DAMN THAT WOMAN... that beautiful woman with beautiful curly hair.
Umakyat ako ng kuwarto ko at dumiretso ako rito sa bathroom dahil nag-iinit ang ulo ko. Where the hell my mother got that woman? One of the things I didn't like about my mom was she was too kind to everyone. Gaya na lang ngayon, bigla-bigla na lang siyang nagpapapasok ng kung sino-sino rito sa mansion. Based on the facial expression of that woman, I was sure namumukhaan niya 'ko kahit iba na ang hitsura ko ngayon. Napangisi ako.
Kilala niya ako sa dati kong mukha.
Two years... two years after the incident ay wala na. Bigla na lang naglaho ang lahat. Wala na 'kong mga endorsements. Iniwan nila ako na parang maruming hayop. Araw-gabi akong pinag-uusapan sa social media and modeling industry noon. Pati mga babae ko ay kinalimutan na rin ako. Wala na raw akong kuwenta sa kama. Dalawang taon na 'kong nakatago rito sa mansion namin. Pinalabas na lang ng mga magulang ko na nasa States na 'ko dahil hindi tumitigil ang media na ma-interview ako o ang mga taong malapit sa 'kin. Kinuntyaba pa ng parents ko 'yung kapatid ko para mapaniwala na nasa States na talaga ako. Wala rin namang makakakilala sa 'kin kahit nandito pa 'ko. With my whiskers and jaw-length hair, tagong-tago na ang mukha ko samantalang dati ay kung saan-saan nakikita 'tong mukha ko.
Inangat ko ang aking mukha at sinalubong ang tubig na nanggagaling sa shower.
Big scar. Big, big scar on my left face. Mula sa kaliwang bahagi ng noo ko pababa sa kaliwang bahagi ng panga. I smirked. Hindi ko alam kung may sense pa ba 'tong buhay ko. Puwede pa naman 'tong mawala once mag-undergo ako ng laser treatment pero para saan pa?
I was the Hugo Boss Ambassador. I was the highest-paid model in Asia. I was the bachelor model in town. I am Damon Montesoir. I had been on the cover of numerous magazine issues, appeared on TV shows and I had attended runway shows. Tapos sa isang gabi lang ay nagbago ang lahat. I was stuck here inside our mansion. I didn't want to look at myself in the mirror. Panonood na lang ng series at films ang ginagawa ko at pagbabasa ng kaisa-isang letter na binigay sa 'kin noong nasa recovery room ako ng hospital after the incident.
A letter from Wyth. Whoever Wyth is, letter niya ang kasama ko for two years. I took a deep breath and picked up my towel. Maya-maya'y lumabas ako ng bathroom para lang matigilan dahil nasa loob ng kuwarto ko ang babaeng dinala rito ni mama.
Gulat na gulat siya habang nakatingin sa 'kin. Ngayon lang yata 'to nakakita ng lalaking walang saplot ang itaas ng katawan. Nag-iwas siya sa 'kin ng tingin pero bahagya ko siyang pinasadahan ng tingin. Nakasuot siya ng puting bestida. Fit sa katawan niya. Sexy siya. Maganda siya pero hindi ko type ang katulad niya.
Mukha siyang pakialamera. Mukha siyang bata.
"What the fuck are you doing here?" galit kong sabi sa kaniya.
Napakagat-labi pa siya kaya napatingin ako bigla sa mga labi niya. Pink na pink. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.
"Sinabi ko kasi sa Mama mo na gusto kitang puntahan para humingi ng sorry kanina," nahihiya siya sa 'kin o baka ayaw niya lang tumingin sa mukha ko dahil natatakot siya.
"Bakit hindi ka makatingin sa mukha ko? Nandidiri ka rin?" maangas kong tanong.
Ngayon palang ay papakitaan ko na siya kung paano ako magalit para mag-resign agad siya kung tinanggap man niya ang alok ni mama kanina.
