TAKANG-TAKA AKO HABANG tinitignan ko si Liam na kumakain nang magana. Bakit pakiramdam ko ay parang gusto ako ng aso ni Damon? Hays, lalo tuloy akong napatingin kay Liam. Kung gusto rin sana ako ng amo mo ay mas matutuwa ako!
"What's with that look?"
Napaangat ako bigla ng tingin nang marinig kong magsalita si Damon. Nakatitig pala siya sa 'kin. Kapag tinititigan niya 'ko ng ganiyan ay lalo ko siyang nagiging crush! Kaya dapat talaga walang makaalam sa mansion na 'to na may crush ako sa kaniya. Hindi ako dapat magpahalata na marami akong alam tungkol sa kaniya. Hindi naman sa ayaw ko na sa kaniya ngayon, sadyang nahihiya lang kasi ako. Mahihiya ang mga naglalakihang posters at printed pictures sa kuwarto ko kapag nalaman niyang may gusto ako sa kaniya noon pa.
Napatuwid ako ng tayo. "Ha?"
Inirapan niya ulit ako. "Look, Liam likes you," sabi niya. Tama pala ang naisip ko.
Napangiti ako sa kaniya. "Okay lang. Gusto ko rin naman siya."
Nagpakawala siya ng buntong-hininga. "You're really impossible," bigla niya kong pinasadahan ng tingin sabay umiling. "Ano'ng klaseng damit 'yan? Sa'n mo binili 'yan?"
Nagbaba agad ako nang tingin sa suot kong damit. Kay Aling Dehlia 'to galing, e. Dora shirt pala 'to tapos banana naman 'yong design ng cotton shorts. Mukha pala akong bata sa suot ko ngayon. Nag-angat ako ng tingin at nakataas ang isang kilay niya sa 'kin.
Napakagat-labi ako sabay ngiti kahit nahihiya ako sa loob-loob ko.
"Bakit? Wala namang masama sa suot ko, a, 'tsaka bata pa naman ako. Bagay lang 'to sa 'kin. Tignan mo," umikot at tinignan si Liam. "'Di ba, Liam?"
Natuwa naman ako dahil agad na napatingin sa 'kin si Liam. Mukhang natuwa siya nang kausapin ko siya.
"Tsk... bata," bulong ni Damon.
Narinig ko naman. Hindi ko na lang pinansin at tinignan ko ang mukha niya. Guwapo pa rin naman siya, e. Halata 'yong malaki niyang peklat sa kaliwang bahagi ng mukha niya. May pagkakulay pink na parang manipis 'yong balat pero hindi naman nakakadiri tignan. May balbas rin siya tapos ang haba na ng buhok niya. Naalala ko sa kaniya 'yong asawa ni Tita Cita.
"I know I look ugly, Emma."
Napasinghap ako nang bigkasin niya ang pangalan ko. Para akong nawalan ng hininga ng ilang segundo.
"Bakit natulala ka bigla?" maangas niyang tanong.
Sa totoo lang, nagtataka talaga ako kung bakit bigla niya 'kong kinakausap ngayon, e. Samantalang noong unang araw na nandito ako ay galit na galit siya sa 'kin kulang na lang sabihin niyang member ako ng sindikato.
"Kamukha mo kasi si Tito," nasabi ko na lang.
Lalong kumunot ang noo niya. "So, mukha akong matanda sa paningin mo? I'm only 27."
Tinago ko 'yong ngiti ko. Alam ko naman na 27 na siya, e. Alam ko rin kaya kung kailan ang birthday niya. Pero syempre, nagmaang-maangan ako para hindi niya mahalata na crush ko siya.
"27 ka na po pala. Hindi halata. Para kang 24 lang."
Mukha namang effective ang acting ko kasi nakita kong bahagya siyang ngumisi sa 'kin. "24? Pa'no mo naman nasabi?"
"The way ka kasi makipag-usap sa 'kin ay parang hindi po tayo nagkakalayo ng edad."
"How old are you?"
"21 po."
Tuluyan na siyang ngumisi at yumuko para kargahin si Liam. "Mukhang hindi sasama si Liam sa 'kin maglakad-lakad sa labas ng mansion kung ako lang ang kasama niya. Sumama ka na."
Nanlaki ang mga mata ko. Totoo ba 'to? Niyayaya ako ni Damon na maglakad sa labas kasama 'yong aso niya? Hays, parang dati tinitignan ko lang siya sa malayo tapos ngayon ganito na!
"Talaga? Sasama ako?" nakangiti pa talaga ako habang tinatanong siya. Paulit-ulit din ako ng tanong kahit narinig ko naman na sinabi niya 'yon, e.
