Share

Chapter 06

I TOOK A deep breath. Tatlong oras na 'ata akong nandito sa swing. Tatlong oras ko na rin iniisip si Emma. Honestly, I hated the way she made me think of her without her knowing it. I also hated myself for telling her something personal about myself and about my issues. I have never told anyone about what happened to me. I didn't have any idea why it was so easy for me to tell her those things and I would lie if I told myself that I didn't like her responses because I did like it. It seemed like she knew me. She knew what I feel at all and I didn't like that. I didn't like the thought of a woman who knew something about me.

Nasanay akong kilala ako ng mga babae sa kama and I already knew that I cannot have her. That beautiful girl with long curly hair was not my type. She was too innocent. She was too kind to me. She was too young. She was to---I shrugged my mind off. Walang magandang mangyayari kung iisipin ko siya pero bigla kong naalala 'yong sinabi niya kanina bago niya ako iwan dito.

Mahirap din 'yong pinipilit mong ilagay 'yong sarili mo sa mundo ng isang taong hindi ka naman nakikita simula't-sapul, Damon.

Ano'ng gusto niyang palabasin doon? And, the way she said my name sounded so good. I liked the way her tongue said my name. I liked the way she opened her lips saying my name. I bet her lips tasted so good and---damn! Stop right there, Damon! Don't you ever feel lust over that young woman!

Napalunok ako. I was sexually frustrated. Tumingin ako sa gilid ko para tawagin si Liam dahil papasok na kami. Gabi na. Itutulog ko na lang 'to. Nilibot ko ang tingin sa buong garden pero wala na si Liam.

"Liam! Liam! Where are you?" sigaw ko pero walang Liam na tumahol.

Where was that handsome dog? Isa pa 'yan sa iniisip ko kay Emma. Ang bilis siyang nagustuhan ng aso ko. Bibihira lang 'yon napapalapit sa ibang tao. Si Liam ang kasama ko simula noong naaksidente ako. Tumayo na 'ko at naglakad. Baka dumiretso na sa kuwarto ko. Pumasok na 'ko sa loob ng mansion hanggang sa makarating ako rito sa kwarto ko.

"Liam, come here. Sleep in the bed now," sabi ko.

Tumatabi kasi sa 'kin 'yon kapag natutulog na siya pero mukhang hangin lang talaga ang kausap ko. Nasaan na ba 'yon? Napatingin ako sa digital clock sa wall ng kuwarto ko. 1:20 am na. I wanted to sleep now. Lumabas ako ng kuwarto para hanapin si Liam pero natigilan ako nang mapansing bukas ang pinto sa katabing kuwarto ko. Bigla kong naalala na iyan ang kuwarto ni Emma. Hindi ba siya hinahanap ng mga magulang niya? Ilang araw na siyang nandito. Bakit hindi pa siya umaalis? Mukhang magaling naman na yata siya.

Naglakad ako palapit sa kuwarto niya at bahagyang sumilip. Hindi ko masyadong masilip sa loob kaya dahan-dahan kong tinulak ang pinto. Napalunok ako nang makita kong tulog siya. Ang himbing ng tulog niya. Nakatihaya siya at nakaharap ang mukha niya sa direksyon ko. Napatingin ako sa kabuuan niya at bahagya akong natigilan nang mapansin kong nakalilis pataas ang bestidang suot niya. I was seeing her long legs and damn... it was turning me on. Pinasadahan ko na siya nang tingin kanina bago niya 'ko iwan sa swing and she looked so beautiful. Really, really beautiful. Natagpuan ko ang sarili kong naglalakad palapit sa kaniya at doon ko lang din napansin na nasa tabi pala niya si Liam na akahiga at tulog na tulog. Napailing ako. How can she easily earned my dog's loyalty in just one day?

Naglakad ulit ako palapit sa kanilang dalawa. Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama hanggang sa halos katapat ko na si Emma. Tumitig ako sa mukha niya. She looked more beautiful when she was sleeping. Ang peaceful niyang tignan. Makapal ang pilik-mata niya. Mamula-mula ang mga pisngi. Matangos ang ilong. Nagtagal ang tingin ko sa mga labi niya. Sobrang pula. I wonder if... if she had her first kiss already.

