Mabilis na naglakad pabalik sa bench si Lindy kung saan niya iniwan ang kaniyang mag- ama. Hindi na siyang nag- aksaya pa ng oras. Mabuti na lamang at naroon pa ang mga ito at nakita pa nga niya mula sa malayo si Noah na nilalaro ang baby. Dali- dali siyang lumapit rito.Nang mapansin ni Noah ang kaniyang paglapit ay kaagad itong nag- angat ng ulo. Kitang- kita niya ang pagkunot ng noo nito dahil sa paglingon- lingon niya sa paligid lalo na sa likod niya.“What happened? Are you okay?” tanong nito sa kaniya pagkarating niya sa harap nito.“Huh? Yes.” sabi niya na pilit pinakalma ang kaniyang tinig kahit ang totoo ay kabang- kaba na siya.Muli siyang napalingon sa kaniyang likod ng mga oras n aiyon. Baka mamaya kasi ay makita nito ang tatlong batang iyon at nasisiguro niya na kapag nakita nito ang mga iyon ay baka hanapin nito ang ina ng mga iyon. Isa pa ay hindi pwedeng makita nito ang tatlong iyn dahil baka maitsapwera na ang batang pinaghirapan niyang pagmukhain na anak nila kung sa
Hindi makapaniwalang napatitig sa babaeng kaharap niya ng mga oras na iyon. Hindi siya pwedeng magkamali sa kaniyang nakikita. Kilala niya ang babaeng nasa harap niya ng mga oras na iyon bagamat masasabi niyang napakalaki na ng ipinagbago nito. Mula sa kulay ng kutis nito, sa kinis ng mukha nito, sa buhok, sa hubog ng pangangatawan at sa pananamit nito. Hindi siya pwedeng magkamali.“Kath?” patanong na sabi niya sa pangalan nito.Habang nakatingin siya rito ay hindi niya maiwasang hindi suyurin ng mga mata niya ang kabuuan nito at masasabi niya na napakalaki na ng inimprove nito. Mabilis itong tumayo pagkatapos niyang banggitin ang pangalan nito kahit pa bakas sa mukha nito ang pagkagulat.Hindi siguro nito inaasahan na nakilala niya ito kahit pa iba na ang itsura nito at masasabi niyang mas maganda na ito ngayon kaysa noong asawa pa niya ito. Sumunod din siyang tumayo rito. Ilang taon na rin ang lumipas noong huli niyang nakita ito, sa pagkakatanda nga niya ay huli niya itong nakita
“Mama naman dapat hindi mo sila inilalabas ng ganito.” pagalit na usal niya habang nakasunod ng tingin sa kaniyang mga anak.“Ano ka ba naman Kath, minsan ko na nga lang sila makasama e pinagbabawalan mo pa silang ipasyal ko.” sagot naman nito sa kaniya.Napabuntung- hininga na lamang siya. Alam niya na kahit anong sabihin niya sa kaniyang ina ay hindi nito pinapakinggan pero sa susunod ay sinisiguro niyang hinding- hindi na basta maiaalis ng kaniyang ina ang mga anak niya.“Alam niyo namang kahit anong oras ay pwede silang makita ni Noah at paano na lang pala kung nagkita sila kanina e di malamang sa malamang na kukuhanin niya ang tatlong yan.” napapailing na sabi niya rito.Dahil sa sinabi niya ay kaagad na napatigil ito sa kaniyang paglalakad kaya napatigil rin siya at naguguluhang napatingin siya rito.“May problema ba Ma?” nakakunot ang noong tanong niya rito.Nakatingin ito sa kaniya na halos hindi maipinta ang mukha.“Anong sabi mo? Kanina? Huwag mong sabihin…” tumigil ito.Nap
Agad na nag- unahang bumaba ang mga anak niya nang tuluyan na silang makauwi sa bahay ng kaniyang ina. Noong dumating sila doon ay tila ba naging masayahin ang mga ito at naging mas malikot pa. Mas naging madaldal din ang mga ito at halos hindi na niya nakikita pang nakahawak ang mga ito ng tablet na laging pinag- uubusan ng oras ng mga ito.Kahit papano ay masaya siya na medyo nalilibang ang mga ito sa paglalaro at hindi na lang puro sa gadget nakatuon ang pansin ng mga ito.“Dahan- dahan at baka madapa kayo.” bilin niya sa mga ito ngunit tila walang narinig ang mga ito dahil nagpatuloy lang sa pagtakbo papasok sa loob ng bahay.Napabuntung- hininga na lamang siya habang nakasunod ng tingin sa mga ito.“Makukulit na ang mga anak mo.” natatawa na lang na komento ng kaniyang Tita Silvia na nasa tabi na pala niya.“Oo nga Tita. Medyo hindi na lang makukulit dahil tumitigas na rin ang mga ulo nila.” napapailing na sabi niya rito.“Naku, ngayon lang iyan at bata pa sila pero kapag lumaki-
