“ISA-ISA raw niya tayong pinapatay. . .pagkatapos, si Stacey iyong pinakahuli,” kwento ni Olivia kay Tonet.
Hindi makapaniwala si Tonet sa naririnig. Halos ganuon rin ang napanaginipan niya tungkol kay Arlyn. “S-Sa panaginip ko, si Stacey rin ang pinakahuli niyang pinatay, pagkatapos niya tayong pagpapataying lahat,” nangingilabot na sabi ni Tonet dito, pinispis niya ang kanyang mga braso dahil nagtindigan ang mga balahibo niya. Paanong nangyaring halos iisa ang panaginip nila ni Olivia?
Hindi kaya isang masamang pangitain na iyon?
“Hindi ako matatahimik hangga’t hindi siya nahuhuli,” sabi ni Olivia sa kanya, “Kailangang tulungan natin ang mga pulis sa paghahanap sa kanilang dalawa ng Uncle nya
HALOS mapatid ang mga litid ni Arlyn sa kanyang mga braso habang nakakuyom ang kanyang mga palad. Hindi mawala sa utak niya ang eksenang nakita kanina habang yakap ni Gabriel si Olivia at hinalikan pa ito sa nuo bago ito umalis. Kahit na kailan ay hindi iyon ginawa sa kanya ni Gabriel. Kahit kailan, hindi siya trinatong parang isang asawa ni Gabriel. Sa loob ng dalawang taong pagsasama nila, wala siyang ginawa kundi ang mamalimos ng atensyon at pagmamahal nito. Pero bakit kay Olivia, ang dali-dali nitong ibigay ang pagmamahal na iyon? Sunod-sunod na pumatak ang kanyang mga luha. Bakit hindi siya nagawang pag-aralang mahalin ni Gabriel?&
“SO, TAYO na ba ulit?” Tanong ni Tonet kay Anika, katatapos lang nilang magtalik sa loob ng isang mumurahing motel. Alam niyang may pagka-class ito kaya hindi siya makapaniwalang napapayag niyang pumasok sila dito. Siguro ay talagang mahal pa rin siya nito. Bumaling siya kay Anika, tahimik na tahimik lang ito habang nakatingin sa kisame. Siguro ay napapaisip kung papaano ma-iimprove ang napaka-cheap na kuwartong pinag-check inan nilang dalawa. O baka binibilang ang dumi sa kisame. O ang nagtutuklapang mga pintura. Sumulyap ito sa kanya, “Nagugutom ako.” “Mag-oorder ako ng. . .”&
“KAPAG MAY malaking pera na tayong pwedeng mapaikot, mas madali na nating maisasakatuparan ang misyon kong mapatay si Olivia Reid. Siya lang naman talaga ang sagabal sa pagsasama namin ni Gabriel!” “I-Ibig sabihin, may papatayin tayo?” Tanong ni Almudznie saka nilingon ang Tito Jaypee niya, “Brother, wala sa plano natin ang pumatay? Hanggang pagnanakaw lang siguro ang kaya kong gawin. . .” ninerbiyos na sabi nito dito. “Ano bang pagkakaiba ng pumatay sa pagnanakaw? Pareho lang namang kasalanan iyon!” Sabi ni Arlyn dito. Napalunok ito, “Walang kapatawaran ang pumatay ng tao. . .” sagot ni Almudznie. Napangisi siya, “
HINDI mapakali ng araw na iyon si Gabriel. Pakiramdam niya ay may binabalak na masama si Arlyn at hindi siya atatahimik hangga’t hindi nahuhuli ang mga iyon. Kinontak niya ang lahat ng mga kaibigan niyang maaring makatulong sa paghahanap kay Arlyn pati na rin sa Ninong Jaypee niya. Kailangang mahuli ang dalawang iyon sa lalong madaling panahon. Tiniyak rin niyang bantay sarado ng kanyang mga tauhan ang kanyang mag-ina pati na rin ang kanyang Mama. Kinontak rin niya si Javier na kasalukuyang nasa Amerika para asikasuhin ang ibang mga documents na kakailanganin niya sa pagsasampa ng kaso laban sa kanyang Ninong Javier. “Kuya?” “Mag-iingat ka dyan, Javier. Hindi maganda ang kutob ko ngayon. Hindi ko alam kung
