NANGISLAP ang mga mata ni Arlyn nang sumambulat sa kanya ang limpak limpak na pera at mga alahas na itinatago ng kapatid sa closet nito. Talagang kabisadong-kabisado na niya ito. Sinasabi na nga ba niya at dito lang ang mga ito nagtatago ng pera.
Tingin niya ay nasa isang milyon ang pera, at iyong mga alahas, palagay niya ay nagkakalahaga ng mga tatlong milyon. Kinuha niya ang isa sa mga bag ng kapatid at nagmamadaling isinilid duon lahat ng pera at mga alahas. Palabas na sana siya nang maiispang i-check ang mga pagkain sa pantry. Na-excite siya nang makita ang ma imported chocolates at imported goods. Pinili lang niya ang mga paborito niya at isinilid niya ang mga iyon sa plastic saka tsinek ang laman ng fridge. Nagpainit siya ng baked mac sa microwave at sabik na sabik na nilantakan iyon saka nagbukas ng coke in can. Matagal tagal na rin siyang di nakakain ng masarap
“PAANO MO nasabing si Arlyn nga ang gumawa niyan sa inyo?” Tanong ni Gabriel nang puntahan niya ang kapatid ni Arlyn na si Joey. “Malakas ang kutob ko,” sabi nito sa kanya. “Besides, bukod tanging siya lang ang nakakaalam ng pasikot-sikot ditto sa bahay. Kung magnanakaw iyon, paniguradong naggalugad muna ang mga iyon bago nito nahanap ang pinagtataguan ko ng pera. But since, wala namang mga gamit na nahalungkat at maayos lahat, alam kong siya ang gumawa nito sakin.” Tahimik lang siya habang nakikinig ditto. “Saka alam kasi ni Arlyn na hindi kami nagbabangkong mag-asawa dahil nga pinapaikot lang namin ang pera sa pagba buy-and sell. Alam rin niyang mahilig kaming mangolekta ng mga alahas na nabibili n
“BIGYAN mo kong sampong libo, pararamihin ko.” Sabi ni Jaypee habang kumakain ng pata, matagal-tagal ring hindi siya nakakain ng masarap dahil tipid na tioid sila sa natitira nilang pera. Ngayon lang ulit sila nakakain ng disenteng pagkain. “Mabuti sana kung maparami ninyo, pano kung matalo na naman kayo kagaya nung nakaraang humiram kayo sakin ng pera?” Sagot ni Arlyn. “Anak ng teteng, bakit ba pinagdadamutan mo ako eh dalawa tayong tumarbaho dyan? Kung tutuusin, dapat hati tayo sa perang ‘yan!” Yamot na sabi niya ditto. “Mabuti sana kung marunong kayong humawak ng pera, ang dami nyo ng naubos na pera dahil dyan sa bisyo nyo!” &ldqu
“PUTSA, MAHIRAP pala ang isang ito, masyadong matalino. Parang napakahirap hulihin, saka masyadong maingat ang lintek. Ni hindi ko mahack ang computer dahil bantay sarado, saka mukhang nakatunog, hindi na kami nagkikita sa bahay,” sumbong ni Jestoni sa babaeng kausap niya sa telepono, “Mukhang napasubo ako ng husto sa baklang iyon.” “Halata namang nag-eenjoy ka na eh,” anang babae, “At least you’re hitting two birds with one stone. Nakakalibre ka na ng sex. . .” “Straight na lalaki ang type ko, alam mo naman iyon,” sabi niya sa babae, “Hindi kagaya ng baklang iyon na mas malandi pa saking kumilos.” “Sabagay,” sabi nitong napalakas ang tawa, “Sino bang m
