NANDITO KAMING DALAWA ni Andy sa locker room. Kakapalit ko lang ng damit. Ang solid ng training ko kanina. Sobrang nag-enjoy ko! Nakakatuwa mag-greet ng customers tapos ngingitian ka nila. Imbes na dapat sila ang dapat maging happy dito sa restaurant pati ako ay nagiging happy na rin dahil sa pagiging mabait nila as our customers. Kaya sobrang gaan lang ng training kanina. May nagbigay ngang tip sa 'kin! Five thousand!
"Ang galing mo pati si Mincey ay natuwa sa 'yo. For sure, pati sila Mrs. Montesoir ay matutuwa sa training performance mo ngayong araw," sabi sa 'kin ni Andy.
"S'yempre, magaling 'yong nagtuturo! Hands on sa tabi ko," nakangiting sagot ko sa kaniya.
"Sus. Kahit naman ano'ng turo ko sa 'yo kung mabagal kang pumick-up ay walang mangyayari. Ang galing mo may tip ka nang nakuha ngayong araw."
Napangiti ako at naglakad na kami palabas ng locker room. "Gusto mo libre kita ng siopao? May siopao store sa labas ng restaurant malapit sa hintayan ng public transpo."
"Huwag na. First time mong magkaroon ng tip kaya i-enjoy mo 'yan."
"Hindi ko nga alam ibibili ko rito. Papasalubungan ko na lang sila Tita at 'yong pinsan ko pag-uwi ko," sagot ko. Malapit na rin mag 12:00 am. May masasakyan pa naman ako pauwi.
"Sa Tita mo pala ikaw nakatira? Nasa probinsya parents mo?"
"Wala. Patay na sila."
Natigilan siya. "Talaga? Pasensiya na. Naalala mo pa tuloy."
"Ayos lang! Alam ko naman na masaya sila kung nasaan man sila ngayon 'tsaka masaya naman ako ngayon kila Tita. Love nila ako."
Nag-log out na kami sa record book at lumabas na ng restaurant. Hinila ko si Andy sa kamay. "Tara, mag-siopao tayo!"
"Hala. Tip mo 'yan, e. Nakakahiya, Emma," napakamot pa siya.
"Okay lang! Parang siopao lang," nagpaubaya na siya at pumunta kami rito sa siopao store. Bumili ako ng sampung piraso. Asado flavor. Ito kasi ang paborito kong flavor. Binigyan ko si Andy ng dalawa.
"Dalawa lang sa 'yo, a. Paborito ko kasi 'to, e."
Natawa siya. "Okay lang, 'no. Para sa 'kin sobra-sobra na 'to kasi libre."
Umupo muna kami rito sa labas ng siopao store. May bench kasi rito. Nag-umpisa na akong kumain. Ang sarap talaga ng siopao.
"Ang sarap ng siopao, 'no?" sabi ko pa.
"Oo nga, e, lalo na kung libre."
"Hahahaha. Wala 'yon."
"Nga pala, pa'no mo nakita si Mrs. Montesoir noong muntik na siyang ma-holdap? Usap-usapan kasi talaga 'yon ng mga employees. Pinag-ingat lalo 'yong security sa labas ng restaurant. Nakasuhan na 'yong holdaper. Buti nabawi ni Ma'am 'yong bag niya."
Pinunasan ko 'yong bibig ko. "Kagagaling ko lang kasi sa pagpapasa ng resume sa mga fast food restaurants na nakikita ko tapos naglakad-lakad ako. Napatingin ako sa restaurant nila kasi ang ganda tapos napansin kong may lalaking humahablot ng bag niya. Sumaklolo ako."
"Ang galing mo naman. Nag-aaral ka pa ba?"
Umiling ako. "Stop muna ako. Kulang kasi tuition fee ko, e."
"Bakit ano ba course mo?"
"Bachelors of Arts in Communication."
"Woah. Galing."
Siniko ko siya. "Ano namang magaling dun? E, ikaw nag-aaral ka ba?"
"Oo, graduating na next year."