Bigla na naman niya 'kong inirapan. "Oo paulit-ulit parang bata talaga, e."
Ngumiti na lang ako tapos lumabas na kami ng kusina. Nakatingin nga sa amin sila Aling Dehlia at 'yong mga kasambahay nila pagkarating namin sa sala. Ewan ko kung bakit takang-taka ang mga hitsura nila.
Hinarap ni Damon si Aling Dehlia. "Dehlia, kapag hinanap ako ni Mommy pakisabi lumabas lang ako."
Napatingin sa 'kin si Aling Dehlia. "Sasama ka, Emma? Ganyan 'yong suot mo. Magbihis ka muna saglit," aniya. Susunod na sana ako sa kaniya nang biglang magsalita si Damon.
"That's fine. Let's go, kid."
Sumunod na lang ako kay Damon hanggang sa nandito na kami sa labas ng mansion. Malalaki rin pala ang mga bahay dito sa labas. Village siguro 'to tapos mga mayayaman lang ang nakaka-afford tumira.
Binaba ni Damon si Liam at hinawakan ang tali nito at naglakad na sila. Naiwan akong nakatayo rito sa tapat ng mansion nila.
Nilingon ako ni Damon. "Come on, bata. What are you doing there?" irita niyang tanong kaya mabilis akong naglakad hanggang sa magkapantay na lang kami.
Tumingin pa 'ko sa kaniya at ngumiti. Tumalon yata ang puso ko nang ngitian niya 'ko pabalik. Ano kaya ang nakain niya at bigla siyang bumait sa 'kin? Pero gusto ko 'tong mabait siya sa 'kin! Ang lapit-lapit ko na lang sa crush ko. Kailangan kong mag-ingat sa pagtatanong sa kaniya lalo na patungkol sa modeling career niya noon dahil yari talaga ako 'pag nalaman niyang may gusto ako sa kaniya.
Naglakad na kami ng sabay habang si Liam naman ay amoy ng amoy sa lupa.
"Hindi ka talaga kasabwat ng lalaking holdaper na muntik saktan si Mommy?" panimula niya.
Hindi ko tuloy naiwasan mapairap sa hangin. Badtrip naman. Akala ko ay gusto niya 'ko sumabay sa paglalakad para at least may bonding kami tapos 'yon pala i-interrogate lang niya ako.
"Ano ka ba! Mukha ba 'kong holdaper?" inis kong sagot. Ang tagal niyang mag-react kaya tinignan ko siya. Nakangisi siya sa 'kin.
"Bakit ka galit? Para ka talagang bata," asar niya at tinignan niya pa ulit 'yong suot ko.
"Hindi naman ako galit. Paulit-ulit ka kasi. Kung magnanakaw ako malamang noong isang araw pa 'ko wala rito at may bitbit na 'kong mamahaling gamit n'yo."
"Nagtatanong lang naman."
Nginisihan ko na lang siya. "Okay lang. Ganiyan talaga kapag matanda. Mahilig magtanong."
Tumigil siya sa paglalakad. "Ako? Matanda?" kunot-noo niyang tanong sa 'kin.
"Bakit ka galit? Para ka talagang matanda," asar ko pabalik at nauna na 'kong maglakad.
Naramdaman ko namang naglakad na rin siya hanggang sa magpantay ulit kami. "Sabi mo kanina hindi ako mukhang 27."
Bahagya ko siyang tinignan at muli akong naglakad. "Sa pananalita mo kasi ay parang 24 ka lang talaga," palusot ko.
Mamamatay muna ako bago niya malaman na may gusto ako sa kaniya. Wala akong lakas magsabi ng feelings ko sa kaniya.
"Bakit? Pa'no ba dapat magsalita ang lalaking 27 years old?" tanong niya.
Hindi siya pala-English ngayon. Lahat ng mga interviews niya dati napanood ko! Puro siya English tapos ang sungit niya pa. Ewan ko bakit parang bumabait 'to ngayon kaya susulitin ko na.
Biniro ko siya. "Kapag ganiyan kasing edad kadalasan ang gustong pag-usapan ay presyo ng bigas, kung nagtaas na ba ang gasolina o kung may discount na ba sila sa pampublikong sakayan," kuwento ko at pinipigilan kong tumawa para magmukha akong seryoso.
Tinignan ko siya. Galit na naman 'yong mukha niya. "Ganoon na ba 'ko katanda sa paningin mo?" seryosong tanong niya. Parang pinag-iisipan niya talaga kung matanda na ba siyang tignan.
