“SUSUGURIN mo ang bahay nila ng mag-isa?”
“Anong gusto nyong gawin ko, kumuha na naman ng mga palpak na tauhan? Nauubos lang ang pera natin sa kababayad sa mga taong kinukuha nyo, puros naman palpak. Tingnan mo iyong Jestoni na iyon, sabi mo magaling, kesyo expert sa paghahack. Niloko lang pala tayo, humingi lang ng pera, wala naman palang kwenta!” Sigaw niya sa kanyang Tito Jaypee.
“Bahala ka na. Ayoko ng makialam pa.” anang matanda sa kanya. “Basta kapag nabulilyaso, wag mo kong madamay-damay.”
“Sa ayaw at sa gusto nyo, damay na kayo sa gulong ito. Kayo ang nag-umpisa nito kaya kailangan nyo akong tulungan para tapusin ang laban na ito!” Mariing pahayag niya sa kanyang Tito Jaypee
NAPAHINTO sa may gate ng subdivision si Arlyn, “I’m sorry Mam, hindi ka pwedeng basta-basta makapasok dito. Kailangan ko muna ng id nyo,” Sita ng guard sa kanya. “D-Dito ako nakatira,” Pagssinungaling niya. “Pakitanggal ko ho muna ng takip nyo sa mukha. At pahingi ho ng valid id,” anang guard sa kanya.Napalunok siya. Hindi niya maaring tanggalin ang suot niyang abaya dahil baka nakapaskel na ang mukha niya sa loob ng subdivision niya Olivia, hindi siya pwedeng mamukhaan ng guard.“Bawal po sa tradisyon naming magpakita ng mukha lalo na sa mga lalaki,” pagdadahilan niya.“Bigyan mo ako ng valid id.”“Nakalimutan kong magdala ng valid id. Diyan ako nakatira.”“Anong pangalan mo saka anong add
DAHAN-DAHANG pinasok ni Arlyn ang mansion ng kanyang biyenan nang matiyak na natutulog na ang lahat. Kinabisado niyang talaga ang lahat ng pasikot-sikot dito. Dumaan siya sa kusina para makapasok sa loob. Alam kasi niyang hindi nagdo-double lock ang mga katulong kung kaya’t madali lamang mabuksan iyon. Mula duon ay tahimik niyang inakyat ang silid ng kanyang Mama Amanda. Itinutok niya ang kutsilyo sa leeg nito saka dahan-dahan itong ginising. Sisigaw saka ito pagkakita sa kanya ngunit mabilis niyang natakpan ang bibig nito. “Kapag sumigaw ka, hindi ako mangingiming isaksak sa leeg mo ang kutsilyong ito,” nanlalaki ang mga matang banta niya dito. Napangisi siya nang makita ang takot sa mga mata nito. 
“GLENDA?” Napangisi ang babae, “Mabuti naman at naalala mo pa ko. Hindi ka na nagpakita pagkatapos ng nangyari. Hinayaan mo ng makulong si Tiyo Orly.” “N-Nang dahil sa kapalpakan niya, nagkaletse letse ang mga plano.” Galit na sabi niya dito. “Alam mo bang may nakapatong na reward kapag itinuro ko ang pinagtataguan ninyo ng pamangkin mo?” Nagbabantang tanong nito sa kanya. Ngunit hindi siya nagpatinag. Maari niyang magamit si Glenda para sa mga plano ni Arlyn, “Sira ka ba? Kapag itinuro mo ko, ituturo rin kita dahil ikaw ang nagpresinta sa akin dyan sa Tiyo Orly mo kaya sa ayaw at sa gusto mo, madadamay ka at makukulong r
