Chapter: Chapter 16.4Hindi na nga nag- aksaya pa ng oras si Kath dahil pagkatapos na pagkatapos niyang kainin ang cake na ibinigay sa kaniya n Silvia ay kaagad siyang umalis mula doon upang puntahan ang lugar kung saan niya kailangang kuhaning ang iniwan sa kaniya ng kaniyang Lolo.Bago nga siya umalis ay pinigilan pa siya ni Silvia at ng kaniyang ina dahil halos kararating niya lang daw at bakit daw pupuntahan na niya ito kaagad. Pwede naman daw niyang ipagpabukas iyon tutal ay hindi naman daw siya nagmamadali pero hindi niya pinakinggan ang mga iyn.Kung sila hindi nagmamadali siya ay nagmamadali dahil iniisip niya ang kaligtasan ng mga anka niya. Baka kapag mas matagal sila doon ay mas malaki ang tiyansa na magkrus ang landas nila ni Noah, okay lang sana kung sila lang e paano kung makita nito ang mga anak niya?Hindi pa naman niya maitatangging anak nito ang mga iyon dahil kamukhang- kamukha nito ang tatlo at halos wala man lang nakuha sa kaniya.Isa pa ay iniisip niya din ang kaligtasan ng mga anak n
Huling Na-update: 2024-02-19
Chapter: Chapter 16.3“Welcome back hija!” masayang salubong ni Viviane sa kaniya at pagkatapos ay kaagad na niyakap siya at bineso- beso.Ang tatlo naman na makukulit niyang anak ay nasa likod niya at nang matapos siyang yakapin ng kaniyang ina ay ang mga anak naman niya ang pinag- diskitahan nito.Niyakap at pinupog niya ng halik ang mga ito isa- isa na halos magmakaawa na nga sa kaniya na kuhanin na niya ang mga ito mula sa kanilang lola. Hinayaan na lamang naman niya ang mga ito at pagkatapos ay dumiretso na sa loob ng bahay na iyon upang hanapin ang driver ng kaniyang ina.Sa loob ng bahay ay kaagad niyang nakita si Silvia kung saan ay nang makita siya nito ay abot- tenga rin ang ngiti. Biglaan ang kaniyang uwi ng Pilipinas at hindi niya alma kung alam ba nito na darating siya, pero sa reaksiyon naman nito na hindi nagulat ay nasisisguro na niya na alam nito na uuwi siya.Ang ina pa naman niya ay walang preno ang bibig. Nasisiguro niya na ikwinento nito rito ang pagdating niya. Pero ganun pa man ay wa
Huling Na-update: 2024-02-19
Chapter: Chapter 16.2Napalunok siya nang pumasok sa isip niya iyon. Hindi niya ugaling magpantasya ng mga lalaki pero bakit ang lalaking ito ay ganun na lamang ang naging epekto nito sa kaniya. Hindi siya makapag- isip ng maayos.Hanggang sa muli na naman dumako ang kaniyang tingin sa mga mata nito at sa puntong iyon ay may emosyong kung ano na ang makikita doon ngunit hindi niya iyon mabigyan ng pangalan. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya magawang mag- iwas ng tingin rito. Tila hinihigop pa rin siya ng mga mata nito.Hanggang sa nakita niyang unti- unti na itong humakbang palapit sa kaniya na ikinakapit niya ng mahigpit sa damit niya. Tila nag- slow motion ang lahat sa kaniya ng makalapit ito sa kaniya.Halos ilang pulgada na lamang ang layo nila sa isat- isa at ramdam na ramdam na niya ang paghinga nito sa mukha niya. Hindi niya alam pero nanatili pa rin siya sa kaniyang ayos at hinayaan lamang ito sa ginagawa nito.Nakita niya ang paglunok nito bago nito unti- unting ibinaba ang mukha.
