HINGAL na hingal at halos lumabas na ang kaniyang dila sa magkahalong uhaw at pagod. Halos magdadalawang oras na yata siyang naglalakad at ramdam na rin niya ang matinding sikat ng araw sa kaniyang balat. Mabuti na lamang at sa wakas ay nasa tapat na siya ng gate ng bahay na kinalakihan niya.
Dali- dali siyang lumapit sa gate kung saan siya nag- doorbell. Pagkatapos ng ilang doorbell ay kaagad naman binuksan ng guard ang gate at pagkatapos ay sumilip. Nang makita siya nito ay halos magulat pa ito. Mabilis siya nitong pinagbuksan nang makita niya at pagkatapos ay binitbit nito ang bag niya.
Kulang na lamang at mahihimatay na siya sa sobrang pagod ng mga oras na iyon. Dali- dali siyang pumasok sa loob ng bahay kung saan nang makita siya ng mga kasambahay ang nagunot ang mga noo ng mga ito. Maging siya ay napakunot rin ang kaniyang noo dahil ang mga kasambahay na kaharap niya ng mga oras na iyon ay mga hindi niya kilala.
Wala na ang mga dating kasambahay at napalitan na ng mga bago. Mabuti na lang at ang guard ay siya pa rin.
“Bigyan niyo si maam Kath ng tubig!” sabi ni Mang Berto sa mga ito.
Pinaupo siya ni Mang Berto sa sofa. Nagtinginan muna ang mga kasambahay bago tumakbo ang isa samantalang ang isa ay nakatingin lang sa kaniya habang nakakunot ang noo. Kitang- kita niya rin na pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa at hindi niya maiwasang hindi mainis.
Ilang sandali pa ay bumalik ang isa na may dala ng tubig na kaagad naman niyang ininom dahil sa sobrang uhaw niya. Pagkainom niya ay humugot siya ng ilang malalim na hininga bago niya tuluyang hinarap si Mang Berto na hanggang sa mga oras na iyon ay nasa harap niya.
“Nasaan si ang Lolo?” tanong niya rito.
Naglikot ang mga mata nito at pagkatapos ay tila hindi mapalagay na napahawak sa mga kamay nito. Halos hindi rin siya nito matingnan ng maayos sa kaniyang mga mata na nagpkunot ng noo niya. May problema ba? Tanong niya sa kaniyang isip bago siya umayos ng upo at muling tinanong ito.
“Mang Berto tinatanong ko kayo, asan si Lolo?” muling tanong niya rito.
“May sakit po ang Lolo niyo Maam Kath, at- at halos isang taon na siyang mahigit nakaratay sa kaniyang higaan.” sabi nito na hindi nakatingin sa knaiya.
Nag- isang linya ang mga kilay niya dahil sa narinig. Bago siya umalis ng bahay na iyon nang magpakasal siya kay Noah ay sobrang lakas pa nito at hindi kakikitaan ng pagkahina. May sakit kaya ito na inilihim sa kanila? Pero halos buwan- buwan ay nagpapacheck- up ito sa asawa ng Tita niya na isang doktor.
Ano kaya ang problema? May sakit kaya ito?
“Ano ang dahilan? May sakit ba siya?” tanong niya at pagkatapos ay napatayo.
Bagamat masama ang trato sa kaniya ng kaniyang abuelo ay hindi niya pa rin maiwasan ang mag- alala rito. Kahit ganun ang ipinakita sa kaniya ay tumatanaw pa rin siya ng utang na loob rito kahit papano dahil alam niya na kung wala ito ay baka sa lansangan na siya pinulot.
Agad siyang tumayo at pagkatapos ay napatingin sa dalawang kasambahay na nakatayo malapit sa kaniya at nakamasid sa kaniya na tila ba binabantayan siya.
“Gusto kong makita ang Lolo–”
“Hindi po pwedeng pumasok sa silid niya maam kahit sino.” sabi ng isa.
Hindi makapaniwalang napatingin siya sa mga ito. Anong klaseng patakaran iyon? Kahit sino hindi pwedeng pumasok? Bakit? Sa anong dahilan bakit hindi pwedeng pumasok? Tinaasan niya ito ng mga kilay at pagkatapos ay nagtuloy- tuloy siya sa paglalakad patungo sa hagdan.