“OKAY. Walang problema sakin,” sabi ni Arlyn. “Bibigyan kita ng paunang fifty thousand. Iyong kabuuang one hundred thousand, ibibigay ko saiyo kapag natapos mo at naging matagumpay ang trabaho mo,” sabi ni Arlyn kay Glenda. Napangisi si Glenda, “Good. Mas gusto kitang kausap.” Tinitigan niya ito, mata sa mata, “Siguraduhin mo lang na hindi ka papalpak,” sabi niya dito, matalim ang kanyang mga mata, “Dahil kapag pumalpak ka, bilangguan ang ending mo kagaya ng tiyuhin mong tatanga-tanga. Naiintindihan mo ba ako?” “’Wag kang mag-alala, hindi naman ako basta-basta pumapasok sa isang bagay. Syempre, pag-aaralan ko munang mabuti. Hindi ako sumusugod nang hindi ako sigura
NAPAHANGA si Arlyn sa plano na inilatag sa kanya ni Glenda. Kaya naman wala ng tanong-tanong pa, ibinigay niya dito ang paunang fifty thousand pesos. Gulat na gulat ang Tito Jaypee niya sa bilis niyang magpakawala ng pera kay Glenda. “Sa akin, hirap na hirap kang magbitaw ng ten thousand pesos, pero sa kanya na di mo naman kaanu-ano ang bilis-bilis mong magbigay!” Yamot na sabi ng Tito Jaypee niya sa kanya. “Tito, iyong kay Glenda, capital ang tawag dun. Ibig sabihin, pwedeng doble, or ten times more ang balik. Iyong sa inyo, paglustay lang iyon ng pera!” Katwiran niya sa matanda. “Bakit, hindi ba sugal ang tawag mo sa ginagawa mong ito, ha Arlyn? Kung tutuusin, mas dehado ka pa nga dito, dahil kapag pumalpak ka
“ANIKA. . .” Niyakap nang mahigpit ni Anika si Tonet habang umiiyak, paulit-ulit niyang sinasambit dito kung gaano niya ito kamahal. “I’m sorry kung tinikis kita. Napagod lang ako. P-Pero hindi ko pala kayang tuluyan kang mawala sa buhay ko,” paliwanag niya dito. “Naiintindoihan kita, Niks. At alam ko naman kung bakit. Kahit naman siguro ako, ganun din mararamdaman ko sa kaartehan ko. I’m sorry kung natakot ako at nagdalawang isip. Ang dami ko kasing anak at ayoko namang ipasa saiyo ang mga problema ko.” Naglalapat ang kanilang mga labi. Buong pagmamahal na tinanggap ni Anika ang mga halik na iyon ni Tonet hab
PAKIRAMDAM NI JESTONI ay may bumara sa kanyang lalamunan nang marinig ang tinig ni Randell sa kabilang linya ng telepono. Gusto niyang pagtawanan ang sarili, bakit parang mabubulol pa yata siya samantalang si Randell lang naman ang kausap niya? Shit, ano ba itong nangyayari sa kanya? This is insane. Tumikhim siya saka nagsalita, “Hi Randell,” kaswal na sabi niya kahit ang totoo ay kabado siya. Kabado siya sa dalawang dahilan. Alam niyang magagalit ito sa kanya dahil sa ginawa niya. Kinakabahan rin siya sa isa pang di maipaliwanag na dahilan at ito ang mas nakakatakot. Am I falling in love with Randell? Natatawa siyang nayayamot sa kanyang sarili. 
HATINGGABI na ngunit mulat na mulat pa rin ang mga mata ni Amanda. Gusto niyang sumigaw sa inis dahil ayaw siyang bigyan ng sleeping pills ng kanyang nurse. Hindi na niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Hindi maalis sa isipan niya ang mukha ni Arlyn. Nangigigil siya sa inis lalo pa at naiisip niya ang lahat ng mga nakuha nito sa kanya. Nagtatago na ito and yet naiisahan pa rin sya nito. Marahil ay pinagtatawanan na lamang siya ngayon ng babaeng iyon. Hindi siya matatahimik hanggang hindi nahuhuli ang malditang babae na iyon. Bumangon siya. Parang hindi na naman siya makahinga. Pakiramdam niya ay nasa tabi-tabi lang niya si Arlyn at anytime ay maaring sum