Napalingon si Silvia sa bukana ng kusina nang makita niya si Nina na tila ba nag- aalangan na lumapit sa kaniya. Agad namang tumaas ang kaniyang kilay dahil rito. Itinigil niya ang paghahalo ng kaniyang kape at pagkatapos ay humarap rito.“Ano yun?” magkasalubong ang mga kilay na tanong niya rito.Agad naman itong nag- alangan dahil sa tanong niya at pagkatapos ay dali- daling lumapit sa kaniya. Sabi na e, nasisiguro niyang may sasabihin ito sa kaniya dahil sa tingin nito.“Pwede po bang magtanong ate Silvia?” tanong nito sa kaniya.“Hindi ka pa ba nagtatanong sa lagay na yan Nina?” seryosong balik niyang tanong rito na ikinakamot lamang nito ng ulo.“Ang ibig kong sabihin e, sino ba yung babaeng dinala niyo rito? Kamag- anak mo ba?” tanong nitong muli sa kaniya.Napapikit naman siya at pagkatapos ay napabuntung- hininga. Oo nga pala, nakalimutan nga pala niyang may pagka- tsimosa si Nina at hindi talaga ito titigil hanggat hindi niya sasagutin ang mga tanong nito. Muli niyang itinulo
NAPANGANGA si Viviane nang tuluyan nang nasa harapan niya ang babaeng tinutukoy ni Silvia kanina. Bigla siyang napatayo sa kaniyang kinauupuan at pagkatapos ay lumapit rito. Hinawakan niya ang kamay nito at pagkatapos ay ilang sandaling nakatitig sa mga mata nito, sa mukha nito at pagkatapos ay dahan- dahang tumaas ang kamay niya upang haplusin ang mukha nito. Ang dalaga ay nakatayo at tila ba naitulos din mula sa kinatatayuan nito ng mga oras na iyon habang nakatitig sa kaniya. Ramdam na ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso niya at isang emosyon na hindi niya sigurado at hindi niya mabigyan ng pangalan.—--------“Oh hello hija.” nakangiting bati ni Donya Elsa sa babaeng dinala ni Noah sa bahay nila.Kararating lamang galing ni Noah sa isang meeting kung saan ay tumawag ito sa kaniya at sinabi na maghanda siya ng isang lunch para sa magiging bisita nito at hindi niya akalaing isang maganda at classy na dalaga ang dadalhin nito sa pamamahay nila.Isang ngiti ang sumilay sa labi n
FOUR YEARS LATER“Anong sinabi ko sa inyong tatlo? Hindi niyo na ba talaga ako susundin?” nakakunot ang noong tanong ni Kath sa mga anak niya.Nanatiling nakayuko ang tatlo habang pinapagalitan niya ang mga ito. Wala na lang siyang nagawa kundi ang mapabuntung- hininga dahil rito. Paano ba naman kasi ay muntik- muntikan nang mawala sa paningin nila ang mga ito. Nasa airport pa naman sila dahil napag- desisyunan nila ng kaniyang ina na uuwi na siya ng Pilipinas kasama ang mga ito para asikasuhin ang isang bagay.Ayaw naman niyang ang iwanan ang mga ito doon dahil alam niya na malulungkot ang mga ito kapag nalayo sa kaniya. Isa pa ay mawala lang siya sandali sa paningin ng mga ito ay nag- iiiyak na ang mga ito kaya pinag- isipan niya talagang mabuti ang pinaka magandang desisyon para na rin sa ikabubuti ng mga ito.Iniisip niya kasi ang pag- aaral ng mga ito pero nasisiguro niya naman na sa Pilipinas ay may mataas pa rin naman kalidad ng edukasyon sa mga pribadong eskwelahan. Doon na la
Welcome back hija!” masayang salubong ni Viviane sa kaniya at pagkatapos ay kaagad na niyakap siya at bineso- beso.Ang tatlo naman na makukulit niyang anak ay nasa likod niya at nang matapos siyang yakapin ng kaniyang ina ay ang mga anak naman niya ang pinag- diskitahan nito.Niyakap at pinupog niya ng halik ang mga ito isa- isa na halos magmakaawa na nga sa kaniya na kuhanin na niya ang mga ito mula sa kanilang lola. Hinayaan na lamang naman niya ang mga ito at pagkatapos ay dumiretso na sa loob ng bahay na iyon upang hanapin ang driver ng kaniyang ina.Sa loob ng bahay ay kaagad niyang nakita si Silvia kung saan ay nang makita siya nito ay abot- tenga rin ang ngiti. Biglaan ang kaniyang uwi ng Pilipinas at hindi niya alma kung alam ba nito na darating siya, pero sa reaksiyon naman nito na hindi nagulat ay nasisisguro na niya na alam nito na uuwi siya.Ang ina pa naman niya ay walang preno ang bibig. Nasisiguro niya na ikwinento nito rito ang pagdating niya. Pero ganun pa man ay wal