Tumango ako agad. "Oo. Independence day nung nakaraan, a. Meaning, 27 years mo nang sine-celebrate ang araw ng kalayaan," biro ko.
Bigla ko lang talagang naalala ang Independence Day sa sobrang kaba at para may mapag-usapan kaming dalawa. Sobrang tagal na nga noong Independence day. Ano'ng petsa na kaya ngayon!
Inirapan niya 'ko. "27 years na 'kong malaya, excuse me," sagot niya. Buti at nakalusot ang joke ko. Bumuntong-hininga siya. Bigla tuloy akong napatingin sa kaniya.
"Ang lalim ng hinga mo, a," sabi ko na lang.
Nilingon niya 'ko. "Hindi mo ba 'ko kilala?" tanong niya kaya napakurap-kurap ako.
"Hindi. Bakit?" pagsisinungaling ko.
Nag-iwas siya ng tingin. "Hindi ka ba nandidiri sa mukha ko?"
Hindi ko pinahalata na nalungkot ako sa tono ng boses niya. Ramdam ko kasi na malungkot siya at alam ko naman kung bakit.
Hinarap ko siya at nginitian. "Hindi naman nakakadiri, a. Isa pa sa likod ng sugat ay may malalim na pinagdaanan 'tsaka 'wag mong isipin at seryosohin ang mga bagay-bagay, sige ka baka mamaya niyan magmukha ka na talagang 27."
Tumaas ang ibabaw ng labi niya. "Pinagdaanan is so tagalog and deep. You sound like 40 there. 'Tsaka 27 naman talaga ako."
Ngumiti ako. "Tito na kita."
Umiling na lang siya pero nakangiti naman. "Patola ang bata. Let's go back to the mansion. Liam seemed contented now. Mahirap na at baka mahamugan ka rin. Bata ka pa naman. Batang nagsusuot ng Dora shirt."
Naglakad na kami pabalik ng mansion. Tuwang-tuwa ako ngayon. Hindi ko akalain na may ganito palang side si Damon.
I CAN'T SLEEP. I can't sleep because I can't stop thinking about what happened earlier. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at naglakad ako sa labas ng mansion kasama 'yong babaeng 'yon. Honestly, I felt so alive. I didn't even know why. That woman seemed so bubbly. Parang walang iniisip na problema at para akong nahahawa sa kadaldalan niya kanina. Ang gaan niyang kausap. She was like a kid. I smirked when I remember her calling me tito. She was the first person who called me that and as much as I hate to admit, I kinda liked it.
Talking to her felt so weird, too. Hindi ako nagkunwari. Walang tension. Smooth-talking lang. Hindi ko rin alam kung bakit bigla ko siyang kinausap kanina. Wala naman talaga akong balak kausapin siya. Hindi ko rin naman binalak na isama siya sa paglalakad namin ni Liam sa labas kanina pero nag-enjoy ako kanina. She was beautiful. Innocently beautiful. I wonder if... I stopped thinking there. No, she was not my type. Mukha siyang bata sa paningin ko.
Ibang-iba siya sa tipo ng babae ko. Bago lang kasi siya rito sa mansion namin kaya siguro lagi ko siyang napapansin pero ayoko na siyang pansinin pa. Okay na 'yong nangyari kanina. And besides, it had been two years when I got laid. Sexually frustrated na ako. Lahat ng mga babae ko ay kinalimutan na 'ko dahil sa mukha na meron ako ngayon. Hindi naman nila nakita ang mukha ko pagkatapos ng aksidente kundi nalaman lang nila sa mga balita. Isa pa, duguang mukha ko lang ang pinakita noon. Kaya nga agad akong binitawan ng mga endorsements ko.
Tumayo ako at naglakad-lakad dito sa kuwarto ko. Kailan ba uuwi 'yong babaeng 'yon? Ilang araw palang siya nandito pero lagi ko siyang napapansin nang hindi niya alam. Hindi ko nga akalain na masayahin pala 'yon dahil noong unang pagkikita namin ay takot na takot pa siya sa 'kin. May payuko-yuko pa siyang nalalaman tapos ngayon ang lakas ng loob niyang alaskahin ang edad ko. Kada pipikit ako ay naaalala ko kung pa'no niya hinawakan ang mukha ko noong isang araw. Ang lambot ng palad niya. Hindi siya nandiri samantalang ako diring-diri sa mukha kong 'to. Ang daming nawala sa 'kin nang mangyari ang aksidente.
Nagpakawala ako ng buntong-hininga at napatingin ako sa bedside table ko. Agad akong lumapit doon at kinuha ko ang isang letter sa ibabaw na two years ko nang paulit-ulit na binabasa at babasahin ko ulit 'yon ngayong gabi. Muli kong binuklat ang letter.
