"KUYA, SURE KA talaga sa sinasabi mo? Hindi ka po nagbibiro?"
Ilang ulit kong tanong sa guard at ilang beses na rin niya akong sinasagot nang paulit-ulit. Natawa na siya sa 'kin. Nakukulitan na 'ata siya. Ngayon na kasi ang araw na mag-a-apply ako sa restaurant nila Damon. Kung apply nga bang matatawag 'to dahil hired na ako. For formality na lang siguro itong ngayon at para ma-interview na rin ako.
"Yes po, Ma'am. Kanina ka pa hinihintay sa HR. Ni-request ni Ma'am Estela sa HR na maaga silang pumasok para in case maaga kang pupunta rito, hindi ka na maghihintay."
Nag-move na ako sa another question. "E, after lunch na po ako ngayon nakarating. Baka inip na inip na sila. Nakakahiya po. Okay lang po kaya 'yon?"
"Okay lang 'yon. Sige na, pumasok ka na. Sinabi sa 'kin ni Ma'am na abangan kita at ipaalam sa 'yo na dumiretso ka na agad sa HR. Sila na bahala sa 'yo."
"Paano n'yo po nalaman na ako 'yong pinagbilin sa inyo ni Ma'am Estela?" hirit ko pa. Ang kulit ko grabe.
Napakamot na siya sa batok niya. Lihim akong natawa. "Kulot daw 'yong babae. Morena. Maganda. Matangkad."
Natawa ako sa sinabi niya. "Grabe namang description 'yan. Maganda talaga?"
Ngumiti siya sa 'kin. Kaedaran ko lang yata siya o mas matanda lang siya sa 'kin ng ilang taon. "E, ayon ang description ni Ma'am sa tawag kanina. Nasa 'yo 'yong lahat ng qualities na sinabi niya."
Napangiti ako. "Wow. Nakaka-touch. O, sige na, Kuya. Salamat, a! Bale, pagpasok ko liko lang ako sa kaliwa then sa bandang dulo nandoon na po 'yong HR Office?"
Tumango siya. "Nadali mo, Ma'am."
"Sige po, thank you!" sabi ko at pumasok na ako sa loob.
Grabe. Kung ano'ng kinaganda sa labas ay ganoon naman ang kinabongga sa loob. Puro makikinang na mga bagay ang nakikita ko. Kulay gold ang mga mesa na gawa sa metal. Ganoon din ang mga upuan. Ang ayos tignan. Elegant-looking. Napangiti ako nang makita ko ang mga waitress na naglalakad sa paligid ko.
Ang ganda ng uniform nila! Naalala ko 'yong uniform nila sa mga foreign music videos. Hindi siya two-piece uniform. Color peach ang uniform ng mga waitress. Hanggang below the knee ang uniform. With matching cap pa sa ulo! Lakas maka-flight attendant. Naagaw ang atensiyon ko nang bigla akong batiin ng isang waiter.
"Good afternoon, Ma'am! Welcome to Montesoir's!"
Nginitian ko siya. "Magiging waitress din ako rito! Ako pala si Emma."
Tumango-tango siya at pinasadahan ako ng tingin. "Ikaw pala 'yong kanina pang hinihintay sa HR ni Mr. Montesoir. Halika na."
Natuwa ako sa kaniya kasi talagang tinuro niya sa 'kin 'yong office. Nandito na kami sa harap ng pinto ng HR Office.
"Dito na 'yon, Emma," nakangiting sabi niya.
Nginitian ko rin siya pabalik. "Salamat, a!"
"No worries. Bye na."
Hinatid ko muna siya ng tingin at humarap na 'ko rito sa pinto ng HR Office. Kinakabahan ako. Hindi pa rin ako makapaniwalang magkakatrabaho na 'ko! Huminga ako nang malalim at mahinang kumatok ng dalawang beses.
"Come in," rinig kong sabi ng tao sa loob.
Ito na. Magkakatrabaho na talaga ako! Tuwang-tuwa kanina sa 'kin sila tita at Jeanne. Galingan ko raw. Gagalingan ko talaga!
