“PA, SIGURADO na po ba kayo sa gagawin ninyo?” Paniniyak ni Gabriel sa ama.
Tumango ito, “Dapat nga nuon ko pa ito ginawa. Hindi n asana nangyari ang nangyari saiyo kung hindi ako naduwag nuon,” anang matanda.
Punong-puno ng pag-aalala ang ina niya, “Ano ng mangyayari sa atin? Napakalaking eskandalo nito. Kasalanan kong lahat ito,” naiiyak na sabi nito, ginagap nito ang mga kamay ng asawa, “Patawarin mo ako sa lahat ng gulong ibinigay ko sa pamilya natin.”
Hindi kumibo ang ama niya.
Awang-awa siya sa mga ito pero wala naman siyang magagawa pa kundi ang ipaalala sa mga ito na anuman ang mangyari, nandito lang siya para sa mga ito.&nbs
“Salamat,” sabi ni Gabriel nang nasa kwarto na silang dalawa ni Olivia, niyakap niya ito saka hinawakan ang baba para iharap sa kanya ang mukha nito, “I’m sorry.” “Sorry for what?” Takang tanong nito. “Sorry sa lahat ng gulo at pasakit na ibinibigay saiyo ng pamilya ko. Ang dami ng atraso saiyo ng pamilya ko and yet nandyan ka pa rin para sakin,” bilib na bilib na sabi niya kay Olivia. Hindi siya makapaniwalang may ganitong babae na magmamahal sa kanya ng sobra-sobra. Ang dami na nitong isinakripisyo para sa kanya. Hindi biro ang lahat ng gulo at sakit ng ulong ibinigay ng pamilya niya dito. And yet, heto pa rin si
“SI ROCCO ITO, Olivia,” gumagaralgal ang tinig na sagot ni Rocco kay Olivia. “Rocco, ikaw iyong tumatawag na hindi nagsasalita?” Gulat na tanong ni Olivia sa kausap sa telepono, “God, pinag-isip mo ako ng husto.” “Pasensya ka na. Nahihiya kasi ako saiyo kaya umuurong ang dila ko sa tuwing naririnig ko na iyong boses mo. Alam kong nagpapahinga ka na, pasensya talaga,” nagsimula itong umiyak, “Pero alam kong ikaw lang ang makakatulong sakin.” “Ano ba iyon? Rocco, hindi ko maiintindihan ang sinasabi mo kung uunahan mo ko ng iyak mo.” “Hiyang hiya na kasi ako saiyo. Halos ikaw na ang bumubuhay sa
KABADO si Jaypee habang binabaybay ang patungo sa tahanan nina Arlyn sa loob ng subdivion. Umaasa siyang walang tao sa loob ng bahay para madali niyang maiisakatuparan ang kanyang mga plano. Sa kanyang bagong identity, madali na siyang makakalabas ng bansa. Buo na ang kanyang plano. Babalik siyang muli ng Tawi-tawi, from Tawi-tawi ay tatawid siya patungong Malaysia. Madali na siyang makakawid sa mga karating na bansa kapag nakalabas na siya ng Pilipinas. Pero problema niya kung papaano siyang makakapunta sa Amerika dahil hindi siya basta-basta makakapasok duon kung wala siyang visa. Unlike sa totoo niyang pangalan, nakakalabas masok siya dahil ten year visa ang na-grant sa kanya ng Amerika. Bahala na. Ang mahalaga ay malaya siya.
