"ANG BAIT MO, Emma. Niligtas mo si Mrs. Montesoir kaya deserve mong matanggap dito!"
Natuwa ako sa sinabi nitong waiter na naghatid sa 'kin kanina sa HR Office. Bigla siyang lumapit sa 'kin habang tumitingin ako rito sa loob ng restaurant. Nginitian ko siya. "Kahit sino naman gagawin 'yon, 'no! Teka kanina pa tayo nag-uusap hindi ko alam kung ano'ng pangalan mo."
Inilahad niya 'yong kamay niya sa 'kin. "I'm Andriux but you can call me Andy na lang for short."
Tinanggap ko 'yong kamay niya tapos nag-shake hands kami. "Nice meeting you!"
"Ms. Asuncion, you're still here."
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Lumingon ako at nakita ko si Damon. Seryoso ang mukha habang nakatitig sa akin. Napatingin ako sa paligid. Nag-alala ako at baka mamukhaan siya ng mga tao pero mukhang busy ang mga customers kaya hindi nila napansin si Damon. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit siya ang nag-interview sa 'kin samantalang ayaw niyang lumabas ng mansion nila dahil sa mukha niya.
"Good afternoon, Sir!" bati sa kaniya ni Andy.
Dumako sa kaniya ang titig ni Damon at inangasan siya ng tingin na ikinabigla ko. "I like your watch, Andriux. May I know what time it is right now?"
Nakita kong namula si Andy. "Sorry po, Sir. Emma, sige na. It's nice meeting you, too," yumuko pa muna siya bago umalis sa harap namin.
Inilibot ko ang paningin dito sa restaurant. Sa training ko bukas ay sisiguruhin kong kabisado ko na 'tong kabuuan ng restaurant. Ang laki kasi! Inayos ko ang blazer ko at nagpasiya na 'kong umalis. Alam kong nasa gilid ko lang si Damon pero hindi ko na lang siya pinansin. Baka galit na naman siya sa 'kin kasi nahuli niya 'kong nakikipag-usap sa empleyado sa oras ng trabaho nito. Naglakad na 'ko.
"Where are you going, Emma?"
Nahinto ako sa paglalakad. Emma. Hindi na Ms. Asuncion. Ang bilis naman magbago ng tawag niya sa 'kin. Siguro kasi nasa labas na kami ng HR Office. Sobrang seryoso pa rin ang tono ng boses niya.
Hindi ko siya nilingon pero nakatayo lang ako. Naghihintay ako kung magsasalita siya ulit. Ayoko na namang umasa. Umiyak na 'ko noong nakaraan lang dahil sa kaniya. Nang hindi na siya nagsalita ay naglakad na 'ko palabas ng restaurant. Nginitian ko muna ang guard na kinulit ko kanina. Bukas ko na lang aalamin kung ano ang pangalan niya. Nakalimutan kong itanong kanina. Nakatingin ako sa mga naglalakihang billboard at nakita ko na naman ang mukha ni Ana Marie Ramorez. Kung saan-saang lugar ko na lang nakikita ang mukha niya. Napalunok ako habang nakatingin sa billboard. Siya. Siya 'yong gusto ni Damon. Type siya ni Damon. Magkasama sila dati ni Damon. Magkasintahan silang dalawa noon. Ngumiti ako at umiling. Hay. Nagulat ako nang biglang may humila ng braso ko dahilan para mapalingon ako.
"Damon," gulat kong sabi. Sobrang lalim ng titig niya sa akin at napapaso ako sa kulay abo niyang mga mata.
"Emma," hinihingal siya.
Bakit ba niya 'ko biglang hinabol dito? Baka mamaya may makakilala sa kaniya! Gusto kong sabihin 'yon sa kaniya pero magtataka siya kapag sinabi ko 'yon.
Ang tagal niyang tinitigan ang mukha ko at nag-iwas siya ng tingin. "You..."
Kumunot ang noo ko. Hindi ko siya maintindihan. Binalik niya ang titig sa 'kin at napalunok pa siya. "Stop it, Emma. Itigil mo na kung anuman ang iniisip mo."
