HINDI MAKAPANIWALA SI ARLYN na nagawa siyang tikisin ng kanyang mga magulang. Dalawang Linggo na siya sa selda at ni isa sa pamilya niya ay wala man lamang sumisilip sa kanya. Kung hindi lang sana nagtatago ang Tito Jaypee niya, alam niyang hindi siya nito matitikis.
Napaiyak siya. Nag-aalala siya sa kanyang Tito Jaypee dahil alam niyang ito lamang naman talaga ang kakampi niya magmula pa nuong bata siya. Kahit kailan, hindi niya naramdaman ang pagmamahal ng parents niya. Hindi niya alam kung bakit. Palagi na ay namamalimos siya sa atensyon at pagmamahal ng mga ito.
Ang Tito Jaypee lamang niya ang nagparamdam sa kanya ng tunay na pagmamahal. Kaya rin siguro sabik siyang makuha ang pag-ibig ni Gabriel. Pangarap sana niyang bumuo ng masaya at buong pamilya sa piling nito.
&
“I AM SO IN LOVE WITH YOU,” anang lalaki kay Randell, yumakap ito mula sa likuran. Hindi niya ito sinagot, sa halip ay nagsindi siya ng isang stick ng sigarilyo. Hindi niya alam kung totoo ang sinasabi nito o may gusto lang itong ipabili sa kanya kaya naglalambing ng ganito. Bakla siya pero hindi siya kagaya ng ibang bakla na nagpapakabaliw ng dahil lamang sa pag-ibig. Libog lang naman ang hanap niya, pero syempre, puhikan naman siya sa pagpili ng lalaking ikakama niya. Gagastos na rin lang siya, syempre iyong kaibig ibig na rin naman. Magdadalawang buwan na niyang kilala si Jestoni. Magdadalawang buwan na rin silang ganito. Pero hindi gaya ng ibang mga nakaka-date niya, patago silang magkita ni Jestoni. Unlike nuong nasa Australia pa siya na mas liberated siya at wala siyang pakialam
“JOWA mo!” padabog na sabi ni Jestoni, tumayo at nagtungo sa banyo. Maya-maya pa ay naririnig na niya ang lagaslas ng tubig mula duon. “May kasama ka?” Tanong ni Danny. “Hmm, just random stranger na nakilala ko sa isang party,” aniya sa pinsan, “Bakit ka ng aba napatawag in the middle of the night?” Nag-aalalang tanong niya dito. “I’m planning to go back to Australia,” anito. “What?” Gulat na tanong niya dito. Hindi niya inaasahan iyon mula kay Danny. Hindi nga ba at nainlab ito ng husto sa Pilipinas kaya naisipan nitong dito na muling manirahan. So far, matagumpay naman lahat ng mga negosyon
BIGLANG KUMABOG ang dibdib ni Randell nang makita niya mula sa isang sulok si Jestoni, kumaway pa ito sa kanya. Nanadya ba ito? Ini-stalk ba siya nito? Pulang-pula ang mukha niya kaya nagkunwa siyang hindi niya ito kilala. Shit, muli niyang ibinalik ang atensyon kay Olivia, “By the way, kausap ko ang Papa ni Gabriel kahapon. Palagay ko, may laban naman ang kaso niya.” “Sana nga. Masyadong naging sensational ang kaso, halos gabi-gabi kong napapanuod sa balita ang tungkol sa kanila.” Daing ni Olivia. “Kaya nga ihanda mo na ang sarili mo. Isang araw, makakaladkad nila ang pangalan mo. Alam mo naman ang media. Gagawin nilang mas interesting ang kwento kaya lahat ng tungkol sa pamilya ni Gabriel, kahit wala namang kinalaman sa kaso, hahalughugin.” Paalala niya sa babae
