HABANG nagkakagulo ang lahat sa shooting nina Coco Martin at Julia Montes, sinamantala naman ni Arlyn ang pagtakas. Kahit nahihirapan ay nagawa niyang sampahin ang bintana at makapagnakaw ng nakasampay na damit sa bintanang nadaanan lang niya habang naglalakad. Nagmamadali siyang nagpalit ng damit.
Hindi niya alam kung papaano niya nagawang makalabas ng ospital, nagmamadali siyang pumara ng tricycle at nagpahatid sa pawnshop para isanla ang suot niyang kwintas at wedding ring.
Ilang sandali pa at nasa tapat na siya ng isang pawnshop. Ayaw sana niyang isangla ang kanyang wedding ring ngunit kailangan talaga niya ng pera. Nanginginig na hinubad niya ang suot niyang singsing.
“Miss, isasanla ko sana,” tipid na sabi niya sa bab
IYAK NANG IYAK si Arlyn habang pinagmamasdan ang kanyang anak. Hindi siya makapaniwalang nanggaling sa kanya ang mumunting sanggol. “Ang guwapo naman ng apo kong ýan,” mangiyak ngiyak na sabi ni Jaypee habang nakatingin sa sanggol, “May naisip ka na bang ipapangalan sa kanya?” “Gabriel Jr.” halos paanas lang na sagot niya sa tiyuhin. Napaismid ito, “Pagkatapos kang itratong parang basahan ng lalaking yun, ipapangalan mo pa ang apo ko sa kanya? Dapat Jaypee Jr. Ang laki ng sakripisyo ko. . .” “Tito Jaypee, baka nakakalimutan nyong kung di dahil sa kapalpakan ng mga tao mo hindi sana ako nagtatago ngayon,” pandidilat
HINILA NI GABRIEL si Olivia pahiga sa kama at animo’y isang hayup na gutom na gutom na nang makakita ng pagkain ay kaagad itong sinugpang. Ang gulat pa ni Olivia nang wasakin nito ang suot niyang night gown, “Fuck, Gabriel, mamahalin ang night gown na ito,” saway niya dito. “I don’t care,” sabi nitong sinibasib ng halik ang nakalantad niyang dibdib. Napaungol siya lalo na ng paglaruan ng dila nito ang dungot niyon. One week ring hindi sila nagsiping dahil pareho silang naging abala sa mga kinakaharap nilang mga problema. Siya ay sa itinatayo niyang negosyo samantalang ito ay sa pag-aasikaso ng kaso ng ama, mga problema sa company nito at ang tungkol kay Arlyn at Ninong Jaypee nito. Kaya naman pareho
“ANO NAMAN YAN?” Nakasimangot na tanong ni Arlyn sa kanyang Tito Jaypee nang iabot nito sa kanya ang kulay itim na damit. “Abaya. Isuot mo ‘yan para walang makakilala saiyo. At least nakatakip na ang buong mukha mo dyan. Mata lang ang kita saiyo, mas madali ka ng makakakilos nyan,” anito sa kanya, “Simula ngayon rin, masanay ka na sa pangalan mong Aisha.” Ini-inspect niya ang mga damit. Naisip niyang malaking bagay ang damit na iyon para makagala siya sa buong Metro Manila na hindi nag-aalala nab aka may makakilala sa kanya. Nasasabik na siyang makita si Gabriel. Gusto sana niya itong masilayan kahit na paano. Bakit nga ba sa kabila ng lahat, hindi niya magawang tuluyang magalit dito?
