NAGISING AKO NANG maramdaman ko ang isang malambot na bagay na gumagalaw sa braso ko. Paglingon ko ay ganoon na lang ang pag-aliwalas ng mukha ko dahil si Liam pala ay sumisiksik sa gilid ko. Natutuwa talaga ako sa asong 'to. Sobrang lambing niya! Dito na naman pala siya tumabi sa 'kin. Inangat ko ang wristwatch ko. 7:43 am na pala. Bigla akong napangiti nang maalala ko ang nangyari kagabi. Awtomatiko akong napayakap kay Liam.
Boyfriend ko na si Damon!
Napapakagat-labi ako ngayon at pakiramdam ko ay namumula ang mga pisngi ko. Lalo akong nahulog sa kaniya nang ikuwento niya 'yong nangyari sa kaniya noon na matagal ko naman nang alam. Pagkatapos ay hinalikan niya 'ko. Grabe. Hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang unang nakahalik sa 'kin at siya pa ang una kong boyfriend! Akalain mo 'yon? 'Yong lalaking hinahabol ko noon, 'yong lalaking pinipilahan ko lang at 'yo
"CAN I ASK you a question?"Napatingin ako kay Damon habang nandito kami sa loob ng kotse. Masayang-masaya ako ngayon kasi magkarelasyon na kami. Hindi pa nga rin ako makapaniwala. Siguro kung babalikan ko ulit 'yong mga ginawa kong paghabol sa events niya noon pati 'yong pagpunta ko sa hospital at iabot sa guard ang ginawa kong letter kung saan siya dinala matapos siyang maaksidente, hindi pa rin talaga ako makukumbinsi na magkarelasyon na kami ngayon. Sobrang unexpected. Anim. Anim na taon ko siyang tinitignan sa malayo tapos ngayon, grabe! Feeling ko sasabog 'yong puso ko sa sobrang tuwa. 'Yong lalaking pinagtutuunan ko ng pansin kahit hindi naman ako nag-e-exist sa mundo niya noon, heto at katabi ko na siya. Sobra-sobra pa nga kasi boyfriend ko na siya!"Ano po 'yon?" nakangiti kong tanong. Saglit niya 'kong tinignan at muli niyang binaling ang ulo sa harap ng kotse."I've rea
"SO, ANO NGA ang chika, ha?" bungad sa 'kin ni Jeanne pagkalabas ko ng kuwarto. Kagigising ko lang. Natulog kasi ako pagkaalis ni Damon kanina. Gabi na pala. Nandito ako ngayon sa kusina at umupo.Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi mo sasabihin kay Damon 'yong feelings ko sa kanya, ha! Wala kang sasabihing kahit ano sa mga ginawa natin dati. agagalit ako sMa 'yo."Umarte siyang parang natatakot. "Nakakatakot naman 'yang threat mo! 'Wag mo 'kong idamay sa mga pinaggagagawa mo kasi sinasamahan lang kita pero ikaw ang todo effort sa kaniya 'tsaka wala akong balak sabihin, 'no. Ipapaubaya ko na lang 'yon sa kasabihan na walang sikretong hindi nabubunyag!"Napailing na lang ako. Alam ko naman 'yon. Hahanap ako ng tiyempo. "Nasaan pala si Tita?""Pauwi na 'yon. Pinunt
NAMANGHA AKO SA loob nitong resthouse niya. Sobrang ganda! Mas maganda pa nga 'to kaysa sa mansion nila. Nahihiya tuloy ako bigla kasi feeling ko hindi fit 'yong damit na suot ko sa ganitong klaseng lugar. Para akong nasa isang museum sa sobrang ganda at laki ng resthouse niya. Napansin ko agad ang mga naglalakihang portrait pictures na nakasabit sa paligid. Kilala ko ang ibang mga nasa portrait. Mga model sila!Hinawakan ako ni Damon at naglakad kami. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. "Ako ang photographer ng mga model na 'yan dati. Ito 'yong inasikaso ko kanina kaya halos gabi na 'ko nakauwi. Nagpatulong ako kay Esteban na linisin 'to ng kaunti. Okay lang ba?"Napatingin ako sa kaniya at nahuli kong titig na titig siya sa 'kin. "Ano ka ba bakit mo pa tinatanong kung okay lang ba 'tong resthouse mo? Sobrang ganda kaya! Nakakalula tumira rito," namamangha