Natigilan ako bigla nang salubungin niya ang tingin ko. Diretso siyang nakatingin sa mga mata ko. Napakunot-noo ako nang bigla siyang humakbang palapit.
"Hindi naman ako nandidiri," sabi niya at hindi ako nakailag nang hawakan niya ang kaliwang pisngi ko. "Wala namang nakakadiri sa mukha mo, Damon. Sorry kung nagsalita ako kanina," aniya at agad siyang umatras sabay lumabas ng kuwarto ko.
Napalunok ako. She was the second woman who has looked at me that way while she was touching my left cheek. How dare her do that. I looked at the wall clock here in my room and I smiled. Ngayon na pala uuwi si Liam, finally. I pulled out a shirt and boxers inside my drawer and I immediately walked out of my room. Kailangan kong salubungin si Liam or else magwawala 'yon.
NGINITIAN KO SI Aling Dehlia. Nandito kami sa kusina. Hindi pa rin ako makapaniwala na hinawakan ko ang mukha ni Damon. Nanginig nga ako pagkalabas ko kanina ng kuwarto niya. Nag-sorry ako. Hindi ko nga alam kung tatanggapin niya pero at least nag-sorry ako. Ang guwapo niya talaga kahit nag-iba hitsura niya. Kaya nga rito na lang ako sa kusina at tinitignan ko si Aling Dehlia habang naghihiwa ng mga rekados para sa lulutuin niya bukas. Hindi rin kasi ako mapakali sa kuwarto na tinulugan ko kanina. Nagpapahinga na sila Ma'am Estela at Sir Sixto. Ang bait talaga ng dalawang 'yon.
"Ang bait mo naman, iha. Niligtas mo si Ma'am Estela kanina. Naku, kung hindi ay baka kung ano na nangyari sa kaniya," nakangiting sabi niya.
Nginitian ko rin siya. "Matagal na po ba kayo rito, Aling Dehlia?"
Kasundo ko na nga siya agad, e. Ang bait din kasi niya. Halos lahat ng kasambahay nila nakangiti sa 'kin kanina. Natutuwa tuloy ako.
"Oo, iha. Three years old palang si Damon, nagtatrabaho na 'ko rito," aniya.
Nanlaki ang mga mata ko. "Wow talaga? Ang galing naman. Buti ka pa," sabi ko.
Napatingin siya sa 'kin. "Ano'ng buti pa 'ko?"
"Wala po. Buti ka pa po ay may trabaho na. Ako po kasi ay naghahanap kanina," palusot ko.
Hindi dapat nila malaman na may gusto ako kay Damon. Nahihiya kasi ako kaya nga dalawang tao lang ang nakakaalam ng feelings ko kay Damon. Si Jeanne at si Tita Cita. Tinawagan ko na nga pala si Jeanne kanina. Gulat na gulat din siya. Mag-send daw ako ng picture patunay na nakikita ko si Damon at nandito ako sa mansion nila. S'yempre, hindi ko sinunod. Hindi ko naman kasi ugali kumuha ng picture sa ibang bahay o ng isang tao nang walang pahintulot.
"Hindi ka pa ba inaantok, iha? May sugat ka pa sa tagiliran."
Agad akong umiling. "Mag-nine palang naman po 'tsaka hindi naman ganoon kasakit. Mukhang mabilis makagaling ng sugat 'yong gamot na pinainom sa 'kin kanina para mabilis tumuyo 'yong sugat," sagot ko. Natigilan ako nang makarinig ng tahol ng aso.
"Ano po 'yon? Bakit may aso po sa labas ng kusina?" nagtataka ako. Kanina wala namang aso.
"Si Liam 'yon. Golden retriever na aso. Alaga ni---" hindi ko na hinintay matapos ang sinasabi ni Aling Dehlia.