Huling Na-update: 2024-02-09
Chapter: Chapter 16.1Nakakain pa rin naman siya kahit papano kahit nawala na ang gutom niya pagkatapos niyang makaharap ang lalaking iyon, ngunit nasisiguro niya na kung nanatili lamang ito doon ay malamang sa malamang na hindi talaga siya makakakain.Sa totoo nga lang ay pinilit lamang niya ang kaniyang sariling kumain upang kahit papano naman ay malagyan ng pagkain ang kaniyang tiyan. Hindi naman maganda na matulog siyang kumakalam ang kaniyang sikmura.Nanatili muna siya sa kaniyang kinauupuan at tinititigan ang mga pagkaing nasa lamesa. Kanina lamang ay takam na takam siya sa mga ito na halos tumulo pa ang kaniyang laway ngunit naglaho ang lahat ng iyon nang makatitigan niya ang malalamig na mata ng lalaking iyon.Nahila siya mula sa kaniyang pag- iisip nang makarinig siya ng isang tikhim. Bigla siyang napaayos ng kaniyang upo at pagkatapos ay napa- angat siya ng kaniyang ulo. Akala niya ay ang lalaking iyon na naman ang makikita niya ngunit ang isang kasambahay ang nakita niyang nakatayo malapit sa k
Huling Na-update: 2024-02-09
Chapter: Chapter 156: 30 na nang gabi ngunit nasa loob pa rin siya ng kaniyang silid. Hindi pa siya lumalabas simula ng magising siya kanina. Wala naman kase siyang alam na mapuntahan isa pa ay hindi pa niya alam ang pasikot- sikot sa bahay na iyon.Naka- sandal siya sa kama at pinipindot ang remote ng tv ng mga oras na iyon. Dahil nga boring na boring siya ay manunuod na lamang siya ng pelikula kesa sa mamatay siya sa pagkabagot doon.Ilang sandali pa ay nakapili na rin siya sa wakas ng papanuurin niya. Paano ba naman kanina pa siya namimili ng papanuurin niya sana kaso napipilian siya dahil magaganda ang mga mapapanuod.Ilang sandali pa ay nag- umpisa na ang pelikula ngunit napahimas siya sa kaniyang ng bigla niyang naramdamam ang pagkulo nito. Nagugutom na siya. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga kasambahay kapag bumaba siya at sinabi niyang nagugutom na siya. Baka isipin ng mga ito ay nagiging bossy siya, e hindi naman siya ang boss doon.Napa- buntung hininga na lamang siya. Sa
Huling Na-update: 2024-02-09
Chapter: Chapter 14Naramdaman niya ang pagtulo ng laway niya kaya dali- dali niya itong hinigop pabalik sa loob ng bibig niya at iyon ang naging dahilan ng pagkagising niya.Naalimpungatan siya dahil rito kaya pabalikwas siyang bumangon mula sa kama at kinusot- kusot ang kaniyang mata. Ilang sandali pa ay napahikab siya dahil parang hindi pa rin sapat ang tulog niya.Anong oras na ba? Tanong niya sa kaniyang sarili at pagkatapos ay napakamot sa kaniyang ulo. Unti- unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata upang tingnan kung anong oras na. Tiningala niya ang orasang nakasabit sa dingding.5:30 na ng hapon. Hapon na pala, nasabi niya sa kaniyang isip. Ilang oras din pala siyang natulog ngunit tila ba hindi pa rin sapat ang tagal ng pagkakatulog niya dahil pakiramdam niya ay kulang na kulang pa din iyon.Ilang sandali pa ay muli siyang nahiga sa kama at pagkatapos ay muli na namang humikab. Hindi na siya matutulog pa dahil hapon na. Baka sumakit lang ang ulo niya. Nanatili lamang siyang nakahiga at pilit
Huling Na-update: 2024-02-09
Chapter: Chapter 7.7Napangiti siya ng marinig ang sinabi nito. Kahit papano ay may napala siya sa pagpapakasal niya kay Noah dahil nabiyayaan siya ng tatlong gwapong mga anghel na kumulay sa buhay niya at nagsilbing lakas niya noong mga panahong pakiramdam niya ay hinang- hina siya.Masasabi niya na hindi nasayang ang lahat ng iyon lalo pa at ng dahil sa paghihiwalay nila ay naging maayos ang buhay niya at tuluyan niyang nakilala ang kaniyang ina na hindi niya kinamulatan sa buong buhay niya. Ang akala ng mga ito na naging dagok at pagkabigo sa buhay niya ay naging daan upang maging maginhawa siya.“Kung sabagay,” sang- ayon niya rito. Hindi na niya kailangan pang kwestyunin ang mga sinasabi nito bagkus ay kailangan na lang niyang sumabay sa mga sinasabi nito.Nagbago na nga pala siya. Hindi na nga pala niya iniisip ang sasabihin ng ibang tao sa kaniya ngayon at higit sa lahat ay hindi na siya magpapagod pa upang ipaliwanag ang sarili niya sa mga taong kagaya nito. Pare- parehas lang ang mga uri ng mga i
Huling Na-update: 2024-04-04