Wyth
Loves dogs but loves you moreHello Damon,
Looking at you from afar makes me happy, even though I know that I'm not existing in your own world. I know I'll never have a chance to be part of your world. But you, you're part of my reality and fantasy. You're in my dreams and imagination. You're all I'm thinking about before I sleep and when I wake up. You make me happy just by watching you in your interviews. You make me smile just by looking at your pictures online.
But now, I'm sad, because of what happened to you. I don't really know if you will be able to read this letter but I hope so. I want to tell you that everything will be alright someday. I know this is hard for you, but God has reasons. He has reasons. You might not know it now and I know that you will blame Him, but someday soon... you'll know the reason why He gave this to you. I am sad because I might not see you again on TV, thru billboards, or from afar. I don't know how to erase all the burden in your heart right now but the only thing I can do is pray for you.
Someday, I hope you have the courage to be brave enough to go outside and show everyone how strong you are despite everything that happened.
And... since I'm not existing into your world and you don't know me at all then I am brave enough to tell you here that... I love you, Damon. Take care. Always.
Sincerely,
WythI smiled. Reading her letter still felt like yesterday. Ganoon pa rin. Hindi pa rin ako nagsasawang basahin 'to. Kabisado ko na nga ang bawat linya ng letter. I took a deep breath. I wondered how she looked like.
SOBRANG SAYA NG gising ko! Tuwang-tuwa ako sa nangyari kahapon. Kinausap ako ni Damon nang hindi na siya galit sa 'kin tapos nagbibiruan pa kami. Napayakap ako sa unan. Grabe. Hindi pa rin ako makapaniwala na sobrang lapit ko na lang kay Damon samantalang dati ay nakikipagsiksikan pa 'ko sa maraming tao para lang makita siya. Napangiti tuloy ako lalo nang maalala ko 'yong unang beses na pumunta ako sa autograph signing ng magazine issue niya five years ago..."Emma! Magdahan-dahan ka nga. Sumama ako sa 'yo rito kasi gustong-gusto mong makita si Damon ng personal pero kung hihilain mo 'ko nang hihilain iiwan kita rito!" naiinis na sabi sa 'kin ni Jeanne.Napatingin ako bigla sa kaniya. "Sorry na, gusto ko lang naman makita si Damon. Tara na."Hinawakan ko ang braso niya. Hindi ko na siya hini
I TOOK A deep breath. Tatlong oras na 'ata akong nandito sa swing. Tatlong oras ko na rin iniisip si Emma. Honestly, I hated the way she made me think of her without her knowing it. I also hated myself for telling her something personal about myself and about my issues. I have never told anyone about what happened to me. I didn't have any idea why it was so easy for me to tell her those things and I would lie if I told myself that I didn't like her responses because I did like it. It seemed like she knew me. She knew what I feel at all and I didn't like that. I didn't like the thought of a woman who knew something about me.Nasanay akong kilala ako ng mga babae sa kama and I already knew that I cannot have her. That beautiful girl with long curly hair was not my type. She was too innocent. She was too kind to me. She was too young. She was to---I shrugged my mind off. Walang magandang mangyayari kung iisipin ko siy
FEELING KO AY walang humihinga sa 'ming dalawa rito sa loob ng kotseng minamaneho niya. Pasimple ko siyang tinignan. Kita ko ang kanang bahagi ng mukha niya. 'Yong walang peklat. Nakasuot siya ng black cap na paharap tapos 'yong mahaba niyang buhok ay nakatali. Ang guwapo niya. Nakasuot siya ng plain white shirt at maong shorts tapos naka tsinelas siya. Ang cute ng toes niya. Ang pink! Napangiti tuloy ako."What are you smiling at?"Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla siyang magsalita. Nagulat kasi ako. Diretso 'yong tingin niya pero bigla-bigla siyang nagsasalita. "Wala. Salamat sa paghahatid sa 'kin," sagot ko.Tinuro ko na sa kaniya pagkasakay ko rito 'yong ruta ng bahay ni tita. Hindi naman ganoon kalayo. Napansin kong mahigpit ang hawak niya sa manibela at ingat na ingat siyang mag-drive. Ang alerto rin ni
