HINILA NI GABRIEL si Olivia pahiga sa kama at animo’y isang hayup na gutom na gutom na nang makakita ng pagkain ay kaagad itong sinugpang.
Ang gulat pa ni Olivia nang wasakin nito ang suot niyang night gown, “Fuck, Gabriel, mamahalin ang night gown na ito,” saway niya dito.
“I don’t care,” sabi nitong sinibasib ng halik ang nakalantad niyang dibdib. Napaungol siya lalo na ng paglaruan ng dila nito ang dungot niyon. One week ring hindi sila nagsiping dahil pareho silang naging abala sa mga kinakaharap nilang mga problema. Siya ay sa itinatayo niyang negosyo samantalang ito ay sa pag-aasikaso ng kaso ng ama, mga problema sa company nito at ang tungkol kay Arlyn at Ninong Jaypee nito.
Kaya naman pareho
“ANO NAMAN YAN?” Nakasimangot na tanong ni Arlyn sa kanyang Tito Jaypee nang iabot nito sa kanya ang kulay itim na damit. “Abaya. Isuot mo ‘yan para walang makakilala saiyo. At least nakatakip na ang buong mukha mo dyan. Mata lang ang kita saiyo, mas madali ka ng makakakilos nyan,” anito sa kanya, “Simula ngayon rin, masanay ka na sa pangalan mong Aisha.” Ini-inspect niya ang mga damit. Naisip niyang malaking bagay ang damit na iyon para makagala siya sa buong Metro Manila na hindi nag-aalala nab aka may makakilala sa kanya. Nasasabik na siyang makita si Gabriel. Gusto sana niya itong masilayan kahit na paano. Bakit nga ba sa kabila ng lahat, hindi niya magawang tuluyang magalit dito?
“ISA-ISA raw niya tayong pinapatay. . .pagkatapos, si Stacey iyong pinakahuli,” kwento ni Olivia kay Tonet. Hindi makapaniwala si Tonet sa naririnig. Halos ganuon rin ang napanaginipan niya tungkol kay Arlyn. “S-Sa panaginip ko, si Stacey rin ang pinakahuli niyang pinatay, pagkatapos niya tayong pagpapataying lahat,” nangingilabot na sabi ni Tonet dito, pinispis niya ang kanyang mga braso dahil nagtindigan ang mga balahibo niya. Paanong nangyaring halos iisa ang panaginip nila ni Olivia? Hindi kaya isang masamang pangitain na iyon? “Hindi ako matatahimik hangga’t hindi siya nahuhuli,” sabi ni Olivia sa kanya, “Kailangang tulungan natin ang mga pulis sa paghahanap sa kanilang dalawa ng Uncle nya
HALOS mapatid ang mga litid ni Arlyn sa kanyang mga braso habang nakakuyom ang kanyang mga palad. Hindi mawala sa utak niya ang eksenang nakita kanina habang yakap ni Gabriel si Olivia at hinalikan pa ito sa nuo bago ito umalis. Kahit na kailan ay hindi iyon ginawa sa kanya ni Gabriel. Kahit kailan, hindi siya trinatong parang isang asawa ni Gabriel. Sa loob ng dalawang taong pagsasama nila, wala siyang ginawa kundi ang mamalimos ng atensyon at pagmamahal nito. Pero bakit kay Olivia, ang dali-dali nitong ibigay ang pagmamahal na iyon? Sunod-sunod na pumatak ang kanyang mga luha. Bakit hindi siya nagawang pag-aralang mahalin ni Gabriel?&
“SO, TAYO na ba ulit?” Tanong ni Tonet kay Anika, katatapos lang nilang magtalik sa loob ng isang mumurahing motel. Alam niyang may pagka-class ito kaya hindi siya makapaniwalang napapayag niyang pumasok sila dito. Siguro ay talagang mahal pa rin siya nito. Bumaling siya kay Anika, tahimik na tahimik lang ito habang nakatingin sa kisame. Siguro ay napapaisip kung papaano ma-iimprove ang napaka-cheap na kuwartong pinag-check inan nilang dalawa. O baka binibilang ang dumi sa kisame. O ang nagtutuklapang mga pintura. Sumulyap ito sa kanya, “Nagugutom ako.” “Mag-oorder ako ng. . .”&
“KAPAG MAY malaking pera na tayong pwedeng mapaikot, mas madali na nating maisasakatuparan ang misyon kong mapatay si Olivia Reid. Siya lang naman talaga ang sagabal sa pagsasama namin ni Gabriel!” “I-Ibig sabihin, may papatayin tayo?” Tanong ni Almudznie saka nilingon ang Tito Jaypee niya, “Brother, wala sa plano natin ang pumatay? Hanggang pagnanakaw lang siguro ang kaya kong gawin. . .” ninerbiyos na sabi nito dito. “Ano bang pagkakaiba ng pumatay sa pagnanakaw? Pareho lang namang kasalanan iyon!” Sabi ni Arlyn dito. Napalunok ito, “Walang kapatawaran ang pumatay ng tao. . .” sagot ni Almudznie. Napangisi siya, “
