“OKAY. Walang problema sakin,” sabi ni Arlyn. “Bibigyan kita ng paunang fifty thousand. Iyong kabuuang one hundred thousand, ibibigay ko saiyo kapag natapos mo at naging matagumpay ang trabaho mo,” sabi ni Arlyn kay Glenda.
Napangisi si Glenda, “Good. Mas gusto kitang kausap.”
Tinitigan niya ito, mata sa mata, “Siguraduhin mo lang na hindi ka papalpak,” sabi niya dito, matalim ang kanyang mga mata, “Dahil kapag pumalpak ka, bilangguan ang ending mo kagaya ng tiyuhin mong tatanga-tanga. Naiintindihan mo ba ako?”
“’Wag kang mag-alala, hindi naman ako basta-basta pumapasok sa isang bagay. Syempre, pag-aaralan ko munang mabuti. Hindi ako sumusugod nang hindi ako sigura
NAPAHANGA si Arlyn sa plano na inilatag sa kanya ni Glenda. Kaya naman wala ng tanong-tanong pa, ibinigay niya dito ang paunang fifty thousand pesos. Gulat na gulat ang Tito Jaypee niya sa bilis niyang magpakawala ng pera kay Glenda. “Sa akin, hirap na hirap kang magbitaw ng ten thousand pesos, pero sa kanya na di mo naman kaanu-ano ang bilis-bilis mong magbigay!” Yamot na sabi ng Tito Jaypee niya sa kanya. “Tito, iyong kay Glenda, capital ang tawag dun. Ibig sabihin, pwedeng doble, or ten times more ang balik. Iyong sa inyo, paglustay lang iyon ng pera!” Katwiran niya sa matanda. “Bakit, hindi ba sugal ang tawag mo sa ginagawa mong ito, ha Arlyn? Kung tutuusin, mas dehado ka pa nga dito, dahil kapag pumalpak ka
“ANIKA. . .” Niyakap nang mahigpit ni Anika si Tonet habang umiiyak, paulit-ulit niyang sinasambit dito kung gaano niya ito kamahal. “I’m sorry kung tinikis kita. Napagod lang ako. P-Pero hindi ko pala kayang tuluyan kang mawala sa buhay ko,” paliwanag niya dito. “Naiintindoihan kita, Niks. At alam ko naman kung bakit. Kahit naman siguro ako, ganun din mararamdaman ko sa kaartehan ko. I’m sorry kung natakot ako at nagdalawang isip. Ang dami ko kasing anak at ayoko namang ipasa saiyo ang mga problema ko.” Naglalapat ang kanilang mga labi. Buong pagmamahal na tinanggap ni Anika ang mga halik na iyon ni Tonet hab
PAKIRAMDAM NI JESTONI ay may bumara sa kanyang lalamunan nang marinig ang tinig ni Randell sa kabilang linya ng telepono. Gusto niyang pagtawanan ang sarili, bakit parang mabubulol pa yata siya samantalang si Randell lang naman ang kausap niya? Shit, ano ba itong nangyayari sa kanya? This is insane. Tumikhim siya saka nagsalita, “Hi Randell,” kaswal na sabi niya kahit ang totoo ay kabado siya. Kabado siya sa dalawang dahilan. Alam niyang magagalit ito sa kanya dahil sa ginawa niya. Kinakabahan rin siya sa isa pang di maipaliwanag na dahilan at ito ang mas nakakatakot. Am I falling in love with Randell? Natatawa siyang nayayamot sa kanyang sarili. 