I CAN'T FUCKING sleep!Kanina pa 'ko galaw nang galaw dito sa kama ko. Paiba-iba ako nang ayos ng higa pero hindi ako makatulog. Hindi ko makalimutan 'yong ginawa ko kanina kay Emma sa kotse. Sobrang tamis ng mga labi niya. Ang lambot. I was so glad I had the privileged to be her first kiss. I didn't know what has gotten into me. Hindi ko dapat siya iniisip! Ilang araw lang naman siya nandito sa mansion kaya bakit iniisip ko siya?Tumayo ako at dumiretso sa glass window nitong kuwarto ko. Tumingin ako sa kawalan. I can't stop thinking about her beautiful face. Her sweet lips. Her smile. Her talkative mouth. She was a talkative girl. Sa ilang araw na nandito siya ay pansin kong kasundo na niya agad 'yong mga kasambahay namin lalo na si Manang Dehlia. Pati nga si Liam ay kasundo na niya agad even my parents. Samantalang 'yong ibang mga naging babae ko noon ay ayaw n
"KUYA, SURE KA talaga sa sinasabi mo? Hindi ka po nagbibiro?"Ilang ulit kong tanong sa guard at ilang beses na rin niya akong sinasagot nang paulit-ulit. Natawa na siya sa 'kin. Nakukulitan na 'ata siya. Ngayon na kasi ang araw na mag-a-apply ako sa restaurant nila Damon. Kung apply nga bang matatawag 'to dahil hired na ako. For formality na lang siguro itong ngayon at para ma-interview na rin ako."Yes po, Ma'am. Kanina ka pa hinihintay sa HR. Ni-request ni Ma'am Estela sa HR na maaga silang pumasok para in case maaga kang pupunta rito, hindi ka na maghihintay."Nag-move na ako sa another question. "E, after lunch na po ako ngayon nakarating. Baka inip na inip na sila. Nakakahiya po. Okay lang po kaya 'yon?""Okay l
"ANG BAIT MO, Emma. Niligtas mo si Mrs. Montesoir kaya deserve mong matanggap dito!"Natuwa ako sa sinabi nitong waiter na naghatid sa 'kin kanina sa HR Office. Bigla siyang lumapit sa 'kin habang tumitingin ako rito sa loob ng restaurant. Nginitian ko siya. "Kahit sino naman gagawin 'yon, 'no! Teka kanina pa tayo nag-uusap hindi ko alam kung ano'ng pangalan mo."Inilahad niya 'yong kamay niya sa 'kin. "I'm Andriux but you can call me Andy na lang for short."Tinanggap ko 'yong kamay niya tapos nag-shake hands kami. "Nice meeting you!""Ms. Asuncion, you're still here."Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Lumingon ako at nakita ko si Damon. Seryoso ang mukha habang nakatitig sa akin. Napa
NANDITO KAMING DALAWA ni Andy sa locker room. Kakapalit ko lang ng damit. Ang solid ng training ko kanina. Sobrang nag-enjoy ko! Nakakatuwa mag-greet ng customers tapos ngingitian ka nila. Imbes na dapat sila ang dapat maging happy dito sa restaurant pati ako ay nagiging happy na rin dahil sa pagiging mabait nila as our customers. Kaya sobrang gaan lang ng training kanina. May nagbigay ngang tip sa 'kin! Five thousand!"Ang galing mo pati si Mincey ay natuwa sa 'yo. For sure, pati sila Mrs. Montesoir ay matutuwa sa training performance mo ngayong araw," sabi sa 'kin ni Andy."S'yempre, magaling 'yong nagtuturo! Hands on sa tabi ko," nakangiting sagot ko sa kaniya."Sus. Kahit naman ano'ng turo ko sa 'yo kung mabagal kang pumick-up ay walang mangyayari. Ang galing mo ma
LAST DAY OFtraining ko na ngayong araw!Sobrang saya ko. Tuwang-tuwa sa 'kin sila Ma'am Mincey kasi ang bilis ko raw matuto. Tapos 'yong mga customers na ina-assist ko tuwang-tuwa rin sa 'kin kasi ang bilis ko raw mag-asikaso. Fast learner daw ako kaya nga may tip na naman ako! Nakakatuwa talaga. Sana nga makita ko ulit sila Ma'am Estela para makapagpasalamat ulit ako. Sabi kasi sa 'kin ni Andy kanina ay pumuntang Japan si Ma'am Estela dahil niyaya raw ng kaibigan na mamasyal doon saglit. Magpapasalamat talaga ako sa kaniya kapag nakita ko siya rito sa restaurant nila. Aaking tulong talaga sa 'kin nitong trabaho ko rito bilang isang waitress.Napatingin ako sa wristwatch ko. 10 minutes na lang ay off ko na. Worth it 'yong pagod ko. Hindi ko nga ramdam 'yong pagod, e! Nginitian ko si Andy nang lumapit siya sa 'kin.