THIS IS IT, masayang masayang inilatag ni Jaypee ang kanyang baraha. Panalo na naman siya. Tama talaga ang kutob niya. Iyong isang milyon niyang puhunan ay nagawa niyang dalawang milyong piso sa loob lamang ng pitong oras. Gusto pa sana niyang maglaro ngunit kailangan na ulit niyang umuwi ng Pilipinas. Apat na oras na lamang at flight na niyang pabalik ng Pilipinas kaya tumigil na muna siya.
Kapag nakuha niya kay Arlyn ang balance nito sa kanya, lilipad siya ng Las Vegas para duon maglaro. Alam niyang mababawi rin niyang lahat ng mga naipatalo niya. Malakas na malakas ang pakiramdam niyang swerte siya sa buwang ito. At hindi nga siya nagkamali. Isang gabi lang ay nagawa niyang doblehin ang hawak niyang pera.
Nakangisi siyang tumayo. Ngiti ng isang panalo.
&
GALIT NA GALIT ang lalaki, sumugod ito kay Gabriel at nagpakawala ng isang putok. Mabuti na lamang at mabilis silang nakailag ni Olivia. Sinubukan muli nitong magpaputok. Pero wala ng balang lumabas mula sa hawak nitong baril. Lihim na napangisi si Gabriel, nilingon niya si Olivia at sinenyasan itong tumakbo palayo sa mga ito habang inihahanda niya ang kanyang sarili sa pakikipagbakbakan sa mga ito. “Putang ina, bakit isang bala lang ang laman nito?” Sigaw nito sa kasamang lalaki. “Panakot lang naman kasi natin ‘yan,” sagot naman ng kasama nito. Nakita niyang umaagos na ang dugo sa mga paa nito. Galit na galit na sinunggaban niya ang
NABALITAAN NI JAYPEE ang nangyari kay Arlyn kaya nagmamadali siyang tumakas papuntang Tawi-tawi. Mabuti na lamang at may mga kaibigan siyang muslim sa Sitangkay. Siguro naman ay tutulungan siya ng mga itong itago dahil malaki ang utang na loob ng mga ito sa kanya nuong nagsisimula pa lamang ang mga ito sa negosyo. Gusto pa sana niyang balikan ang anim na milyon sa bahay ni Arlyn ngunit nag-aalala siyang baka mahuli pa siya ng mga pulis kapag ginawa niya iyon. Kung bakit naman kasi nagpapaniwala siya sa Glenda na iyon at sa sira ulong tiyuhin nito na ubod ng tanga. Umpisa pa lang naman ay wala na siyang tiwala sa mga iyon, hindi talaga niya alam kung bakit napabola siya. Nagtapon lang siya ng twenty thousand pesos sa mga sirang ulong iyon. Ng
“KAILANGAN mo ba talagang gawin ‘yan?” Tanong ni Tonet kay Olivia habang papasok sila sa loob ng correctional. “Marami akong gustong itanong sa kanya. Gusto ko siyang maitindihan,” sagot ni Olivia dito habang naglalakad sila. “Maintindihan? Hindi pa ba obvious saiyo kung bakit gusto ka niyang ipapatay? Nagseselos siya saiyo. Gusto ka nyang mawala dahil iniisip niyang kapag nangyari iyon, babalikan na siya ni Gabriel. Ang tanga lang, hindi ba?” Naiinis na sabi ni Tonet, “Hindi ba niya maintindihan na siya mismo ang ayaw ni Gabriel. Na kahit anong gawin nya, hindi siya mamahalin ni Gabriel!” Hindi siya umimik but somehow, alam niya ang pakiramdam ng labis labis na nagmamah
