Hindi naiwasan ni Kath na hindi mapakagat- labi ng mga oras na iyon habang binabasa ang iniwang sulat sa kaniya ng kaniyang abuelo. Ang kanina pa niyang pinipigil niyang mga luha ay tuluyan na ngang bumagsak mula sa mga mata niya. Buong buhay niya ay pinaniwala niya ang sarili niya na kahit minsan ay hindi man lang siya nagawang mahalin ng kaniyang lolo.Na ni kahit minsan sa buhay niya ay hindi man lang ito nagkaroon ng pakialam sa kaniya dahil iyon ang ipinakita at ipinaramdam nito sa kaniya, ngunit habang binabasa niya ang liham na sinulat nito ay hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng lungkot at panghihinayang.Patuloy ang pagtulo ng mga luha mula sa kaniyang mga mata at hinayaan niya lamang ang mga iyon na pumatak, hindi siya nag- abalang pahirin ang mga iyon. Bakit kung kailan wala na ang lolo niya ay tyaka niya lang nabasa ang mga sulat na iniwan nito sa kaniya? Bakit kung kailan huli na ang lahat?Ang daming tanong na nabuo sa kaniyang isip ng mga oras na iyon at patuloy
Halos hindi maimulat ni Kath ang kaniyang mga mata nang magising siya. Dahil nga sa ilang oras siyang nag- iiyak kagabi ang panugaradong mugtong- mugto ang kaniyang mga mata. Muli siyang napapikit at pagkatapos ay napatakip sa kaniyang mga mata dahil tila ba nasisilaw siya sa liwanag.Anong oras na ba? Natanong niya sa kaniyang isip ng wala sa oras. Hindi niya namalayan na nakatulog siya pagkatapos niyang umiyak. Pinakiramdaman niya ang kaniyang paligid, wala siyang ibang marinig sa labas kundi huni lamang ng mga ibon at ng mga dumadaang sasakyan sa kalsada. Wala man lang ingay ang mga anak niya, umaga pa lang kaya? Muli niyang tanong sa isipan niya. Siguro nga, dagdag pa niya at pagkatapos ay pilit na iminulat ang kaniyang mga mata at pagkatapos ay bumangon. Naimulat niya naman ang kaniyang mga mata ngunit pakiramdam niya ay magang- maga ang mga ito.Iginala niya ang kaniyang tingin sa kaniyang paligid at pagkatapos ay biglang napatayo. Dali- dali siyang lumapit sa bintana kung nama
Inis na inis si Lindy ng mga oras na iyon. Halos masugat na ang kaniyang mga palad dahil sa sobrang pagkuskos niya rito. Paano ba naman ay sinukahan siya ng walang hiyang baby na iyon. Mabuti na lang at sa kamay niya pa dahil kung hindi ay baka maligo siya sa banyo ng mall na iyon ng wala sa oras.Sa totoo lang ay sukong- suko na siya sa baby na iyon ngunit kailangan niyang gawin iyon. Kailangan niyang magpakananay sa harap ni Noah dahil iyon naman ang gusto nito ang magkaanak. Mabuti na lamang at magaling siyang umarte. Kaya lang ay ang kinakatakot niya ay baka madiskubre nito na hindi nito anak ang baby na iyon.Pineke niya lang ang pagbubuntis niya dahil hindi siya magkaanak at noong napa- test siya ay baog pala siya. Dahil sa sobrang pagiging desperada ay ginawa niya ang lahat. Mabuti na lang at madali lang mapaniwala ito. Sa kasalukuyan nga ay 8 months na ang baby girl na pinulot niya lang kung saan.May tagapag- alaga naman ito ngunit nag- day off ng araw na iyon at eksakto nama
Mabilis na naglakad pabalik sa bench si Lindy kung saan niya iniwan ang kaniyang mag- ama. Hindi na siyang nag- aksaya pa ng oras. Mabuti na lamang at naroon pa ang mga ito at nakita pa nga niya mula sa malayo si Noah na nilalaro ang baby. Dali- dali siyang lumapit rito.Nang mapansin ni Noah ang kaniyang paglapit ay kaagad itong nag- angat ng ulo. Kitang- kita niya ang pagkunot ng noo nito dahil sa paglingon- lingon niya sa paligid lalo na sa likod niya.“What happened? Are you okay?” tanong nito sa kaniya pagkarating niya sa harap nito.“Huh? Yes.” sabi niya na pilit pinakalma ang kaniyang tinig kahit ang totoo ay kabang- kaba na siya.Muli siyang napalingon sa kaniyang likod ng mga oras n aiyon. Baka mamaya kasi ay makita nito ang tatlong batang iyon at nasisiguro niya na kapag nakita nito ang mga iyon ay baka hanapin nito ang ina ng mga iyon. Isa pa ay hindi pwedeng makita nito ang tatlong iyn dahil baka maitsapwera na ang batang pinaghirapan niyang pagmukhain na anak nila kung sa
