ng may magiging close friend para kahit papano ay hindi naman siya mahirapan mag- adjust.“Siya nga pala, pwedeng bang magtanong?” baling niya rito.Nilingon naman siya nito ngunit nagpatuloy pa rin sa kaniyang ginagawa at mabilis na sumagot kasabay ng pagngiti.“Ano yun ma’am Kath?” tanong nito.“I- d

  • HIDING THE BILLIONAIRE'S TRIPLETS   Chapter 7.4

    Naglakad- lakad si Kath hanggang sa may makasalubong siyang babae na agad naman siyang nilapitan. Mukha ngang nang makita siya nito ay nakahinga ito ng maluwag at tila ba siya talaga ang hinahanap nito. Mabilis na lumapit ito sa kaniya at pagkatapos ay kapansin- pansin na may alanganing ngiti ito sa mga labi.“Ma’am Kath kanina ko pa po kayo hinahanap, nandito lang po pala kayo.” sabi nito at pagkatapos ay napakamot sa ulo. “Ako nga po pala si Shaira ang magiging secretary ninyo na dating secretary ng Auntie niyo.” pagpapakilala nito.Agad naman siyang napangiti dahil sa sinabi nito. Hindi na talaga siya mahihirapan dahil may secretary pa siya na gagabay sa kaniya kahit pa wala si Kier lagi sa kompanya.“Nice to meet you.” ganting sagot niya rito at pagkatapos ay matamis na nginitian din ito.Mas lumapad pa lalo ang ngiti nito dahil sa sinabi niya ngunit mabilis ding naglaho iyon at pagkatapos ay tila bigla itong kinabahan na hindi niya maipaliwanag. Bigla na lang kasing nagbago ang e

  • HIDING THE BILLIONAIRE'S TRIPLETS   Chapter 7.3

    “Gaano ka na katagal dito sa kompanya?” tanong ni Kath kay Kier habang naglalakad sila.Nagpresinta kasi ito na ilibot siya sa buong building. Maliit lang naman ang kanilang building at apat na palapag lamang kaya hindi rin naman mahirap ang magpasikot- sikot doon isa pa ay masyado na lang siya t*nga kapag nawala pa siya doon.“Well honestly, ang Dad ko talaga ang isa sa board of directors nitong kompanya ng lolo mo but dahil sa katandaan niya ay nag- retire na siya at ako na ang napilitang humalili sa kaniya.” sagot nito sa kaniya pagkatapos ay nilingon siya at nginitian.Napatango naman siya dahil sa sagot nito sa kaniya at pagkatapos ay nagpatuloy sa kanilang paglalakad. Galing na sila sa department ng mga architect ang mga engineer ng kanilang kompanya kung saan ginagawa at binubuo ang mga plano ng mga projects na nakukuha nila. Galing na rin sila sa HR at ipinakilala na rin siya nito doon. Mababait naman ang mga ito kaya masaya siyang tinanggap ng mga ito. Pwera na lang sa mga p

  • HIDING THE BILLIONAIRE'S TRIPLETS   Chapter 7.2

    Napatampal na lang si Kath sa kaniyang noo pagkatapos lumabas ng kaniyang tiyahin. Inasahan na niyang magiging ganito ang sitwasyon ng paghaharap nila ng kaniyang tiyahin ngunit hindi niya inaasahan na kakabahan siya nang makita ang galit sa mga mata nito. Alam niya na hindi ito basta- basta papayag na lang sa bagay na iyon. “Ayos ka lang ba hija?” tanong ni attorney sa kaniya na nasa kaniyang tabi pa rin pala hanggang sa mga oras na iyon. “Ah, opo. Salamat attorney.” sabi niya rito at pagkatapos ay humarap sa mga taong naiwan sa loob ng confernce room. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa mga ito at kung paano niya i- aapproach ang mga ito dahil hindi naman niya alam kung paano tumatakbo ang ganitong klaseng kompanya. Ang pagiging CEO ng isang napakalaking kompanya ay napakalaking responsibilidad para sa kaniya at masasabi niya na kailangan niya ng isang taong gagabay sa kaniya na magtuturo ng lahat ng kailangan niyang gawin. May isang lalaking tumayo mula sa