Natulala ako habang nakatitig sa mukha niya. Hindi naman ako tanga. Alam ko kung ano ang pinupunto niya.
"Look. I kissed you but it meant nothing, okay?" paliwanag niya.
Mabilis akong tumango. Namanhid bigla ang buong mukha ko. Kung binabalak niya 'kong saktan puwes nagtagumpay siya ngayon. Tinignan ko siya. Titig na titig pa rin siya sa 'kin. Bawat detalye ng mukha ko ay tinitignan niya. Tumango lang ako ulit at mabilis na tumalikod. Naglakad ako palayo sa kaniya hanggang sa may makita akong UV. Agad akong pumara at sumakay. Pagkasakay ko palang ay tumulo na ang luha ko. Agad kong pinunasan 'yon. Biglang sumakit ang lalamunan ko. Ang sakit ng sinabi niya.
Ang unfair mo, Damon. Ang unfair, unfair mo. Ayoko na sa 'yo. Ayoko na talaga.
Nang makarating ako agad sa bahay ay dumiretso ako sa kuwarto ko. Mukhang wala si Jeanne. Baka pinuntahan si tita sa palengke o nag-review sa labas. Humiga ako sa kama at humagulhol. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya 'yong harap-harapan niyang pangre-reject sa 'kin. Sobrang sakit. Sobrang sakit na narinig ko mismo mula sa kaniya 'yong rejection. Ang bilis umagos ng mga luha ko sa pisngi ko. Hindi ako makahinga nang maayos. Inabot ko ang unan ko at mahigpit na niyakap 'yon. Iyak ko lang ang maririnig dito sa kuwarto.
Pinunasan ko ang mga luhang dumadaloy malapit sa leeg ko. "Damon ang sakit-sakit. Bakit kailangan mo pang sabihin sa 'kin anpaulit-ulit na hindi mo 'ko magugustuhan? Bakit ka nanghahalik nang walang dahilan? Sanay na sanay ka talagang maglaro ng mga babae. Bakit ka ganiyan?" pinahid ko ulit ang mga bagong luha na tumulo sa pisngi ko.
Napatingin ako sa mga posters at printed pictures niya sa pader. Lalo akong naiyak. Bakit ba kasi gusto ko siya?
"Ang sakit. Ang sakit magkagusto sa taong ang hirap abutin. Hanggang panaginip na lang ako. Damon, bakit ba mahal na mahal kita? Ayoko na. Pagod na 'ko. Ayoko na sa 'yo. Ititigil ko na ang nararamdaman ko sa 'yo. Ayoko na. Ayoko na. Kakalimutan na kita. Ang sakit-sakit nang ginawa mo sa 'kin. Akala mo wala akong pakiramdam at hindi ako marunong masaktan. Ang daya-daya mo, Damon. Madaya ka," hagulhol ko.
Kung alam niya lang. Kung alam niya lang kung gaano ko siya kamahal. Aaminin ko mahal ko si Damon noon pa. Kaya sobrang sakit nang nangyari kanina. Bakit kailangan niya 'kong saktan bago kami magkahiwalay? Siniguro ko na walang makakarinig ng hagulhol ko dahil ayoko na. Ayoko nang pag-usapan pa siya. Tatanggalin ko na ang mga posters at printed pictures niya rito. Huminga ako nang malalim. Unti-unti akong napapikit at dinalaw na 'ko ng antok. Hanggang sa panaginip ko ay nakita ko si Damon.
Malungkot siya. Malungkot na malungkot siya sa panaginip ko.
"HELLO, KUYA! GOOD morning!" nakangiting bati ko sa guard. Kakarating ko lang dito sa restaurant. 30 minutes pa bago ang oras ng training ko.
Tinignan ako niya ako. Sinisipat niya 'yong mukha ko. "Bakit parang namamaga 'yang mga mata mo? Umiyak ka?"
"Hindi, Kuya. Napuyat ako kagabi kakabasa ng libro," pagsisinungaling ko.