Pinihit ko ang doorknob at na-amaze ako sa sobrang ganda ng office rito sa loob. Ang ganda ng design kahit mukhang manly. May mga sofa pa. Maluwag 'tong HR Office. Parang office nga 'to ng CEO na napapanood ko sa movies. Natigil ang tingin ko sa isang slick metal table na nasa harap ko. Mula roon ay may likod ng isang lalaking nakasuot ng tuxedo. May kinakausap siya sa telepono. Lalaki pala ang kakausap sa 'kin.
Tumikhim ako. "Good afternoon po. Ako po si Emma. Emma Gwyneth Asuncion. Applying for a waitress position."
Tinignan ko ang pag-ikot ng swivel chair na kinauupuan ng lalaki at natulala ako nang makita ko kung sino 'yon. He looked at me seriously. "Just to inform you, Ms. Asuncion, you're already hired."
Napanganga ako sa hitsura niya. Ang hot niyang tignan. Kita ko na ang kabuuan ng mukha niya.
"Damon," mahinang sabi ko.
Tinignan niya lang ako kaya sinalubong ko rin ang titig niya. Nakatali ang buhok niya in a man bun style kaya kitang-kita ko ang kabuuan ng mukha niya. He looked so mature. A grown up man. Dumagdag pa ang balbas niya. Ang manly niya tignan.
Napakurap-kurap ako. Naestatwa ako rito sa kinatatayuan ko. He looked at me from head to toe and used his point finger to make me come near him. I obeyed him hanggang sa nakaupo na ako rito sa tapat ng mesa. Napapalunok ako dahil titig na titig siya sa 'kin. Ano'ng ginagawa niya rito sa HR Office? Ang pagkakaalam ko ay iba ang mag-i-interview sa 'kin dito.
Akala ko hindi ko na siya makikita matapos niya 'kong halikan.
I shook my head to erase those thoughts. Ayoko nang isipin 'yon. Nandito ako para magtrabaho. Nandito ako para makapag-ipon for my tuition fee. Sinabi ko sa sarili ko kagabi bago ako matulog na hindi ko na iintindihin ang pagkagusto ko sa kaniya. Na-realize ko na ilang beses na niya 'kong pinaiyak simula nang nakita ko siya. Hindi pa kasama roon 'yong mga panahon na model pa siya at sobrang patay na patay ako sa kaniya.
Kailangan kong maging pormal. Sumeryoso ako ng mukha. "Good morning, Sir. Sorry I am late," seryoso ang tono ng boses ko. Kailangan kong isipin kung ano ang dahilan ng pagtatrabaho ko rito.
Napansin kong natigilan siya sa 'kin at biglang bumuka ang mga labi niya. Ngunit sandali lang 'yon dahil agad din siyang pumormal at tinignan ang folder na nakapatong sa mesa.
Sumandal siya sa swivel chair at matiim akong tinignan. "Ms. Asuncion, you already have your working schedule. Tuesday, Wednesday, Thursday, and Friday. 5:00 pm to 11:00 pm You have a three-day rest day. The amount of your monthly compensation is 25 thousand. Is that okay with you?"
Grabe. Ang laki ng suswelduhin ko! Walang-wala kung sa fast food restaurant ako magtatrabaho.
"25 thousand talaga?" ulit ko sa kaniya.
Tumango siya sa 'kin habang titig na titig sa mukha ko. "Yes, Ms. Asuncion. Is there anything wrong about it?"
Tinignan ko siya saglit bago ako nag-iwas ng tingin. Kapag ganiyan na ang seryoso niya magsalita tapos English speaking siya, para siyang si Damon na nakikita ko dati sa mga interviews niya. Ano ba, Emma! Nandito ka para magtrabaho, okay? For once, isipin mo naman 'yong sarili mo hindi puro si Damon na wala namang gusto sa 'yo!
"Nothing, Sir. When will I start working here?"
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang saglit na pagtitig niya sa mga labi ko bago siya nagtaas ng tingin sa buong mukha ko. Buti na lang at nag-ayos ako ngayon. I was wearing a three-inch black heel, black pencil skirt, white top na pinatungan ko ng black blazer. Nakalugay ang kulot kong buhok and I was wearing a dark red matte lipstick. Si Jeanne naman ang naglagay ng konting blush on sa cheeks ko.
Tumikhim muna siya bago magsalita. "I want to see you tomorrow---I mean, you'll start working tomorrow. Do your job well. I hate late employees. Be punctual. Do you understand, Ms. Asuncion?"
"Yes, Sir," inabot ko sa kaniya ang dala kong brown folder.