  • HIDING THE BILLIONAIRE'S TRIPLETS   Chapter 7.1

    Nang pumasok ang ina ni Betty sa loob ng conference room ay naroon na halos lahat ng board of directors ng kanilang kompanya. Nang pumasok sito ay nagsi- ayos ng mga upo ang mga ito. Taas itong umupo sa pinakagitna ng lamesa. Ilang sandali pa ay nakita niya iniikot nito ang paningin sa mga taong naroon kasali siya. Naroon din ang bunso niyang kapatid na si Bella at ang panganay na si Jessy. “Sino sa inyo ang nagpatawag ng board meeting?” tanong niya sa mga ito at nakita niyang nagtinginan naman ang mga ito sa ibang tao pang naroon sa loob. Kitang- kita niya kung paano nangunot ang mga noo ng mga ito dahil sa naging tanong ng kaniyang ina at tila ba naguguluhan ang mga ito hanggang sa may isang nagsalita na. “Hindi ba at kayo ang nagpatawag ng meeting na ito?” tanong ng isa sa mga ito habang kunot din ang noo na nakatingin sa kaniya. Natuon lahat ng atensiyon sa kaniyang ina ng mga oras na iyon dahil sa naging tanong nito. Ang kaniyang ina naman ang napakunot ng noo ng wala sa

  • HIDING THE BILLIONAIRE'S TRIPLETS   Chapter 6.12

    “Noah…”“Noah…”“Noah…”Napalingon siya sa kaniyang tabi nang bigla na lamang siyang tapikin ni Lindy. Nakita niya ang nakakunot nitong noo habang nakatitig sa kaniya.“May problema ba? Kanina ba kita tinatawag pero hindi ka man lang sumasagot.” sabi nito sa kaniya.Napailing naman siya at pagkatapos ay napahawak sa kaniyang noo. Hindi niya man lang narinig ang pagtawag sa kaniya ng kaniyang asawa dahil abala ang isip niya. Lumalayag iyon.“Pasensiya na, pagod lang siguro ako.” sagot niya rito at pagkatapos ay tumayo na.“Saan ka pupunta?” habol nitong tanong sa kaniya.“Magpapahangin lang ako sa balcony.” sagot niya rito at pagkatapos ay nagtuloy- tuloy na sa kaniyang paglalakad at hindi na ito nilingon pa.Napabuntung- hininga siya habang naglalakad paakyat ng hagdan. Sa ilang taon na lumipas ay ni hindi man lang siya nagkaroon ng oras para isipin ang dati niyang asawa o ni kahit pa noong magkasama pa man sila sa iisang bubong.Sa katunayan ay hindi nga niya ito tinuring na asawa da

  • HIDING THE BILLIONAIRE'S TRIPLETS   Chapter 6.11

    Agad na nag- unahang bumaba ang mga anak niya nang tuluyan na silang makauwi sa bahay ng kaniyang ina. Noong dumating sila doon ay tila ba naging masayahin ang mga ito at naging mas malikot pa. Mas naging madaldal din ang mga ito at halos hindi na niya nakikita pang nakahawak ang mga ito ng tablet na laging pinag- uubusan ng oras ng mga ito.Kahit papano ay masaya siya na medyo nalilibang ang mga ito sa paglalaro at hindi na lang puro sa gadget nakatuon ang pansin ng mga ito.“Dahan- dahan at baka madapa kayo.” bilin niya sa mga ito ngunit tila walang narinig ang mga ito dahil nagpatuloy lang sa pagtakbo papasok sa loob ng bahay.Napabuntung- hininga na lamang siya habang nakasunod ng tingin sa mga ito.“Makukulit na ang mga anak mo.” natatawa na lang na komento ng kaniyang Tita Silvia na nasa tabi na pala niya.“Oo nga Tita. Medyo hindi na lang makukulit dahil tumitigas na rin ang mga ulo nila.” napapailing na sabi niya rito.“Naku, ngayon lang iyan at bata pa sila pero kapag lumaki-

DMCA.com Protection Status