"Akala ko umiyak ka, e. Hindi mo deserve umiyak."
"Grabe ka talaga. Ano po palang pangalan n'yo? Kahapon pa tayo nag-uusap hindi ko man lang natanong."
"Pa'no mo matatanong ang pangalan ko, e, paulit-ulit ka sa katatanong kahapon ng kung ano-ano."
Natawa ako. "Sorry na pero ano po'ng pangalan n'yo?"
"I'm Madrid Madrigal."
Nanlaki ang mga mata ko. "Ano'ng klaseng pangalan 'yan? Madrid Madrigal?"
Napangisi siya. "Wala, e. Pinagtripan 'ata ako ng mga magulang ko pero okay na 'yon. Bawing-bawi naman ako sa looks," kumindat pa siya sa 'kin.
Nginitian ko na lang siya. Ang gaan niyang kausap. "But you can call me Rid for short."
"Okay. Sige na, Kuya este Rid. Pasok na 'ko sa loob."
"Sige. Good luck sa training, Emma."
Sinuklian ko siya ng ngiti at pumasok na 'ko. Grabe. Ang daming customers ngayong hapon. Nahiya ako bigla sa suot ko. Simpleng heels, jeans at light blue shirt lang ang suot ko. Wala pa kasi akong uniform, e. Nag-light make up na lang ako para kahit papa'no ay presentable naman akong tignan. Nakita ko si Andy na papalapit sa 'kin.
"Uy, Emma! Nandito ka na pala. Tawagin ko lang si Mincey. Siya kasi ang magtuturo sa 'yo ngayon sa training. Wait lang, a!"
Tumango ako at hinintay ko siya rito sa gilid ng restaurant. Ang ganda talaga rito. Napatingin ako sa isang menu na hawak ng isang customer. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang halaga ng isang tasa ng kape na sobrang haba ng pangalan sa menu. 500 pesos. Diyos ko! Puwede na 'kong makabili ng tatlong dosenang kape sachet sa 500 pesos na 'yan.
"Hello, Emma! I'm Mincey. Here's your uniform. Kindly change first sa restroom. Sorry to say this pero may urgent akong need na gawin sa kusina. Si Andy na lang ang magtuturo sa 'yo since waiter naman siya," bumaling siya kay Andy na maagap na nag-aasikaso ng mga customers. "Andy! After mo r'yan ikaw ang magturo kay Emma. I'm gonna assign another waiter muna to replace you sa pag-assist ng customers. Sorry again, Emma."
Nginitian ko siya. Ang bait niya. "Okay lang! Sige na pumunta na po kayo sa kusina. Si Andy na po'ng bahala sa 'kin. Medyo close naman na po kami."
"Okay, I see. That's great! Thank you. I have to go to the kitchen area now."
Nginitian ko si Andy nang lumapit siya sa 'kin. "Ikaw pala ang magtuturo sa 'kin."
"E, 'di ayos. Magpalit ka na muna ng damit tapos usap tayo mga five minutes then titignan kita sa actual."
"Actual?"
"Oo, titignan ko kung pa'no ka mag-assist ng concerns ng mga customer. Feeling ko naman mabilis kang matututo," may inabot siya sa 'kin na susi. "Susi mo 'yan sa locker mo. Binigay sa 'kin ni Mincey. Doon mo ilagay 'yong damit na huhubarin mo," aniya at tinuro sa akin ang daan papuntang locker room.
"Sige. Sige."
Tinanggap ko ang susi at pumunta ako sa restroom tapos pumasok ako sa isang cubicle. Pagkatapos kong magpalit ay humarap ako sa malaking salamin. Natulala ako bigla. Fit sa 'kin 'yong uniform. Sakto sa balikat at braso ko. Fitted sa bandang dibdib hanggang sa baywang. Hanggang above the knee sa 'kin ang uniform. Pinagpapasalamat ko na lang na wala akong peklat sa legs. Inayos ko ang buhok kong nakalugay. Kailangan kong itali ang buhok ko dahil rules 'yon sa kahit anong company na nagse-serve ng food. Tinali ko ang buhok ko at inipit ko ng pin ang color peach cap sa ulo ko. Napangiti ako. Grabe. Gusto ko 'tong uniform na 'to! Ang lakas maka-sosyal na waitress.