Naglalaman iyon ng resume ko. Kahit naman kasi automatically hired na 'ko rito sa restaurant nila ay kailangan ko pa rin magbigay ng resume for formality 'tsaka para may alam na silang slight information about sa 'kin as one of their employees.
Inabot niya 'yon at inilapag sa mesa. Hindi man lang niya nagawang tignan ang loob. He looked at me seriously. "You may go now, but if you like I can---I mean you can tour yourself around when you go outside and observe everything so you have an idea what you are going to do tomorrow. Oh, before I forgot, tomorrow will be your training. You have a one-week training."
"Understood, Sir."
"Okay. I think everything is clear. You may go now."
Napalunok ako. Pakiramdam ko ay parang hindi siya 'yong lalaking humalik sa 'kin. Ibang-iba siya. Sinasampal talaga ako ng katotohanan na wala akong epekto sa kaniya. Hindi naman kasi ako pasok sa standards niya kumpara sa mga babae niya dati. Tumayo na 'ko at bahagyang inayos ang skirt ko. Pinasadahan pa niya 'ko ng tingin kaya medyo nailang ako.
"Thank you, Sir."
Agad akong naglakad palabas at sumandal muna ako nang maisara ko na ang pinto. Isa lang talaga ang nasa isip ko kanina matapos ko siyang makita sa loob ng HR Office. Alam kong pinipigilan ko na ang feelings ko sa kaniya pero natutuwa ako at nakita ko siya ngayong araw.
I KNOW SHE already left this room but I can't stop thinking about her. I didn't know what has gotten into my mind again! Pinaalis ko 'yong dapat kakausap sa kaniya ngayon. Tamang-tama nang dumating ako ay dumating na rin siya. My mother didn't even know that I left the mansion. Sigurado akong magugulat 'yon kapag nalamang nandito ako ngayon sa restaurant. That woman. Hindi niya alam kung ano'ng hirap ang ginawa ko bago makapasok dito. With this kind of face, I had to go here directly inside the office and when the HR woman saw me here she looked so shocked and tensed. I didn't know if it was because I looked ugly or it was because she can't believe I was here inside!
This was my first time going here after the accident because of that beautiful woman who owned the sweetest lips! Damn her! I was starstruck the moment I saw her here inside. She looked so beautiful and very sophisticated. Her face, her blushed cheeks, and her dark red lips were so tempting to look at! Nababaliw na yata siguro ako sa babaeng 'yon!
In my 27 years of existence, ngayon lang ako pasikretong naghabol ng babae! She looked so perfect. I liked her face. I liked her skin. I liked everything about her. I had to ignore the distracting stares of our customers who were eating outside para lang makapasok ako rito. I made sure na hindi nila nakita ang mukha ko pero safe and sound naman dito sa restaurant. We owned this place.
As if people still recognize you, Damon. My mind taunted me.
Damn it. Everything seemed so blank whenever I was thinking of that woman! I looked at the folder she gave me and opened it. My eyes fell on her 2x2 photo. She was smiling in the photo. She had no makeup, but she still looked so beautiful. She looked simple yet breathtakingly beautiful. She looked so young. Napapikit ako. How the fuck I was teasing her as a kid? Na bata siya? With that kind of face, tangina. Kayang-kaya niya 'kong painitin nang hindi niya nalalaman.
I shrugged my thoughts off and started reading her resume. I wanted to know some information about her. I focused on her personal information.
Personal Information
Name: Emma Gwyneth P. Asuncion
Nickname: Emma, Gwen
Birthdate: November 4, 1997
Civil Status: Single
Address: 0059 Lt. Rainbow St., SSS Village, Marikina City
Father: Federico C. Asuncion - deceased
Mother: Rosalda P. Asuncion - deceased
Guardian: Pacita P. Manuel (Aunt)
Siblings: N/A
Educational Background
Tertiary - St. Mary College of Communication
Bachelor of Arts in Communication - Undergraduate
Secondary - St. Mary Highschool
When I saw her phone number, I got my phone and saved it directly in my contacts. Damn it, ngayong lang ako nag-initiate na kunin ang contact number ng isang babae dahil noon ay mga babae ang mismong nagbibigay ng mga number nila sa 'kin pero bigla akong nagtaka sa isa kong nabasa. Pareho na palang patay ang mga magulang niya. Bakit kaya? Napatingin ako sa nilabasan niyang pinto. I wanted to go outside. I hated to admit this but I wanted to see her beautiful face again. Her face calmed me. I stood up and walked outside. I saw her from here and she was smiling. She looked so beautiful. Really, really beautiful.