Tumakbo ako agad palabas ng kusina at napangiti nang makita ko 'yong aso. Mahilig pa naman ako aso! Ang cute-cute naman niya! Tumatahol siya. Tumitingin-tingin pa sa paligid. Mukhang may hinahanap. Tinatahulan niya 'yong mga kasambahay na naglilinis sa loob nitong mansion. Mukhang takot nga sa kanya 'yong mga kasambahay. Napangiti ako. Cute naman siya. Hindi nakakatakot tignan. Kulay brown siya na parang may pagka-gold. Parang 'yung nasa commercial ng Pedigree pero itong si Liam ay mataba.
"Liam!" tawag ko sa kaniya.
Napatingin agad siya sa 'kin. Napangiti ako nang tumakbo siya nang mabilis palapit sa 'kin.
"Naku, Emma! Mukha lang mabait 'yan pero nangangagat 'yan 'pag hindi niya kilala!" sigaw ng mga kasambahay sa 'kin.
Bigla akong kinabahan nang bigla akong dambahan ni Liam kaya napaupo ako sa sahig. Napapikit ako nang ilapit niya ang mukha niya sa 'kin pero ganoon na lang ang gulat ko nang maramdaman ko ang mainit niyang dila na dinidilaan ang buo kong mukha. Pagdilat ko ay hinihingal siyang nakatingin sa 'kin. Ang cute niya talaga!
"Hindi siya kinagat?"
"Apat na personal assistants at tatlong katulong ang nakagat niyan."
"Isa na nga ako sa mga nakagat."
"Ang bait mo naman! Cute mo pa!" nakangiting sabi ko sa aso habang hinahaplos ang ulo niya.
Nakita kong mabilis na gumagalaw ang buntot niya. Tuwang-tuwa 'ata siya sa 'kin.
"Sino'ng amo mo, Liam? Cute mo."
Ganito ako kapag may nakikitang aso. Kinakausap ko kahit alam kong hindi naman magsasalita pabalik. Naalala ko tuloy 'yong aso kong namatay noong nakaraang taon, si Fluffy.
"Come here, Liam," agad akong nag-angat ng tingin nang umalis sa 'kin si Liam at tumakbo palayo.
Nakatayo sa ibaba ng hagdan si Damon. Masama ang tingin niya sa akin. Mukhang lalo siyang nagalit nang mag-sorry ako sa kaniya kanina at noong hinawakan ko ang mukha niya. Tinignan ko na lang si Liam. Tuwang-tuwa rin ang aso sa kaniya at gusto pang magpakarga. Kinarga naman siya ni Damon kahit halatang mabigat siya.
Nilingon pa 'ko ni Damon. Galit na galit. "Kapag nakagat ka ng aso ko bahala kang mangisay sa sahig. Ibaba mo 'yang laylayan ng bestida mo," tumalikod na siya habang karga-karga si Liam.
Agad naman akong napatingin sa laylayan ng bestida ko at ganoon na lang ang gulat ko dahil konting lilis na lang pataas ay kita na ang panty ko.
Nilapitan ako ni Aling Dehlia. "Himala at hindi ka kinagat ni Liam. Makulit kaya 'yong aso na 'yon kahit golden retriever 'yon. Nakagat na ako niyon ng isang beses."
Napangiti ako at tumayo. "Hindi naman po. Dinilaan niya lang 'yong mukha ko."
"Hala, magbihis ka! Baka mamaya sobrang dumagan 'yon sa 'yo at naipit ang sugat mo sa tagiliran. Halika na."
Hinila niya 'ko papunta sa kuwarto ko. Nadaanan pa namin 'yung kwarto ni Damon. Ang cute ng aso niya kaso ang sungit naman ng amo.
"ALL AROUND PO pala talaga kayo, 'no?"
Nakatingin ako kay Aling Dehlia habang dinidiligan niya 'yong mga bulaklak at halaman dito sa garden ngayong umaga. Ang gaganda nga ng mga bulaklak. Roses. Sunflowers. Lilies. May mga herbal plants din. Halatang inaalagaan talaga.
"Oo, iha. Lahat ng sulok ng mansion ay nakita ko na sa tagal nang pagtatrabaho ko rito. Kagabi mo pa 'ko tinatanong. Magkuwento ka naman tungkol sa sarili mo."