Chapter: Chapter 7.6Dahil nga sa nabanggit sa kaniya ni Shaira ay nagka- interes siyang usisain ang records ng kompanya. Pagkatapos nga lang nilang magmeryenda kanina ay kaagad niyang hiniling rito na kuhanin ang mga iyon upang mabasa niya.Halos mag- iisang oras na nga siyang nagbabasa tungkol sa mga funds at profit ng kompanya at halos sumasakit na ang kaniyang ulo dahil hindi niya mapagtugma ang mga nakalagay doon. Ibig sabihin lamang ay may posibilidad na totoo ang sinabi sa kaniya ni Shaira at hindi basta isang tsismis lamang.Nakatala din doon na kasalukuyan ngang nagbabayad ang kompanya ng pagkakautang sa isang kompanya na Montenegro Builders, na kahit hindi niya pa man nakikita o nakikilala ang may- ari nito ay alam na niya kaagad na ang pamilya ni Noah ang may- ari ng kompanyang ito.Dahil nga dalawang taon din silang mag- asawa ni Noah ay naging pamilyar din siya kahit papano sa pangalan ng kompanya nito at hindi niya lubos akalain na sa kompanya pa nito nagkautang ang komapnya na itinayo ng ka
Huling Na-update: 2024-04-04
Chapter: Chapter 7.5“Pasensiya na talaga kayo ma’am Kath…” patuloy na paghingi sa kaniya ni Shaira ng paumanhin at sa katunayan nga ay hindi niya na halos alam kung pang ilang beses na nitong paghingi ng paumanhin sa knaiya iyon.“Ano ka ba naman, okay lang iyon. Hindi mo naman kasalanan ito ‘no.” sabi niya rito at pagkatapos ay patuloy sa pagpupulot ng mga basag na vase sa sahig.“Oo nga po, kaso nga lang ay pati kayo tuloy ay naistorbo. Ito pa naman ang unang araw niyo rito sa kompanya.” sabi nito sa kaniya habang nagwawalis din.Napangiti naman siya ng wala sa oras dahil sa sinabi nit. Kahit papano ay mukhang may makakapalagayan na siya ng loob sa kompanya ng knaiyang lolo. Kailangan niya rin naman kasi ng may magiging close friend para kahit papano ay hindi naman siya mahirapan mag- adjust.“Siya nga pala, pwedeng bang magtanong?” baling niya rito.Nilingon naman siya nito ngunit nagpatuloy pa rin sa kaniyang ginagawa at mabilis na sumagot kasabay ng pagngiti.“Ano yun ma’am Kath?” tanong nito.“I- d
Huling Na-update: 2024-04-03
Chapter: Chapter 7.4Naglakad- lakad si Kath hanggang sa may makasalubong siyang babae na agad naman siyang nilapitan. Mukha ngang nang makita siya nito ay nakahinga ito ng maluwag at tila ba siya talaga ang hinahanap nito. Mabilis na lumapit ito sa kaniya at pagkatapos ay kapansin- pansin na may alanganing ngiti ito sa mga labi.“Ma’am Kath kanina ko pa po kayo hinahanap, nandito lang po pala kayo.” sabi nito at pagkatapos ay napakamot sa ulo. “Ako nga po pala si Shaira ang magiging secretary ninyo na dating secretary ng Auntie niyo.” pagpapakilala nito.Agad naman siyang napangiti dahil sa sinabi nito. Hindi na talaga siya mahihirapan dahil may secretary pa siya na gagabay sa kaniya kahit pa wala si Kier lagi sa kompanya.“Nice to meet you.” ganting sagot niya rito at pagkatapos ay matamis na nginitian din ito.Mas lumapad pa lalo ang ngiti nito dahil sa sinabi niya ngunit mabilis ding naglaho iyon at pagkatapos ay tila bigla itong kinabahan na hindi niya maipaliwanag. Bigla na lang kasing nagbago ang e
Huling Na-update: 2024-04-03
Chapter: Chapter 7.3“Gaano ka na katagal dito sa kompanya?” tanong ni Kath kay Kier habang naglalakad sila.Nagpresinta kasi ito na ilibot siya sa buong building. Maliit lang naman ang kanilang building at apat na palapag lamang kaya hindi rin naman mahirap ang magpasikot- sikot doon isa pa ay masyado na lang siya t*nga kapag nawala pa siya doon.“Well honestly, ang Dad ko talaga ang isa sa board of directors nitong kompanya ng lolo mo but dahil sa katandaan niya ay nag- retire na siya at ako na ang napilitang humalili sa kaniya.” sagot nito sa kaniya pagkatapos ay nilingon siya at nginitian.Napatango naman siya dahil sa sagot nito sa kaniya at pagkatapos ay nagpatuloy sa kanilang paglalakad. Galing na sila sa department ng mga architect ang mga engineer ng kanilang kompanya kung saan ginagawa at binubuo ang mga plano ng mga projects na nakukuha nila. Galing na rin sila sa HR at ipinakilala na rin siya nito doon. Mababait naman ang mga ito kaya masaya siyang tinanggap ng mga ito. Pwera na lang sa mga p
Huling Na-update: 2024-04-03
Chapter: Chapter 7.2Napatampal na lang si Kath sa kaniyang noo pagkatapos lumabas ng kaniyang tiyahin. Inasahan na niyang magiging ganito ang sitwasyon ng paghaharap nila ng kaniyang tiyahin ngunit hindi niya inaasahan na kakabahan siya nang makita ang galit sa mga mata nito. Alam niya na hindi ito basta- basta papayag na lang sa bagay na iyon. “Ayos ka lang ba hija?” tanong ni attorney sa kaniya na nasa kaniyang tabi pa rin pala hanggang sa mga oras na iyon. “Ah, opo. Salamat attorney.” sabi niya rito at pagkatapos ay humarap sa mga taong naiwan sa loob ng confernce room. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa mga ito at kung paano niya i- aapproach ang mga ito dahil hindi naman niya alam kung paano tumatakbo ang ganitong klaseng kompanya. Ang pagiging CEO ng isang napakalaking kompanya ay napakalaking responsibilidad para sa kaniya at masasabi niya na kailangan niya ng isang taong gagabay sa kaniya na magtuturo ng lahat ng kailangan niyang gawin. May isang lalaking tumayo mula sa
Huling Na-update: 2024-03-29