“ISA-ISA raw niya tayong pinapatay. . .pagkatapos, si Stacey iyong pinakahuli,” kwento ni Olivia kay Tonet. Hindi makapaniwala si Tonet sa naririnig. Halos ganuon rin ang napanaginipan niya tungkol kay Arlyn. “S-Sa panaginip ko, si Stacey rin ang pinakahuli niyang pinatay, pagkatapos niya tayong pagpapataying lahat,” nangingilabot na sabi ni Tonet dito, pinispis niya ang kanyang mga braso dahil nagtindigan ang mga balahibo niya. Paanong nangyaring halos iisa ang panaginip nila ni Olivia? Hindi kaya isang masamang pangitain na iyon? “Hindi ako matatahimik hangga’t hindi siya nahuhuli,” sabi ni Olivia sa kanya, “Kailangang tulungan natin ang mga pulis sa paghahanap sa kanilang dalawa ng Uncle nya
HALOS mapatid ang mga litid ni Arlyn sa kanyang mga braso habang nakakuyom ang kanyang mga palad. Hindi mawala sa utak niya ang eksenang nakita kanina habang yakap ni Gabriel si Olivia at hinalikan pa ito sa nuo bago ito umalis. Kahit na kailan ay hindi iyon ginawa sa kanya ni Gabriel. Kahit kailan, hindi siya trinatong parang isang asawa ni Gabriel. Sa loob ng dalawang taong pagsasama nila, wala siyang ginawa kundi ang mamalimos ng atensyon at pagmamahal nito. Pero bakit kay Olivia, ang dali-dali nitong ibigay ang pagmamahal na iyon? Sunod-sunod na pumatak ang kanyang mga luha. Bakit hindi siya nagawang pag-aralang mahalin ni Gabriel?&
“SO, TAYO na ba ulit?” Tanong ni Tonet kay Anika, katatapos lang nilang magtalik sa loob ng isang mumurahing motel. Alam niyang may pagka-class ito kaya hindi siya makapaniwalang napapayag niyang pumasok sila dito. Siguro ay talagang mahal pa rin siya nito. Bumaling siya kay Anika, tahimik na tahimik lang ito habang nakatingin sa kisame. Siguro ay napapaisip kung papaano ma-iimprove ang napaka-cheap na kuwartong pinag-check inan nilang dalawa. O baka binibilang ang dumi sa kisame. O ang nagtutuklapang mga pintura. Sumulyap ito sa kanya, “Nagugutom ako.” “Mag-oorder ako ng. . .”&
“KAPAG MAY malaking pera na tayong pwedeng mapaikot, mas madali na nating maisasakatuparan ang misyon kong mapatay si Olivia Reid. Siya lang naman talaga ang sagabal sa pagsasama namin ni Gabriel!” “I-Ibig sabihin, may papatayin tayo?” Tanong ni Almudznie saka nilingon ang Tito Jaypee niya, “Brother, wala sa plano natin ang pumatay? Hanggang pagnanakaw lang siguro ang kaya kong gawin. . .” ninerbiyos na sabi nito dito. “Ano bang pagkakaiba ng pumatay sa pagnanakaw? Pareho lang namang kasalanan iyon!” Sabi ni Arlyn dito. Napalunok ito, “Walang kapatawaran ang pumatay ng tao. . .” sagot ni Almudznie. Napangisi siya, “
HINDI mapakali ng araw na iyon si Gabriel. Pakiramdam niya ay may binabalak na masama si Arlyn at hindi siya atatahimik hangga’t hindi nahuhuli ang mga iyon. Kinontak niya ang lahat ng mga kaibigan niyang maaring makatulong sa paghahanap kay Arlyn pati na rin sa Ninong Jaypee niya. Kailangang mahuli ang dalawang iyon sa lalong madaling panahon. Tiniyak rin niyang bantay sarado ng kanyang mga tauhan ang kanyang mag-ina pati na rin ang kanyang Mama. Kinontak rin niya si Javier na kasalukuyang nasa Amerika para asikasuhin ang ibang mga documents na kakailanganin niya sa pagsasampa ng kaso laban sa kanyang Ninong Javier. “Kuya?” “Mag-iingat ka dyan, Javier. Hindi maganda ang kutob ko ngayon. Hindi ko alam kung