Napangiti ako sa kaniya. "Wala na po akong mga magulang. Bale, nakatira ako sa bahay ng Tita ko. Kasundo ko po 'yong anak niya. Silang dalawa na lang 'yong pamilya ko ngayon."
"Hindi halata sa 'yo. Mukha ka kasing masayahin. Parang wala kang problema."
"S'yempre, may problema rin po ako pero hindi ko masyadong iniisip. Mahirap na baka ma-stress ako. Bahala na po 'yong problema ang maghabol sa 'kin," natatawang sabi ko.
"Nag-aaral ka?"
Ngumiti ako sa kaniya nang malungkot at huminga ako nang malalim. Naglakad-lakad ako rito sa garden. "Huminto po ako noong incoming fourth year na 'ko. Bigla po kasing maraming gastusin si Tita kaya huminto ako. Pumasok ako sa call center at may naipon pero kulang pa."
"Kaya ba nasa harap ka kahapon ng restaurant nila Ma'am Estela para mag-apply?"
Umiling ako. "Hindi ko po intention mag-apply doon. Napadaan lang ako. Sa mga fastfood restaurants po ako nagpasa ng resume noong araw na 'yon."
Ngumiti siya sa 'kin. "Mabait kang bata. Maganda na, masayahin at mabait pa. May boyfriend ka na?"
Natawa naman ako sa tanong niya. "Wala po. Walang gustong magkamali."
"Maganda ka, iha. Kung iba nga lang siguro ang may-ari ng mukhang 'yan malamang ay iba ang ugali. E, crush meron ka?"
Namula ako bigla. "Wala po. Wala po akong crush," sabi ko.
Kinurot niya 'ko sa pisngi. "Sus. Bakit ka namumula?"
"Aling Dehlia, can you leave us for a moment?" napalingon kami sa nagsalita.
Si Damon. Karga-karga si Liam. Napangiti ako bigla. Ang bilis nang paggalaw ng buntot ng aso niya habang nakatingin sa amin.
"Sige po," tumingin muna sa 'kin si Aling Dehlia bago maglakad palayo.
Seryoso namang tumitig si Damon sa akin. Kinabahan tuloy ako. "Follow me," sabi niya at naglakad papasok ng mansion.
Sumunod naman ako agad. Nginingitian ko nga si Liam dahil nakatingin siya sa 'kin. Nakapasok na kami sa loob ng mansion.
Saktong nagme-make faces ako kay Liam nang biglang lumingon si Damon sa 'kin. Nahuli niya 'ko sa akto.
"Ano'ng ginagawa mo?" masungit niyang tanong.
Bakit ba lagi na lang siyang masungit makipag-usap sa 'kin? Mabait naman siya kay Aling Dehlia kanina.
"Wala," sabi ko na lang. Inirapan niya 'ko at dumiretso siya sa kusina. Sinusundan ko lang siya ng tingin habang nakatayo ako rito sa may entrance ng kusina.
Kumuha siya ng dog food mula sa cabinet at nilagay 'yon sa pakainan ng aso. May pangalan pa ngang Liam. Ang cute naman. 'Yong aso kong si Fluffy, selecta ice cream 'yong lalagyanan ng pagkain niya noon. Binaba niya si Liam at inilapit dito ang pakainan ng aso. Nagtaka ako dahil nakatitig lang sa 'kin si Liam.
"Damn, Liam," dinig kong sabi ni Damon.
Naglakad siya palapit sa 'kin tapos inabot niya sa 'kin 'yong pakainan ni Liam. "Hold this. Let's see what he will do."
Nagulat ako nang mabilis na lumapit sa 'kin si Liam at tumatalon-talon para abutin 'yong pakainan niya na hawak ko. Nagtaka ako.
"Put it down," utos ni Damon sa 'kin.