Napalunok ako. She was a temptation. Alam ko sa sarili ko na hindi ko ugali magsamantala ng babaeng walang kalaban-laban. Ako ang nilalapitan pero noon 'yon. Looking at her right now made me want to kiss her kissable lips. To touch her rosy cheeks. Nagbaba ako ng tingin at nakita ko ang cleavage ng dibdib niya. Damn, it looked so delicious, and how I wanted to lick her legs inch by inch using my tongue while wrapping them around my hips. Damn it! Stop it, Damon! Stop lusting over her, you idiot! She was fucking sleeping! Stop acting like a thirsty maniac! I stood up and looked at these two beautiful masterpieces in front of me.

Tumaas ang isang kilay ko nang biglang yakapin ni Liam si Emma sa bandang dibdib. Nang tignan ko ang mukha ni Liam ay nakadilat na siya at nakatingin sa 'kin. Nakalabas pa ang dila niya. He looked so happy. Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ni Emma habang nakatingin sa 'kin. Kinabahan ako nang biglang gumalaw si Emma pero tumagilid siya at niyakap pabalik si Liam. Lalong lumilis pataas ang bestida niya. Damn, I can almost see the color of her undies, damn it! How can she seduced me while she was sleeping?

Huminga ulit ako nang malalim at naglakad papuntang pinto. Ayokong tawagin si Liam dahil baka magising si Emma. Pa'no niya 'ko nagawang ipagpalit agad sa isang babae na ngayon lang niya nakilala? I shook my head and stormed out of her room. I looked down and saw my bulge inside my shorts. I think I needed a cold shower right now. Really, really cold shower. I hated myself for lusting over a very beautiful young woman.

NAGISING AKO NANG biglang may sumiksik na kung ano sa leeg ko. Nilingon ko kung ano 'yon at nagulat ako nang makita si Liam na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Hala, pa'no siya nakapasok dito sa kuwarto ko? Hindi ko man lang napansin kagabi na nakasunod pala siya sa 'kin! Napangiti ako nang bigla rin siyang magising at agad kong nakita ang dila niya na para siyang hingal na hingal. Sobrang cute talaga ng aso na 'to. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na yakapin siya.

"Good morning, Liam!" bati ko sa kaniya.

Ngiting-ngiti naman siya sa 'kin. Mukhang gustong-gusto talaga niya ako, a. Tumabi pa talaga sa 'kin.

Hinaplos ko ang ulo niya. "Ang sweet-sweet mo naman, Liam," nakangiting sabi ko.

Nakatingin lang siya sa 'kin pero bigla siyang bumangon nang bumukas ang pinto. Napalingon ako sa pinto at kumunot ang noo ko nang makita ko si Damon na pumasok dito sa kuwarto. May bitbit siyang tray. Lumapit siya rito sa kama at nilapag ang tray sa bedside table. May dala pala siyang juice, pancake, bacon at hotdog.

Tinignan ko si Liam. "Liam, bangon na. Mag-aalmusal ka na."

"That's for you, Emma," napalunok ako nang sumagot si Damon.

Nilingon ko siya at nakita ko kung pa'no siya tumitig sa 'kin. Seryoso. Matiim. Wala sa sariling napapunas ako sa gilid ng labi ko. Mahirap na. Baka may natuyong laway pala ako. Umupo na lang ako at yumuko.

"Sasabay na lang ako kila Manang Dehlia."

Hindi ko alam kung bakit nag-abala pa siyang magdala ng almusal ko rito. Hindi naman na kailangan. Naalala ko tuloy 'yong nangyari kagabi. Napalunok na lang ako. Ngayong nasa harapan ko na naman siya ay lalo lang akong sinasampal ng katotohanan na kahit malapit na siya sa 'kin ay ang hirap niya pa ring abutin. Nakakamanhid pala kapag narinig mo mismo sa bibig ng taong gusto mo na nagkukuwento siya tungkol sa ibang babae. OA pero 'yon ang totoo. Ayoko rin naman siyang sisihin kasi wala siyang kaalam-alam sa nararamdaman ko sa kaniya pero ang sakit kasi.

Bakit ba sa dami-dami ng puwedeng magustuhan ay sa kaniya pa 'ko nagkagusto? Doon pa sa taong mahirap abutin.

"Eat now. 'Wag ka nang magmatigas," tinignan ko siya dahil sa sinabi niya. Nakakunot ang noo niya. Galit na naman.

Sumunod naman ako agad tapos kinuha ko 'yong tray. Nilapag ko sa hita ko. Uminom ako ng juice. Napapikit pa 'ko. Sobrang sarap naman ng juice na 'to! Ano'ng flavor nito?