Si Damon.
Natigilan ako nang bigla siyang sumagi sa isip ko. Huminga ako nang malalim. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. "Tumigil ka na."
Inirapan ko ang sarili ko sa salamin at matapos kong tupiin ang mga damit ko ay lumabas na 'ko ng restroom. Dumiretso ako sa locker room at naglakad pabalik sa dining area ng restaurant. Seryoso ang mukha ko habang naglalakad. Tinignan ko ang mga customer at natigilan ako dahil nakatingin sila sa 'kin. Napahawak ako sa mukha ko. May dumi ba 'ko? Pagtingin ko naman kanina sa salamin ay wala naman akong dumi sa mukha. Naco-conscious tuloy ako.
"Ikaw ba 'yan, Emma?" lumingon ako at nakita ko si Andy na nakatitig sa 'kin.
"Oo ako 'to baliw. Bakit?"
"Bagay sa 'yo 'yong uniform. Ang elegant mong tignan."
"Grabe ka naman. Sige na ituro mo na sa 'kin 'yong dapat gawin."
"Okay. Mabilisan lang 'to. Alam ko naman na may idea ka sa pagiging waitress. Lalapit sa mga customers na parating. Tatanungin kung anong io-order nila pero kapag wala pa silang maisip, ibibigay mo 'yong menu. Give them time to think tapos hintayin mo kapag tinawag ka ulit nila after nila makapili ng order. Then lastly, ise-serve natin ang orders nila. After ng training natin mamaya ay ibibigay ko sa 'yo ang other rules and regulations ng restaurant at ng mga waiters and waitresses but for now focus ka muna sa mga sinabi ko ngayon. Okay naman sa 'yo 'yong mga sinabi ko? Naintindihan mo?"
"Oo. Grabe ka mag-explain tuloy-tuloy. Hindi ka ba hiningal?"
"Hahaha. Hindi, ano ka ba. Sige. Mag-assist ka, a. Titignan ko kung naintindihan mo 'yong sinabi ko."
Tumango ako. "Sige. Sige. Simulan na natin."
"Okay. Hintayin natin na may bagong customer na pumasok. I-assist mo."
"Okay."
Pareho kaming nakatingin sa glass door ng restaurant pero ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin pumapasok. "Kayang-kaya mo 'yan. Galingan mo, a."
"Oo naman! Watch me."
Napatingin kami nang biglang bumukas ang glass door. "O, ayan. Assist mo na siya!"
Nilingon ko si Andy. "Sure ka?"
"Oo. Hindi naman siya naka-tuxedo kaya mukhang kakain siya gaya ng dati niyang ginagawa noon. Natutuwa nga kami at after two years ay pumunta siya rito sa restaurant nila."
Hindi ako nakasagot. Wala naman akong gustong sabihin. Huminga ako nang malalim at seryosong naglakad sa lalaking umupo sa sulok na bahagi ng restaurant. 'Yong hindi masyadong nasisilayan ng ilaw. Seryoso siyang nakatingin sa menu. Bakit siya nandito? Ang daming tao sa paligid niya.
"Good afternoon, Sir. May I have your order please?"
Tumingala siya at napatitig sa 'kin. "Emma..." halos bulong na sabi niya.
Tumango ako. "Balikan ko na lang po kayo kapag may order na kayo. Excuse me, Sir," sabi ko at naglakad palayo sa kaniya.
May mga bagong dumating at nang makaupo na sila sa napiling puwesto ay pinuntahan ko sila. Nakapili na agad sila ng order at nilingon ko si Andy na nakangiti sa 'kin. Nag-thumbs up ako sa kaniya na ginantihan niya rin. Natutuwa ako dahil mukhang mabilis akong matututo ngayong araw.