"Ikaw ang magaling! Ano'ng course?"
"BA major in NNMB."
Nilingon ko siya pagkatapos kong lumunok. "BA major in NNMB?"
"Oo, BA major in NNMB. Babaero Ako major in Nagpapaiyak Ng Mga Babae."
Tawang-tawa ako. "Ano ba namang klaseng course 'yan. Umayos ka nga!"
Natawa rin siya sa sinabi niya. "O, 'di ba natawa ka? Pero seriously, BS Accountancy course ko."
Bumilib ako. "Nice. I hate Math."
"Bakit naman? Saya kayang mag-solve atsaka it's more on analyzing the problems."
Napairap ako. "Addition 'tsaka multiplication, sisiw na sisiw sa 'kin 'yan. Kahit ipa-recite mo pa sa 'kin ngayon 'yong multiplication table ay kaya ko. 'Yong subtraction, kahit ilang borrow pa 'yan easy lang sa 'kin pero kapag division na and the rest, gusto ko na lang titigan 'yong wristwatch ko habang hinihintay na ma-dismiss ang klase."
"Hahahaha. Grabe ka. Hassle maging BS Accountancy student, 'no."
"Lahat naman ng course sobrang hassle."
Tinignan niya 'ko. "Yes, kapag raw kasi BS Accountancy ang course ng lalaki ay mahilig daw sa chicks tapos waiter pa 'ko. Playboy raw ang mga waiter. Ang hassle because I got both," natatawang sabi niya.
"Sus. Ganiyan naman sila, e. Kapag ayaw sa isang tao ay ige-generalize na nila. Dapat sa personality lang dapat mismo ng tao tumingin. 'Wag na idamay ang profession. Kumbaga sa news report, sensationalism kung tinatawag."
"Ang sense mong kausap. I like your personality, Emma."
Napatitig ako sa kaniya. "Ha?"
Tinaas niya ang mga kamay niya. Parang nagsu-surrender siya. "Don't get me wrong, okay? I like you and your personality, but as a friend. Ayan, a. As a friend. 'Yong ibang babae kasi kapag sinabihan ng ganiyan kung ano-ano nang iniisip. Kumain ka na ba as a friend?"
Natawa na naman ako sa kaniya. "Makulit ka talaga. Gusto ko rin 'yong ugali mong ganiyan. Ang straightforward mo. Ang sarap mo siguro maging kaibigan."
Nginisihan niya 'ko. "Kaibigan lang? Gawin na nating mag-best friend agad."
Nagulat ako sa sinabi niya. "Gusto mo 'kong maging best friend? Ngayon mo lang ako nakilala."
Umiling siya. "Hindi 'yan nasusukat kung ga'no katagal o kaikli 'yong taon ng friendship n'yo. 'Yong iba nga ang tagal ng magkakaibigan pero may inggitan naman sa isa't-isa."
May point siya. Nangalumbaba ako at tumingin sa mga kotseng naka-parking dito sa harap ng siopao store. "May point ka," sabi ko sabay tingin sa kaniya.
"So, ano? Mag-best friend na tayo? Bale, kapag tatanungin kita kung kamusta ka na. Ang sasabihin ko ay kumain ka na ba as a best friend."
"Hahaha. Loko ka talaga! Don't worry, happy ako na magiging best friend kita."
"Really?"
"Yup!"
Napatingin siya sa wristwatch niya. "Gabi na. Hatid na kita sa sakayan ng UV as a best friend. Hintayin muna kita makasakay bago ako umuwi as a best friend."
Umirap na lang ako sa hangin na ikinatawa niya. Tumayo na kami at naglakad papuntang sakayan ng UV. Nakapara rin naman ako agad at nag-wave muna ako kay Andy bago ko isara ang pinto. Ang saya ko ngayong araw. Na-enjoy ko 'yong training, may tip pa 'kong five thousand, may pasalubong akong siopao kila Tita, at Jeanne tapos ngayon may best friend na 'ko. Biglang tumunog ang phone ko na nasa loob ng sling bag ko. Nagtaka ako dahil hindi naka-save sa contacts ko 'yong caller. Sinagot ko na lang 'yong tawag.