“Welcome back hija!” masayang salubong ni Viviane sa kaniya at pagkatapos ay kaagad na niyakap siya at bineso- beso.Ang tatlo naman na makukulit niyang anak ay nasa likod niya at nang matapos siyang yakapin ng kaniyang ina ay ang mga anak naman niya ang pinag- diskitahan nito.Niyakap at pinupog niya ng halik ang mga ito isa- isa na halos magmakaawa na nga sa kaniya na kuhanin na niya ang mga ito mula sa kanilang lola. Hinayaan na lamang naman niya ang mga ito at pagkatapos ay dumiretso na sa loob ng bahay na iyon upang hanapin ang driver ng kaniyang ina.Sa loob ng bahay ay kaagad niyang nakita si Silvia kung saan ay nang makita siya nito ay abot- tenga rin ang ngiti. Biglaan ang kaniyang uwi ng Pilipinas at hindi niya alma kung alam ba nito na darating siya, pero sa reaksiyon naman nito na hindi nagulat ay nasisisguro na niya na alam nito na uuwi siya.Ang ina pa naman niya ay walang preno ang bibig. Nasisiguro niya na ikwinento nito rito ang pagdating niya. Pero ganun pa man ay wa
Hindi na nga nag- aksaya pa ng oras si Kath dahil pagkatapos na pagkatapos niyang kainin ang cake na ibinigay sa kaniya n Silvia ay kaagad siyang umalis mula doon upang puntahan ang lugar kung saan niya kailangang kuhaning ang iniwan sa kaniya ng kaniyang Lolo.Bago nga siya umalis ay pinigilan pa siya ni Silvia at ng kaniyang ina dahil halos kararating niya lang daw at bakit daw pupuntahan na niya ito kaagad. Pwede naman daw niyang ipagpabukas iyon tutal ay hindi naman daw siya nagmamadali pero hindi niya pinakinggan ang mga iyn.Kung sila hindi nagmamadali siya ay nagmamadali dahil iniisip niya ang kaligtasan ng mga anka niya. Baka kapag mas matagal sila doon ay mas malaki ang tiyansa na magkrus ang landas nila ni Noah, okay lang sana kung sila lang e paano kung makita nito ang mga anak niya?Hindi pa naman niya maitatangging anak nito ang mga iyon dahil kamukhang- kamukha nito ang tatlo at halos wala man lang nakuha sa kaniya.Isa pa ay iniisip niya din ang kaligtasan ng mga anak n
PAGMULAT ng mga mata ni Kath ay ang malamlam na ilaw ang kaagad na bumungad sa kaniya. Kaagad siyang napakusot ng kaniyang mga mata at pagkatapos ay napahikab pa. Napatitig siya sa kisame at pagkatapos ay biglang napatong kung anong oras na ba at napabangon mula sa kaniyang kama.Inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid at doon niya lang napansin na madilim na pala. Anong oras na ba? Muling tanong niya sa kaniyang isip at pagkatapos ay napatayo mula sa kama at napainat ng kaniyang katawan. Hindi niya alam kung anong oras na ng mga oras na iyon dahil wala namang orasan sa kaniyang silid kaya mabilis siyang naglakad patungo sa switch ng ilaw kung saan niya ay isinindi niya iyon.Agad siyang napapikit nang sumindi ang ilaw dahil bahagya pa siyang nasilaw at pagkatapos ay napahikab muli bgo bumalik sa kaniyang kama dahil sa tabi niya ay naroon pala ang bag niya kanina. Nasisiguro niya na naroon ang kaniyang cellphone para na rin makita niya kung anong oras na.Mabilis niya ngang hin
Hindi naiwasan ni Kath na hindi mapakagat- labi ng mga oras na iyon habang binabasa ang iniwang sulat sa kaniya ng kaniyang abuelo. Ang kanina pa niyang pinipigil niyang mga luha ay tuluyan na ngang bumagsak mula sa mga mata niya. Buong buhay niya ay pinaniwala niya ang sarili niya na kahit minsan ay hindi man lang siya nagawang mahalin ng kaniyang lolo.Na ni kahit minsan sa buhay niya ay hindi man lang ito nagkaroon ng pakialam sa kaniya dahil iyon ang ipinakita at ipinaramdam nito sa kaniya, ngunit habang binabasa niya ang liham na sinulat nito ay hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng lungkot at panghihinayang.Patuloy ang pagtulo ng mga luha mula sa kaniyang mga mata at hinayaan niya lamang ang mga iyon na pumatak, hindi siya nag- abalang pahirin ang mga iyon. Bakit kung kailan wala na ang lolo niya ay tyaka niya lang nabasa ang mga sulat na iniwan nito sa kaniya? Bakit kung kailan huli na ang lahat?Ang daming tanong na nabuo sa kaniyang isip ng mga oras na iyon at patuloy