Hindi makapaniwalang napatitig sa babaeng kaharap niya ng mga oras na iyon. Hindi siya pwedeng magkamali sa kaniyang nakikita. Kilala niya ang babaeng nasa harap niya ng mga oras na iyon bagamat masasabi niyang napakalaki na ng ipinagbago nito. Mula sa kulay ng kutis nito, sa kinis ng mukha nito, sa buhok, sa hubog ng pangangatawan at sa pananamit nito. Hindi siya pwedeng magkamali.“Kath?” patanong na sabi niya sa pangalan nito.Habang nakatingin siya rito ay hindi niya maiwasang hindi suyurin ng mga mata niya ang kabuuan nito at masasabi niya na napakalaki na ng inimprove nito. Mabilis itong tumayo pagkatapos niyang banggitin ang pangalan nito kahit pa bakas sa mukha nito ang pagkagulat.Hindi siguro nito inaasahan na nakilala niya ito kahit pa iba na ang itsura nito at masasabi niyang mas maganda na ito ngayon kaysa noong asawa pa niya ito. Sumunod din siyang tumayo rito. Ilang taon na rin ang lumipas noong huli niyang nakita ito, sa pagkakatanda nga niya ay huli niya itong nakita
“Mama naman dapat hindi mo sila inilalabas ng ganito.” pagalit na usal niya habang nakasunod ng tingin sa kaniyang mga anak.“Ano ka ba naman Kath, minsan ko na nga lang sila makasama e pinagbabawalan mo pa silang ipasyal ko.” sagot naman nito sa kaniya.Napabuntung- hininga na lamang siya. Alam niya na kahit anong sabihin niya sa kaniyang ina ay hindi nito pinapakinggan pero sa susunod ay sinisiguro niyang hinding- hindi na basta maiaalis ng kaniyang ina ang mga anak niya.“Alam niyo namang kahit anong oras ay pwede silang makita ni Noah at paano na lang pala kung nagkita sila kanina e di malamang sa malamang na kukuhanin niya ang tatlong yan.” napapailing na sabi niya rito.Dahil sa sinabi niya ay kaagad na napatigil ito sa kaniyang paglalakad kaya napatigil rin siya at naguguluhang napatingin siya rito.“May problema ba Ma?” nakakunot ang noong tanong niya rito.Nakatingin ito sa kaniya na halos hindi maipinta ang mukha.“Anong sabi mo? Kanina? Huwag mong sabihin…” tumigil ito.Nap
Agad na nag- unahang bumaba ang mga anak niya nang tuluyan na silang makauwi sa bahay ng kaniyang ina. Noong dumating sila doon ay tila ba naging masayahin ang mga ito at naging mas malikot pa. Mas naging madaldal din ang mga ito at halos hindi na niya nakikita pang nakahawak ang mga ito ng tablet na laging pinag- uubusan ng oras ng mga ito.Kahit papano ay masaya siya na medyo nalilibang ang mga ito sa paglalaro at hindi na lang puro sa gadget nakatuon ang pansin ng mga ito.“Dahan- dahan at baka madapa kayo.” bilin niya sa mga ito ngunit tila walang narinig ang mga ito dahil nagpatuloy lang sa pagtakbo papasok sa loob ng bahay.Napabuntung- hininga na lamang siya habang nakasunod ng tingin sa mga ito.“Makukulit na ang mga anak mo.” natatawa na lang na komento ng kaniyang Tita Silvia na nasa tabi na pala niya.“Oo nga Tita. Medyo hindi na lang makukulit dahil tumitigas na rin ang mga ulo nila.” napapailing na sabi niya rito.“Naku, ngayon lang iyan at bata pa sila pero kapag lumaki-
“Noah…”“Noah…”“Noah…”Napalingon siya sa kaniyang tabi nang bigla na lamang siyang tapikin ni Lindy. Nakita niya ang nakakunot nitong noo habang nakatitig sa kaniya.“May problema ba? Kanina ba kita tinatawag pero hindi ka man lang sumasagot.” sabi nito sa kaniya.Napailing naman siya at pagkatapos ay napahawak sa kaniyang noo. Hindi niya man lang narinig ang pagtawag sa kaniya ng kaniyang asawa dahil abala ang isip niya. Lumalayag iyon.“Pasensiya na, pagod lang siguro ako.” sagot niya rito at pagkatapos ay tumayo na.“Saan ka pupunta?” habol nitong tanong sa kaniya.“Magpapahangin lang ako sa balcony.” sagot niya rito at pagkatapos ay nagtuloy- tuloy na sa kaniyang paglalakad at hindi na ito nilingon pa.Napabuntung- hininga siya habang naglalakad paakyat ng hagdan. Sa ilang taon na lumipas ay ni hindi man lang siya nagkaroon ng oras para isipin ang dati niyang asawa o ni kahit pa noong magkasama pa man sila sa iisang bubong.Sa katunayan ay hindi nga niya ito tinuring na asawa da