NANDITO KAMING DALAWA ni Andy sa locker room. Kakapalit ko lang ng damit. Ang solid ng training ko kanina. Sobrang nag-enjoy ko! Nakakatuwa mag-greet ng customers tapos ngingitian ka nila. Imbes na dapat sila ang dapat maging happy dito sa restaurant pati ako ay nagiging happy na rin dahil sa pagiging mabait nila as our customers. Kaya sobrang gaan lang ng training kanina. May nagbigay ngang tip sa 'kin! Five thousand!"Ang galing mo pati si Mincey ay natuwa sa 'yo. For sure, pati sila Mrs. Montesoir ay matutuwa sa training performance mo ngayong araw," sabi sa 'kin ni Andy."S'yempre, magaling 'yong nagtuturo! Hands on sa tabi ko," nakangiting sagot ko sa kaniya."Sus. Kahit naman ano'ng turo ko sa 'yo kung mabagal kang pumick-up ay walang mangyayari. Ang galing mo ma
LAST DAY OFtraining ko na ngayong araw!Sobrang saya ko. Tuwang-tuwa sa 'kin sila Ma'am Mincey kasi ang bilis ko raw matuto. Tapos 'yong mga customers na ina-assist ko tuwang-tuwa rin sa 'kin kasi ang bilis ko raw mag-asikaso. Fast learner daw ako kaya nga may tip na naman ako! Nakakatuwa talaga. Sana nga makita ko ulit sila Ma'am Estela para makapagpasalamat ulit ako. Sabi kasi sa 'kin ni Andy kanina ay pumuntang Japan si Ma'am Estela dahil niyaya raw ng kaibigan na mamasyal doon saglit. Magpapasalamat talaga ako sa kaniya kapag nakita ko siya rito sa restaurant nila. Aaking tulong talaga sa 'kin nitong trabaho ko rito bilang isang waitress.Napatingin ako sa wristwatch ko. 10 minutes na lang ay off ko na. Worth it 'yong pagod ko. Hindi ko nga ramdam 'yong pagod, e! Nginitian ko si Andy nang lumapit siya sa 'kin.
"NA-MISS KO SILA Manang Dehlia," masayang sabi ko nang makarating na kami rito sa bahay nila. Lumabas na kami ng kotse at papasok na kami sa loob."Sila Aling Dehlia lang?" seryosong tanong ni Damon."Pati si Liam.""Si Liam lang?""Pati 'yong parents mo!"Nauna na siyang pumasok sa loob. "Sige. Miss ka na rin daw nila."Grabe. Hindi na 'ata mawala 'yong ngiti sa mga labi ko. Natatawa ako sa kaniya. Halata naman kasing gusto niyang sabihin kong nami-miss ko siya. Hinabol ko siya sa paglalakad at bahagya ko siyang nilagpasan at nilingon. Nakatingin din siya sa 'kin.Ngiting-ngiti ako. "Miss ko naman talaga sil
NAGISING AKO NANG maramdaman ko ang isang malambot na bagay na gumagalaw sa braso ko. Paglingon ko ay ganoon na lang ang pag-aliwalas ng mukha ko dahil si Liam pala ay sumisiksik sa gilid ko. Natutuwa talaga ako sa asong 'to. Sobrang lambing niya! Dito na naman pala siya tumabi sa 'kin. Inangat ko ang wristwatch ko. 7:43 am na pala. Bigla akong napangiti nang maalala ko ang nangyari kagabi. Awtomatiko akong napayakap kay Liam.Boyfriend ko na si Damon!Napapakagat-labi ako ngayon at pakiramdam ko ay namumula ang mga pisngi ko. Lalo akong nahulog sa kaniya nang ikuwento niya 'yong nangyari sa kaniya noon na matagal ko naman nang alam. Pagkatapos ay hinalikan niya 'ko. Grabe. Hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang unang nakahalik sa 'kin at siya pa ang una kong boyfriend! Akalain mo 'yon? 'Yong lalaking hinahabol ko noon, 'yong lalaking pinipilahan ko lang at 'yo