HATINGGABI na ngunit mulat na mulat pa rin ang mga mata ni Amanda. Gusto niyang sumigaw sa inis dahil ayaw siyang bigyan ng sleeping pills ng kanyang nurse. Hindi na niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Hindi maalis sa isipan niya ang mukha ni Arlyn. Nangigigil siya sa inis lalo pa at naiisip niya ang lahat ng mga nakuha nito sa kanya. Nagtatago na ito and yet naiisahan pa rin sya nito. Marahil ay pinagtatawanan na lamang siya ngayon ng babaeng iyon. Hindi siya matatahimik hanggang hindi nahuhuli ang malditang babae na iyon. Bumangon siya. Parang hindi na naman siya makahinga. Pakiramdam niya ay nasa tabi-tabi lang niya si Arlyn at anytime ay maaring sum
“TALAGA, POGI, papayagan mo kong makapasok sa loob ng subdivision para magtinda?” “Hindi ka magtitinda. Papakyawin ko ng lahat ng mga paninda mo. Then duon natin sa park uubusin. Humingi ako ng day off ngayon.” Anang patpating sekyu kay Glenda. Lihim na napangisi si Glenda, “Ang sweet mo naman. Papakyawin mong lahat ng paninda ko, hindi kaya pagsaktan ka ng tiyan sa dami nito?” “Ite-take out ko na lang ang iba,” sagot ng lalaki sa kanya. “Wow, thank you. Ang swerte naman ng magiging girlfriend mo. Ang bait mo na, ang cute-cute mo pa,” pambobola ni Glenda dito.&
“MA’AM, SIYA PO iyong sinasabi ko sa inyong dati kong kapitbahay sa Sampaloc, si Glenda.” Sabi ng katulong na si Ana nang ipakilala nito ang aplikanteng si Glenda, “Ako na po ang gagarantiya sa kanya, maám. Mabait po siya. Bread winner po siya at kailangan nya ng trabaho.” Sinuri ni Olivia si Glenda. “Ma’am, totoo po pala ang sabi ni Ana, ang ganda-ganda nyo po palang talaga,” anang dalaga sa kanya. “Ilang taon ka na?” Tanong niya dito. “Nineteen years old po.” Kiming sagot nito. Sinipat niya ito mula ulo hanggang paa. Hindi
KABADO SI JESTONI nang magkaharap sila ni Randell. Nabigla pa siya nang bigla na lamang siyang suntukin nito. “Teka. . .teka, magpapaliwanag ako!” Sabi niya ditto habang sapo ang panga na nasuntok nito. Muntikan pa siyang matumba mabuti na lamang at maayos ang balance niya. Hindi niya akalaing ganito pala kalakas sumuntok ang baklang ito. “Putang ina mo ka!” Sigaw nito sa kanya, “Ibalik moa ng laptop ko!” “Kaya nga ako nandito para ibalik iyong laptop mo, di ba?” Mahinang sabi niya, “Aaminin ko, nagkamali ako. I’m sorry. Ang totoo, na-challenge lang naman akong tanggapin iyong trabahong inalok sakin ng kaibigan ko. Tataas raw kasi iyong ranggo ko bilang isa sa pinakamagaling na hack
“LIV, I guess kailangan muna nating i-back ground check ang Glenda na iyon bago ko siya bigyan ng trabaho. Mahirap na.” Sabi ni Gabriel nang ibigay ni Olivia ang resume ni Glenda dito. Tumango siya. Tama naman si Gabriel. Kailangan niyang maging maingat sa pagtanggap ng mga tauhan lalo na sa panahong ito na hindi pa nahuhuli sina Arlyn at Ninong Jaypee nito. “Wala pa rin bang balita?” “May nakakita raw kay Ninong Jaypee sa isang maliit na pasugalan sa Manila. Pinakukuha ko na iyomg footage,” sabi ni Gabriel. Napailing siya, “Nagsusugal pa rin siya, hindi ako makapaniwalang may mga taong matindi talaga ang kapit sa
“NIKS. . .” Masayang-masayang niyakap ni Tonet ang kasintahan. Hindi na naman niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Akala talaga niya ay hindi na niya ito makikita pa. Nuong huli silang magkasama ay ang hina-hina na nitong tingnan ngunit nagulat siya nang makita niya itong muli, medyo bumalik na sa dati ang porma nito. Kulay rosas na rin ang mga pisngi nito hindi paris nuon na ang putla-putla. “Nung sabihin sakin ni Gabriel na nakapag-book na siya ng ticket para sa inyong lahat, iyak ako ng iyak sa sobrang saya. God, I missed you so much!” Sabi ni Anika sa kanya. “Hmm, mamaya na ang loving-loving. Saan ba me masarap na kainan dito, duon tayo mag-lunch!” Sabat ni Nanay Becca sa dalawa
“SIGURO naman kaya mo na?” Pilyang tanong ni Olivia kay Gabriel habang naka-angkla ang kanyang mga kamay sa leeg nito, may katuwaan sa kanyang mga mata habang nakatitig siya sa guwapong mukha nito. Hinding-hindi niya pagsasawaang titigan ang kanyang si Gabriel. “Hindi ka na ba makapaghintay?” Tanong nito saka hinapit ang kanyang katawan para madama niya ang naghuhumiyaw nitong pagkalalaki. Napangisi siya. Pinisil-pisil ni Gabriel ang puwitan niya, “Namiss koi to,” malambing na sabi nito sa kanya, naghinang ang kanilang mga labi. Dalawang buwan rin ang hinintay nila bago tuluyang gumaling ang mga sugat ni Gabriel. Ngayong nasa maayos na ang lahat
“SIGURADO ka bang kaya ap a?” Makailang ulit na tanong ni Olivia kay Gabriel nang magpilit na itong lumabas ng ospital. Hinapit siya nito, “Mas malakas pa ako sa kalabaw.” Nakangising sagot nito sa kanya. Napanguso siya, “Nakakapagtrabaho ka naman dito habang naka-confine ka, bakit nagmamadali ka naman atang lumabas?” “Alam mo namang hindi ako sanay na nakahilata lang maghapon dito sa hospital bed,” anito, “Besides, I can’t wait to see Arlyn in jail. Kailangan ko nang pairmahan sa kanya ang mga documents.” “Basta, huwag kang masyadong magpapagaod, hindi pa gaanong magaling ang mga sugat mo,” paalala niya dito.
