Share

Chapter 4.3

Napahinga ng maluwag si Silvia nang sabihin sa kaniya ng doktor na wala naman daw injury ang babaeng dinala nila sa ospital. Nawalan lamang daw ito ng malay marahil daw sa pagod. Mabuti na lamang at walang masamang nangayri rito dahil kung hindi, paniguradong masesermonan siya ng amo niya.

Ilang sandali pa nga ay nagpaalam na ang doktor sa kaniya. Naiwan siyang mag- isa sa silid kung nasaan ito. Napatitig siya sa natutulog na dalaga. Tuyong- tuyo ang mga labi nito at tila ba namumutla ito. Napalingon siya sa dala nitong bag at hindi naiwasan ang mapatanong sa sarili kung saan ito pupunta.

Dahil sa bag na dala nito ay nasisiguro niya na naglayas ito sa kanila, pero ang hindi niya lubos maisip ay kung bakit ito nasa kalsada ng madilim na at naglalakad. Hindi ba ito natatakot sa mga adik? Nagkalat pa naman ngayon ang mga masasamang loob sa kalye. Mabuti na lamang at kahit papano ay sila ang dumaan nang mawalan ito ng malay.

Habang nakatitig sa natutulog nitong mukha ay hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng awa at mapatanong sa kaniyang isip kung ano kaya ang nagtulak rito upang maglayas sa bahay nila? Hindi kaya inabuso ito? Dahil sa kaniyang naisip ay mas lalo pang tumindi ang kaniyang awa na nararamdaman dahil kung inabuso man ito ay alam niyang napakahirap ng pinagdadaaanan nito.

Alam niya ang pakiramdam dahil nanggaling din siya sa pamilyang mapang- abuso kung saan ay kahit gusto mong magsumbong ay wala kang alam kung saan ka ba dapat mag- sumbong dahil pakiramdam mo ay magkakakampi silang lahat at kapag ikaw ang nagsumbong ay ikaw pa ang masama.

Kahit hindi nya kilala ang dalaga ay bigla niyang hinawakan ang kamay nito. Kanina pa siya dapat umalis ngunit pinili na lamang niya ang manatili sa ospital lalo pa at wala namang pagkakakilanlan sa babaeng nabangga nila. Isa pa ay kung iiwan niya ito doon mag- isa ay baka kung ano lamang ang mangyari rito kaya minabuti na lang din niya na bantayan muna ito.

Hindi niya rin alam kung hanggang kailan ito matutulog. Hihintayin na lamang niya itong magising bago pa man niya ito iwanan. Hindi niya naman maatim na basta na lamang itong iwanan sa ayos nito.

—------

Unti- unting nagmulat ng mga mata si Kath at puting kisame ang agad na lumitaw sa kaniyang paningin. Ang huling naaalala niya ay may ilaw ng isang sasakyan at humarang siya sa daan upang parahin ito. Hindi kaya patay na siya? Dahan- dahan niyang inilibot sa kaniyang paligid ang kaniyang paningin at doon niya napagtanto na nasa isa pala siyang silid ng isang ospital.

Paano siya napunta doon? Ano bang nagyari sa kaniya?

Dahan- dahan siyang napabangon. Ramdam na ramdam niya pa rin hanggang sa mga oras na iyon ang matinding pagkahilo at ang kalam ng kaniyang sikumra. Nagugutom siya. Napatitig siya sa isang babaeng nakadukdok sa tabi ng kaniyang kama at pagkatapos ay napkunot ang noo pagkakita rito. Sino ang babaeng ito?

Hindi niya ito kilala. Bakit ito nasa kaniyang silid? Bago pa man niya maibuka ang kaniyang bibig upang tanungin kung sino ito ay bigla na lamang itong napaayos ng upo at pagkatapos ay dahan- dahang dumilat ng kaniyang mga mata. Mukhang naalimpungatan ito dahil sa kaniyang ginawang pagbangon at pagkatapos ay napatitig sa kaniya.