I didn't know but I felt irritated when one of our employees walked near her and talked to her. They were smiling at each other. I looked at them seriously. Before I could think, I found myself walking toward them.
"ANG BAIT MO, Emma. Niligtas mo si Mrs. Montesoir kaya deserve mong matanggap dito!"Natuwa ako sa sinabi nitong waiter na naghatid sa 'kin kanina sa HR Office. Bigla siyang lumapit sa 'kin habang tumitingin ako rito sa loob ng restaurant. Nginitian ko siya. "Kahit sino naman gagawin 'yon, 'no! Teka kanina pa tayo nag-uusap hindi ko alam kung ano'ng pangalan mo."Inilahad niya 'yong kamay niya sa 'kin. "I'm Andriux but you can call me Andy na lang for short."Tinanggap ko 'yong kamay niya tapos nag-shake hands kami. "Nice meeting you!""Ms. Asuncion, you're still here."Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Lumingon ako at nakita ko si Damon. Seryoso ang mukha habang nakatitig sa akin. Napa
NANDITO KAMING DALAWA ni Andy sa locker room. Kakapalit ko lang ng damit. Ang solid ng training ko kanina. Sobrang nag-enjoy ko! Nakakatuwa mag-greet ng customers tapos ngingitian ka nila. Imbes na dapat sila ang dapat maging happy dito sa restaurant pati ako ay nagiging happy na rin dahil sa pagiging mabait nila as our customers. Kaya sobrang gaan lang ng training kanina. May nagbigay ngang tip sa 'kin! Five thousand!"Ang galing mo pati si Mincey ay natuwa sa 'yo. For sure, pati sila Mrs. Montesoir ay matutuwa sa training performance mo ngayong araw," sabi sa 'kin ni Andy."S'yempre, magaling 'yong nagtuturo! Hands on sa tabi ko," nakangiting sagot ko sa kaniya."Sus. Kahit naman ano'ng turo ko sa 'yo kung mabagal kang pumick-up ay walang mangyayari. Ang galing mo ma
LAST DAY OFtraining ko na ngayong araw!Sobrang saya ko. Tuwang-tuwa sa 'kin sila Ma'am Mincey kasi ang bilis ko raw matuto. Tapos 'yong mga customers na ina-assist ko tuwang-tuwa rin sa 'kin kasi ang bilis ko raw mag-asikaso. Fast learner daw ako kaya nga may tip na naman ako! Nakakatuwa talaga. Sana nga makita ko ulit sila Ma'am Estela para makapagpasalamat ulit ako. Sabi kasi sa 'kin ni Andy kanina ay pumuntang Japan si Ma'am Estela dahil niyaya raw ng kaibigan na mamasyal doon saglit. Magpapasalamat talaga ako sa kaniya kapag nakita ko siya rito sa restaurant nila. Aaking tulong talaga sa 'kin nitong trabaho ko rito bilang isang waitress.Napatingin ako sa wristwatch ko. 10 minutes na lang ay off ko na. Worth it 'yong pagod ko. Hindi ko nga ramdam 'yong pagod, e! Nginitian ko si Andy nang lumapit siya sa 'kin.