Binaba ko 'yong pakainan at nanlaki ang mga mata ko nang kumain agad si Liam. Napatingin tuloy ako kay Damon. Bakit ng siya ang nag-aabot kanina ay hindi tinatanggap ni Liam?
Nakangiti akong tumingin kay Liam nang biglang siyang magsalita. "He has a new favorite. Damn."
TAKANG-TAKA AKO HABANG tinitignan ko si Liam na kumakain nang magana. Bakit pakiramdam ko ay parang gusto ako ng aso ni Damon? Hays, lalo tuloy akong napatingin kay Liam. Kung gusto rin sana ako ng amo mo ay mas matutuwa ako!"What's with that look?"Napaangat ako bigla ng tingin nang marinig kong magsalita si Damon. Nakatitig pala siya sa 'kin. Kapag tinititigan niya 'ko ng ganiyan ay lalo ko siyang nagiging crush! Kaya dapat talaga walang makaalam sa mansion na 'to na may crush ako sa kaniya. Hindi ako dapat magpahalata na marami akong alam tungkol sa kaniya. Hindi naman sa ayaw ko na sa kaniya ngayon, sadyang nahihiya lang kasi ako. Mahihiya ang mga naglalakihang posters at printed pictures sa kuwarto ko kapag nalaman niyang may gusto ako sa kaniya noon pa.Napatuwid ako ng tayo. "Ha?"
SOBRANG SAYA NG gising ko! Tuwang-tuwa ako sa nangyari kahapon. Kinausap ako ni Damon nang hindi na siya galit sa 'kin tapos nagbibiruan pa kami. Napayakap ako sa unan. Grabe. Hindi pa rin ako makapaniwala na sobrang lapit ko na lang kay Damon samantalang dati ay nakikipagsiksikan pa 'ko sa maraming tao para lang makita siya. Napangiti tuloy ako lalo nang maalala ko 'yong unang beses na pumunta ako sa autograph signing ng magazine issue niya five years ago..."Emma! Magdahan-dahan ka nga. Sumama ako sa 'yo rito kasi gustong-gusto mong makita si Damon ng personal pero kung hihilain mo 'ko nang hihilain iiwan kita rito!" naiinis na sabi sa 'kin ni Jeanne.Napatingin ako bigla sa kaniya. "Sorry na, gusto ko lang naman makita si Damon. Tara na."Hinawakan ko ang braso niya. Hindi ko na siya hini
I TOOK A deep breath. Tatlong oras na 'ata akong nandito sa swing. Tatlong oras ko na rin iniisip si Emma. Honestly, I hated the way she made me think of her without her knowing it. I also hated myself for telling her something personal about myself and about my issues. I have never told anyone about what happened to me. I didn't have any idea why it was so easy for me to tell her those things and I would lie if I told myself that I didn't like her responses because I did like it. It seemed like she knew me. She knew what I feel at all and I didn't like that. I didn't like the thought of a woman who knew something about me.Nasanay akong kilala ako ng mga babae sa kama and I already knew that I cannot have her. That beautiful girl with long curly hair was not my type. She was too innocent. She was too kind to me. She was too young. She was to---I shrugged my mind off. Walang magandang mangyayari kung iisipin ko siy
FEELING KO AY walang humihinga sa 'ming dalawa rito sa loob ng kotseng minamaneho niya. Pasimple ko siyang tinignan. Kita ko ang kanang bahagi ng mukha niya. 'Yong walang peklat. Nakasuot siya ng black cap na paharap tapos 'yong mahaba niyang buhok ay nakatali. Ang guwapo niya. Nakasuot siya ng plain white shirt at maong shorts tapos naka tsinelas siya. Ang cute ng toes niya. Ang pink! Napangiti tuloy ako."What are you smiling at?"Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla siyang magsalita. Nagulat kasi ako. Diretso 'yong tingin niya pero bigla-bigla siyang nagsasalita. "Wala. Salamat sa paghahatid sa 'kin," sagot ko.Tinuro ko na sa kaniya pagkasakay ko rito 'yong ruta ng bahay ni tita. Hindi naman ganoon kalayo. Napansin kong mahigpit ang hawak niya sa manibela at ingat na ingat siyang mag-drive. Ang alerto rin ni