Isang ngiti ang sumilay sa labi nito at pagkatapos ay biglang nagliwanag ang mukha ng makita siya. Teka, sino ba ito? Kilala ko ba siya? Hindi niya napigilang itanong sa kaniyang isip habang nakatitig sa mukha nito. Nasisiguro niya hindi niya ito kilala at ngayon niya lang ito nakita.

“Kamusta ang pakiramdam mo hija?” tanong nito sa kaniya at pagkatapos ay tumitig sa kaniya.

Tila hinaplos ang kaniyang puso nang marinig niya ang pagtawag nitong hija sa kaniya. Sa unang pagkakataon ng buhay niya ay may isang taong tumawag sa kaniya ng hija at itong isang babaeng hindi pa niya kilala. Sa puntong iyon ay hindi niya maiwasan ang hindi mag- init ang sulok ng kaniyang mga mata dahil sa kaniyang narinig.

Bigla naman itong nag- alala kaagad nang makita ang reaksiyon niya.

“Ayos ka lang ba hija? May masakit ba sayo? Teka tatawag ako ng doktor—-” saad nito at akmang paalis na sana sa harap niya nang pigilan niya ito gamit ang kaniyang kamay. Nagtataka naman itong napatingin sa kaniya nang mga oras na iyon.

Tumitig siya sa mga mata nito kasabay nang pagtulo ng mga luha sa kaniyang mga mata.

“Pwe- pwede po bang payakap?” tumutulo ang luhang tanong niya rito.

Agad namang gumuhit ang pagkagulat sa mukha nito dahil sa sinabi niya ngunit agad din naman itong tumugon sa kahilingan niya at niyakap siya. Yumakap din siya rito at pagkatapos ay unti- unting bumuhos pa lalo ang kaniyang mga luha kasabay ng paghaplos nito sa kaniyang buhok na mas lalo lamang nakapag- paiyak pa sa kaniya lalo.

—--------------------

Pasinghot- singhot pa rin si Kath habang nakaupo sa kama. Katatapos niya lamang ikwento kay Silvia ang kaniyang pinagdaanan sa kaniyang buhay. Pakiramdam niya ay tila ba nabunutan siya ng tinik sa kaniyang dibdib dahil sa pagkwekwento niya. Wala man lang kasi siyang mapagsabihan ng pinagdaraanan niya.

Hinawakan nito ang kaniyang kamay at pagkatapos ay bahagyang pinisil iyon.

“Huwag ka ng umiyak.” saad nito. “Sumama ka na lang sakin kung wala ka talagang pupuntahan.” dagdag nito na ikinaangat ng kaniyang mga mata.

Dahil sa narinig ay nag- umpisa na namang magtubig ang kaniyang mga mata. Hindi niya inaasahan na may makikilala pala siyang isang taon na napakabait at handa siyang tulungan kahit pa hindi naman siya nito kaano- ano at higit sa lahat ay hindi siya nito lubusang kilala.

“O huwag ka ng umiyak. Kanina ka pa umiiyak.” muling saad nito at pagkatapos ay pinunasana ng ilang butil ng luha na kumawala mula sa kaniyang mga mata.

“Dahil wala naman akong anak ay aampunin na lang kita.” nakangiting saan nito sa kaniya at pagkatapos ay pinisil ang pisngi niya.

Labis- labis ang tuwang naramdaman ni Kath nang mga oras na iyon dahil kahit papano ay may matutuluyan na siya at higit sa lahat ay may kukupkop na sa kaniya na maituturing niyang pamilya kahit pa hindi naman niya kadugo mismo.

Ilang sandali pa ay inabot na nito ang mga pagkain na nasa tabi ng kaniyang kama kung saan ay malugod niya namang tinaggap dahil nga gutom na gutom na siya. Pagkaabot na pagkaabot pa lamang sa kaniya ng mga pagkain ay kaagad na niya iyong nilantakan at halos mabulunan pa siya.

Paano ba naman ay halos ilang kainan na ang na- miss niya at ngayon pa lang siya kakain. Marahil ay iyon din ang naging dahilan kung bakit bigla na lamang siyang nawalan ng malay sa gitna ng daan. 

Nakangiti lang naman siyang pinagmasdan ni Silvia na kumain.

—--------------

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status