ANG LAKAS ng sigaw ni Arlyn. Napatakbo ang maid niya sa labas ng kanyang kuwarto, “Ma’am, okay lang po kayo?” dinig niyang tanong nito.
Hindi siya umiimik. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang ang Tito Jaypee niya ang lalaking nasa may terrace ng kuwarto niya. Paano itong nakaakyat mula duon?
“O-Oo, okay lang ako,” sagot niya sa maid saka binuksan ang terrace para akapasok ang Tito Jaypee niya.
“Anong ginagawa nyo dito?” Mahinang tanong niya dito.
“Kailangan ko ng pera,” Hinihingal ito nang sumagot, “Maki kick out na ko sa hotel na tinutuluyan ko kapag di ako nagbayad.”
&nb
HULING HULI ni Olivia ang pagsimangot ni Gabriel nang datnan nito si Danny sa bahay. Hindi tuloy niya alam kung maiinis o matatawa sa reaction nito. Hanggang ngayon ba ay pinagseselosan pa rin nito ang binata? “Gab,” tumayo si Danny para kamayan ang lalaki, “Napadaan lang ako para iabot itong mga binili kong pasalubong.” “Kakarating lang kasi niya galing Korea. Three days sya dun,” sabi naman niya. “Alam na alam mo ha?” parang batang sagot ni Gabriel. “Nagpaalam kasi ako sa kanya bago umalis,” kaswal na sagot ni Danny dito. Hindi niya alam kung sinasadya nito or talagang hindi ito nakakaramdam na pinagseselosa
THIS IS IT, masayang masayang inilatag ni Jaypee ang kanyang baraha. Panalo na naman siya. Tama talaga ang kutob niya. Iyong isang milyon niyang puhunan ay nagawa niyang dalawang milyong piso sa loob lamang ng pitong oras. Gusto pa sana niyang maglaro ngunit kailangan na ulit niyang umuwi ng Pilipinas. Apat na oras na lamang at flight na niyang pabalik ng Pilipinas kaya tumigil na muna siya. Kapag nakuha niya kay Arlyn ang balance nito sa kanya, lilipad siya ng Las Vegas para duon maglaro. Alam niyang mababawi rin niyang lahat ng mga naipatalo niya. Malakas na malakas ang pakiramdam niyang swerte siya sa buwang ito. At hindi nga siya nagkamali. Isang gabi lang ay nagawa niyang doblehin ang hawak niyang pera. Nakangisi siyang tumayo. Ngiti ng isang panalo.&
GALIT NA GALIT ang lalaki, sumugod ito kay Gabriel at nagpakawala ng isang putok. Mabuti na lamang at mabilis silang nakailag ni Olivia. Sinubukan muli nitong magpaputok. Pero wala ng balang lumabas mula sa hawak nitong baril. Lihim na napangisi si Gabriel, nilingon niya si Olivia at sinenyasan itong tumakbo palayo sa mga ito habang inihahanda niya ang kanyang sarili sa pakikipagbakbakan sa mga ito. “Putang ina, bakit isang bala lang ang laman nito?” Sigaw nito sa kasamang lalaki. “Panakot lang naman kasi natin ‘yan,” sagot naman ng kasama nito. Nakita niyang umaagos na ang dugo sa mga paa nito. Galit na galit na sinunggaban niya ang
NABALITAAN NI JAYPEE ang nangyari kay Arlyn kaya nagmamadali siyang tumakas papuntang Tawi-tawi. Mabuti na lamang at may mga kaibigan siyang muslim sa Sitangkay. Siguro naman ay tutulungan siya ng mga itong itago dahil malaki ang utang na loob ng mga ito sa kanya nuong nagsisimula pa lamang ang mga ito sa negosyo. Gusto pa sana niyang balikan ang anim na milyon sa bahay ni Arlyn ngunit nag-aalala siyang baka mahuli pa siya ng mga pulis kapag ginawa niya iyon. Kung bakit naman kasi nagpapaniwala siya sa Glenda na iyon at sa sira ulong tiyuhin nito na ubod ng tanga. Umpisa pa lang naman ay wala na siyang tiwala sa mga iyon, hindi talaga niya alam kung bakit napabola siya. Nagtapon lang siya ng twenty thousand pesos sa mga sirang ulong iyon. Ng
“KAILANGAN mo ba talagang gawin ‘yan?” Tanong ni Tonet kay Olivia habang papasok sila sa loob ng correctional. “Marami akong gustong itanong sa kanya. Gusto ko siyang maitindihan,” sagot ni Olivia dito habang naglalakad sila. “Maintindihan? Hindi pa ba obvious saiyo kung bakit gusto ka niyang ipapatay? Nagseselos siya saiyo. Gusto ka nyang mawala dahil iniisip niyang kapag nangyari iyon, babalikan na siya ni Gabriel. Ang tanga lang, hindi ba?” Naiinis na sabi ni Tonet, “Hindi ba niya maintindihan na siya mismo ang ayaw ni Gabriel. Na kahit anong gawin nya, hindi siya mamahalin ni Gabriel!” Hindi siya umimik but somehow, alam niya ang pakiramdam ng labis labis na nagmamah
“PA, SIGURADO na po ba kayo sa gagawin ninyo?” Paniniyak ni Gabriel sa ama. Tumango ito, “Dapat nga nuon ko pa ito ginawa. Hindi n asana nangyari ang nangyari saiyo kung hindi ako naduwag nuon,” anang matanda. Punong-puno ng pag-aalala ang ina niya, “Ano ng mangyayari sa atin? Napakalaking eskandalo nito. Kasalanan kong lahat ito,” naiiyak na sabi nito, ginagap nito ang mga kamay ng asawa, “Patawarin mo ako sa lahat ng gulong ibinigay ko sa pamilya natin.” Hindi kumibo ang ama niya. Awang-awa siya sa mga ito pero wala naman siyang magagawa pa kundi ang ipaalala sa mga ito na anuman ang mangyari, nandito lang siya para sa mga ito.&nbs
“Salamat,” sabi ni Gabriel nang nasa kwarto na silang dalawa ni Olivia, niyakap niya ito saka hinawakan ang baba para iharap sa kanya ang mukha nito, “I’m sorry.” “Sorry for what?” Takang tanong nito. “Sorry sa lahat ng gulo at pasakit na ibinibigay saiyo ng pamilya ko. Ang dami ng atraso saiyo ng pamilya ko and yet nandyan ka pa rin para sakin,” bilib na bilib na sabi niya kay Olivia. Hindi siya makapaniwalang may ganitong babae na magmamahal sa kanya ng sobra-sobra. Ang dami na nitong isinakripisyo para sa kanya. Hindi biro ang lahat ng gulo at sakit ng ulong ibinigay ng pamilya niya dito. And yet, heto pa rin si
“SI ROCCO ITO, Olivia,” gumagaralgal ang tinig na sagot ni Rocco kay Olivia. “Rocco, ikaw iyong tumatawag na hindi nagsasalita?” Gulat na tanong ni Olivia sa kausap sa telepono, “God, pinag-isip mo ako ng husto.” “Pasensya ka na. Nahihiya kasi ako saiyo kaya umuurong ang dila ko sa tuwing naririnig ko na iyong boses mo. Alam kong nagpapahinga ka na, pasensya talaga,” nagsimula itong umiyak, “Pero alam kong ikaw lang ang makakatulong sakin.” “Ano ba iyon? Rocco, hindi ko maiintindihan ang sinasabi mo kung uunahan mo ko ng iyak mo.” “Hiyang hiya na kasi ako saiyo. Halos ikaw na ang bumubuhay sa