Wala siyang pakialam sa mga ito. Kaagad na sumunod ang mga ito at pagkatapos ay nilampasan pa siya at humarang sila sa dadaaanan niya.
“Hindi po talaga pwede.” sabi ng isa.
Napaikot ang kaniyang mga mata dahil sa sobrang inis, ano ba ang problema ng mga ito at ano ba ang dahilan para ayaw magpapasok ng mga ito sa silid ng kaniyang lolo.
Naglakad siya patungo sa gitna ng dalawa at mabilis na hinawi ang mga ito na halos ikatumba pa nila. Wala siyang pakialam kung masubsob pa ang mga ito. Lolo niya iyon at kahit papano ay may karapatan siyang alamin ang kalagayan nito. Dali- dali niyang tinahak ang daan patungo sa silid ng kaniyang abuelo na agad niya namang nakita.
Sa tagal niyang hindi nakapasyal doon ay napansin niya ang napakaraming pagbabago sa loob ng mansiyon. Idagdag pa na napalitan na ang mga paintings na nakasabit sa hallway. Ilang sandali pa nga ay tuluyan na siyang nakarating sa tapat ng pinto ng kaniyang abuelo at binuksan iyon.
Bumungad sa kaniya ang madilim na silid na halos hindi pasukan ng ilaw at isang amoy na tila amoy gamot. Hindi niya tuloy maiwasang hindi mapatakip ng kaniyang ilong dahil sa amoy nito. Kaya ayaw niya ring pumapasok ng ospital dahil sa amoy na kagaya nito.
Kaagad niyang kinapa ang switch ng ilaw na alam niyang nasa tabi lamang ng pinto at binuksan iyon. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang nakahigang matanda sa kama kung saan ay halos butot- balat na lamang ito. Tila siya natulos sa kaniyang kinatatayuan ng mga oras na iyon habang nakatingin rito.
Paanong naging ganito ang itsura ng kaniyang Lolo? Malayong- malayo na ang itsura nito sa dati at halos hindi na nito kayang tumayo pa. Kitang- kita niya mula sa kinatatayuan niya ang pag- ikot ng mga mata nito at pagkatapos ay napatingin sa kaniya.
Dahan- dahan siyang naglakad palapit rito na halos hindi niya maihakbang ang kaniyang mga paa. Hindi niya inakalang aabutin nito ang ganuong klase ng itsura at madami naman itong pera bakit ayaw nitong magpagamot sa ospital.
Nang makalapit siya ay nakita niyang nag- iba ang itsura nito na sa unang pagkakataon niya lamang nakita, tila ba masaya ito na makita siya.
“Lolo…” mahinang sambit niya at pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay nito. “Anong nangyari sa inyo?” dagdag niya.
Nakita niyang gumalaw muli ang mga mata nito at kitang- kita ng dalawang mata niya ang pangingilid ng luha nito na unti- unting bumagsak sa mga mata nito. Sa unang pagkakatao ay nakita niya ang kahinaan nito na dati ay wala siyang mabanaag na kahit katiting lamang sa mukha nito.
Bumuka ang bibig nito ngunit walang lumabas na salita mula doon, ngunit unti- unti ay naramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa kamay niya.
Hindi niya maiwasan ang mapakagat- labi ng mga oras na iyon, tila ba may pumipiga sa kaniyang puso habang pinapanuod ito. Tila ba malungkot ito dahil ang mga mata nito ay iyon ang sinasabi nito.
Hinaplos niya ang buhok nito at pagkatapos ay naupo siya sa gilid ng kama nito.
“Lolo, nakipag- divorce na sa akin si Noah…” hindi niya alam pero inumpisahan niyang magkwento.
Alam niya na kapag malakas pa ito ay hindi nito pagtyatyagaan ang kwento niya dahil ni halos ayaw siya nitong makita pero ngayon ay alam niyang wala na itong lakas pa kaya paniguradong wala itong choice kundi pakinggan siya. Isa pa ay naisip niya kanina nang makita niya ito ay siguro ay dapat lang nitong marinig sa kaniya lahat ng hinanakit niya sa kung paano siya nito trinato noon.
Isa pa ay pakiramdam niya ay napakabigat ng dibdib niya at wala man lang siyang maipag- kwentuhan. Kaya naisip niya na dito na lamang magkwento isa pa ay alam niyang makikinig ito.