HINDI mapakali ng araw na iyon si Gabriel. Pakiramdam niya ay may binabalak na masama si Arlyn at hindi siya atatahimik hangga’t hindi nahuhuli ang mga iyon. Kinontak niya ang lahat ng mga kaibigan niyang maaring makatulong sa paghahanap kay Arlyn pati na rin sa Ninong Jaypee niya. Kailangang mahuli ang dalawang iyon sa lalong madaling panahon. Tiniyak rin niyang bantay sarado ng kanyang mga tauhan ang kanyang mag-ina pati na rin ang kanyang Mama. Kinontak rin niya si Javier na kasalukuyang nasa Amerika para asikasuhin ang ibang mga documents na kakailanganin niya sa pagsasampa ng kaso laban sa kanyang Ninong Javier. “Kuya?” “Mag-iingat ka dyan, Javier. Hindi maganda ang kutob ko ngayon. Hindi ko alam kung
“GUSTO NINYONG maging bait para mahuli sina Arlyn at Ninong Jaypee?” Hindi makapaniwalang tanong ni Gabriel sa ina. Humigop muna ng kape si Amanda bago sumagot sa kanya, “Mas madali natin silang mahuhuli kung ipapain ko ang sarili ko sa kanila.” “Mama, delikado ang naiisip ninyong ‘yan. No, hindi ako papaya!” Mariing sabi niya sa ina, “Hindi ko isasakripisyo ang buhay ko dahil lang sa. . .” “Iho, makinig ka,” malumanay na sabi nito, “Ang dami ko ng kasalanan sa inyo. Kung tutuusin,ako ang naging puno’t dulo ng lahat ng kaguluhang nangyayari sa ating pamilya. Hayaan mo namang sa pamamagitan ko, magwakas na rin ang problemang ito. Sa ganitong paraan lang ako makakatu
“SANA sa gagawin kong ito ay matahimik ang konsensya ko kahit na paano. At sana rin magkaroon na ako ng kapatawaran sa puso mo.” Sabi ni Amanda kay Arnel nang dalawin niya ito. “Alam mong matagal na kitang pinatawad,hindi ba? Alam mo rin na kaya ako bumabawi saiyo nuong mga nakaraang taon at kaya kita ipinapapasyal sa iba’t-ibang bansa ay para mapunan ko ang lahat ng mga naging pagkukulang ko saiyo nuon” sabi ni Arnel sa kanya. Umagos ang luha sa kanyang pisngi, “Hanggang ngayon, pakiramdam ko ay unti-unti mo akong pinaparusahan sa mga kasalanang nagawa ko saiyo. Hindi ko na naramdaman kahit kelan iyong pagmamahal mo. . .k-kahit pinipilit mong ibalik iyong tiwala mo sakin, at iyong pagmamahal mo, alam kong hindi mo na iyon mababalik pa. Pero gusto kong sabihin saiyo na walang nabago s
“NIKS. . .” Masayang-masayang niyakap ni Tonet ang kasintahan. Hindi na naman niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Akala talaga niya ay hindi na niya ito makikita pa. Nuong huli silang magkasama ay ang hina-hina na nitong tingnan ngunit nagulat siya nang makita niya itong muli, medyo bumalik na sa dati ang porma nito. Kulay rosas na rin ang mga pisngi nito hindi paris nuon na ang putla-putla. “Nung sabihin sakin ni Gabriel na nakapag-book na siya ng ticket para sa inyong lahat, iyak ako ng iyak sa sobrang saya. God, I missed you so much!” Sabi ni Anika sa kanya. “Hmm, mamaya na ang loving-loving. Saan ba me masarap na kainan dito, duon tayo mag-lunch!” Sabat ni Nanay Becca sa dalawa
“SIGURO naman kaya mo na?” Pilyang tanong ni Olivia kay Gabriel habang naka-angkla ang kanyang mga kamay sa leeg nito, may katuwaan sa kanyang mga mata habang nakatitig siya sa guwapong mukha nito. Hinding-hindi niya pagsasawaang titigan ang kanyang si Gabriel. “Hindi ka na ba makapaghintay?” Tanong nito saka hinapit ang kanyang katawan para madama niya ang naghuhumiyaw nitong pagkalalaki. Napangisi siya. Pinisil-pisil ni Gabriel ang puwitan niya, “Namiss koi to,” malambing na sabi nito sa kanya, naghinang ang kanilang mga labi. Dalawang buwan rin ang hinintay nila bago tuluyang gumaling ang mga sugat ni Gabriel. Ngayong nasa maayos na ang lahat
“SIGURADO ka bang kaya ap a?” Makailang ulit na tanong ni Olivia kay Gabriel nang magpilit na itong lumabas ng ospital. Hinapit siya nito, “Mas malakas pa ako sa kalabaw.” Nakangising sagot nito sa kanya. Napanguso siya, “Nakakapagtrabaho ka naman dito habang naka-confine ka, bakit nagmamadali ka naman atang lumabas?” “Alam mo namang hindi ako sanay na nakahilata lang maghapon dito sa hospital bed,” anito, “Besides, I can’t wait to see Arlyn in jail. Kailangan ko nang pairmahan sa kanya ang mga documents.” “Basta, huwag kang masyadong magpapagaod, hindi pa gaanong magaling ang mga sugat mo,” paalala niya dito.