I CAN'T FUCKING sleep!Kanina pa 'ko galaw nang galaw dito sa kama ko. Paiba-iba ako nang ayos ng higa pero hindi ako makatulog. Hindi ko makalimutan 'yong ginawa ko kanina kay Emma sa kotse. Sobrang tamis ng mga labi niya. Ang lambot. I was so glad I had the privileged to be her first kiss. I didn't know what has gotten into me. Hindi ko dapat siya iniisip! Ilang araw lang naman siya nandito sa mansion kaya bakit iniisip ko siya?Tumayo ako at dumiretso sa glass window nitong kuwarto ko. Tumingin ako sa kawalan. I can't stop thinking about her beautiful face. Her sweet lips. Her smile. Her talkative mouth. She was a talkative girl. Sa ilang araw na nandito siya ay pansin kong kasundo na niya agad 'yong mga kasambahay namin lalo na si Manang Dehlia. Pati nga si Liam ay kasundo na niya agad even my parents. Samantalang 'yong ibang mga naging babae ko noon ay ayaw n
"KUYA, SURE KA talaga sa sinasabi mo? Hindi ka po nagbibiro?"Ilang ulit kong tanong sa guard at ilang beses na rin niya akong sinasagot nang paulit-ulit. Natawa na siya sa 'kin. Nakukulitan na 'ata siya. Ngayon na kasi ang araw na mag-a-apply ako sa restaurant nila Damon. Kung apply nga bang matatawag 'to dahil hired na ako. For formality na lang siguro itong ngayon at para ma-interview na rin ako."Yes po, Ma'am. Kanina ka pa hinihintay sa HR. Ni-request ni Ma'am Estela sa HR na maaga silang pumasok para in case maaga kang pupunta rito, hindi ka na maghihintay."Nag-move na ako sa another question. "E, after lunch na po ako ngayon nakarating. Baka inip na inip na sila. Nakakahiya po. Okay lang po kaya 'yon?""Okay l
"ANG BAIT MO, Emma. Niligtas mo si Mrs. Montesoir kaya deserve mong matanggap dito!"Natuwa ako sa sinabi nitong waiter na naghatid sa 'kin kanina sa HR Office. Bigla siyang lumapit sa 'kin habang tumitingin ako rito sa loob ng restaurant. Nginitian ko siya. "Kahit sino naman gagawin 'yon, 'no! Teka kanina pa tayo nag-uusap hindi ko alam kung ano'ng pangalan mo."Inilahad niya 'yong kamay niya sa 'kin. "I'm Andriux but you can call me Andy na lang for short."Tinanggap ko 'yong kamay niya tapos nag-shake hands kami. "Nice meeting you!""Ms. Asuncion, you're still here."Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Lumingon ako at nakita ko si Damon. Seryoso ang mukha habang nakatitig sa akin. Napa
NANDITO KAMING DALAWA ni Andy sa locker room. Kakapalit ko lang ng damit. Ang solid ng training ko kanina. Sobrang nag-enjoy ko! Nakakatuwa mag-greet ng customers tapos ngingitian ka nila. Imbes na dapat sila ang dapat maging happy dito sa restaurant pati ako ay nagiging happy na rin dahil sa pagiging mabait nila as our customers. Kaya sobrang gaan lang ng training kanina. May nagbigay ngang tip sa 'kin! Five thousand!"Ang galing mo pati si Mincey ay natuwa sa 'yo. For sure, pati sila Mrs. Montesoir ay matutuwa sa training performance mo ngayong araw," sabi sa 'kin ni Andy."S'yempre, magaling 'yong nagtuturo! Hands on sa tabi ko," nakangiting sagot ko sa kaniya."Sus. Kahit naman ano'ng turo ko sa 'yo kung mabagal kang pumick-up ay walang mangyayari. Ang galing mo ma