TYO ORLY, hindi ko talaga mahanap ang lalaking yun,” sabi ni Glenda sa tiyuhin nang dalawin niya ito sa bilangguan, “Pero sabi naman ni Tiya Merly, titingnan raw nya magagawa nya para maihanap kayo ng libreng abogado.” “Bakit hindi man lang nya ko binibisita dito?” “Nahihiya na raw kasi siya. Ilang beses ka ng naglabas masok dito, parang hindi ka na raw po magbabago,” sabi niya sa matanda. Nakaismid ito ng tingnan siya, “Talaga ba? Eh, sa palagay mo, bakit ko ba ito ginagawa? Saka kung di mo naman ako ipinakilala sa matandang yun, dirediretso n asana pagbabagong buhay ko ah.” “Teka, bakit ako? Wala akong kinalaman sa inyo
PALAISIPAN kar Gabriel kung sino ang nagtangkang magnakaw sa bahay ng parents niya. Very professional ang pagkakagawa niyon. Ni hindi nakunan ng CCTV. Pinaiimbestigahan na niya ang mga pangyayari. Sa tagal na naninirahan ng mga magulang niya sa subdivision na ito ay ngayon lamang ito napasok. Mabuti na lamang at lahat ng mga mahahalaga nitong documents, mga alahas at kung anu-ano pa ay nasa safety box nito sa bangko. Maski ang mga collections ng ama niya ng mga mamahaling paintings ay nasa safe rin na lugar. Tanging ang mga mamahalin nitong alak ang naroroon and so far, hindi naman iyon nabawasan. Malakas ang kutob niyang may kinalaman ang Ninong Jaypee niya dito. Pagnanakaw raw talaga ang intention, ayon sa mga pulisya na nag-im
HINDI MAKAPANIWALA SI ARLYN na nagawa siyang tikisin ng kanyang mga magulang. Dalawang Linggo na siya sa selda at ni isa sa pamilya niya ay wala man lamang sumisilip sa kanya. Kung hindi lang sana nagtatago ang Tito Jaypee niya, alam niyang hindi siya nito matitikis. Napaiyak siya. Nag-aalala siya sa kanyang Tito Jaypee dahil alam niyang ito lamang naman talaga ang kakampi niya magmula pa nuong bata siya. Kahit kailan, hindi niya naramdaman ang pagmamahal ng parents niya. Hindi niya alam kung bakit. Palagi na ay namamalimos siya sa atensyon at pagmamahal ng mga ito. Ang Tito Jaypee lamang niya ang nagparamdam sa kanya ng tunay na pagmamahal. Kaya rin siguro sabik siyang makuha ang pag-ibig ni Gabriel. Pangarap sana niyang bumuo ng masaya at buong pamilya sa piling nito.&
“I AM SO IN LOVE WITH YOU,” anang lalaki kay Randell, yumakap ito mula sa likuran. Hindi niya ito sinagot, sa halip ay nagsindi siya ng isang stick ng sigarilyo. Hindi niya alam kung totoo ang sinasabi nito o may gusto lang itong ipabili sa kanya kaya naglalambing ng ganito. Bakla siya pero hindi siya kagaya ng ibang bakla na nagpapakabaliw ng dahil lamang sa pag-ibig. Libog lang naman ang hanap niya, pero syempre, puhikan naman siya sa pagpili ng lalaking ikakama niya. Gagastos na rin lang siya, syempre iyong kaibig ibig na rin naman. Magdadalawang buwan na niyang kilala si Jestoni. Magdadalawang buwan na rin silang ganito. Pero hindi gaya ng ibang mga nakaka-date niya, patago silang magkita ni Jestoni. Unlike nuong nasa Australia pa siya na mas liberated siya at wala siyang pakialam
“JOWA mo!” padabog na sabi ni Jestoni, tumayo at nagtungo sa banyo. Maya-maya pa ay naririnig na niya ang lagaslas ng tubig mula duon. “May kasama ka?” Tanong ni Danny. “Hmm, just random stranger na nakilala ko sa isang party,” aniya sa pinsan, “Bakit ka ng aba napatawag in the middle of the night?” Nag-aalalang tanong niya dito. “I’m planning to go back to Australia,” anito. “What?” Gulat na tanong niya dito. Hindi niya inaasahan iyon mula kay Danny. Hindi nga ba at nainlab ito ng husto sa Pilipinas kaya naisipan nitong dito na muling manirahan. So far, matagumpay naman lahat ng mga negosyon