“Pasensiya na talaga kayo ma’am Kath…” patuloy na paghingi sa kaniya ni Shaira ng paumanhin at sa katunayan nga ay hindi niya na halos alam kung pang ilang beses na nitong paghingi ng paumanhin sa knaiya iyon.“Ano ka ba naman, okay lang iyon. Hindi mo naman kasalanan ito ‘no.” sabi niya rito at pagkatapos ay patuloy sa pagpupulot ng mga basag na vase sa sahig.“Oo nga po, kaso nga lang ay pati kayo tuloy ay naistorbo. Ito pa naman ang unang araw niyo rito sa kompanya.” sabi nito sa kaniya habang nagwawalis din.Napangiti naman siya ng wala sa oras dahil sa sinabi nit. Kahit papano ay mukhang may makakapalagayan na siya ng loob sa kompanya ng knaiyang lolo. Kailangan niya rin naman kasi ng may magiging close friend para kahit papano ay hindi naman siya mahirapan mag- adjust.“Siya nga pala, pwedeng bang magtanong?” baling niya rito.Nilingon naman siya nito ngunit nagpatuloy pa rin sa kaniyang ginagawa at mabilis na sumagot kasabay ng pagngiti.“Ano yun ma’am Kath?” tanong nito.“I- d
Dahil nga sa nabanggit sa kaniya ni Shaira ay nagka- interes siyang usisain ang records ng kompanya. Pagkatapos nga lang nilang magmeryenda kanina ay kaagad niyang hiniling rito na kuhanin ang mga iyon upang mabasa niya.Halos mag- iisang oras na nga siyang nagbabasa tungkol sa mga funds at profit ng kompanya at halos sumasakit na ang kaniyang ulo dahil hindi niya mapagtugma ang mga nakalagay doon. Ibig sabihin lamang ay may posibilidad na totoo ang sinabi sa kaniya ni Shaira at hindi basta isang tsismis lamang.Nakatala din doon na kasalukuyan ngang nagbabayad ang kompanya ng pagkakautang sa isang kompanya na Montenegro Builders, na kahit hindi niya pa man nakikita o nakikilala ang may- ari nito ay alam na niya kaagad na ang pamilya ni Noah ang may- ari ng kompanyang ito.Dahil nga dalawang taon din silang mag- asawa ni Noah ay naging pamilyar din siya kahit papano sa pangalan ng kompanya nito at hindi niya lubos akalain na sa kompanya pa nito nagkautang ang komapnya na itinayo ng ka
Napangiti siya ng marinig ang sinabi nito. Kahit papano ay may napala siya sa pagpapakasal niya kay Noah dahil nabiyayaan siya ng tatlong gwapong mga anghel na kumulay sa buhay niya at nagsilbing lakas niya noong mga panahong pakiramdam niya ay hinang- hina siya.Masasabi niya na hindi nasayang ang lahat ng iyon lalo pa at ng dahil sa paghihiwalay nila ay naging maayos ang buhay niya at tuluyan niyang nakilala ang kaniyang ina na hindi niya kinamulatan sa buong buhay niya. Ang akala ng mga ito na naging dagok at pagkabigo sa buhay niya ay naging daan upang maging maginhawa siya.“Kung sabagay,” sang- ayon niya rito. Hindi na niya kailangan pang kwestyunin ang mga sinasabi nito bagkus ay kailangan na lang niyang sumabay sa mga sinasabi nito.Nagbago na nga pala siya. Hindi na nga pala niya iniisip ang sasabihin ng ibang tao sa kaniya ngayon at higit sa lahat ay hindi na siya magpapagod pa upang ipaliwanag ang sarili niya sa mga taong kagaya nito. Pare- parehas lang ang mga uri ng mga i
Pabagsak na binitawan ni Noah ang isang envelop sa kaniyang harapan. Hindi niya alam kung ano ang laman nito. Kadadating lamang nito galing sa opisina nito ng mga oras na iyon at kanina pa niya ito hinihintay. Balak niyang kausapin ito na kailangan na nilang lumipat ng bahay.Kasalukuyan silang nakatira sa bahay ng pamilya ni Noah kung saan ay kabahay niya ang byanan niya. Dalawang taon na ang nakakaraan simula nang makasal sila ni Noah at ni minsan ay hindi siya itinuring na manugang ng byanan niya. Mas tamang tawagin siyang kasambahay ng mga ito dahil simula nang magpakasal sila ay pinaalis nito ang lahat ng kasambahay ng mga ito at siya ang ipinalit sa mga ito.Ang pagpapakasal sa isang taong katulad ni Noah ay wala sa hinagap niya at kailanman ay hindi niya naman pinangarap. Isa siyang graduating student sa kurso niyang accountancy nang malaman niya ang nakatakdang pagpapakasal niya kay Noah. noong una ay wala naman talaga siyang balak na magpakasal rito.Ngunit nang tumutol siya
