Share

Chapter 07

FEELING KO AY walang humihinga sa 'ming dalawa rito sa loob ng kotseng minamaneho niya. Pasimple ko siyang tinignan. Kita ko ang kanang bahagi ng mukha niya. 'Yong walang peklat. Nakasuot siya ng black cap na paharap tapos 'yong mahaba niyang buhok ay nakatali. Ang guwapo niya. Nakasuot siya ng plain white shirt at maong shorts tapos naka tsinelas siya. Ang cute ng toes niya. Ang pink! Napangiti tuloy ako.

"What are you smiling at?"

Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla siyang magsalita. Nagulat kasi ako. Diretso 'yong tingin niya pero bigla-bigla siyang nagsasalita. "Wala. Salamat sa paghahatid sa 'kin," sagot ko.

Tinuro ko na sa kaniya pagkasakay ko rito 'yong ruta ng bahay ni tita. Hindi naman ganoon kalayo. Napansin kong mahigpit ang hawak niya sa manibela at ingat na ingat siyang mag-drive. Ang alerto rin niya sa paligid niya. Feeling ko nga ay kinakabahan siya kasi tingin siya nang tingin sa kaliwa't kanan na parang mababangga kami. Biglang naging pula ang traffic light kaya hininto niya ang sasakyan. Napansin ko ang isang malaking billboard sa kabilang kalsada.

Ana Marie Ramorez, the new face of Maybelline New York!

Ang ganda talaga niya. Sikat na sikat na siya ngayon. Siya 'yong nababalitang girlfriend ni Damon noon. Napatingin ako bigla sa katabi ko. Nahuli kong nakatitig din pala siya sa billboard. Titig na titig talaga siya. Napalunok pa siya. Huminga ako nang malalim at nag-iwas nang tingin. Gusto pa rin niya hanggang ngayon si Ana. Naging berde na ang traffic light kaya pinaandar na niya ang kotse. Walang nagsasalita sa 'ming dalawa. Biglang tumunog ang phone ko. Si Jeanne tumatawag na naman. Tinext ko siya kanina na si Damon ang maghahatid sa 'kin malapit sa bahay. Wala akong balak na magpahatid mismo sa tapat ng bahay. Tuwang-tuwa nga si Jeanne. Bakit kaya 'to tumatawag ngayon?

Sinagot ko ang tawag. "O, Jeanne. Pauwi na 'ko."

Tumawa na naman siya. Wala namang nakakatawa. "Talaga? So, katabi mo pala si Damon."

Ang lakas niyang mang-asar. Pinipigilan ko na ngang magkagusto lalo kay Damon kaso isa rin siyang malakas mang-trip. "Bakit?" walang ganang tanong ko.

Sa peripheral vision ko ay napansin kong napatingin sa 'kin si Damon pero hindi ko na lang pinansin.

"Sama ka sa 'kin mamaya."

Kumunot ang noo ko. "Sasama saan?"

Bigla pa siyang tumawa bago sumagot. "Blind date."

"Blind date? Bakit ako sasama sa blind date?" naguguluhang tanong ko. Hindi ko alam kung ano'ng trip niya ngayon.

"E, s'yempre, bakit hindi? Single ka naman, 'di ba?" natatawang sagot niya.

"Oo pero bakit ako makikipag-blind date? Hindi ko naman kilala 'yong ide-date ko."

Tawang-tawa talaga siya sa kabilang linya. "Hahahahaha! Kaya nga blind date, e! Let's see his reaction, Emma. Sumama ka, a!"

"Pero..."

Pinatay na niya ang tawag kaya hindi ko naituloy ang gusto kong sabihin. Napasandal na lang ako sa upuan nitong kotse. Loka-loka talaga si Jeanne. Ano na naman kaya ang pakulo niya?

"You'll go to a blind date?" napalingon ako kay Damon nang bigla na naman siyang magsalita. This time ay nakatingin na siya sa 'kin.

"Hindi. Hindi ko naman kilala 'yong ide-date ko," sabi ko.

Bumaling siya sa kalsada at ngumisi. "Kaya nga blind date, e. Bata ka pa talaga."

Yumuko ako. "Bata pa nga ako pero hinalikan mo naman ako kanina."

Nag-aantay ako ng sagot niya pero hindi siya nagsalita. Tinignan ko na lang siya at nakita kong nakatingin siya sa 'kin.

"I know... and you cried."

"Kasi ikaw ang... first kiss ko," sabi ko. Nag-iwas siya nang tingin at nag-focus sa pagmamaneho.

"Then I want to apologize because this ugly man stole your first kiss."

Yumuko na lang ako. "Bakit ka ba nagso-sorry? Ang guwapo-guwapo mo nga po, e."

Huminto ang kotse. Napatingin ako sa paligid. Nandito na pala kami sa street na tinuro ko sa kaniya kanina malapit sa bahay. Dito na lang ako magpapababa. Nilingon ko siya at nagulat ako dahil 'yong katawan niya ay nakaharap na sa 'kin. Titig na titig na naman siya sa 'kin. Bakit niya ba ako tinitignan ng ganiyan? Natutunaw ako. Hindi ko kayang salubungin kaya umiwas na lang ako.

