“SANA sa gagawin kong ito ay matahimik ang konsensya ko kahit na paano. At sana rin magkaroon na ako ng kapatawaran sa puso mo.” Sabi ni Amanda kay Arnel nang dalawin niya ito.
“Alam mong matagal na kitang pinatawad,hindi ba? Alam mo rin na kaya ako bumabawi saiyo nuong mga nakaraang taon at kaya kita ipinapapasyal sa iba’t-ibang bansa ay para mapunan ko ang lahat ng mga naging pagkukulang ko saiyo nuon” sabi ni Arnel sa kanya.
Umagos ang luha sa kanyang pisngi, “Hanggang ngayon, pakiramdam ko ay unti-unti mo akong pinaparusahan sa mga kasalanang nagawa ko saiyo. Hindi ko na naramdaman kahit kelan iyong pagmamahal mo. . .k-kahit pinipilit mong ibalik iyong tiwala mo sakin, at iyong pagmamahal mo, alam kong hindi mo na iyon mababalik pa. Pero gusto kong sabihin saiyo na walang nabago s
UMIIYAK SI ARLYN habang pinapadede ang anak. Hindi mo dapat dinaranas ang ganito ngayon. Pero dahil sa babaeng iyon, nagkakaganito tayo. Ipinapangako ko anak, ibibigay ko saiyo ang mga bagay na di ko natikman nuong bata pa ako. Promise, babawiin ko ang Daddy mo. Ikaw lang ang may karapatan sa pagmamahal ng Daddy mo at hindi ang anak ng kabit nya. Hinalikan niya ito sa nuo. Nang matiyak na natutulog na ito ay dahan-dahan niya itong inilapag sa maliit na kutson saka pinaypayan ito. May pait sa mga labing napangisi siya. Nagtitiyaga sa mainit na kuwarto ang anak niya habang nagpapasasa sa karangyaan ang anak ng Olivia na iyon? Mas lalo lamang siyang nanggagalaiti sa galit kapag naiisip niya ang kalagayan nilang mag-ina gayong napakayaman ng asawa niya. Okay lang sana ku
YAMOT NA IBINATO ni Jestoni ang kanyang mobile phone. Marami na akong isinakripisyo para saiyo! Damn. Tumayo siya at nagsindi ng isang stick ng sigarilyo saka tinawagan ang isang kaibigan, “Mahirap pasakayin ang baklang iyon. Putah, halos malamog na ang katawan ko, di pa rin bumibilib sakin.” Ang lakas ng tawa ng kaibigan niya, “Konting tiyaga lang, Jest. Kailangan natin ang taong ‘yun para sa information na hawak nya,” sabi nito sa kanya. “Ano pa nga ba?” aniya dito, “Nagsasakripisyo ako para lang sa trabahong ito kaya dapat tumaas na ang posisyon ko.” “Siguraduhin mo lang. Baka mamaya
“DAMN!” “What’s wrong?” Nag-aalalang tanong ni Olivia. “Si Mama. . .” sabi nitong nagmamadaling bumangon at isinuot ang pantalon na nakasampay sa couch, “I’ll be back. Tsketsekin ko lang si Mama!” Nagmamadali na itong lumabas ng kuwarto. Naguguluhang nakasunod lamang siya ng tingin dito. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Gabriel. Hindi ba at sa mansion ito nanggaling at duon ito nagpalipas ng gabi? Anong nangyari sa Mama nito? Bumangon siya at pinuntahan ang kuwarto ni Stacey para icheck ang mga ito. Dinatnan niyang nakayakap ang Nanay Becca niya dito habang naghihilik ang mga ito. Ang yaya n