Walang emosyon si Kath habang bitbit ang maliit na bag habang pababa ng hagdan. Alas- syete na ng mga oras na iyon at katatapos niya lang ipunin lahat ng gamit niya. Isang maliit lang na bag ang pinagkasiyahan ng kaniyang mga gamit dahil wala naman siyang masyadong gamit.Sa baba ng hagdan ay naroon na si Donya Elsa, ang ina ni Noah na demonyita at nang makita siya na pababa ng hagdan ay bigla itong napatayo. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito ng makita siya. Ngiting tagumpay.Hindi niya itinago ang iritasyon at disgusto na nakaguhit sa kaniyang mukha. Wala nang dahilan pa para irespeto niya ito. Isa pa ay hindi nito deserve ang respeto niya dahil sa pag- uugali nito.“I told you…” masayang saad nito na halos humalakhak pa dahil tila ba sa pakiramdam nito ay tila nanalo sa isang pustahan.Ang mga katulad nitong tao ay hindi niya dapat pag- aksayahan ng oras. Akmang lalampasan na sana niya ito ng bigla na lamang siya nitong harangin. Tinapunan niya ito ng masamang tingin. Ano pa
HINGAL na hingal at halos lumabas na ang kaniyang dila sa magkahalong uhaw at pagod. Halos magdadalawang oras na yata siyang naglalakad at ramdam na rin niya ang matinding sikat ng araw sa kaniyang balat. Mabuti na lamang at sa wakas ay nasa tapat na siya ng gate ng bahay na kinalakihan niya.Dali- dali siyang lumapit sa gate kung saan siya nag- doorbell. Pagkatapos ng ilang doorbell ay kaagad naman binuksan ng guard ang gate at pagkatapos ay sumilip. Nang makita siya nito ay halos magulat pa ito. Mabilis siya nitong pinagbuksan nang makita niya at pagkatapos ay binitbit nito ang bag niya.Kulang na lamang at mahihimatay na siya sa sobrang pagod ng mga oras na iyon. Dali- dali siyang pumasok sa loob ng bahay kung saan nang makita siya ng mga kasambahay ang nagunot ang mga noo ng mga ito. Maging siya ay napakunot rin ang kaniyang noo dahil ang mga kasambahay na kaharap niya ng mga oras na iyon ay mga hindi niya kilala.Wala na ang mga dating kasambahay at napalitan na ng mga bago. Mabu
Napatingala sa langit si Kath ng wala sa oras at pagkatapos ay napapikit at napasabi na, bakit parang ang lupit naman ng mundo sa akin?Sa mga oras na iyon ay hindi niya maiwasan ang hindi mapaisip. Ano bang kasalanan ang nagawa niya sa buhay niya para parusahan siya ng ganito? Hindi niya maiwasan ang magdamdam sa nasa itaas ng mga oras na iyon dahil pakiramdam niya ay tila ba hindi niya maramdaman ang pagkalinga nito sa kaniya.Saan siya nito ngayon pupunta? Wala siyang ibang kamag- anak na kilala kundi tanging ang lolo niya lang at ngayon ay pinalayas pa siya ng Auntie niya sa mismong bahay ng lolo niya na animo’y hindi sila magkadugo. Nalasahan niya ang maalat na likido na nagmumula sa kaniyang mga mata.Pagod na pagod siya sa kaniyang ginawang paglalakad kanina at halos hindi pa niya nababawi ang lakas niya, tapos heto siya ngayon nakasalampak na naman sa kalsada. Tirik na tirik ang araw nang mga oras na iyon, ngunit hindi niya iyon alintana dahil pakiramdam niya ay namanhid ang b
Ramdam na ramdam na ni Kath ang pamamaltos ng paa niya dahil sa kalalakad niya. Halos ilang oras na siyang naglalakad at halos padilim na rin nang mga oras na iyon. Ramdam na ramdam na rin niya ang pagkalam ng sikmura niya dahil halos kaninang umaga pa siya walang kain.Hindi niya naman naharap na kumain kanina nang dumating siya sa bahay ng kaniyang lolo dahil mas inuna niyang hanapin ito at pumunta sa silid nito. Nagugutom na siya at wala siyang dalang pera, idagdag pa na wala din siyang alam na pupuntahan niya. Napatingala siya sa papadilim na kalangitan.Saan siya pupunta? Saan siya matutulog? Bigla siyang napadaan sa isang establisyemento kung saan ay isang restaurant at mas lalo lamang siyang nagutom nang makita niya ang mga kumakain sa loob. Hindi niya tuloy naiwasan ang hindi mapabulong sa hangin na ang swerte- swerte nang mga tao sa loob dahil wala silang mga problema samantalang siya ay tila ba siya binagsakan ng langit at lupa dahil sa dinaranas niya.Sa mga oras na iyon da