"Hello?"
Hindi sumagot 'yong caller. Nilayo ko saglit 'yong phone sa tainga ko at tinignan ko ang screen ng phone ko. Baka mali siya nang tinatawagan. Nilapit ko ulit sa tainga ko.
"Hello po? Sino po sila? Baka po wrong number 'yong natawagan n'yo," sabi ko.
Hindi pa rin sumagot ang caller at narinig kong huminga lang ito nang malalim. Baka nangti-trip at nag-random calling lang 'to.
"Sige po. Baka wrong number lang po kayo. Bye," sabi ko sabay end ng call.
Pumikit ako. Medyo inaantok na 'ko. Natatawa ako sa sarili ko. Nililibang ko 'yong sarili ko kahit alam kong hindi ako mapakali kaninang nasa restaurant si Damon.
I LOOKED AT my phone screen when she ended the call.
Napailing ako. Niloloko ko lang 'yong sarili ko. Pinapagod ko lang 'yong sarili ko. Ako 'yong nagbibigay ng signal sa kaniya na hindi ako interesado sa kaniya pero tangina kung ano-ano na 'tong ginagawa ko. From 5:00 pm to 12:00 am ay binantayan ko siya. Binubulag ko lang 'yong sarili ko na ayaw ko sa kaniya pero sa totoo lang ay nagugustuhan ko na siya.
May kakaiba akong naramdaman nang maging pormal siya sa 'kin kanina sa training. Alam ko namang ginagawa niya ang best niya pero nalungkot ako sa sobrang pormal at seryoso ng boses niya samantalang ngiting-ngiti siya kanina sa ibang customers. Hindi ko na nga ininda 'tong peklat ko sa mukha! Nagtakip na lang ako ng black cap. In my two years of having this scar on my left face, ngayon lang ako naglakas-loob na lumabas at makihalubilo sa maraming tao.
Okay naman 'yong training niya kanina. Mabilis siyang matuto kaso hindi ko gusto 'yong lalaking nagtuturo sa kaniya. Kung makangiti kay Emma akala mo matagal na silang magkakilala. Napahampas ako sa manibela ng kotse ko. Ultimo pag-parking dito sa tapat ng siopao store ay pinatos ko na! Kinabahan nga 'ko nang biglang napatingin si Emma dito sa bandang parking lot. Nakapangalumbaba siya habang nakikipag-usap sa lalaking 'yon. Ngayon lang naman niya nakilala 'yon pero kung makipag-usap siya akala naman niya matagal na silang magkakilala. Binigyan niya pa ng siopao.
Paborito ko rin kaya 'yon.
Mukhang masayang-masaya nga silang dalawa habang nag-uusap. Nang tinitignan ko sila habang nagte-training siya ay wala akong pakialam kung nag-uusap sila kaso hindi ko na matiis. Hindi ko matiis isipin na may kausap siyang ibang lalaki. Dapat ako lang.
Sinabunutan ko 'yong sarili ko. "Tangina mo, Damon! You told her to stay away from you tapos magkakaganiyan ka!"
Ngayon ko lang kasi 'to naramdaman sa isang babae. Dati kasi ako ang hinahabol. Ano ba'ng ginawa sa 'kin ng babaeng 'yon? Ang dami kong ginagawa para sa kaniya! Hindi ko siya sinagot nang nagsasalita siya kanina sa phone. I just wanted hear her voice kasi iritang-irita ako sa Andy na 'yon. Andriux ang pangalan nun, e. Pangalan pa lang tunog jejemon na. Nakakagawa ako ng mga bagay na hindi ko pa nagagawa tulad ngayon dahil kay Emma. Kung kailan naman 27 years old na 'ko 'tsaka pa 'ko nag-feeling teenager.
Bakit kasi bata pa 'yong hinahabol ko?