“PA, SIGURADO na po ba kayo sa gagawin ninyo?” Paniniyak ni Gabriel sa ama. Tumango ito, “Dapat nga nuon ko pa ito ginawa. Hindi n asana nangyari ang nangyari saiyo kung hindi ako naduwag nuon,” anang matanda. Punong-puno ng pag-aalala ang ina niya, “Ano ng mangyayari sa atin? Napakalaking eskandalo nito. Kasalanan kong lahat ito,” naiiyak na sabi nito, ginagap nito ang mga kamay ng asawa, “Patawarin mo ako sa lahat ng gulong ibinigay ko sa pamilya natin.” Hindi kumibo ang ama niya. Awang-awa siya sa mga ito pero wala naman siyang magagawa pa kundi ang ipaalala sa mga ito na anuman ang mangyari, nandito lang siya para sa mga ito.&nbs
“Salamat,” sabi ni Gabriel nang nasa kwarto na silang dalawa ni Olivia, niyakap niya ito saka hinawakan ang baba para iharap sa kanya ang mukha nito, “I’m sorry.” “Sorry for what?” Takang tanong nito. “Sorry sa lahat ng gulo at pasakit na ibinibigay saiyo ng pamilya ko. Ang dami ng atraso saiyo ng pamilya ko and yet nandyan ka pa rin para sakin,” bilib na bilib na sabi niya kay Olivia. Hindi siya makapaniwalang may ganitong babae na magmamahal sa kanya ng sobra-sobra. Ang dami na nitong isinakripisyo para sa kanya. Hindi biro ang lahat ng gulo at sakit ng ulong ibinigay ng pamilya niya dito. And yet, heto pa rin si
“SI ROCCO ITO, Olivia,” gumagaralgal ang tinig na sagot ni Rocco kay Olivia. “Rocco, ikaw iyong tumatawag na hindi nagsasalita?” Gulat na tanong ni Olivia sa kausap sa telepono, “God, pinag-isip mo ako ng husto.” “Pasensya ka na. Nahihiya kasi ako saiyo kaya umuurong ang dila ko sa tuwing naririnig ko na iyong boses mo. Alam kong nagpapahinga ka na, pasensya talaga,” nagsimula itong umiyak, “Pero alam kong ikaw lang ang makakatulong sakin.” “Ano ba iyon? Rocco, hindi ko maiintindihan ang sinasabi mo kung uunahan mo ko ng iyak mo.” “Hiyang hiya na kasi ako saiyo. Halos ikaw na ang bumubuhay sa
KABADO si Jaypee habang binabaybay ang patungo sa tahanan nina Arlyn sa loob ng subdivion. Umaasa siyang walang tao sa loob ng bahay para madali niyang maiisakatuparan ang kanyang mga plano. Sa kanyang bagong identity, madali na siyang makakalabas ng bansa. Buo na ang kanyang plano. Babalik siyang muli ng Tawi-tawi, from Tawi-tawi ay tatawid siya patungong Malaysia. Madali na siyang makakawid sa mga karating na bansa kapag nakalabas na siya ng Pilipinas. Pero problema niya kung papaano siyang makakapunta sa Amerika dahil hindi siya basta-basta makakapasok duon kung wala siyang visa. Unlike sa totoo niyang pangalan, nakakalabas masok siya dahil ten year visa ang na-grant sa kanya ng Amerika. Bahala na. Ang mahalaga ay malaya siya.
TYO ORLY, hindi ko talaga mahanap ang lalaking yun,” sabi ni Glenda sa tiyuhin nang dalawin niya ito sa bilangguan, “Pero sabi naman ni Tiya Merly, titingnan raw nya magagawa nya para maihanap kayo ng libreng abogado.” “Bakit hindi man lang nya ko binibisita dito?” “Nahihiya na raw kasi siya. Ilang beses ka ng naglabas masok dito, parang hindi ka na raw po magbabago,” sabi niya sa matanda. Nakaismid ito ng tingnan siya, “Talaga ba? Eh, sa palagay mo, bakit ko ba ito ginagawa? Saka kung di mo naman ako ipinakilala sa matandang yun, dirediretso n asana pagbabagong buhay ko ah.” “Teka, bakit ako? Wala akong kinalaman sa inyo