“Salamat,” sabi ni Gabriel nang nasa kwarto na silang dalawa ni Olivia, niyakap niya ito saka hinawakan ang baba para iharap sa kanya ang mukha nito, “I’m sorry.”
“Sorry for what?” Takang tanong nito.
“Sorry sa lahat ng gulo at pasakit na ibinibigay saiyo ng pamilya ko. Ang dami ng atraso saiyo ng pamilya ko and yet nandyan ka pa rin para sakin,” bilib na bilib na sabi niya kay Olivia. Hindi siya makapaniwalang may ganitong babae na magmamahal sa kanya ng sobra-sobra. Ang dami na nitong isinakripisyo para sa kanya.
Hindi biro ang lahat ng gulo at sakit ng ulong ibinigay ng pamilya niya dito.
And yet, heto pa rin si
“SI ROCCO ITO, Olivia,” gumagaralgal ang tinig na sagot ni Rocco kay Olivia. “Rocco, ikaw iyong tumatawag na hindi nagsasalita?” Gulat na tanong ni Olivia sa kausap sa telepono, “God, pinag-isip mo ako ng husto.” “Pasensya ka na. Nahihiya kasi ako saiyo kaya umuurong ang dila ko sa tuwing naririnig ko na iyong boses mo. Alam kong nagpapahinga ka na, pasensya talaga,” nagsimula itong umiyak, “Pero alam kong ikaw lang ang makakatulong sakin.” “Ano ba iyon? Rocco, hindi ko maiintindihan ang sinasabi mo kung uunahan mo ko ng iyak mo.” “Hiyang hiya na kasi ako saiyo. Halos ikaw na ang bumubuhay sa
KABADO si Jaypee habang binabaybay ang patungo sa tahanan nina Arlyn sa loob ng subdivion. Umaasa siyang walang tao sa loob ng bahay para madali niyang maiisakatuparan ang kanyang mga plano. Sa kanyang bagong identity, madali na siyang makakalabas ng bansa. Buo na ang kanyang plano. Babalik siyang muli ng Tawi-tawi, from Tawi-tawi ay tatawid siya patungong Malaysia. Madali na siyang makakawid sa mga karating na bansa kapag nakalabas na siya ng Pilipinas. Pero problema niya kung papaano siyang makakapunta sa Amerika dahil hindi siya basta-basta makakapasok duon kung wala siyang visa. Unlike sa totoo niyang pangalan, nakakalabas masok siya dahil ten year visa ang na-grant sa kanya ng Amerika. Bahala na. Ang mahalaga ay malaya siya.
TYO ORLY, hindi ko talaga mahanap ang lalaking yun,” sabi ni Glenda sa tiyuhin nang dalawin niya ito sa bilangguan, “Pero sabi naman ni Tiya Merly, titingnan raw nya magagawa nya para maihanap kayo ng libreng abogado.” “Bakit hindi man lang nya ko binibisita dito?” “Nahihiya na raw kasi siya. Ilang beses ka ng naglabas masok dito, parang hindi ka na raw po magbabago,” sabi niya sa matanda. Nakaismid ito ng tingnan siya, “Talaga ba? Eh, sa palagay mo, bakit ko ba ito ginagawa? Saka kung di mo naman ako ipinakilala sa matandang yun, dirediretso n asana pagbabagong buhay ko ah.” “Teka, bakit ako? Wala akong kinalaman sa inyo
PALAISIPAN kar Gabriel kung sino ang nagtangkang magnakaw sa bahay ng parents niya. Very professional ang pagkakagawa niyon. Ni hindi nakunan ng CCTV. Pinaiimbestigahan na niya ang mga pangyayari. Sa tagal na naninirahan ng mga magulang niya sa subdivision na ito ay ngayon lamang ito napasok. Mabuti na lamang at lahat ng mga mahahalaga nitong documents, mga alahas at kung anu-ano pa ay nasa safety box nito sa bangko. Maski ang mga collections ng ama niya ng mga mamahaling paintings ay nasa safe rin na lugar. Tanging ang mga mamahalin nitong alak ang naroroon and so far, hindi naman iyon nabawasan. Malakas ang kutob niyang may kinalaman ang Ninong Jaypee niya dito. Pagnanakaw raw talaga ang intention, ayon sa mga pulisya na nag-im
HINDI MAKAPANIWALA SI ARLYN na nagawa siyang tikisin ng kanyang mga magulang. Dalawang Linggo na siya sa selda at ni isa sa pamilya niya ay wala man lamang sumisilip sa kanya. Kung hindi lang sana nagtatago ang Tito Jaypee niya, alam niyang hindi siya nito matitikis. Napaiyak siya. Nag-aalala siya sa kanyang Tito Jaypee dahil alam niyang ito lamang naman talaga ang kakampi niya magmula pa nuong bata siya. Kahit kailan, hindi niya naramdaman ang pagmamahal ng parents niya. Hindi niya alam kung bakit. Palagi na ay namamalimos siya sa atensyon at pagmamahal ng mga ito. Ang Tito Jaypee lamang niya ang nagparamdam sa kanya ng tunay na pagmamahal. Kaya rin siguro sabik siyang makuha ang pag-ibig ni Gabriel. Pangarap sana niyang bumuo ng masaya at buong pamilya sa piling nito.&