HABANG nagkakagulo ang lahat sa shooting nina Coco Martin at Julia Montes, sinamantala naman ni Arlyn ang pagtakas. Kahit nahihirapan ay nagawa niyang sampahin ang bintana at makapagnakaw ng nakasampay na damit sa bintanang nadaanan lang niya habang naglalakad. Nagmamadali siyang nagpalit ng damit. Hindi niya alam kung papaano niya nagawang makalabas ng ospital, nagmamadali siyang pumara ng tricycle at nagpahatid sa pawnshop para isanla ang suot niyang kwintas at wedding ring. Ilang sandali pa at nasa tapat na siya ng isang pawnshop. Ayaw sana niyang isangla ang kanyang wedding ring ngunit kailangan talaga niya ng pera. Nanginginig na hinubad niya ang suot niyang singsing. “Miss, isasanla ko sana,” tipid na sabi niya sa bab
IYAK NANG IYAK si Arlyn habang pinagmamasdan ang kanyang anak. Hindi siya makapaniwalang nanggaling sa kanya ang mumunting sanggol. “Ang guwapo naman ng apo kong ýan,” mangiyak ngiyak na sabi ni Jaypee habang nakatingin sa sanggol, “May naisip ka na bang ipapangalan sa kanya?” “Gabriel Jr.” halos paanas lang na sagot niya sa tiyuhin. Napaismid ito, “Pagkatapos kang itratong parang basahan ng lalaking yun, ipapangalan mo pa ang apo ko sa kanya? Dapat Jaypee Jr. Ang laki ng sakripisyo ko. . .” “Tito Jaypee, baka nakakalimutan nyong kung di dahil sa kapalpakan ng mga tao mo hindi sana ako nagtatago ngayon,” pandidilat
HINILA NI GABRIEL si Olivia pahiga sa kama at animo’y isang hayup na gutom na gutom na nang makakita ng pagkain ay kaagad itong sinugpang. Ang gulat pa ni Olivia nang wasakin nito ang suot niyang night gown, “Fuck, Gabriel, mamahalin ang night gown na ito,” saway niya dito. “I don’t care,” sabi nitong sinibasib ng halik ang nakalantad niyang dibdib. Napaungol siya lalo na ng paglaruan ng dila nito ang dungot niyon. One week ring hindi sila nagsiping dahil pareho silang naging abala sa mga kinakaharap nilang mga problema. Siya ay sa itinatayo niyang negosyo samantalang ito ay sa pag-aasikaso ng kaso ng ama, mga problema sa company nito at ang tungkol kay Arlyn at Ninong Jaypee nito. Kaya naman pareho
“ANO NAMAN YAN?” Nakasimangot na tanong ni Arlyn sa kanyang Tito Jaypee nang iabot nito sa kanya ang kulay itim na damit. “Abaya. Isuot mo ‘yan para walang makakilala saiyo. At least nakatakip na ang buong mukha mo dyan. Mata lang ang kita saiyo, mas madali ka ng makakakilos nyan,” anito sa kanya, “Simula ngayon rin, masanay ka na sa pangalan mong Aisha.” Ini-inspect niya ang mga damit. Naisip niyang malaking bagay ang damit na iyon para makagala siya sa buong Metro Manila na hindi nag-aalala nab aka may makakilala sa kanya. Nasasabik na siyang makita si Gabriel. Gusto sana niya itong masilayan kahit na paano. Bakit nga ba sa kabila ng lahat, hindi niya magawang tuluyang magalit dito?
“ISA-ISA raw niya tayong pinapatay. . .pagkatapos, si Stacey iyong pinakahuli,” kwento ni Olivia kay Tonet. Hindi makapaniwala si Tonet sa naririnig. Halos ganuon rin ang napanaginipan niya tungkol kay Arlyn. “S-Sa panaginip ko, si Stacey rin ang pinakahuli niyang pinatay, pagkatapos niya tayong pagpapataying lahat,” nangingilabot na sabi ni Tonet dito, pinispis niya ang kanyang mga braso dahil nagtindigan ang mga balahibo niya. Paanong nangyaring halos iisa ang panaginip nila ni Olivia? Hindi kaya isang masamang pangitain na iyon? “Hindi ako matatahimik hangga’t hindi siya nahuhuli,” sabi ni Olivia sa kanya, “Kailangang tulungan natin ang mga pulis sa paghahanap sa kanilang dalawa ng Uncle nya