"Bababa na 'ko. Salamat po."

"Say it again."

Bumaling ulit ako sa kaniya at kumunot ang noo ko. "Po?"

"I said say it again. Ulitin mo 'yong sinabi mo ngayon-ngayon lang," utos niya sa 'kin.

Bigla kong naalala 'yong sinabi ko. Tinignan ko 'oyng kabuuan ng mukha niya. Nginitian ko siya. "Hindi ka pangit. Guwapo ka, Da---"

Naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan sa mga labi. Nanlaki na naman ang mga mata ko sa gulat. Pangalawang beses na niya akong hinalikan ngayong araw. Napalunok ako nang lumapit siya lalo sa 'kin at hinawakan ang likod ng ulo ko para mahalikan ako lalo. Ang lambot ng mga labi niya. Ang bagal nang galaw ng mga labi niya at napapikit ako dahil doon. Tumigil din siya sa paghalik at tinignan ako sa mga mata. Hanggang sa ilibot niya ang mga mata niya sa buong mukha ko. Naco-conscious tuloy ako. Baka mamaya may muta pa pala ako sa mga mata ko. Bumaba ang titig niya sa mga labi ko. Ang tagal ng titig niya roon. Binasa ko tuloy ang mga labi ko gamit ang dila ko dahil parang natutuyo na ito sa titig niya.

"Tangina."

Nagmura siya at muli akong hinalikan. Napapikit ako. Ibang klaseng halik ang binibigay niya ngayon sa 'kin. Napaawang tuloy ang mga labi ko kaya malaya niyang naipasok ang dila niya sa loob ng bibig ko. Ang diin ng halik niya at parang kinakain na niya ang buong bibig ko. Napahawak tuloy ako sa dibdib niya at naramdaman kong lalo niyang hinawakan ang likod ng ulo ko. Nahihilo ako sa ginagawa niya lalo na nang magsalubong ang mga dila namin at bahagya siyang napaungol. Grabe siya humalik. Hindi na ako makahinga. Para siyang sabik na sabik. Humiwalay na 'ko sa mga halik niya dahil hindi ako makahinga. Hinahabol ko ang paghinga ko habang kumukurap ako.

Napatingin ako sa kaniya. Nagtatanong ang mga titig ko sa kaniya pero hinahabol niya rin ang paghinga niya habang nakatingin nang diretso sa kalsada at mahigpit na nakahawak sa manibela. Nakita ko pa ang pagdila niya sa ibabang labi niya. Hinalikan na naman niya ako ngayon dito sa loob ng kotse. Gusto ko siyang tanungin. Gusto kong malaman kung bakit na naman niya ako hinalikan pero hindi ko magawa. Natatakot ako sa sasabihin niya.

Kasi baka wala lang sa kanya 'yon. Kasi marami na siyang nahalikan noon at sanay na siguro siyang nanghahalik. Hindi ko alam kung dapat ba 'kong magpasalamat dahil bago matapos ang araw na 'to ay hinalikan na naman niya ako at sa mga susunod na araw ay hindi ko na siya makikita pa. Nagpasya na lang akong lumabas ng kotse.

"Emma," napalingon ako sa kotse nang bigla niya akong tawagin. Nakadungaw ako mula rito sa labas ng kotse niya.

"Damon," sagot ko.

Nakatitig kami sa isa't-isa. Kumurap-kurap siya at bumubuka-sara ang mga labi. Napalunok siya at nag-iwas ng tingin sa 'kin.

"Goodbye," sabi niya.

Pakiramdam ko ay parang may bumarang tinik sa lalamunan ko. Goodbye. Pagkatapos niya akong halikan. Goodbye. Wala lang talaga sa kaniya na hinalikan niya ako ng dalawang beses.

Ramdam ko ang mga luhang gustong bumagsak sa mga pisngi ko pero pinigilan ko. Lumunok ako.

"Goodbye," sabi ko.

Tinaas na niya ang bintana ng kotse kaya hindi ko na siya nakita. Humarurot ang sasakyan palayo sa kinatatayuan ko at doon na bumagsak ang mga luha ko. Ang sakit. Pagkatapos niya 'kong halikan ay ganoon na lang. Sa ilang beses talagang nagkalapit kami ay napakahirap niyang abutin.

Pinunasan ko ang mga pisngi ko at naglakad na papunta sa bahay nina tita. Didiretso na lang ako sa kuwarto ko. Wala akong gana kumain ng tanghalian mamaya.

"EMMA, NA-MISS KITA!"

Niyakap ako ni Jeanne pagkabukas ko ng pinto. Ngumiti lang ako at bahagya din siyang niyakap. Hindi kasing higpit ng yakap niya sa 'kin. Humiwalay siya sa pagkakayakap at sinipat ako at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Okay na 'yong sugat mo? Patingin nga!" aniya pero hindi pa 'ko nakakasagot ay agad na niyang itinaas ang suot kong shirt at tinignan ang sugat ko sa tagiliran.