KANINA PA TINATAWAGAN ni Olivia si Randell ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya. Palagay niya ay abala na naman ito sa kinahuhumalingan nito. Sabagay, deserve naman ni Randell ang lumigaya at makahanap ng lalaking mamahalin nito. Matagal-tagal na rin naman simula nang huli itong magmamahl. Masyado itong naging abala sa trabaho. Hangad niyang makita itong masaya at totoong maligaya. Ngayon pa lang ay curious na siyang makilala kung sinuman ang lalaking iyon. Maya-maya ay nagring ang kanyang phone. Nakita niya ang pangalan ni Randell ngunit nang sasagutin niya ito ay bigla na lamang nawala. Can not be reach na iyon nang tawagan niya ulit. Bigla siyang kinabahan. Never pang ginawa iyon ni Randell sa kanya. Ano bang nangyayari sa lalaking iyon?&
“SUSUGURIN mo ang bahay nila ng mag-isa?” “Anong gusto nyong gawin ko, kumuha na naman ng mga palpak na tauhan? Nauubos lang ang pera natin sa kababayad sa mga taong kinukuha nyo, puros naman palpak. Tingnan mo iyong Jestoni na iyon, sabi mo magaling, kesyo expert sa paghahack. Niloko lang pala tayo, humingi lang ng pera, wala naman palang kwenta!” Sigaw niya sa kanyang Tito Jaypee. “Bahala ka na. Ayoko ng makialam pa.” anang matanda sa kanya. “Basta kapag nabulilyaso, wag mo kong madamay-damay.” “Sa ayaw at sa gusto nyo, damay na kayo sa gulong ito. Kayo ang nag-umpisa nito kaya kailangan nyo akong tulungan para tapusin ang laban na ito!” Mariing pahayag niya sa kanyang Tito Jaypee
NAPAHINTO sa may gate ng subdivision si Arlyn, “I’m sorry Mam, hindi ka pwedeng basta-basta makapasok dito. Kailangan ko muna ng id nyo,” Sita ng guard sa kanya. “D-Dito ako nakatira,” Pagssinungaling niya. “Pakitanggal ko ho muna ng takip nyo sa mukha. At pahingi ho ng valid id,” anang guard sa kanya.Napalunok siya. Hindi niya maaring tanggalin ang suot niyang abaya dahil baka nakapaskel na ang mukha niya sa loob ng subdivision niya Olivia, hindi siya pwedeng mamukhaan ng guard.“Bawal po sa tradisyon naming magpakita ng mukha lalo na sa mga lalaki,” pagdadahilan niya.“Bigyan mo ako ng valid id.”“Nakalimutan kong magdala ng valid id. Diyan ako nakatira.”“Anong pangalan mo saka anong add
DAHAN-DAHANG pinasok ni Arlyn ang mansion ng kanyang biyenan nang matiyak na natutulog na ang lahat. Kinabisado niyang talaga ang lahat ng pasikot-sikot dito. Dumaan siya sa kusina para makapasok sa loob. Alam kasi niyang hindi nagdo-double lock ang mga katulong kung kaya’t madali lamang mabuksan iyon. Mula duon ay tahimik niyang inakyat ang silid ng kanyang Mama Amanda. Itinutok niya ang kutsilyo sa leeg nito saka dahan-dahan itong ginising. Sisigaw saka ito pagkakita sa kanya ngunit mabilis niyang natakpan ang bibig nito. “Kapag sumigaw ka, hindi ako mangingiming isaksak sa leeg mo ang kutsilyong ito,” nanlalaki ang mga matang banta niya dito. Napangisi siya nang makita ang takot sa mga mata nito. 