“Inakusahan niya na baog ako Lolo.” tumigil siya at pagkatapos ay napa- buntung hininga. “Hindi ko ba kasi alam sa inyo kung bakit niyo ginustong ipakasal ako sa lalaking iyon. Tapos napakasama ng ugali ng nanay niya.” dagdag niya.
“Pero okay lang yun Lolo, siguro may malalim kang dahilan kung bakit mo ginawa iyon.” tumingin siya rito. Nakatingin rin ito sa kaniya.
Ngumiti siya ng isang malungkot na ngiti.
“Alam niyo, sobrang laki ng tampo ko sa inyo. Pamilya niyo naman ang Papa ko, anak niyo mismo pero bakit ganito niyo ako trinato? Samantalang sina Jessy paboritong- paborito ninyo.” may himig na hinanakit na sabi niya.
Totoo naman kasi iyon, pagdating sa kaniyang mga pinsa ay grabe ito kung mag- spoiled sa kanila samantalang sa knaiya ay para siyang isang anak ng kasambahay kung ituring. Pinapakain siya oo, pero hindi siya pwedeng humarap sa lamesa.
Naiiyak na nga lang siya noon sa kalagayan niya pero wala siyang magawa. Tapos ay lagi siyang pinagtatawanan ng mga pinsan niya. Kapag minsan nakikita niya ang mga itong naglalaro at walang ginagawa samnatalang siya ay lagi siyang pinaglilinis.
Kahit ang kapatid ng kaniyang ama ay hindi siya nito itinuring na kapamilya. Wala ni sinuman ang nagturing sa kaniya na kapamilya sa bahay na iyon at hindi niya nga tuloy maiwasan noon ang mapatanong kung totoo nga bang kapamilya niya ang mga ito.
“Pero ganun pa man, hindi ako nagtanim ng galit sa inyo.” bulong niya habang nakatitig sa kaniyang abuelo. Hinaplos niya rin ang buhok nito. Nakatitig ito sa kaniya at hanggang sa mga oras na iyon ay tumutulo pa rin ang tubig mula sa mata nito.
Hindi niya tuloy alam kung umiiyak ba ito o ano.
“Alam niyo Lolo inggit na inggit ako kina Jessy kasi minsan hindi ko man lang naramdaman ang pagmamahal ninyo. Pero ganun pa man, masaya pa rin ako na kahit papano ay tinanggap at pinatira niyo ako sa bahay na ito.” sabi niya at pagkatapos ay nginitian ito. Pinunasan niya ang mga mata nito. “Huwag na kayong umiyak Lolo, baka sabihin nila pinapaiyak ko kayo.” sabi niya at pagkatapos ay niyakap niya ito.
“Sana ay gumaling na kayo dahil mas gugustuhin ko yung sinisigaw- sigawan niyo ako kaysa makita kayong nakahiga katulad nito.” sabi niya.
Nasa ganuon siyang sitawasyon ng bigla na lamang bumukas ang pinto na ikinalingon niya. Paglingon niya ay nakita niya ang hindi maipintang mukha ng kaniya Auntie Melinda na nag- aapoy din ang mga mata nang makita siya. Mas galit pa ang tingin nito kaysa sa huli niya itong nakita na tila ba mayroon siyang napakalaking kasalanang nagawa.
“Auntie…” mahinang sambit niya.
Nagmartsa ito palapit sa kaniya at pagkatapos nagulat siya ng bigla na lamang nitong hinawakan ang braso niya ng napakahigpit. Hindi niya tuloy maiwasan ang hindi mapaigik dahil sa sobrang sakit ng pagkakahawak nito sa kaniyang braso. Napahawak na nga rin siya doon upang sana tanggalin iyon ngunit mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak nito kung saan ay halos bumaon ang kuko nito sa kaniyang balat.
Nanlalaki ang kaniyang mga mata at lumalim din ang kaniyang paghinga dahil sa ginawa nito ngunit wala siyang ibang alam sabihin. Nasasaktan siya.
“A- auntie…” halos bulong niya at napapapikit pa dahil sa sakit na dulot ng pagkakahawak nito sa kaniyang kamay.