Daplis lang naman 'yon kaya naging maliit na peklat na lang. Mawawala rin ng ilang buwan.

"Mabuti naman at daplis lang 'yan. Nakaalis na si Mama. Hindi ka na nahintay kasi kailangan na niyang buksan 'yong puwesto sa palengke," tumango ako at umupo sa sofa.

Sumunod siya sa 'kin at tinignan ako. "Bakit ang tahimik mo? 'Di ba dapat masaya ka kasi nakita mo na si Damon?"

Lumunok lang ako at huminga nang malalim. "Ang hirap niya pa rin abutin," nilaro ko ang mga daliri ko.

"Pa'nong mahirap abutin?"

"Basta."

"Sus. Effective ba 'yong pagtawag ko kanina?" tanong niya.

Kumunot ang noo ko at tinignan ko siya. Ngiting-ngiti pa siya. "Ano'ng kanina?"

Inirapan niya 'ko habang hindi mapakali sa pagkakaupo. "'Di ba kanina tumawag ako sa 'yo tapos sinabi ko na isasama kita sa blind date. Ano'ng reaksyon ni Damon?"

'Yan pala ang trip niya kanina! Sumimangot ako. "Tingin mo naman magseselos 'yon?"

"E, bakit? Gusto mo ba magselos siya?" balik niya sa 'kin.

Umismid ako. Ang lakas talaga niyang mang-asar palibhasa alam niyang patay na patay ako kay Damon.

"Basta. Masaya na 'kong nakausap at nakita ko siya. Hindi pa rin ako makapaniwalang nakita ko na siya nang malapitan. Feeling ko nga ay panaginip lang, e."

Nagulat ako nang bigla niya akong sampalin. Ang sakit. "Bakit mo 'ko sinampal?" gulat na tanong ko sa kaniya.

Bumungisngis lang siya. "Sabi mo kasi feeling mo ay nanaginip ka lang kaya sinampal kita para ma-realize mo na nakausap at nakita mo na talaga siya. Ano na palang hitsura niya?"

Guwapo pa rin.

"May peklat na siya sa mukha. Sa kaliwang banda. Mahaba ang buhok. May balbas."

"Talaga? Kawawa naman siya. Siguro binulok niya 'yong sarili niya sa loob ng mansion nila. Nag-research nga ako sa kaniya kagabi. Out of the blue lang. Wala na talagang gumagawa ng article sa kaniya pagkatapos ng nangyari. Grabe. Akalain mo 'yon. Siya 'yong dating pinag-uusapan pero ngayon wala nang pumapansin sa kaniya. Ang bilis talaga mag-move on ng mga tao. Pagkatapos kang pakinabangan, goodbye na lang!"

Natigilan ako sa huling sinabi niya. Naalala ko kasi bigla 'yong nangyari kanina pagkatapos akong halikan ni Damon. Goodbye. Goodbye-goodbye na lang sa panahon ngayon. Tumayo na 'ko dahil gusto ko nang magpahinga.

"Pahinga lang ako, Jeanne."

"Hindi ka muna kakain bago magpahinga?"

Umiling ako. "Hindi na. Busog pa 'ko."

"Okay pero one last question, Emma," pahabol niya.

"Ano 'yon?"

"Sinabi mo na ba sa kaniya na gusto mo siya?"

Umiling ulit ako. "Hindi. Para saan pa? Hindi naman niya ako magugustuhan. Ayokong ipaalam."

'Yong reaksyon niya hindi ko alam kung matatawa o ano. "Wow. Ang dami mo na ngang ginawa sa kaniya tapos wala ka pang balak sabihin na gusto mo siya? E, ano naman kung magaganda 'yong nasa paligid niya dati, ha? Magaganda nga, malalim bang magmahal tulad mo? 'Tsaka maganda ka rin, 'no! Nasa harap mo na 'yong tao hindi mo pa sinabi!"

Akala naman kasi niya ganoon lang kadali. "Masasaktan lang ako. Mas okay na 'tong ganito na ikaw at si Tita lang ang nakakaalam," sabi ko at naglakad na papunta sa kuwarto ko.

Nang buksan ko ang pinto ay nagsalita ulit siya. "Sus! 'Wag lang talagang dumating ang araw na malaman niyang gusto mo siya. Mahihiya ang naglalakihang posters at printed pictures sa loob ng kuwarto mo dahil d'yan sa kaka-secret ng feelings mo sa kaniya!"

Hindi ko na lang siya sinagot at humiga na 'ko rito sa kama ko. Tinignan ko ang mga posters na pinilahan ko pang bilhin noon para lang ma-display dito sa kuwarto ko. Tinignan ko ang mukha ni Damon sa mga posters at pictures. Hay, tinitignan ko ang mukha ng lalaking kumuha ng first kiss ko na may pahabol pang second kiss. Ayoko nang maghangad pa. Okay na 'kong nakasama ko siya kahit saglit lang. Kuntento na ako roon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status