“GLENDA?” Napangisi ang babae, “Mabuti naman at naalala mo pa ko. Hindi ka na nagpakita pagkatapos ng nangyari. Hinayaan mo ng makulong si Tiyo Orly.” “N-Nang dahil sa kapalpakan niya, nagkaletse letse ang mga plano.” Galit na sabi niya dito. “Alam mo bang may nakapatong na reward kapag itinuro ko ang pinagtataguan ninyo ng pamangkin mo?” Nagbabantang tanong nito sa kanya. Ngunit hindi siya nagpatinag. Maari niyang magamit si Glenda para sa mga plano ni Arlyn, “Sira ka ba? Kapag itinuro mo ko, ituturo rin kita dahil ikaw ang nagpresinta sa akin dyan sa Tiyo Orly mo kaya sa ayaw at sa gusto mo, madadamay ka at makukulong r
“NIKS. . .” Masayang-masayang niyakap ni Tonet ang kasintahan. Hindi na naman niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Akala talaga niya ay hindi na niya ito makikita pa. Nuong huli silang magkasama ay ang hina-hina na nitong tingnan ngunit nagulat siya nang makita niya itong muli, medyo bumalik na sa dati ang porma nito. Kulay rosas na rin ang mga pisngi nito hindi paris nuon na ang putla-putla. “Nung sabihin sakin ni Gabriel na nakapag-book na siya ng ticket para sa inyong lahat, iyak ako ng iyak sa sobrang saya. God, I missed you so much!” Sabi ni Anika sa kanya. “Hmm, mamaya na ang loving-loving. Saan ba me masarap na kainan dito, duon tayo mag-lunch!” Sabat ni Nanay Becca sa dalawa
“SIGURO naman kaya mo na?” Pilyang tanong ni Olivia kay Gabriel habang naka-angkla ang kanyang mga kamay sa leeg nito, may katuwaan sa kanyang mga mata habang nakatitig siya sa guwapong mukha nito. Hinding-hindi niya pagsasawaang titigan ang kanyang si Gabriel. “Hindi ka na ba makapaghintay?” Tanong nito saka hinapit ang kanyang katawan para madama niya ang naghuhumiyaw nitong pagkalalaki. Napangisi siya. Pinisil-pisil ni Gabriel ang puwitan niya, “Namiss koi to,” malambing na sabi nito sa kanya, naghinang ang kanilang mga labi. Dalawang buwan rin ang hinintay nila bago tuluyang gumaling ang mga sugat ni Gabriel. Ngayong nasa maayos na ang lahat
“SIGURADO ka bang kaya ap a?” Makailang ulit na tanong ni Olivia kay Gabriel nang magpilit na itong lumabas ng ospital. Hinapit siya nito, “Mas malakas pa ako sa kalabaw.” Nakangising sagot nito sa kanya. Napanguso siya, “Nakakapagtrabaho ka naman dito habang naka-confine ka, bakit nagmamadali ka naman atang lumabas?” “Alam mo namang hindi ako sanay na nakahilata lang maghapon dito sa hospital bed,” anito, “Besides, I can’t wait to see Arlyn in jail. Kailangan ko nang pairmahan sa kanya ang mga documents.” “Basta, huwag kang masyadong magpapagaod, hindi pa gaanong magaling ang mga sugat mo,” paalala niya dito.