Hindi siya nito pinansin at pagkatapos ay hinila siya nito hanggang sa labas ng silid ng kaniyang Lolo. nang makalabas siya ay bigla na lamang siya nitong binitiwan ng patulak at muntik pa siyang masubsob sa pader ng hallway. Mabuti na lamang at kahit papano ay naitukod niya ang kamay upang pigilan ang pagkakasubsob niya.
Tiningnan niya ito. Halos hindi niya makilala ang kaniyang Auntie ng mga oras na iyon. Tila ba hindi ito ang kaharap niya dahil nanlilisk ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya ng mga oras na iyon.
“Wala kang karapatang tumapak pa sa bahay na ito!” umalingawngaw ang sigaw nito sa buong bahay.
Nanginginig ang laman nito sa sobrang galit. Hindi siya makagalaw at nakatingala lang rito habang ang isa niyang kamay ay hawak- hawak ang bahagi ng braso niya kung saan hinawakan nito kanina. Nakita niya doon ang patak ng dugo.
“Lumayas ka! At kailanman ay huwag na huwag ka ng babalik pa!” sabi pa nito sa kaniya.
Gusto niyang sumagot rito ng mga oras na iyon ngunit ayaw bumuka ng kaniyang bibig. Tinatanong ang kanyang sarili kung ano ba ang kasalanan niya nakit ganun siya itrato ng mga kamag- anak niya. Para lang siyang isang basura na itinatapon.
“Lannie! Sonya! Palabasin niyo ang babaeng ito!” sigaw nito.
Agad naman niyang narinig ang mga yabag ng papaakyat. Nakita niya nga ang dalawang kasambahay kanina na nag- aapurang pumunta roon at mabilis siyang nilapitan at pagkatapos ay hinawakan siya sa magkabila niyang mga braso. Wala siyang lakas na makipag- argumento ng mga oras na iyon dahil nga ramdam niya pa rin hanggang sa mga oras na iyon ang pagod niya sa kaniyang paglalakad patungo doon kanina.
Tila siya lantang gulay na inalalayan ng dalawa pababa ng hagdan. Sumunod naman sa kanila ang kaniyang Auntie na hanggang sa mga oras na iyon ay alam niyang galit na galit pa rin. Tila siya isang magnanakaw na pinapalayas nito ng mga oras na iyon samantalang kahit hindi siya minahal ng kaniyang lolo noon ay hindi naman siya nito pinalayas kahit pa sinisigaw- sigawan siya nito.
Inihatid siya hanggang sa labas ng gate. Hindi niya mapigilan ang mapadausdos at mapaupo sa sahig dahil sa panghihina. Pakiramdam niya rin ay parang mawawalan siya ng ulirat. Napapikit siya. Hindi niya alintana ang init ng semento at ang sikat ng mga oras na iyon kahit pa tirik na tirik ito.
Halos matumba siya nang bigla na lamang may kung anong bagay ang tumama sa kaniyang mukha at nang pagmulat niya ay nakita niya ang bag niya kung saan nakalagay ang mga damit niya.
Sa pangalawang pagkakataon sa iisang araw ay pinalayas siya. Napakalupit naman ng tadhana para sa kaniya.
