Share

Chapter 4.1

Napatingala sa langit si Kath ng wala sa oras at pagkatapos ay napapikit at napasabi na, bakit parang ang lupit naman ng mundo sa akin?

Sa mga oras na iyon ay hindi niya maiwasan ang hindi mapaisip. Ano bang kasalanan ang nagawa niya sa buhay niya para parusahan siya ng ganito? Hindi niya maiwasan ang magdamdam sa nasa itaas ng mga oras na iyon dahil pakiramdam niya ay tila ba hindi niya maramdaman ang pagkalinga nito sa kaniya.

Saan siya nito ngayon pupunta? Wala siyang ibang kamag- anak na kilala kundi tanging ang lolo niya lang at ngayon ay pinalayas pa siya ng Auntie niya sa mismong bahay ng lolo niya na animo’y hindi sila magkadugo. Nalasahan niya ang maalat na likido na nagmumula sa kaniyang mga mata.

Pagod na pagod siya sa kaniyang ginawang paglalakad kanina at halos hindi pa niya nababawi ang lakas niya, tapos heto siya ngayon nakasalampak na naman sa kalsada. Tirik na tirik ang araw nang mga oras na iyon, ngunit hindi niya iyon alintana dahil pakiramdam niya ay namanhid ang buong katawan niya dahil sa sakit ng dibdib niya na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

Akala pa naman niya ay tuluyan ng magiging mapayapa ang buhay niya kapag tuluyan na siyang umuwi sa puder ng lolo niya, ngunit akala niya lang pala iyon. Napamulat siya ng kaniyang mga mata habang tumutulo ang luha roon, inipon niya ang natititra niyang lakas at pagkatapos ay tumayo. Alam niyang kahit maghapon, magdamag man siyang tumayo o umupo sa harap ng gate ng bahay na iyon ay hinding- hindi na talaga siya ulit papapasukin doon.

Sino ba naman siya sa pamilyang iyon? Wala siyang halaga at higit sa lahat ay hindi naman siya paborito. Wala siyang kakampi sa bahay na iyon. Sa isang huling sulyap ay sumulyap siya sa mataas na gate at ipinangako sa sarili na hinding- hindi na siya muling tatapak pa sa lugar na iyon.

Pinulot niya ang kaniyang bag at pagkatapos ay nag- umpisang maglakad muli. Napakagat labi siya, saan siya pupunta? Wala din siyang dalang pera. Paano na siya? Habang naglalakad ay umiiyak siya. Awang- awa siya sa sarili niya ng mga oras na iyon dahil bakit kailangan niyang pagdaanan at danasin ang lahat ng iyon.

Naging mabuti at mabait naman siyang apo sa knaiyang lolo, sinunod niya naman lahat ng inutos nito pero bakit ganuon pa rin ang naging kapalaran niya?

Napasinghot siya at pagkatapos ay pilit na pinapakalma ang kaniyang sarili, kailangan niyang maging malakas para mabuhay pa siya. Nasisiguro niyang may mga taong mababait pa na makilala niya at kukupkop sa kaniya. Kailangan niya lang lumayo doon.

—----------------------

“Sinong nagsabi na papasukin niyo sa pamamahay ko ang babaeng iyon?!” umalingawngaw ang sigaw ni Melinda sa buong bahay.

Halata sa mukha nito ang labis na galit dahil sa ginawa ng guard at mga kasambahay niya dahil ang pinakabilin niya sa mga ito ay huwag na huwag nilang papapasukin doon ang babaeng iyon. She hated her so much at kapag nakikita niya ang mukha nito o marinig niya lang ang pangalan nito ay kumukulo na agad ang kaniyang dugo.

Nakayuko ang mga kasambahay niya at ang guard nila ng mga oras na iyon habang pinapagalitan niya ang mga ito. Sa lahat pa naman ng pinaka ayaw niya ay ang sinusuway ang utos niya.

“Napakasimpleng utos ko ay hindi niyo pa masunod!” muli niyang sigaw sa mga ito habang palakad lakad sa harap ng mga ito.

Nanginginig talaga siya sa galit ng mga oras na iyon dahil paano ba naman, hindi lang ito basta pumasok sa pamamahay nila kundi pumasok pa talaga ito sa kwarto ng kaniyang ama. Ni katulong nga ay hindi niya pinapapasok doon at tanging siya lamang ang nakakapasok doon at ang asawa niya.

Nanatili lamang ang mga itong nakayuko habang nagagalit siya. Napabuga siya ng hangin at pagkatapos ay napahilot sa kaniyang sentido.

“Get out. Lumayas muna kayo sa harapan ko.” saad niya s amga ito. Nang hindi gumalaw ang mga ito ay muli niyang sinigawan ang mga ito. “I said get out of my sight!” at dahil sa sigaw niyang iyon ay kumaripas ang mga ito ng takbo paalis sa harapan niya.

Naibagsak niya ang sarili sa sofa at pagkatapos ay napahilot sa kaniyang sentido at napapikit. Sa ganuon siyang posisyon naabutan ng kaniyang asawa at pagkatapos ay umupo ito sa tabi niya.

“Whats wrong honey?” malambing na tanong nito sa kaniya habang  may hawak- hawak itong baso na may lamang alak.

Napamulat siya ng kaniyang mga mata at pagkatapos nang makitang may hawak- hawak itong alak ay mabilis niya iyong inagaw mula sa kamay nito at siya ang uminom. Tuloy- tuloy niyang nilagok ang alak na nasa baso at napapikit nang gumuhit ang init nito sa kaniyang lalamunan.

“That bitch came here.” inis na saad niya.

“Who?” nakakunot naman ang noong tanong nito sa kaniya.

Napaikot ang kaniyang mga mata at pagkatapos ay napatayo.

“E di sino pa? E di yung anak sa labas ni Alejandro.” sagot niya rito at pagkatapos ay nagtungo sa mini bar upang muling salinan ng alak ang baso nito.

Agad namang lumapit ang asawa niya sa kaniya at pagkatapos ay bumulong.

“So where is she now?” halos bulong lang na tanong nito sa knaiya.

Napatigil siya sa kaniyang pagsasalin ng alak. Napahigpit ang hawak niya sa baso at pagkatapos ay tumigas ang kaniyang mukha.

“I kick her out of this house.” walang emosyon na sagot niya rito. “Sana ang ay huwag na siyang bumalik pa rito or else, wala akong choice kundi isunod siya sa listahan ko.” dagdag niya bago siya muling lumagok sa hawak niyang baso.

Samantala ay napangisi naman ang asawa niya dahil sa tinuran niya.

‘Bakit pa kasi siya bumalik ulit rito?’

—------------------

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status