"CAN I ASK you a question?"Napatingin ako kay Damon habang nandito kami sa loob ng kotse. Masayang-masaya ako ngayon kasi magkarelasyon na kami. Hindi pa nga rin ako makapaniwala. Siguro kung babalikan ko ulit 'yong mga ginawa kong paghabol sa events niya noon pati 'yong pagpunta ko sa hospital at iabot sa guard ang ginawa kong letter kung saan siya dinala matapos siyang maaksidente, hindi pa rin talaga ako makukumbinsi na magkarelasyon na kami ngayon. Sobrang unexpected. Anim. Anim na taon ko siyang tinitignan sa malayo tapos ngayon, grabe! Feeling ko sasabog 'yong puso ko sa sobrang tuwa. 'Yong lalaking pinagtutuunan ko ng pansin kahit hindi naman ako nag-e-exist sa mundo niya noon, heto at katabi ko na siya. Sobra-sobra pa nga kasi boyfriend ko na siya!"Ano po 'yon?" nakangiti kong tanong. Saglit niya 'kong tinignan at muli niyang binaling ang ulo sa harap ng kotse."I've rea
"SO, ANO NGA ang chika, ha?" bungad sa 'kin ni Jeanne pagkalabas ko ng kuwarto. Kagigising ko lang. Natulog kasi ako pagkaalis ni Damon kanina. Gabi na pala. Nandito ako ngayon sa kusina at umupo.Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi mo sasabihin kay Damon 'yong feelings ko sa kanya, ha! Wala kang sasabihing kahit ano sa mga ginawa natin dati. agagalit ako sMa 'yo."Umarte siyang parang natatakot. "Nakakatakot naman 'yang threat mo! 'Wag mo 'kong idamay sa mga pinaggagagawa mo kasi sinasamahan lang kita pero ikaw ang todo effort sa kaniya 'tsaka wala akong balak sabihin, 'no. Ipapaubaya ko na lang 'yon sa kasabihan na walang sikretong hindi nabubunyag!"Napailing na lang ako. Alam ko naman 'yon. Hahanap ako ng tiyempo. "Nasaan pala si Tita?""Pauwi na 'yon. Pinunt
NAMANGHA AKO SA loob nitong resthouse niya. Sobrang ganda! Mas maganda pa nga 'to kaysa sa mansion nila. Nahihiya tuloy ako bigla kasi feeling ko hindi fit 'yong damit na suot ko sa ganitong klaseng lugar. Para akong nasa isang museum sa sobrang ganda at laki ng resthouse niya. Napansin ko agad ang mga naglalakihang portrait pictures na nakasabit sa paligid. Kilala ko ang ibang mga nasa portrait. Mga model sila!Hinawakan ako ni Damon at naglakad kami. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. "Ako ang photographer ng mga model na 'yan dati. Ito 'yong inasikaso ko kanina kaya halos gabi na 'ko nakauwi. Nagpatulong ako kay Esteban na linisin 'to ng kaunti. Okay lang ba?"Napatingin ako sa kaniya at nahuli kong titig na titig siya sa 'kin. "Ano ka ba bakit mo pa tinatanong kung okay lang ba 'tong resthouse mo? Sobrang ganda kaya! Nakakalula tumira rito," namamangha
NAKANGITI AKONG INILAPAG ang order ng mag-asawang customer na nakangiti sa 'kin. Thursday na ngayon at sobrang pinagpapasalamat ko talagang dito ako nagtatrabaho. Wala pa 'kong na-encounter na mga irate customers. Hindi naman sa hinihiling ko na sana ay makatagpo ako. Natutuwa lang ako na talagang ginagalang nila kaming mga empleyado rito."I am really happy every time you served us our orders. Your aura looks so relaxing," nakangiting sabi ng matandang babae.Nginitian ko siya. "Thank you, Ma'am.""Give the young lady a tip, honey," sabi naman ng asawa niya.Inabutan ako ng matandang babae ng lilibuhin. "Take it, dear. Thanks for serving us."Inabot ko na lang 'yon at hindi ko na binilang pa. "Salamat po