NANGISLAP ang mga mata ni Arlyn nang sumambulat sa kanya ang limpak limpak na pera at mga alahas na itinatago ng kapatid sa closet nito. Talagang kabisadong-kabisado na niya ito. Sinasabi na nga ba niya at dito lang ang mga ito nagtatago ng pera. Tingin niya ay nasa isang milyon ang pera, at iyong mga alahas, palagay niya ay nagkakalahaga ng mga tatlong milyon. Kinuha niya ang isa sa mga bag ng kapatid at nagmamadaling isinilid duon lahat ng pera at mga alahas. Palabas na sana siya nang maiispang i-check ang mga pagkain sa pantry. Na-excite siya nang makita ang ma imported chocolates at imported goods. Pinili lang niya ang mga paborito niya at isinilid niya ang mga iyon sa plastic saka tsinek ang laman ng fridge. Nagpainit siya ng baked mac sa microwave at sabik na sabik na nilantakan iyon saka nagbukas ng coke in can. Matagal tagal na rin siyang di nakakain ng masarap
“PAANO MO nasabing si Arlyn nga ang gumawa niyan sa inyo?” Tanong ni Gabriel nang puntahan niya ang kapatid ni Arlyn na si Joey. “Malakas ang kutob ko,” sabi nito sa kanya. “Besides, bukod tanging siya lang ang nakakaalam ng pasikot-sikot ditto sa bahay. Kung magnanakaw iyon, paniguradong naggalugad muna ang mga iyon bago nito nahanap ang pinagtataguan ko ng pera. But since, wala namang mga gamit na nahalungkat at maayos lahat, alam kong siya ang gumawa nito sakin.” Tahimik lang siya habang nakikinig ditto. “Saka alam kasi ni Arlyn na hindi kami nagbabangkong mag-asawa dahil nga pinapaikot lang namin ang pera sa pagba buy-and sell. Alam rin niyang mahilig kaming mangolekta ng mga alahas na nabibili n
“BIGYAN mo kong sampong libo, pararamihin ko.” Sabi ni Jaypee habang kumakain ng pata, matagal-tagal ring hindi siya nakakain ng masarap dahil tipid na tioid sila sa natitira nilang pera. Ngayon lang ulit sila nakakain ng disenteng pagkain. “Mabuti sana kung maparami ninyo, pano kung matalo na naman kayo kagaya nung nakaraang humiram kayo sakin ng pera?” Sagot ni Arlyn. “Anak ng teteng, bakit ba pinagdadamutan mo ako eh dalawa tayong tumarbaho dyan? Kung tutuusin, dapat hati tayo sa perang ‘yan!” Yamot na sabi niya ditto. “Mabuti sana kung marunong kayong humawak ng pera, ang dami nyo ng naubos na pera dahil dyan sa bisyo nyo!” &ldqu
“PUTSA, MAHIRAP pala ang isang ito, masyadong matalino. Parang napakahirap hulihin, saka masyadong maingat ang lintek. Ni hindi ko mahack ang computer dahil bantay sarado, saka mukhang nakatunog, hindi na kami nagkikita sa bahay,” sumbong ni Jestoni sa babaeng kausap niya sa telepono, “Mukhang napasubo ako ng husto sa baklang iyon.” “Halata namang nag-eenjoy ka na eh,” anang babae, “At least you’re hitting two birds with one stone. Nakakalibre ka na ng sex. . .” “Straight na lalaki ang type ko, alam mo naman iyon,” sabi niya sa babae, “Hindi kagaya ng baklang iyon na mas malandi pa saking kumilos.” “Sabagay,” sabi nitong napalakas ang tawa, “Sino bang m
KANINA PA TINATAWAGAN ni Olivia si Randell ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya. Palagay niya ay abala na naman ito sa kinahuhumalingan nito. Sabagay, deserve naman ni Randell ang lumigaya at makahanap ng lalaking mamahalin nito. Matagal-tagal na rin naman simula nang huli itong magmamahl. Masyado itong naging abala sa trabaho. Hangad niyang makita itong masaya at totoong maligaya. Ngayon pa lang ay curious na siyang makilala kung sinuman ang lalaking iyon. Maya-maya ay nagring ang kanyang phone. Nakita niya ang pangalan ni Randell ngunit nang sasagutin niya ito ay bigla na lamang nawala. Can not be reach na iyon nang tawagan niya ulit. Bigla siyang kinabahan. Never pang ginawa iyon ni Randell sa kanya. Ano bang nangyayari sa lalaking iyon?&