“I LOVE YOU,” paulit ulit na sambit ni Tonet kay Anika nang mag-video call siya. Nagsisikip ang dibdib niya habang nakikita si Anika sa kalagayan nito. Ramdam niyang hirap na hirap na ito at pinipilit lang maging masigla kapag kausap siya. Minsan tuloy ay gusto na niyang sabihin ditto na okay na siya. Na kaya na niyang tanggapin ang kung anumang kahihinatnan nito dahil hindi na niya kayang makita pa itong nahihirapan. Ngunit gusto pa niya itong lumaban. Alam niyang makapangyarihan ang utak ng tao. Mas lalong makapangyarihan ang Diyos kaya ang gusto niya ay lumaban pa ito hangga’t kaya nito. Hindi sa pagiging selfish, ngunit alam niyang kapag ginusto ng utak nito, kakayanin rin ng katawan nito. Kaya hangga’
“ANIKA, mabuti naman at napatawag ka? Kumusta ka na?” “I’m okay. My God, hindi ko alam na muntik ka na palang mapatay ng babaeng iyon!” Sabi ni Anika kay Gabriel nang magvideo call ito sa kanya. “Wala ito, malayo sa bituka!” Sabi niya ditto, “How about you? Kumusta ka na? Babalik kami nina Olivia dyan, may mga documents lang akong aayusin ditto. Susurpresahin namin si Tonet. Saka na naming ipapaalam sa kanya na babalik kaming lahat dyan para masamahan ka namin. . .” “Hindi pa nga gaanong magaling ang sugat mo, magpalakas ka na muna. Saka bakit trabaho kagad ang inaasikaso mo?” “Habang nagpapa
“ANAK, nang dahil sa akin nalagay ka sa ganitong sitwasyon,” Halata ang guilt sa mukha ng Mama ni Gabriel nang tingnan siya, “Hindi ko siguro mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama saiyo. Thank God, walang natamaang vital parts sa katawan mo kahit na nga ang daming saksak na tinamo mo,” sabi nitong biglang napatiim bagang, “Baliw talaga ang Arlyn na iyon. I can’t believe ako pa mismo ang nagtulak saiyo na pakasalan ang babaeng iyon!” Kita niya ang pagsisisi sa mga mata nito habang nagsasalita. “Nangyari na ito, Ma. Ang tanging magagawa na lang natin ay magtulungan para masentensyahan sila ni Ninong Jaypee nang habambuhay na pagkabilanggo.” Aniya sa ina. “Salamat at sa
“ANAK. . .” Umiiyak na niyakap ni Arlyn ang kanyang anak saka tumingin sa kanyang ina, “Salamat at pinagbigyan ninyo ang kahilingan ko.” Aniya ditto. “Kung ako lang ang masusunod, ayoko na sanang makita ka pa,” Galit na sabi nito sa kanya, “Pero naisip kong karapatan pa rin naman ng anak mo na makilala ka. H-hindi ko lang alam kapag nagkaisip na siya k-kung ikatutuwa niyang malaman ang dahilan kung bakit ka narito sa bilangguan. Hindi ka na nahiya sa mga kalokohang ginawa mo!” “Kaya nagawa ninyo akong tikisin?” Punong-puno ng hinanakit na tanong niya ditto. Tiningnan siya nito ng masama, “Anong gusto mong gawin namin? Yang katigasan ng ulo moa ng nagdala saiyo sa kapahamakan.
“ANONG GINAGAWA MO DITO?” Walang kaemo-emosyon na tanong ni Arlyn kay Olivia nang dalawin siya nito. “Gusto ko lang makasiguradong nasa bilangguan ka nan gang talaga at hindi na makakatakas pa!” Sagot nito sa kanya. Ngumiti siya, “Who knows, baka bukas makatakas ulit ko?” Nang-aasar na sabi niya rito. “Iyon ang hinding-hindi na mangyayari. I’ll make sure makukulong ka na ng habang buhay dito.” Tiningnan niya ito ng masama, “Kung meron mang dapat mabulok sa bilangguan, ikaw iyon dahil inagaw mo ang asawa ko. Ninakaw moa ng karapatan ng anak ko!” Napa
NAPAKISLOT si Arlyn nang matanawan si Olivia papalabas ng airport kasama ng anak nito at ng Yaya. Sa unahan at sa likuran ng mga ito ay mga body guards. Napaismid siya saka inihanda ang sarili. Susugurin niya si Olivia. Iyon lamang ang tanging paraan para mawala na ito sa buhay niya. Huminga siya ng malalim. Wala ng atrasan ito. Kailangan niya itong mapatay. Susugod na siya nang makita niya si Gabriel na bumaba ng sasakyan at tila sabik na sabik na sinalubong ang mag-ina. Parang biniyak ang dibdib niya nang halikan at yakapin nito nang mahigpit si Olivia. Kitang-kita niya sa anyo ni Gabriel ang excitement at ang katuwaan habang kasama si Olivia. Kaila