“GLENDA?”
Napangisi ang babae, “Mabuti naman at naalala mo pa ko. Hindi ka na nagpakita pagkatapos ng nangyari. Hinayaan mo ng makulong si Tiyo Orly.”
“N-Nang dahil sa kapalpakan niya, nagkaletse letse ang mga plano.” Galit na sabi niya dito.
“Alam mo bang may nakapatong na reward kapag itinuro ko ang pinagtataguan ninyo ng pamangkin mo?” Nagbabantang tanong nito sa kanya.
Ngunit hindi siya nagpatinag. Maari niyang magamit si Glenda para sa mga plano ni Arlyn, “Sira ka ba? Kapag itinuro mo ko, ituturo rin kita dahil ikaw ang nagpresinta sa akin dyan sa Tiyo Orly mo kaya sa ayaw at sa gusto mo, madadamay ka at makukulong r
“OKAY. Walang problema sakin,” sabi ni Arlyn. “Bibigyan kita ng paunang fifty thousand. Iyong kabuuang one hundred thousand, ibibigay ko saiyo kapag natapos mo at naging matagumpay ang trabaho mo,” sabi ni Arlyn kay Glenda. Napangisi si Glenda, “Good. Mas gusto kitang kausap.” Tinitigan niya ito, mata sa mata, “Siguraduhin mo lang na hindi ka papalpak,” sabi niya dito, matalim ang kanyang mga mata, “Dahil kapag pumalpak ka, bilangguan ang ending mo kagaya ng tiyuhin mong tatanga-tanga. Naiintindihan mo ba ako?” “’Wag kang mag-alala, hindi naman ako basta-basta pumapasok sa isang bagay. Syempre, pag-aaralan ko munang mabuti. Hindi ako sumusugod nang hindi ako sigura
NAPAHANGA si Arlyn sa plano na inilatag sa kanya ni Glenda. Kaya naman wala ng tanong-tanong pa, ibinigay niya dito ang paunang fifty thousand pesos. Gulat na gulat ang Tito Jaypee niya sa bilis niyang magpakawala ng pera kay Glenda. “Sa akin, hirap na hirap kang magbitaw ng ten thousand pesos, pero sa kanya na di mo naman kaanu-ano ang bilis-bilis mong magbigay!” Yamot na sabi ng Tito Jaypee niya sa kanya. “Tito, iyong kay Glenda, capital ang tawag dun. Ibig sabihin, pwedeng doble, or ten times more ang balik. Iyong sa inyo, paglustay lang iyon ng pera!” Katwiran niya sa matanda. “Bakit, hindi ba sugal ang tawag mo sa ginagawa mong ito, ha Arlyn? Kung tutuusin, mas dehado ka pa nga dito, dahil kapag pumalpak ka
“ANIKA. . .” Niyakap nang mahigpit ni Anika si Tonet habang umiiyak, paulit-ulit niyang sinasambit dito kung gaano niya ito kamahal. “I’m sorry kung tinikis kita. Napagod lang ako. P-Pero hindi ko pala kayang tuluyan kang mawala sa buhay ko,” paliwanag niya dito. “Naiintindoihan kita, Niks. At alam ko naman kung bakit. Kahit naman siguro ako, ganun din mararamdaman ko sa kaartehan ko. I’m sorry kung natakot ako at nagdalawang isip. Ang dami ko kasing anak at ayoko namang ipasa saiyo ang mga problema ko.” Naglalapat ang kanilang mga labi. Buong pagmamahal na tinanggap ni Anika ang mga halik na iyon ni Tonet hab
PAKIRAMDAM NI JESTONI ay may bumara sa kanyang lalamunan nang marinig ang tinig ni Randell sa kabilang linya ng telepono. Gusto niyang pagtawanan ang sarili, bakit parang mabubulol pa yata siya samantalang si Randell lang naman ang kausap niya? Shit, ano ba itong nangyayari sa kanya? This is insane. Tumikhim siya saka nagsalita, “Hi Randell,” kaswal na sabi niya kahit ang totoo ay kabado siya. Kabado siya sa dalawang dahilan. Alam niyang magagalit ito sa kanya dahil sa ginawa niya. Kinakabahan rin siya sa isa pang di maipaliwanag na dahilan at ito ang mas nakakatakot. Am I falling in love with Randell? Natatawa siyang nayayamot sa kanyang sarili. 
HATINGGABI na ngunit mulat na mulat pa rin ang mga mata ni Amanda. Gusto niyang sumigaw sa inis dahil ayaw siyang bigyan ng sleeping pills ng kanyang nurse. Hindi na niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Hindi maalis sa isipan niya ang mukha ni Arlyn. Nangigigil siya sa inis lalo pa at naiisip niya ang lahat ng mga nakuha nito sa kanya. Nagtatago na ito and yet naiisahan pa rin sya nito. Marahil ay pinagtatawanan na lamang siya ngayon ng babaeng iyon. Hindi siya matatahimik hanggang hindi nahuhuli ang malditang babae na iyon. Bumangon siya. Parang hindi na naman siya makahinga. Pakiramdam niya ay nasa tabi-tabi lang niya si Arlyn at anytime ay maaring sum
“TALAGA, POGI, papayagan mo kong makapasok sa loob ng subdivision para magtinda?” “Hindi ka magtitinda. Papakyawin ko ng lahat ng mga paninda mo. Then duon natin sa park uubusin. Humingi ako ng day off ngayon.” Anang patpating sekyu kay Glenda. Lihim na napangisi si Glenda, “Ang sweet mo naman. Papakyawin mong lahat ng paninda ko, hindi kaya pagsaktan ka ng tiyan sa dami nito?” “Ite-take out ko na lang ang iba,” sagot ng lalaki sa kanya. “Wow, thank you. Ang swerte naman ng magiging girlfriend mo. Ang bait mo na, ang cute-cute mo pa,” pambobola ni Glenda dito.&
“MA’AM, SIYA PO iyong sinasabi ko sa inyong dati kong kapitbahay sa Sampaloc, si Glenda.” Sabi ng katulong na si Ana nang ipakilala nito ang aplikanteng si Glenda, “Ako na po ang gagarantiya sa kanya, maám. Mabait po siya. Bread winner po siya at kailangan nya ng trabaho.” Sinuri ni Olivia si Glenda. “Ma’am, totoo po pala ang sabi ni Ana, ang ganda-ganda nyo po palang talaga,” anang dalaga sa kanya. “Ilang taon ka na?” Tanong niya dito. “Nineteen years old po.” Kiming sagot nito. Sinipat niya ito mula ulo hanggang paa. Hindi
KABADO SI JESTONI nang magkaharap sila ni Randell. Nabigla pa siya nang bigla na lamang siyang suntukin nito. “Teka. . .teka, magpapaliwanag ako!” Sabi niya ditto habang sapo ang panga na nasuntok nito. Muntikan pa siyang matumba mabuti na lamang at maayos ang balance niya. Hindi niya akalaing ganito pala kalakas sumuntok ang baklang ito. “Putang ina mo ka!” Sigaw nito sa kanya, “Ibalik moa ng laptop ko!” “Kaya nga ako nandito para ibalik iyong laptop mo, di ba?” Mahinang sabi niya, “Aaminin ko, nagkamali ako. I’m sorry. Ang totoo, na-challenge lang naman akong tanggapin iyong trabahong inalok sakin ng kaibigan ko. Tataas raw kasi iyong ranggo ko bilang isa sa pinakamagaling na hack