“I LOVE YOU,” paulit ulit na sambit ni Tonet kay Anika nang mag-video call siya. Nagsisikip ang dibdib niya habang nakikita si Anika sa kalagayan nito. Ramdam niyang hirap na hirap na ito at pinipilit lang maging masigla kapag kausap siya. Minsan tuloy ay gusto na niyang sabihin ditto na okay na siya. Na kaya na niyang tanggapin ang kung anumang kahihinatnan nito dahil hindi na niya kayang makita pa itong nahihirapan. Ngunit gusto pa niya itong lumaban. Alam niyang makapangyarihan ang utak ng tao. Mas lalong makapangyarihan ang Diyos kaya ang gusto niya ay lumaban pa ito hangga’t kaya nito. Hindi sa pagiging selfish, ngunit alam niyang kapag ginusto ng utak nito, kakayanin rin ng katawan nito. Kaya hangga’
“ANIKA, mabuti naman at napatawag ka? Kumusta ka na?” “I’m okay. My God, hindi ko alam na muntik ka na palang mapatay ng babaeng iyon!” Sabi ni Anika kay Gabriel nang magvideo call ito sa kanya. “Wala ito, malayo sa bituka!” Sabi niya ditto, “How about you? Kumusta ka na? Babalik kami nina Olivia dyan, may mga documents lang akong aayusin ditto. Susurpresahin namin si Tonet. Saka na naming ipapaalam sa kanya na babalik kaming lahat dyan para masamahan ka namin. . .” “Hindi pa nga gaanong magaling ang sugat mo, magpalakas ka na muna. Saka bakit trabaho kagad ang inaasikaso mo?” “Habang nagpapa
“ANAK, nang dahil sa akin nalagay ka sa ganitong sitwasyon,” Halata ang guilt sa mukha ng Mama ni Gabriel nang tingnan siya, “Hindi ko siguro mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama saiyo. Thank God, walang natamaang vital parts sa katawan mo kahit na nga ang daming saksak na tinamo mo,” sabi nitong biglang napatiim bagang, “Baliw talaga ang Arlyn na iyon. I can’t believe ako pa mismo ang nagtulak saiyo na pakasalan ang babaeng iyon!” Kita niya ang pagsisisi sa mga mata nito habang nagsasalita. “Nangyari na ito, Ma. Ang tanging magagawa na lang natin ay magtulungan para masentensyahan sila ni Ninong Jaypee nang habambuhay na pagkabilanggo.” Aniya sa ina. “Salamat at sa
“ANAK. . .” Umiiyak na niyakap ni Arlyn ang kanyang anak saka tumingin sa kanyang ina, “Salamat at pinagbigyan ninyo ang kahilingan ko.” Aniya ditto. “Kung ako lang ang masusunod, ayoko na sanang makita ka pa,” Galit na sabi nito sa kanya, “Pero naisip kong karapatan pa rin naman ng anak mo na makilala ka. H-hindi ko lang alam kapag nagkaisip na siya k-kung ikatutuwa niyang malaman ang dahilan kung bakit ka narito sa bilangguan. Hindi ka na nahiya sa mga kalokohang ginawa mo!” “Kaya nagawa ninyo akong tikisin?” Punong-puno ng hinanakit na tanong niya ditto. Tiningnan siya nito ng masama, “Anong gusto mong gawin namin? Yang katigasan ng ulo moa ng nagdala saiyo sa kapahamakan.
“ANONG GINAGAWA MO DITO?” Walang kaemo-emosyon na tanong ni Arlyn kay Olivia nang dalawin siya nito. “Gusto ko lang makasiguradong nasa bilangguan ka nan gang talaga at hindi na makakatakas pa!” Sagot nito sa kanya. Ngumiti siya, “Who knows, baka bukas makatakas ulit ko?” Nang-aasar na sabi niya rito. “Iyon ang hinding-hindi na mangyayari. I’ll make sure makukulong ka na ng habang buhay dito.” Tiningnan niya ito ng masama, “Kung meron mang dapat mabulok sa bilangguan, ikaw iyon dahil inagaw mo ang asawa ko. Ninakaw moa ng karapatan ng anak ko!” Napa
NAPAKISLOT si Arlyn nang matanawan si Olivia papalabas ng airport kasama ng anak nito at ng Yaya. Sa unahan at sa likuran ng mga ito ay mga body guards. Napaismid siya saka inihanda ang sarili. Susugurin niya si Olivia. Iyon lamang ang tanging paraan para mawala na ito sa buhay niya. Huminga siya ng malalim. Wala ng atrasan ito. Kailangan niya itong mapatay. Susugod na siya nang makita niya si Gabriel na bumaba ng sasakyan at tila sabik na sabik na sinalubong ang mag-ina. Parang biniyak ang dibdib niya nang halikan at yakapin nito nang mahigpit si Olivia. Kitang-kita niya sa anyo ni Gabriel ang excitement at ang katuwaan habang kasama si Olivia. Kaila