“Noah…”“Noah…”“Noah…”Napalingon siya sa kaniyang tabi nang bigla na lamang siyang tapikin ni Lindy. Nakita niya ang nakakunot nitong noo habang nakatitig sa kaniya.“May problema ba? Kanina ba kita tinatawag pero hindi ka man lang sumasagot.” sabi nito sa kaniya.Napailing naman siya at pagkatapos ay napahawak sa kaniyang noo. Hindi niya man lang narinig ang pagtawag sa kaniya ng kaniyang asawa dahil abala ang isip niya. Lumalayag iyon.“Pasensiya na, pagod lang siguro ako.” sagot niya rito at pagkatapos ay tumayo na.“Saan ka pupunta?” habol nitong tanong sa kaniya.“Magpapahangin lang ako sa balcony.” sagot niya rito at pagkatapos ay nagtuloy- tuloy na sa kaniyang paglalakad at hindi na ito nilingon pa.Napabuntung- hininga siya habang naglalakad paakyat ng hagdan. Sa ilang taon na lumipas ay ni hindi man lang siya nagkaroon ng oras para isipin ang dati niyang asawa o ni kahit pa noong magkasama pa man sila sa iisang bubong.Sa katunayan ay hindi nga niya ito tinuring na asawa da
Nang pumasok ang ina ni Betty sa loob ng conference room ay naroon na halos lahat ng board of directors ng kanilang kompanya. Nang pumasok sito ay nagsi- ayos ng mga upo ang mga ito. Taas itong umupo sa pinakagitna ng lamesa.Ilang sandali pa ay nakita niya iniikot nito ang paningin sa mga taong naroon kasali siya. Naroon din ang bunso niyang kapatid na si Bella at ang panganay na si Jessy. “Sino sa inyo ang nagpatawag ng board meeting sa inyo?” tanong niya sa mga ito at nakita niyang nagtinginan naman ang mga ito sa ibang tao pang naroon sa loob.Kitang- kita niya kung paano nangunot ang mga noo ng mga ito dahil sa naging tanong ng kaniyang ina at tila ba naguguluhan ang mga ito hanggang sa may isang nagsalita na.“Hindi ba at kayo ang nagpatawag ng meeting na ito?” tanong ng isa sa mga ito habang kunot din ang noo na nakatingin sa kaniya.Natuon lahat ng atensiyon sa kaniyang ina ng mga oras na iyon dahil sa naging tanong nito. Ang kaniyang ina naman ang napakunot ng noo ng wala sa
Napatampal na lang si Kath sa kaniyang noo pagkatapos lumabas ng kaniyang tiyahin. Inasahan na niyang magiging ganito ang sitwasyon ng paghaharap nila ng kaniyang tiyahin ngunit hindi niya inaasahan na kakabahan siya nang makita ang galit sa mga mata nito.Alam niya na hindi ito basta- basta papayag na lang sa bagay na iyon.“Ayos ka lang ba hija?” tanong ni attorney sa kaniya na nasa kaniyang tabi pa rin pala hanggang sa mga oras na iyon.“Ah, opo. Salamat attorney.” sabi niya rito at pagkatapos ay humarap sa mga taong naiwan sa loob ng confernce room.Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa mga ito at kung paano niya i- aapproach ang mga ito dahil hindi naman niya alam kung paano tumatakbo ang ganitong klaseng kompanya. Ang pagiging CEO ng isang napakalaking kompanya ay napakalaking responsibilidad para sa kaniya at masasabi niya na kailangan niya ng isang taong gagabay sa kaniya na magtuturo ng lahat ng kailangan niyang gawin.May isang lalaking tumayo mula sa mga nakaupo at
“Gaano ka na katagal dito sa kompanya?” tanong ni Kath kay Kier habang naglalakad sila.Nagpresinta kasi ito na ilibot siya sa buong building. Maliit lang naman ang kanilang building at apat na palapag lamang kaya hindi rin naman mahirap ang magpasikot- sikot doon isa pa ay masyado na lang siya t*nga kapag nawala pa siya doon.“Well honestly, ang Dad ko talaga ang isa sa board of directors nitong kompanya ng lolo mo but dahil sa katandaan niya ay nag- retire na siya at ako na ang napilitang humalili sa kaniya.” sagot nito sa kaniya pagkatapos ay nilingon siya at nginitian.Napatango naman siya dahil sa sagot nito sa kaniya at pagkatapos ay nagpatuloy sa kanilang paglalakad. Galing na sila sa department ng mga architect ang mga engineer ng kanilang kompanya kung saan ginagawa at binubuo ang mga plano ng mga projects na nakukuha nila. Galing na rin sila sa HR at ipinakilala na rin siya nito doon. Mababait naman ang mga ito kaya masaya siyang tinanggap ng mga ito. Pwera na lang sa mga p