Kaya ngayong gabi ay nakapagdesisyon na 'ko. I was going to make her liked me, too, and I'd make sure that I'll have her. Ngumisi ako. I knew I looked ugly, but she told me I was handsome so I was quite confident and I thanked her for that.
Gusto ko si Emma at simula ngayon ay ayokong may lumalapit ulit sa kaniya ng ganoon. I started driving my car and headed out to our mansion. I was going to sleep in her room again with Liam.
"WOW, MAY PA-SIOPAO si Ms. Waitress!" salubong sa 'kin ni Jeanne nang buksan ko ang pinto ng bahay.
"Gising ka pa? Ano'ng oras na kaya," sagot ko at pumasok na ako. Umupo ako sa sofa pagkatapos kong ilapag 'yong siopao sa ibabaw ng mesa. Nilapitan 'yon ni Jeanne at kumuha siya ng isa. Pareho kasi naming favorite ang siopao.
Hinarap niya 'ko at mataman akong tinitignan. "Kumusta naman ang first day of training?"
"Masaya. Exciting. Mabilis akong natuto. Magaling kasi si Andy magturo. Binigyan pa 'ko ng tip ng isang customer kanina!"
"Sino si Andy?" mataray niyang tanong.
Nagtaka ako sa kaniya. "Bakit ganiyan 'yong reaction mo? Si Andy ay katrabaho ko. Waiter siya. Siya 'yong nagturo sa 'kin kanina. Bait niya nga, e. Mag-best friend na kami!"
Lumaki ang mga mata niya at agad tumabi sa 'kin sa sofa. "Best friend mo agad? Baka naman mamaya dumada-moves 'yan sa 'yo. Ang smooth niya, a. "
Inirapan ko siya. "Hindi, 'no! Ang straightforward lang talaga siya kaya ganoon 'tsaka hindi ako magugustuhan niyon."
"Pinagdarasal ko talaga na hindi ka magustuhan niyon. Kawawa naman si Damon if ever."
Tinignan ko siya nang seryoso. "Bakit naman napasok si Damon sa usapan?"
Sinalubong ko 'yong titig niya na parang hinahanap niya kung nasaan ang ulo ko. "Wow. Mahal mo si Damon at nagtatrabaho ka sa restaurant nila, okay? Hindi mo ba siya nakita kanina?"
Naalala ko tuloy 'yong nilapitan ko siya kanina. Hindi na 'ko lumapit ulit kasi may ibang waitress nang lumapit sa kaniya. Hindi ko nga alam kung bakit parang napapadalas ang pag-alis niya sa mansion nila.
"Nakita ko," tipid kong sagot. "Pero alam mo, Jeanne, ayoko na. Gusto ko nang itigil 'tong nararamdaman ko kay Damon. Six years ko na siyang gusto. Napapagod na 'ko."
Sumandal siya sa sofa at tinitigan ako. "Hindi kita pipigilan sa desisyon mong 'yan pero kaya mo ba? E, ilang beses mo 'kong hinatak sa mga meet and greet niya dati, a! Ultimo dis oras ng gabi ginising mo pa 'ko noon para samahan kang ibigay sa kaniya 'yong letter na ginawa mo noong nasa hospital siya pagkatapos niyang maaksidente. Bakit ba gusto mong itigil? May ginawa ba siya sa 'yo?"
Napasandal na rin ako sa sofa. "Nag-usap kami noong nasa mansion pa nila ako. Galit na galit siya sa 'kin nang unang beses niya 'kong nakita. Pinagkamalan niya pa 'kong magnanakaw pero noong mga sumunod na araw kinausap na niya 'ko. Minsan nga nagbibiruan pa kami. Hindi ko akalain na may ganoon pala siyang side na makulit din at sinasabayan ang mga sinasabi ko. Tapos..." hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya na hinalikan ako ni Damon. Masyado na kasing personal.
"Tapos? 'Wag mo 'kong bitinin."
"Sabi niya kung ano man daw 'yung iniisip ko ay itigil ko na raw."
Napailing siya pero agad din siyang napakunot-noo habang may iniisip. "Pero, teka nga. Kanina mo lang ba siya nakita pagkatapos mong umalis sa mansion nila?"