“I LOVE YOU,” paulit ulit na sambit ni Tonet kay Anika nang mag-video call siya. Nagsisikip ang dibdib niya habang nakikita si Anika sa kalagayan nito. Ramdam niyang hirap na hirap na ito at pinipilit lang maging masigla kapag kausap siya. Minsan tuloy ay gusto na niyang sabihin ditto na okay na siya. Na kaya na niyang tanggapin ang kung anumang kahihinatnan nito dahil hindi na niya kayang makita pa itong nahihirapan. Ngunit gusto pa niya itong lumaban. Alam niyang makapangyarihan ang utak ng tao. Mas lalong makapangyarihan ang Diyos kaya ang gusto niya ay lumaban pa ito hangga’t kaya nito. Hindi sa pagiging selfish, ngunit alam niyang kapag ginusto ng utak nito, kakayanin rin ng katawan nito. Kaya hangga’
“ANIKA, mabuti naman at napatawag ka? Kumusta ka na?” “I’m okay. My God, hindi ko alam na muntik ka na palang mapatay ng babaeng iyon!” Sabi ni Anika kay Gabriel nang magvideo call ito sa kanya. “Wala ito, malayo sa bituka!” Sabi niya ditto, “How about you? Kumusta ka na? Babalik kami nina Olivia dyan, may mga documents lang akong aayusin ditto. Susurpresahin namin si Tonet. Saka na naming ipapaalam sa kanya na babalik kaming lahat dyan para masamahan ka namin. . .” “Hindi pa nga gaanong magaling ang sugat mo, magpalakas ka na muna. Saka bakit trabaho kagad ang inaasikaso mo?” “Habang nagpapa
“ANAK, nang dahil sa akin nalagay ka sa ganitong sitwasyon,” Halata ang guilt sa mukha ng Mama ni Gabriel nang tingnan siya, “Hindi ko siguro mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama saiyo. Thank God, walang natamaang vital parts sa katawan mo kahit na nga ang daming saksak na tinamo mo,” sabi nitong biglang napatiim bagang, “Baliw talaga ang Arlyn na iyon. I can’t believe ako pa mismo ang nagtulak saiyo na pakasalan ang babaeng iyon!” Kita niya ang pagsisisi sa mga mata nito habang nagsasalita. “Nangyari na ito, Ma. Ang tanging magagawa na lang natin ay magtulungan para masentensyahan sila ni Ninong Jaypee nang habambuhay na pagkabilanggo.” Aniya sa ina. “Salamat at sa
“ANAK. . .” Umiiyak na niyakap ni Arlyn ang kanyang anak saka tumingin sa kanyang ina, “Salamat at pinagbigyan ninyo ang kahilingan ko.” Aniya ditto. “Kung ako lang ang masusunod, ayoko na sanang makita ka pa,” Galit na sabi nito sa kanya, “Pero naisip kong karapatan pa rin naman ng anak mo na makilala ka. H-hindi ko lang alam kapag nagkaisip na siya k-kung ikatutuwa niyang malaman ang dahilan kung bakit ka narito sa bilangguan. Hindi ka na nahiya sa mga kalokohang ginawa mo!” “Kaya nagawa ninyo akong tikisin?” Punong-puno ng hinanakit na tanong niya ditto. Tiningnan siya nito ng masama, “Anong gusto mong gawin namin? Yang katigasan ng ulo moa ng nagdala saiyo sa kapahamakan.
“ANONG GINAGAWA MO DITO?” Walang kaemo-emosyon na tanong ni Arlyn kay Olivia nang dalawin siya nito. “Gusto ko lang makasiguradong nasa bilangguan ka nan gang talaga at hindi na makakatakas pa!” Sagot nito sa kanya. Ngumiti siya, “Who knows, baka bukas makatakas ulit ko?” Nang-aasar na sabi niya rito. “Iyon ang hinding-hindi na mangyayari. I’ll make sure makukulong ka na ng habang buhay dito.” Tiningnan niya ito ng masama, “Kung meron mang dapat mabulok sa bilangguan, ikaw iyon dahil inagaw mo ang asawa ko. Ninakaw moa ng karapatan ng anak ko!” Napa
NAPAKISLOT si Arlyn nang matanawan si Olivia papalabas ng airport kasama ng anak nito at ng Yaya. Sa unahan at sa likuran ng mga ito ay mga body guards. Napaismid siya saka inihanda ang sarili. Susugurin niya si Olivia. Iyon lamang ang tanging paraan para mawala na ito sa buhay niya. Huminga siya ng malalim. Wala ng atrasan ito. Kailangan niya itong mapatay. Susugod na siya nang makita niya si Gabriel na bumaba ng sasakyan at tila sabik na sabik na sinalubong ang mag-ina. Parang biniyak ang dibdib niya nang halikan at yakapin nito nang mahigpit si Olivia. Kitang-kita niya sa anyo ni Gabriel ang excitement at ang katuwaan habang kasama si Olivia. Kaila