“I AM SO IN LOVE WITH YOU,” anang lalaki kay Randell, yumakap ito mula sa likuran. Hindi niya ito sinagot, sa halip ay nagsindi siya ng isang stick ng sigarilyo. Hindi niya alam kung totoo ang sinasabi nito o may gusto lang itong ipabili sa kanya kaya naglalambing ng ganito. Bakla siya pero hindi siya kagaya ng ibang bakla na nagpapakabaliw ng dahil lamang sa pag-ibig. Libog lang naman ang hanap niya, pero syempre, puhikan naman siya sa pagpili ng lalaking ikakama niya. Gagastos na rin lang siya, syempre iyong kaibig ibig na rin naman. Magdadalawang buwan na niyang kilala si Jestoni. Magdadalawang buwan na rin silang ganito. Pero hindi gaya ng ibang mga nakaka-date niya, patago silang magkita ni Jestoni. Unlike nuong nasa Australia pa siya na mas liberated siya at wala siyang pakialam
“JOWA mo!” padabog na sabi ni Jestoni, tumayo at nagtungo sa banyo. Maya-maya pa ay naririnig na niya ang lagaslas ng tubig mula duon. “May kasama ka?” Tanong ni Danny. “Hmm, just random stranger na nakilala ko sa isang party,” aniya sa pinsan, “Bakit ka ng aba napatawag in the middle of the night?” Nag-aalalang tanong niya dito. “I’m planning to go back to Australia,” anito. “What?” Gulat na tanong niya dito. Hindi niya inaasahan iyon mula kay Danny. Hindi nga ba at nainlab ito ng husto sa Pilipinas kaya naisipan nitong dito na muling manirahan. So far, matagumpay naman lahat ng mga negosyon
BIGLANG KUMABOG ang dibdib ni Randell nang makita niya mula sa isang sulok si Jestoni, kumaway pa ito sa kanya. Nanadya ba ito? Ini-stalk ba siya nito? Pulang-pula ang mukha niya kaya nagkunwa siyang hindi niya ito kilala. Shit, muli niyang ibinalik ang atensyon kay Olivia, “By the way, kausap ko ang Papa ni Gabriel kahapon. Palagay ko, may laban naman ang kaso niya.” “Sana nga. Masyadong naging sensational ang kaso, halos gabi-gabi kong napapanuod sa balita ang tungkol sa kanila.” Daing ni Olivia. “Kaya nga ihanda mo na ang sarili mo. Isang araw, makakaladkad nila ang pangalan mo. Alam mo naman ang media. Gagawin nilang mas interesting ang kwento kaya lahat ng tungkol sa pamilya ni Gabriel, kahit wala namang kinalaman sa kaso, hahalughugin.” Paalala niya sa babae
“NIKS. . .” Masayang-masayang niyakap ni Tonet ang kasintahan. Hindi na naman niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Akala talaga niya ay hindi na niya ito makikita pa. Nuong huli silang magkasama ay ang hina-hina na nitong tingnan ngunit nagulat siya nang makita niya itong muli, medyo bumalik na sa dati ang porma nito. Kulay rosas na rin ang mga pisngi nito hindi paris nuon na ang putla-putla. “Nung sabihin sakin ni Gabriel na nakapag-book na siya ng ticket para sa inyong lahat, iyak ako ng iyak sa sobrang saya. God, I missed you so much!” Sabi ni Anika sa kanya. “Hmm, mamaya na ang loving-loving. Saan ba me masarap na kainan dito, duon tayo mag-lunch!” Sabat ni Nanay Becca sa dalawa
“SIGURO naman kaya mo na?” Pilyang tanong ni Olivia kay Gabriel habang naka-angkla ang kanyang mga kamay sa leeg nito, may katuwaan sa kanyang mga mata habang nakatitig siya sa guwapong mukha nito. Hinding-hindi niya pagsasawaang titigan ang kanyang si Gabriel. “Hindi ka na ba makapaghintay?” Tanong nito saka hinapit ang kanyang katawan para madama niya ang naghuhumiyaw nitong pagkalalaki. Napangisi siya. Pinisil-pisil ni Gabriel ang puwitan niya, “Namiss koi to,” malambing na sabi nito sa kanya, naghinang ang kanilang mga labi. Dalawang buwan rin ang hinintay nila bago tuluyang gumaling ang mga sugat ni Gabriel. Ngayong nasa maayos na ang lahat
“SIGURADO ka bang kaya ap a?” Makailang ulit na tanong ni Olivia kay Gabriel nang magpilit na itong lumabas ng ospital. Hinapit siya nito, “Mas malakas pa ako sa kalabaw.” Nakangising sagot nito sa kanya. Napanguso siya, “Nakakapagtrabaho ka naman dito habang naka-confine ka, bakit nagmamadali ka naman atang lumabas?” “Alam mo namang hindi ako sanay na nakahilata lang maghapon dito sa hospital bed,” anito, “Besides, I can’t wait to see Arlyn in jail. Kailangan ko nang pairmahan sa kanya ang mga documents.” “Basta, huwag kang masyadong magpapagaod, hindi pa gaanong magaling ang mga sugat mo,” paalala niya dito.