Umiling ako. "Hindi. Siya 'yong nakausap ko sa HR. Nagulat nga ako kasi hindi ko inakala na siya 'yong makakausap ko. Tapos kanina kumain siya sa restaurant. Ia-assist ko sana siya kaso hindi naman siya nagsasalita. Nakatingin lang sa 'kin kaya umalis ako. Ayoko na talaga, Jeanne," nalulungkot lang tuloy ako habang nagkukuwento ako ngayon kay Jeanne.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at hinarap ako sa kaniya. "Hindi mo ititigil, Emma. Hindi."
"Bakit?" naguguluhang tanong ko.
Inirapan niya ako. "Manhid ka ba? Baka interesado si Damon sa 'yo. 'Tsaka iba na 'yong hitsura niya, 'di ba? Tingin mo ba lalabas 'yon ng ganoon-ganoon lang kung hindi ka niya gustong makita?"
Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi ako manhid. Ayoko lang umasa 'tsaka siya na mismo nagsabi na layuan ko siya. Restaurant nila 'yon kaya may karapatan siyang pumunta kahit kailan niya gustuhin."
"Naku, Emma! 'Tsaka ka naman nagkaganiyan kung kailan ang lapit-lapit na niya sa 'yo. Dati hindi natin mabilang ang mga babae niya tapos ngayon na pumupunta siya sa restaurant nila at nandoon ka rin, hindi ka man lang gumagawa ng paraan. Gusto mo ako magsabi ng feelings mo sa kaniya?"
Naalerto ako. "Huwag, Jeanne! Nahihiya ako."
Kinurot niya 'ko sa braso. "Ewan ko sa 'yo. Nahihiya kang umamin tapos masasaktan ka sa mga ginagawa niya. Mag-isip ka nga. Six years ka ng baliw sa kaniya. Papaabutin mo pa ba ng pitong taon 'yung lihim na pagtingin mo sa kaniya, ha?"
Hindi ako nakasagot kaya bumanat ulit siya. "Ewan ko rin ba kay Damon! Interesado rin siguro 'yon sa 'yo. Baka naninibago lang 'yong tao kasi dati alam naman nating siya ang hinahabol. Pero ewan ko rin ba sa mga lalaki! Ang hirap intindihin na para tayong nagtitinidor ng sabaw!"
"Tatanggalin ko na nga 'yong posters at printed pictures niya sa kuwarto ko."
"Huwag na huwag mong gagawin 'yan, Emma! Kung hindi ka gagawa ng paraan ay hayaan mong ako ang gumawa ng paraan para lumevel-up na kayong dalawa," ngising-ngisi siya habang nakatingin sa 'kin.
"Kinakabahan ako sa ngiti mong 'yan."
Inirapan niya 'ko. "Intindihin mo 'ko dahil anim na taon ko nang naririnig ang mga statements mong ayoko na kay Damon. Hinalikan niya si Ana Marie Ramorez. Ayoko na, ayoko na tapos maya-maya hindi raw pala legit na sila ni Ana, huhu. Tara, punta tayo sa meet and greet niya, dali!" aniya at ginagaya ang tono ng boses ko.
Napangiti ako sa sinabi niya. Lakas talaga niyang mang-realtalk. May point din naman siya. Nasa harapan ko na si Damon pero wala rin naman kasi siya sa posisyon ko kaya madali lang sa kaniyang magsalita ng ganiyan. Paano ko masasabi kay Damon na may pagtingin ako sa kaniya kung titig palang niya ay hindi na ako makapagsalita?
Tumayo na 'ko at dumiretso sa kuwarto ko. Nang makapasok ako ay narinig ko pang nagsalita si Jeanne. "Humanda ka talaga 'pag nalaman ni Damon na may feelings ka sa kaniya pati 'yong mga pinaggagawa mo. Tatawa ako ng bongga!"