Tinignan ko pa 'yong baso sabay lingon kay Damon na titig na titig pala sa 'kin.

"Ano'ng juice 'to? Sarap, a!" hindi ko na hinintay 'yong sagot niya.

Ang sarap talaga, e. Parang dalawang prutas na pinag-blend 'yong lasa. Pancake naman 'yong nilantakan ko. Ang sarap din! Tapos 'yong hotdog naman. Tapos 'yong bacon naman. Grabe ang sarap naman ng mga 'to! Todo nguya na nga 'ko hindi ko na alam kung pa'no lulunukin 'yong mga kinagat ko.

"Wong surup!" pilit na sabi ko. Nabibilaukan na 'ko. Uminom agad ako ng juice sabay punas sa labi ko gamit palad ko.

"Ang sarap ng bacon, Liam. Try mo dali!" sinubuan ko si Liam. Tuwang-tuwa siya.

"Ang sarap, 'di ba?" nakangiting sabi ko sabay tingin ulit kay Damon.

Bigla akong sinapian ng hiya. Kumakain akong parang patay-gutom sa harapan niya. Nakakahiya.

"Sorry."

Umiling siya. "Slow down you might get choke."

Tumango na lang ako. "Okay po," sagot ko sa kaniya.

Napansin kong napalunok siya at nag-iwas ng tingin. Kitang-kita ko na naman tuloy 'yong kaliwang bahagi ng mukha niya. Bakit nang mangyari sa kaniya 'yong aksidente ay parang mas lalo ko siyang nagustuhan? Ni paggupit ng buhok ay hindi na niya maasikaso. Ultimo balbas niya rin. Natagpuan ko ang sarili kong hinahaplos ang kaliwang bahagi ng mukha niya. Naramdaman kong nagulat siya at nanlalaki ang mga matang tumingin sa 'kin.

Nagulat din ako sa ginawa ko kaya agad kong tinigil ang paghaplos sa mukha niya.

"Sorry ulit," yumuko na 'ko. Iba 'yong nararamdaman ko nang hinawakan ko ulit 'yong mukha niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon.

"Bakit mo ginawa 'yon?" parang bulong na lang 'yong pagkakasabi niya sa 'kin.

Nag-angat ako nang tingin at sinalubong ko ang seryoso niyang mga mata. "Gusto ko lang isipin mong hindi ka naman nakakadiri."

Na ikaw pa rin 'yong pinakagwapo sa paningin ko, Damon.

"Look at me, Emma," sabi niya.

Tinignan ko siya habang napapalunok ako. "Gusto kong gawin 'to para malaman ko kung hindi ka talaga nandidiri sa 'kin," napakunot-noo ako sa sinabi niya.

Ano'ng gagawin niya?

"Ano'ng ibig mong---"

Tumigil ang oras sa paligid ko nang bigla niyang idikit ang mga labi niya sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hinalikan niya 'ko! Napasinghap na lang ako.

Napapikit ako nang ilayo na niya ang mga labi niya sa 'kin kaya unti-unti akong dumilat. Sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin. Ang ganda ng mga mata niya. Sobra.

"Damon."

Hindi ko napigilan ang munting luha na tumulo paibaba sa pisngi ko. Doon dumako ang mga mata niya. Natigilan siya. Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Hindi ako makapaniwala na hinalikan ako ni Damon.

Napailing siya sa 'kin sabay ngisi. "I know, Emma. I know I look ugly."

Agad siyang lumayo sa 'kin at dire-diretsong naglakad palabas ng kuwarto. Naiwan akong nakatitig sa pintong sinara niya.

Palagi na lang niyang iniisip na pangit siya. Hindi niya alam na kaya ako naiyak kasi hindi ako makapaniwala na hinalikan ako ng lalaking gusto ko. Hinalikan ako ng lalaking pinapangarap ko. Hinalikan ako ng lalaking iniisip ko bago ako matulog sa gabi at paggising ko tuwing umaga. Hinalikan ako ng lalaking tinitignan ko lang dati sa malalaking billboards at cover ng magazines. Hinalikan niya 'ko. Pinahid ko ang luhang tumulo sa pisngi ko at ngumiti ako nang mapait. Sadyang hindi niya lang alam kung gaano niya 'ko napasaya ngayong umaga.