Napatingala sa langit si Kath ng wala sa oras at pagkatapos ay napapikit at napasabi na, bakit parang ang lupit naman ng mundo sa akin?Sa mga oras na iyon ay hindi niya maiwasan ang hindi mapaisip. Ano bang kasalanan ang nagawa niya sa buhay niya para parusahan siya ng ganito? Hindi niya maiwasan ang magdamdam sa nasa itaas ng mga oras na iyon dahil pakiramdam niya ay tila ba hindi niya maramdaman ang pagkalinga nito sa kaniya.Saan siya nito ngayon pupunta? Wala siyang ibang kamag- anak na kilala kundi tanging ang lolo niya lang at ngayon ay pinalayas pa siya ng Auntie niya sa mismong bahay ng lolo niya na animo’y hindi sila magkadugo. Nalasahan niya ang maalat na likido na nagmumula sa kaniyang mga mata.Pagod na pagod siya sa kaniyang ginawang paglalakad kanina at halos hindi pa niya nababawi ang lakas niya, tapos heto siya ngayon nakasalampak na naman sa kalsada. Tirik na tirik ang araw nang mga oras na iyon, ngunit hindi niya iyon alintana dahil pakiramdam niya ay namanhid ang b
Ramdam na ramdam na ni Kath ang pamamaltos ng paa niya dahil sa kalalakad niya. Halos ilang oras na siyang naglalakad at halos padilim na rin nang mga oras na iyon. Ramdam na ramdam na rin niya ang pagkalam ng sikmura niya dahil halos kaninang umaga pa siya walang kain.Hindi niya naman naharap na kumain kanina nang dumating siya sa bahay ng kaniyang lolo dahil mas inuna niyang hanapin ito at pumunta sa silid nito. Nagugutom na siya at wala siyang dalang pera, idagdag pa na wala din siyang alam na pupuntahan niya. Napatingala siya sa papadilim na kalangitan.Saan siya pupunta? Saan siya matutulog? Bigla siyang napadaan sa isang establisyemento kung saan ay isang restaurant at mas lalo lamang siyang nagutom nang makita niya ang mga kumakain sa loob. Hindi niya tuloy naiwasan ang hindi mapabulong sa hangin na ang swerte- swerte nang mga tao sa loob dahil wala silang mga problema samantalang siya ay tila ba siya binagsakan ng langit at lupa dahil sa dinaranas niya.Sa mga oras na iyon da
Napahinga ng maluwag si Silvia nang sabihin sa kaniya ng doktor na wala naman daw injury ang babaeng dinala nila sa ospital. Nawalan lamang daw ito ng malay marahil daw sa pagod. Mabuti na lamang at walang masamang nangayri rito dahil kung hindi, paniguradong masesermonan siya ng amo niya.Ilang sandali pa nga ay nagpaalam na ang doktor sa kaniya. Naiwan siyang mag- isa sa silid kung nasaan ito. Napatitig siya sa natutulog na dalaga. Tuyong- tuyo ang mga labi nito at tila ba namumutla ito. Napalingon siya sa dala nitong bag at hindi naiwasan ang mapatanong sa sarili kung saan ito pupunta.Dahil sa bag na dala nito ay nasisiguro niya na naglayas ito sa kanila, pero ang hindi niya lubos maisip ay kung bakit ito nasa kalsada ng madilim na at naglalakad. Hindi ba ito natatakot sa mga adik? Nagkalat pa naman ngayon ang mga masasamang loob sa kalye. Mabuti na lamang at kahit papano ay sila ang dumaan nang mawalan ito ng malay.Habang nakatitig sa natutulog nitong mukha ay hindi niya maiwasa
Hindi na nga nagtagal pa si Kath sa pananatili sa ospital. Kinabukasan rin ay tuluyan na siyang pinayagan ng doktor upang umuwi dahil wala namang nakitang injury sa kaniya. Sadyang nawalan lang talaga siya ng malay dahil sa pinaghalong gutom at pagod.Nang mga oras nga na iyon ay patungon na sila ni Silvia sa bahay nito. Naging seryoso nga ito sa pagkupkop sa kaniya dahil marahil ay naawa ito sa kalagayan niya dahil sino ba naman ang hindi maawa sa kaniya kung sariling pamilya niya mismo ay itinakwil na siya ng tuluyan at wala na rin talaga siyang iba pan mapuntahan.Hindi naman siya pumayag na basta na lamang kupkupin ni Silvia, syempre kahit papano ay tumatanaw siya ng utang na loob rito kaya ipinangako niya rito na siya na ang bahala sa lahat ng gawaing bahay kapalit ng pagpapakain at pagpapatira nito sa kaniya sa bahay nito.Sobra pa sa sobra ang pasalamat niya rito dahil kahit hindi sila magkaano- ano ay hindi ito nagdalawang isip na tulungan siya. Ngayon niya lang napatunayan na