LAST DAY OFtraining ko na ngayong araw!Sobrang saya ko. Tuwang-tuwa sa 'kin sila Ma'am Mincey kasi ang bilis ko raw matuto. Tapos 'yong mga customers na ina-assist ko tuwang-tuwa rin sa 'kin kasi ang bilis ko raw mag-asikaso. Fast learner daw ako kaya nga may tip na naman ako! Nakakatuwa talaga. Sana nga makita ko ulit sila Ma'am Estela para makapagpasalamat ulit ako. Sabi kasi sa 'kin ni Andy kanina ay pumuntang Japan si Ma'am Estela dahil niyaya raw ng kaibigan na mamasyal doon saglit. Magpapasalamat talaga ako sa kaniya kapag nakita ko siya rito sa restaurant nila. Aaking tulong talaga sa 'kin nitong trabaho ko rito bilang isang waitress.Napatingin ako sa wristwatch ko. 10 minutes na lang ay off ko na. Worth it 'yong pagod ko. Hindi ko nga ramdam 'yong pagod, e! Nginitian ko si Andy nang lumapit siya sa 'kin.
"NA-MISS KO SILA Manang Dehlia," masayang sabi ko nang makarating na kami rito sa bahay nila. Lumabas na kami ng kotse at papasok na kami sa loob."Sila Aling Dehlia lang?" seryosong tanong ni Damon."Pati si Liam.""Si Liam lang?""Pati 'yong parents mo!"Nauna na siyang pumasok sa loob. "Sige. Miss ka na rin daw nila."Grabe. Hindi na 'ata mawala 'yong ngiti sa mga labi ko. Natatawa ako sa kaniya. Halata naman kasing gusto niyang sabihin kong nami-miss ko siya. Hinabol ko siya sa paglalakad at bahagya ko siyang nilagpasan at nilingon. Nakatingin din siya sa 'kin.Ngiting-ngiti ako. "Miss ko naman talaga sil
NAGISING AKO NANG maramdaman ko ang isang malambot na bagay na gumagalaw sa braso ko. Paglingon ko ay ganoon na lang ang pag-aliwalas ng mukha ko dahil si Liam pala ay sumisiksik sa gilid ko. Natutuwa talaga ako sa asong 'to. Sobrang lambing niya! Dito na naman pala siya tumabi sa 'kin. Inangat ko ang wristwatch ko. 7:43 am na pala. Bigla akong napangiti nang maalala ko ang nangyari kagabi. Awtomatiko akong napayakap kay Liam.Boyfriend ko na si Damon!Napapakagat-labi ako ngayon at pakiramdam ko ay namumula ang mga pisngi ko. Lalo akong nahulog sa kaniya nang ikuwento niya 'yong nangyari sa kaniya noon na matagal ko naman nang alam. Pagkatapos ay hinalikan niya 'ko. Grabe. Hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang unang nakahalik sa 'kin at siya pa ang una kong boyfriend! Akalain mo 'yon? 'Yong lalaking hinahabol ko noon, 'yong lalaking pinipilahan ko lang at 'yo
"CAN I ASK you a question?"Napatingin ako kay Damon habang nandito kami sa loob ng kotse. Masayang-masaya ako ngayon kasi magkarelasyon na kami. Hindi pa nga rin ako makapaniwala. Siguro kung babalikan ko ulit 'yong mga ginawa kong paghabol sa events niya noon pati 'yong pagpunta ko sa hospital at iabot sa guard ang ginawa kong letter kung saan siya dinala matapos siyang maaksidente, hindi pa rin talaga ako makukumbinsi na magkarelasyon na kami ngayon. Sobrang unexpected. Anim. Anim na taon ko siyang tinitignan sa malayo tapos ngayon, grabe! Feeling ko sasabog 'yong puso ko sa sobrang tuwa. 'Yong lalaking pinagtutuunan ko ng pansin kahit hindi naman ako nag-e-exist sa mundo niya noon, heto at katabi ko na siya. Sobra-sobra pa nga kasi boyfriend ko na siya!"Ano po 'yon?" nakangiti kong tanong. Saglit niya 'kong tinignan at muli niyang binaling ang ulo sa harap ng kotse."I've rea