NAKANGITI AKONG INILAPAG ang order ng mag-asawang customer na nakangiti sa 'kin. Thursday na ngayon at sobrang pinagpapasalamat ko talagang dito ako nagtatrabaho. Wala pa 'kong na-encounter na mga irate customers. Hindi naman sa hinihiling ko na sana ay makatagpo ako. Natutuwa lang ako na talagang ginagalang nila kaming mga empleyado rito."I am really happy every time you served us our orders. Your aura looks so relaxing," nakangiting sabi ng matandang babae.Nginitian ko siya. "Thank you, Ma'am.""Give the young lady a tip, honey," sabi naman ng asawa niya.Inabutan ako ng matandang babae ng lilibuhin. "Take it, dear. Thanks for serving us."Inabot ko na lang 'yon at hindi ko na binilang pa. "Salamat po
"BAKIT BA TAYO nandito?" tanong ko kay Damon pagkapasok ko rito sa isang boutique shop sa loob ng isang mall.Friday ngayon at absent ako sa trabaho. Mamayang gabi na ang dinner sa mansion nila. Hindi pa nga rin ako mapalagay. Nate-tense ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ng parents niya sa 'kin mamaya. Alam ko naman na mabait ang parents ni Damon pero siyempre, ngayon kasi ay magkarelasyon na kami kaya sobrang kinakabahan ako sa dinner mamaya.Nilingon ako ni Damon. As usual, naka-black cap na naman siya. Nakasuot ng white shirt na pinatungan ng leather jacket, black jeans at shoes pero kahit ganoon lang ang suot niya ay halata pa rin talaga 'yong kaguwapuhan niya. Nahiya tuloy ako sa suot kong pantalon at yellow shirt. Naka-flat sandals lang din ako. Habang naglalakad nga kami rito sa loob ng mall ay hindi ko talaga maiwasang tumingin sa paligid k
Emma "HALIKA NA, EMMA," hinihila ako ni Damon papasok dito sa mansion nila. Nasa tapat na kami ng pinto papasok at nakikita ko ang mga kasambahay nila na aligagang nilalagay sa malaking mesa ang mga niluto nila para sa dinner namin. Napako ang tingin ko sa mga magulang niya na napangiti nang mapansin kami rito sa tapat nang malaking pinto nila. Nahihiya kong nilingon si Damon. "Nahiya ako bigla," napakagat-labi ako. Nakita kong tinignan ni Damon ang mga labi ko at biglang sumeryoso ang mukha niya. "Stop biting your lip. Kanina pa ako nagpipigil. Let's go inside. They're excited to see you." Namula ako sa sinabi niya at nagpatianod na 'ko nang hawakan niya ako sa siko habang sinasalubong namin ang mga magulang niya na tumayo at naglalakad par
TATLONG LINGGO NA kaming magkarelasyon ni Damon. Sa loob ng tatlong linggo na 'yon ay puro masasayang memories ang naiisip ko. Unang-una na 'yong mga asaran moments namin. Natutuwa nga ako sa kaniya kasi nasasabayan niya 'yong pang-aasar ko. Mahilig din kasi talaga akong mang-asar. Masasabi kong ako 'yong klase ng girlfriend na mapang-asar pero pikunin. Hindi na nga lang niya ako minsan pinapatulan kasi pinagbibigyan na lang daw niya ako at baka mapikon ako kapag siya naman ang nang-asar. Pakiramdam ko sa loob ng tatlong linggo ay nakapasok na ako sa buhay niya. Hinayaan niya akong makapasok sa buhay niya. Nakakatuwa lang talaga isipin na 'yong lalaking tinitignan ko sa malayo noon ay boyfriend ko na at patay na patay na rin sa 'kin pero s'yempre sa aming dalawa ako ang patay na patay! Magaling lang talaga akong magtago ng sikreto ko. Noong nakaraan nga ay nagpumilit na naman siyang pumunta sa bahay namin a
WALA AKONG PASOK dahil Sabado ngayon. Kagigising ko lang at dumiretso ako rito sa kusina para tignan kung may almusal sa mesa.Nang tignan ko ang nakalagay sa mesa ay may pandesal, peanut butter at hotdog. May sachet din ng Energen chocolate. Alam kasi nila tita na hindi ako nagkakape dahil naduduwal ako sa lasa at amoy niyon. Kumuha ako ng pandesal at nagpalaman ako ng peanut butter. Tapos ay kumuha ako nang mainit na tubig sa thermos na nasa mesa at nilagyan ko ang tasa na nandito rin sa mesa. Inumpisahan ko nang mag-almusal nang mailagay ko na ang Energen chocolate sa tasa at haluin ng kutsara. Napapikit pa 'ko. Sa totoo lang, nakakapagod 'yong ginagawa ko sa restaurant pero hindi ko maisip na magreklamo kasi bawing-bawi naman ako sa tip.Kagabi nga naka-dalawang tip ako! Ang dami ko na talagang naiipon na pera. Kahit pagod ako sa pag-uwi ay ayos lang lalo na at lagi akong hi