Share

Chapter 4.2

Ramdam na ramdam na ni Kath ang pamamaltos ng paa niya dahil sa kalalakad niya. Halos ilang oras na siyang naglalakad at halos padilim na rin nang mga oras na iyon. Ramdam na ramdam na rin niya ang pagkalam ng sikmura niya dahil halos kaninang umaga pa siya walang kain.

Hindi niya naman naharap na kumain kanina nang dumating siya sa bahay ng kaniyang lolo dahil mas inuna niyang hanapin ito at pumunta sa silid nito. Nagugutom na siya at wala siyang dalang pera, idagdag pa na wala din siyang alam na pupuntahan niya. Napatingala siya sa papadilim na kalangitan.

Saan siya pupunta? Saan siya matutulog? Bigla siyang napadaan sa isang establisyemento kung saan ay isang restaurant at mas lalo lamang siyang nagutom nang makita niya ang mga kumakain sa loob. Hindi niya tuloy naiwasan ang hindi mapabulong sa hangin na ang swerte- swerte nang mga tao sa loob dahil wala silang mga problema samantalang siya ay tila ba siya binagsakan ng langit at lupa dahil sa dinaranas niya.

Sa mga oras na iyon dahil sa pagkaisip niyang muli ng sitawasyon ng buhay niya ay hindi niya naiwasan na hindi na naman mag- init ang sulok ng kaniyang mga mata. Naiiyak na naman siya at pakiramdam niya ay gusto na lamang niyang sumuko sa buhay niya.

Inilibot niya ang kaniyang mga paningin sa paligi at nakita niya ang mga sasakyan na mabilis na dumadaan sa harap niya. Ano kaya kung magpasagasa na lang siya sa mga ito para matapos na ang pagdurusa niya? Para minsanan na lang ang pagdurusa na nararamdaman niya at pagtapos na yun ay magiging payapa na ang buhay niya?

Hindi na niya alam ang gagawin niya sa buhay niya ng mga oras na iyon. Nawawalan na siya ng pag- asa. Kanina pa siya naglalakad ngunit wala man lang kahit isa ang naglakas ng loob na tulungan siya. Wala man lang ni isa na lumapit sa kaniya at tinanong kung okay lang ba siya, kung bakit siya naglalakad mag- isa, wala.

Walang may pakialam sa kaniya.  Walang nag- aalala sa kaniya at walang nag- iisip sa kaniya dahil sino ba sana siya para pag- aksayahan ng oras na alalahanin? Isa pa ay bakit siya naghahangad ng pag- aalala mula sa ibang tao e samantalang sarili niyang pamilya ay walang pakialam sa kaniya. Sarili niya pang kadugo ang mga iyon.

Napasinghot siya at pagkatapos ay nagpunas ng kaniyang mga luha habang naglalakad. Walang kasiguraduhan ay ipnagpatuloy niya ang kaniyang paglalakad kahit pa wala siyang partikular na destinasyon, kahit pa wala siyang alam na pupuntahan. Magbabakasakali siya na maya- maya lamang ay may handa nang tumulong sa kaniya.

Isang oras pa ang lumipas ng kaniyang paglalakad at sa mga oras na iyon ay ramdam na ramdam na talaga niya ang pinaghalong pagod, gutom at sakit ng dibdib. Medyo nanlalabo na rin ang kaniyang mga mata marahil ay dahil sa pagod at ang kaniyang mga tuhod ay pakiramdam niya ay bibigay na.

Konting- konti na lang ay matutumba na siya at nararamdaman na rin niya ang panginginig ng katawan niya. Sa parteng iyon kung saan nasaan siya ay halos wala ng dumaraan. Nasaan na nga ba siya? Hindi na rin niya alam. Hindi na siya pamilyar s alugar na iyon at lubos siyang nagpapasalamat na walang masamang loob ang lumalapit pa sa kaniya ng mga oras na iyon.

Isang paparating na ilaw ang naaninag niya. Dahil sa determinasyon para mabuhay ay unti- unti siyang naglakad patungo sa kalsada upang parahin sana ito ngunit bago pa man ito makarating sa harap niya ay bigla na lamang siyang natumba at nagdilim ang paningin niya.

—---------------

“Anong nangyari? Nabangga mo ba?” tanong ni Silvia sa driver niya.

Bigla kasi itong napatigil at halos masubsob pa siya sa unahan ng kotse at nang tanungin niya ito kung bakit ay sinab nito na may babaeng natumba. Hindi niya iyon nakita dahil abala siya sa kaniyang cellphone at chine- check ang schedule bukas ng amo niya.

Agad niyang isinilid sa kaniyang bag ang kaniyang cellphone at pagkatapos ay nakipag- unahan na bumaba rito. Napatakip siya sa kaniyang bibig nang makita ang isang babae na nakahandusay sa kalsada at walang malay.

“Buhatin mo siya! Kailangan natin siyang dalhin sa ospital!” naghihisteryang saad niya sa kaniyang driver.

Agad naman itong sumunod sa kaniya at pagkatapos ay tinulungan ito na maipasok sa loob ng kotse.

“Diyos ko po! Anong ginawa mo sa kaniya?” nag- aalalang tanong niya sa kaniyang driver habang nakatitig sa babae.

Wala itong malay. Kabang- kaba siya. Baka mamaya ay nakapatay na pala ang driver niya at makasuhan sila. Napahaplos siya sa mukha ng babae at napadalangin na sana ay okay lang ito at wala sanang masamang nangyari rito. Kahit papano ay ayaw niyang makulong.

Patingin- tingin siya sa daan at sa babaeng katabi niya. Baka mamaya ay may injury na pala ito sa ulo.

“Bilisan mo. kailangan natin siyang madala kaagad sa ospital.” nag- aalalang saad niya sa kaniyang driver at pagkatapos ay nanginginig ang mga kamay na muling dinukot ang cellphone sa kaniyang bag.

Kailangan niyang tawagan ang kaniyang madam para sabihin ang nangyari.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Barbrs Vs Mnita
update please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status