"NA-MISS KO SILA Manang Dehlia," masayang sabi ko nang makarating na kami rito sa bahay nila. Lumabas na kami ng kotse at papasok na kami sa loob."Sila Aling Dehlia lang?" seryosong tanong ni Damon."Pati si Liam.""Si Liam lang?""Pati 'yong parents mo!"Nauna na siyang pumasok sa loob. "Sige. Miss ka na rin daw nila."Grabe. Hindi na 'ata mawala 'yong ngiti sa mga labi ko. Natatawa ako sa kaniya. Halata naman kasing gusto niyang sabihin kong nami-miss ko siya. Hinabol ko siya sa paglalakad at bahagya ko siyang nilagpasan at nilingon. Nakatingin din siya sa 'kin.Ngiting-ngiti ako. "Miss ko naman talaga sil
NAGISING AKO NANG maramdaman ko ang isang malambot na bagay na gumagalaw sa braso ko. Paglingon ko ay ganoon na lang ang pag-aliwalas ng mukha ko dahil si Liam pala ay sumisiksik sa gilid ko. Natutuwa talaga ako sa asong 'to. Sobrang lambing niya! Dito na naman pala siya tumabi sa 'kin. Inangat ko ang wristwatch ko. 7:43 am na pala. Bigla akong napangiti nang maalala ko ang nangyari kagabi. Awtomatiko akong napayakap kay Liam.Boyfriend ko na si Damon!Napapakagat-labi ako ngayon at pakiramdam ko ay namumula ang mga pisngi ko. Lalo akong nahulog sa kaniya nang ikuwento niya 'yong nangyari sa kaniya noon na matagal ko naman nang alam. Pagkatapos ay hinalikan niya 'ko. Grabe. Hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang unang nakahalik sa 'kin at siya pa ang una kong boyfriend! Akalain mo 'yon? 'Yong lalaking hinahabol ko noon, 'yong lalaking pinipilahan ko lang at 'yo
"CAN I ASK you a question?"Napatingin ako kay Damon habang nandito kami sa loob ng kotse. Masayang-masaya ako ngayon kasi magkarelasyon na kami. Hindi pa nga rin ako makapaniwala. Siguro kung babalikan ko ulit 'yong mga ginawa kong paghabol sa events niya noon pati 'yong pagpunta ko sa hospital at iabot sa guard ang ginawa kong letter kung saan siya dinala matapos siyang maaksidente, hindi pa rin talaga ako makukumbinsi na magkarelasyon na kami ngayon. Sobrang unexpected. Anim. Anim na taon ko siyang tinitignan sa malayo tapos ngayon, grabe! Feeling ko sasabog 'yong puso ko sa sobrang tuwa. 'Yong lalaking pinagtutuunan ko ng pansin kahit hindi naman ako nag-e-exist sa mundo niya noon, heto at katabi ko na siya. Sobra-sobra pa nga kasi boyfriend ko na siya!"Ano po 'yon?" nakangiti kong tanong. Saglit niya 'kong tinignan at muli niyang binaling ang ulo sa harap ng kotse."I've rea
"SO, ANO NGA ang chika, ha?" bungad sa 'kin ni Jeanne pagkalabas ko ng kuwarto. Kagigising ko lang. Natulog kasi ako pagkaalis ni Damon kanina. Gabi na pala. Nandito ako ngayon sa kusina at umupo.Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi mo sasabihin kay Damon 'yong feelings ko sa kanya, ha! Wala kang sasabihing kahit ano sa mga ginawa natin dati. agagalit ako sMa 'yo."Umarte siyang parang natatakot. "Nakakatakot naman 'yang threat mo! 'Wag mo 'kong idamay sa mga pinaggagagawa mo kasi sinasamahan lang kita pero ikaw ang todo effort sa kaniya 'tsaka wala akong balak sabihin, 'no. Ipapaubaya ko na lang 'yon sa kasabihan na walang sikretong hindi nabubunyag!"Napailing na lang ako. Alam ko naman 'yon. Hahanap ako ng tiyempo. "Nasaan pala si Tita?""Pauwi na 'yon. Pinunt
NAMANGHA AKO SA loob nitong resthouse niya. Sobrang ganda! Mas maganda pa nga 'to kaysa sa mansion nila. Nahihiya tuloy ako bigla kasi feeling ko hindi fit 'yong damit na suot ko sa ganitong klaseng lugar. Para akong nasa isang museum sa sobrang ganda at laki ng resthouse niya. Napansin ko agad ang mga naglalakihang portrait pictures na nakasabit sa paligid. Kilala ko ang ibang mga nasa portrait. Mga model sila!Hinawakan ako ni Damon at naglakad kami. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. "Ako ang photographer ng mga model na 'yan dati. Ito 'yong inasikaso ko kanina kaya halos gabi na 'ko nakauwi. Nagpatulong ako kay Esteban na linisin 'to ng kaunti. Okay lang ba?"Napatingin ako sa kaniya at nahuli kong titig na titig siya sa 'kin. "Ano ka ba bakit mo pa tinatanong kung okay lang ba 'tong resthouse mo? Sobrang ganda kaya! Nakakalula tumira rito," namamangha