"SO, ANO NGA ang chika, ha?" bungad sa 'kin ni Jeanne pagkalabas ko ng kuwarto. Kagigising ko lang. Natulog kasi ako pagkaalis ni Damon kanina. Gabi na pala. Nandito ako ngayon sa kusina at umupo.Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi mo sasabihin kay Damon 'yong feelings ko sa kanya, ha! Wala kang sasabihing kahit ano sa mga ginawa natin dati. agagalit ako sMa 'yo."Umarte siyang parang natatakot. "Nakakatakot naman 'yang threat mo! 'Wag mo 'kong idamay sa mga pinaggagagawa mo kasi sinasamahan lang kita pero ikaw ang todo effort sa kaniya 'tsaka wala akong balak sabihin, 'no. Ipapaubaya ko na lang 'yon sa kasabihan na walang sikretong hindi nabubunyag!"Napailing na lang ako. Alam ko naman 'yon. Hahanap ako ng tiyempo. "Nasaan pala si Tita?""Pauwi na 'yon. Pinunt
NAMANGHA AKO SA loob nitong resthouse niya. Sobrang ganda! Mas maganda pa nga 'to kaysa sa mansion nila. Nahihiya tuloy ako bigla kasi feeling ko hindi fit 'yong damit na suot ko sa ganitong klaseng lugar. Para akong nasa isang museum sa sobrang ganda at laki ng resthouse niya. Napansin ko agad ang mga naglalakihang portrait pictures na nakasabit sa paligid. Kilala ko ang ibang mga nasa portrait. Mga model sila!Hinawakan ako ni Damon at naglakad kami. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. "Ako ang photographer ng mga model na 'yan dati. Ito 'yong inasikaso ko kanina kaya halos gabi na 'ko nakauwi. Nagpatulong ako kay Esteban na linisin 'to ng kaunti. Okay lang ba?"Napatingin ako sa kaniya at nahuli kong titig na titig siya sa 'kin. "Ano ka ba bakit mo pa tinatanong kung okay lang ba 'tong resthouse mo? Sobrang ganda kaya! Nakakalula tumira rito," namamangha
NAKANGITI AKONG INILAPAG ang order ng mag-asawang customer na nakangiti sa 'kin. Thursday na ngayon at sobrang pinagpapasalamat ko talagang dito ako nagtatrabaho. Wala pa 'kong na-encounter na mga irate customers. Hindi naman sa hinihiling ko na sana ay makatagpo ako. Natutuwa lang ako na talagang ginagalang nila kaming mga empleyado rito."I am really happy every time you served us our orders. Your aura looks so relaxing," nakangiting sabi ng matandang babae.Nginitian ko siya. "Thank you, Ma'am.""Give the young lady a tip, honey," sabi naman ng asawa niya.Inabutan ako ng matandang babae ng lilibuhin. "Take it, dear. Thanks for serving us."Inabot ko na lang 'yon at hindi ko na binilang pa. "Salamat po
"BAKIT BA TAYO nandito?" tanong ko kay Damon pagkapasok ko rito sa isang boutique shop sa loob ng isang mall.Friday ngayon at absent ako sa trabaho. Mamayang gabi na ang dinner sa mansion nila. Hindi pa nga rin ako mapalagay. Nate-tense ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ng parents niya sa 'kin mamaya. Alam ko naman na mabait ang parents ni Damon pero siyempre, ngayon kasi ay magkarelasyon na kami kaya sobrang kinakabahan ako sa dinner mamaya.Nilingon ako ni Damon. As usual, naka-black cap na naman siya. Nakasuot ng white shirt na pinatungan ng leather jacket, black jeans at shoes pero kahit ganoon lang ang suot niya ay halata pa rin talaga 'yong kaguwapuhan niya. Nahiya tuloy ako sa suot kong pantalon at yellow shirt. Naka-flat sandals lang din ako. Habang naglalakad nga kami rito sa loob ng mall ay hindi ko talaga maiwasang tumingin sa paligid k