“I LOVE YOU,” paulit ulit na sambit ni Tonet kay Anika nang mag-video call siya. Nagsisikip ang dibdib niya habang nakikita si Anika sa kalagayan nito. Ramdam niyang hirap na hirap na ito at pinipilit lang maging masigla kapag kausap siya. Minsan tuloy ay gusto na niyang sabihin ditto na okay na siya. Na kaya na niyang tanggapin ang kung anumang kahihinatnan nito dahil hindi na niya kayang makita pa itong nahihirapan. Ngunit gusto pa niya itong lumaban. Alam niyang makapangyarihan ang utak ng tao. Mas lalong makapangyarihan ang Diyos kaya ang gusto niya ay lumaban pa ito hangga’t kaya nito. Hindi sa pagiging selfish, ngunit alam niyang kapag ginusto ng utak nito, kakayanin rin ng katawan nito. Kaya hangga’
“ANIKA, mabuti naman at napatawag ka? Kumusta ka na?” “I’m okay. My God, hindi ko alam na muntik ka na palang mapatay ng babaeng iyon!” Sabi ni Anika kay Gabriel nang magvideo call ito sa kanya. “Wala ito, malayo sa bituka!” Sabi niya ditto, “How about you? Kumusta ka na? Babalik kami nina Olivia dyan, may mga documents lang akong aayusin ditto. Susurpresahin namin si Tonet. Saka na naming ipapaalam sa kanya na babalik kaming lahat dyan para masamahan ka namin. . .” “Hindi pa nga gaanong magaling ang sugat mo, magpalakas ka na muna. Saka bakit trabaho kagad ang inaasikaso mo?” “Habang nagpapa
“ANAK, nang dahil sa akin nalagay ka sa ganitong sitwasyon,” Halata ang guilt sa mukha ng Mama ni Gabriel nang tingnan siya, “Hindi ko siguro mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama saiyo. Thank God, walang natamaang vital parts sa katawan mo kahit na nga ang daming saksak na tinamo mo,” sabi nitong biglang napatiim bagang, “Baliw talaga ang Arlyn na iyon. I can’t believe ako pa mismo ang nagtulak saiyo na pakasalan ang babaeng iyon!” Kita niya ang pagsisisi sa mga mata nito habang nagsasalita. “Nangyari na ito, Ma. Ang tanging magagawa na lang natin ay magtulungan para masentensyahan sila ni Ninong Jaypee nang habambuhay na pagkabilanggo.” Aniya sa ina. “Salamat at sa
“ANAK. . .” Umiiyak na niyakap ni Arlyn ang kanyang anak saka tumingin sa kanyang ina, “Salamat at pinagbigyan ninyo ang kahilingan ko.” Aniya ditto. “Kung ako lang ang masusunod, ayoko na sanang makita ka pa,” Galit na sabi nito sa kanya, “Pero naisip kong karapatan pa rin naman ng anak mo na makilala ka. H-hindi ko lang alam kapag nagkaisip na siya k-kung ikatutuwa niyang malaman ang dahilan kung bakit ka narito sa bilangguan. Hindi ka na nahiya sa mga kalokohang ginawa mo!” “Kaya nagawa ninyo akong tikisin?” Punong-puno ng hinanakit na tanong niya ditto. Tiningnan siya nito ng masama, “Anong gusto mong gawin namin? Yang katigasan ng ulo moa ng nagdala saiyo sa kapahamakan.
“ANONG GINAGAWA MO DITO?” Walang kaemo-emosyon na tanong ni Arlyn kay Olivia nang dalawin siya nito. “Gusto ko lang makasiguradong nasa bilangguan ka nan gang talaga at hindi na makakatakas pa!” Sagot nito sa kanya. Ngumiti siya, “Who knows, baka bukas makatakas ulit ko?” Nang-aasar na sabi niya rito. “Iyon ang hinding-hindi na mangyayari. I’ll make sure makukulong ka na ng habang buhay dito.” Tiningnan niya ito ng masama, “Kung meron mang dapat mabulok sa bilangguan, ikaw iyon dahil inagaw mo ang asawa ko. Ninakaw moa ng karapatan ng anak ko!” Napa
NAPAKISLOT si Arlyn nang matanawan si Olivia papalabas ng airport kasama ng anak nito at ng Yaya. Sa unahan at sa likuran ng mga ito ay mga body guards. Napaismid siya saka inihanda ang sarili. Susugurin niya si Olivia. Iyon lamang ang tanging paraan para mawala na ito sa buhay niya. Huminga siya ng malalim. Wala ng atrasan ito. Kailangan niya itong mapatay. Susugod na siya nang makita niya si Gabriel na bumaba ng sasakyan at tila sabik na sabik na sinalubong ang mag-ina. Parang biniyak ang dibdib niya nang halikan at yakapin nito nang mahigpit si Olivia. Kitang-kita niya sa anyo ni Gabriel ang excitement at ang katuwaan habang kasama si Olivia. Kaila