Napalingon si Silvia sa bukana ng kusina nang makita niya si Nina na tila ba nag- aalangan na lumapit sa kaniya. Agad namang tumaas ang kaniyang kilay dahil rito. Itinigil niya ang paghahalo ng kaniyang kape at pagkatapos ay humarap rito.“Ano yun?” magkasalubong ang mga kilay na tanong niya rito.Agad naman itong nag- alangan dahil sa tanong niya at pagkatapos ay dali- daling lumapit sa kaniya. Sabi na e, nasisiguro niyang may sasabihin ito sa kaniya dahil sa tingin nito.“Pwede po bang magtanong ate Silvia?” tanong nito sa kaniya.“Hindi ka pa ba nagtatanong sa lagay na yan Nina?” seryosong balik niyang tanong rito na ikinakamot lamang nito ng ulo.“Ang ibig kong sabihin e, sino ba yung babaeng dinala niyo rito? Kamag- anak mo ba?” tanong nitong muli sa kaniya.Napapikit naman siya at pagkatapos ay napabuntung- hininga. Oo nga pala, nakalimutan nga pala niyang may pagka- tsimosa si Nina at hindi talaga ito titigil hanggat hindi niya sasagutin ang mga tanong nito. Muli niyang itinulo
NAPANGANGA si Viviane nang tuluyan nang nasa harapan niya ang babaeng tinutukoy ni Silvia kanina. Bigla siyang napatayo sa kaniyang kinauupuan at pagkatapos ay lumapit rito. Hinawakan niya ang kamay nito at pagkatapos ay ilang sandaling nakatitig sa mga mata nito, sa mukha nito at pagkatapos ay dahan- dahang tumaas ang kamay niya upang haplusin ang mukha nito. Ang dalaga ay nakatayo at tila ba naitulos din mula sa kinatatayuan nito ng mga oras na iyon habang nakatitig sa kaniya. Ramdam na ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso niya at isang emosyon na hindi niya sigurado at hindi niya mabigyan ng pangalan.—--------“Oh hello hija.” nakangiting bati ni Donya Elsa sa babaeng dinala ni Noah sa bahay nila.Kararating lamang galing ni Noah sa isang meeting kung saan ay tumawag ito sa kaniya at sinabi na maghanda siya ng isang lunch para sa magiging bisita nito at hindi niya akalaing isang maganda at classy na dalaga ang dadalhin nito sa pamamahay nila.Isang ngiti ang sumilay sa labi n
FOUR YEARS LATER“Anong sinabi ko sa inyong tatlo? Hindi niyo na ba talaga ako susundin?” nakakunot ang noong tanong ni Kath sa mga anak niya.Nanatiling nakayuko ang tatlo habang pinapagalitan niya ang mga ito. Wala na lang siyang nagawa kundi ang mapabuntung- hininga dahil rito. Paano ba naman kasi ay muntik- muntikan nang mawala sa paningin nila ang mga ito. Nasa airport pa naman sila dahil napag- desisyunan nila ng kaniyang ina na uuwi na siya ng Pilipinas kasama ang mga ito para asikasuhin ang isang bagay.Ayaw naman niyang ang iwanan ang mga ito doon dahil alam niya na malulungkot ang mga ito kapag nalayo sa kaniya. Isa pa ay mawala lang siya sandali sa paningin ng mga ito ay nag- iiiyak na ang mga ito kaya pinag- isipan niya talagang mabuti ang pinaka magandang desisyon para na rin sa ikabubuti ng mga ito.Iniisip niya kasi ang pag- aaral ng mga ito pero nasisiguro niya naman na sa Pilipinas ay may mataas pa rin naman kalidad ng edukasyon sa mga pribadong eskwelahan. Doon na la
Welcome back hija!” masayang salubong ni Viviane sa kaniya at pagkatapos ay kaagad na niyakap siya at bineso- beso.Ang tatlo naman na makukulit niyang anak ay nasa likod niya at nang matapos siyang yakapin ng kaniyang ina ay ang mga anak naman niya ang pinag- diskitahan nito.Niyakap at pinupog niya ng halik ang mga ito isa- isa na halos magmakaawa na nga sa kaniya na kuhanin na niya ang mga ito mula sa kanilang lola. Hinayaan na lamang naman niya ang mga ito at pagkatapos ay dumiretso na sa loob ng bahay na iyon upang hanapin ang driver ng kaniyang ina.Sa loob ng bahay ay kaagad niyang nakita si Silvia kung saan ay nang makita siya nito ay abot- tenga rin ang ngiti. Biglaan ang kaniyang uwi ng Pilipinas at hindi niya alma kung alam ba nito na darating siya, pero sa reaksiyon naman nito na hindi nagulat ay nasisisguro na niya na alam nito na uuwi siya.Ang ina pa naman niya ay walang preno ang bibig. Nasisiguro niya na ikwinento nito rito ang pagdating niya. Pero ganun pa man ay wal