“GUSTO NINYONG maging bait para mahuli sina Arlyn at Ninong Jaypee?” Hindi makapaniwalang tanong ni Gabriel sa ina. Humigop muna ng kape si Amanda bago sumagot sa kanya, “Mas madali natin silang mahuhuli kung ipapain ko ang sarili ko sa kanila.” “Mama, delikado ang naiisip ninyong ‘yan. No, hindi ako papaya!” Mariing sabi niya sa ina, “Hindi ko isasakripisyo ang buhay ko dahil lang sa. . .” “Iho, makinig ka,” malumanay na sabi nito, “Ang dami ko ng kasalanan sa inyo. Kung tutuusin,ako ang naging puno’t dulo ng lahat ng kaguluhang nangyayari sa ating pamilya. Hayaan mo namang sa pamamagitan ko, magwakas na rin ang problemang ito. Sa ganitong paraan lang ako makakatu
“SANA sa gagawin kong ito ay matahimik ang konsensya ko kahit na paano. At sana rin magkaroon na ako ng kapatawaran sa puso mo.” Sabi ni Amanda kay Arnel nang dalawin niya ito. “Alam mong matagal na kitang pinatawad,hindi ba? Alam mo rin na kaya ako bumabawi saiyo nuong mga nakaraang taon at kaya kita ipinapapasyal sa iba’t-ibang bansa ay para mapunan ko ang lahat ng mga naging pagkukulang ko saiyo nuon” sabi ni Arnel sa kanya. Umagos ang luha sa kanyang pisngi, “Hanggang ngayon, pakiramdam ko ay unti-unti mo akong pinaparusahan sa mga kasalanang nagawa ko saiyo. Hindi ko na naramdaman kahit kelan iyong pagmamahal mo. . .k-kahit pinipilit mong ibalik iyong tiwala mo sakin, at iyong pagmamahal mo, alam kong hindi mo na iyon mababalik pa. Pero gusto kong sabihin saiyo na walang nabago s
UMIIYAK SI ARLYN habang pinapadede ang anak. Hindi mo dapat dinaranas ang ganito ngayon. Pero dahil sa babaeng iyon, nagkakaganito tayo. Ipinapangako ko anak, ibibigay ko saiyo ang mga bagay na di ko natikman nuong bata pa ako. Promise, babawiin ko ang Daddy mo. Ikaw lang ang may karapatan sa pagmamahal ng Daddy mo at hindi ang anak ng kabit nya. Hinalikan niya ito sa nuo. Nang matiyak na natutulog na ito ay dahan-dahan niya itong inilapag sa maliit na kutson saka pinaypayan ito. May pait sa mga labing napangisi siya. Nagtitiyaga sa mainit na kuwarto ang anak niya habang nagpapasasa sa karangyaan ang anak ng Olivia na iyon? Mas lalo lamang siyang nanggagalaiti sa galit kapag naiisip niya ang kalagayan nilang mag-ina gayong napakayaman ng asawa niya. Okay lang sana ku
YAMOT NA IBINATO ni Jestoni ang kanyang mobile phone. Marami na akong isinakripisyo para saiyo! Damn. Tumayo siya at nagsindi ng isang stick ng sigarilyo saka tinawagan ang isang kaibigan, “Mahirap pasakayin ang baklang iyon. Putah, halos malamog na ang katawan ko, di pa rin bumibilib sakin.” Ang lakas ng tawa ng kaibigan niya, “Konting tiyaga lang, Jest. Kailangan natin ang taong ‘yun para sa information na hawak nya,” sabi nito sa kanya. “Ano pa nga ba?” aniya dito, “Nagsasakripisyo ako para lang sa trabahong ito kaya dapat tumaas na ang posisyon ko.” “Siguraduhin mo lang. Baka mamaya