Huminga ako nang malalim at tinignan 'tong tray na may mga pagkain na dinala niya sa 'kin dito. Nagi-guilty ako kasi hindi man lang ako nakapag-explain ng side ko. Umalis kasi siya agad. Napahawak ako sa mga labi ko. Naalala ko kung pa'no dumikit 'yong mga labi niya sa labi ko. Saglit lang pero ramdam ko kung ga'no kalambot ang mga labi niya. Biglang nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko na siya ang first kiss ko. Si Damon ang unang nakahalik sa 'kin! Parang maiiyak na naman tuloy ako sa tuwa pero pinigilan ko.

Bakit niya kaya ginawa 'yon?

Napatingin ako sa phone kong nakapatong sa bedside table at kinuha 'yon. Tumatawag si Jeanne. Sinagot ko.

"Hello, Jeanne."

"Emma, kailan ka uuwi rito? 'Di ba sabi mo uuwi ka na at sa restaurant ka nila Damon magtatrabaho?" bungad niya sa 'kin.

Oo nga pala. Kailangan kong magpaalam ngayon kila Ma'am Estela at Sir Sixto na kailangan ko nang umuwi kila tita.

"Magpapaalam na 'ko ngayong umaga. Uuwi na 'ko mamaya."

"Magaling na ba 'yong sugat mo sa tagiliran? Kaya mo nang bumiyahe?" nag-aalala 'yong boses niya sa kabilang linya.

Napangiti tuloy ako. "Oo naman. Kaya ko na."

Narinig ko siyang tumawa. "O, ano? Tuwang-tuwa ka naman ba dahil finally nakita mo nang malapitan 'yong baby Damon mo?"

Napangiti ako. Ramdam ko bigla ang pag-iinit ng mga pisngi ko.

"S'yempre," tipid kong sagot.

Hindi ko ikukwento kay Jeanne 'tong nangyari. Miski nga 'yong buong detalye noong lumabas kami ni Damon kasama si Liam para maglakad-lakad ay hindi ko na rin idinetalye sa kaniya. Sinabi ko lang na nakausap ko si Damon at kinikilig naman siya. Lakas kasi niyang mang-asar sa 'kin! Hindi rin siya makapaniwala gaya ko.

"Sus. S'yempre raw. Baka nga kilig na kilig ka na ngayon. E, paano 'yan ngayon, ha?"

Kumunot ang noo ko. "Ano'ng paano na ngayon?"

"Eh, 'di ba uuwi ka na ngayon tapos sa restaurant ka na nila magtatrabaho. Meaning, hindi mo na makikita si Damon," punto niya.

Ngumiti ako. "Okay lang."

Kahit naman kasi nasa malapit lang siya ang hirap niya pa rin abutin. 'Tsaka marami naman na siyang nahalikan na babae. Baka nga napangitan siya sa lasa ng mga labi ko. Walang-wala naman ako kumpara sa mga babaeng naka-date niya noon. Masaya na 'kong nakausap ko siya at... hinalikan niya 'ko. Ite-treasure ko na siya ang first kiss ko. Alam kong mas mahirap siyang kalimutan dahil sa ginawa niya kanina pero titiisin ko na lang.

"Talaga lang, a? O, sige na. Mag-aalmusal na kami ni Mama. Ingat ka sa pag-uwi mamaya, a," aniya at pinatay na ang tawag.

Huminga ako nang malalim at napakapit nang mahigpit dito sa phone ko. Tumayo ako at napansin kong wala na rin pala si Liam dito sa kuwarto. Sumunod 'ata sa amo niyang nagnakaw ng unang halik sa 'kin. Naglakad na 'ko hanggang sa makababa ako ng hagdan. Naabutan kong nag-aalmusal ang mga magulang ni Damon. Nandoon din siya. Seryoso ang mukha habang kumakain. Parang may iniisip siya.

"O, iha, gising ka na pala. Join us," sabi sa 'kin ni Ma'am Estela.

Nakatingin lang ako kay Damon at saktong nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang titig ko. Walang emosyon ang mga mata niya habang nakatitig sa 'kin.

"Nag-almusal na po ako," sagot ko habang nakatitig pa rin sa kaniya. Hindi siya nag-iwas ng tingin

Lumunok ako at nag-iwas na ng tingin. Hindi ko kayang tapatan ang titig niya. "Uuwi na po ako ngayon. Hinahanap na po kasi ako ng Tita ko sa bahay," sabi ko.

Napatingin 'yong parents niya sa 'kin. "O, okay na ba ang sugat mo, iha?" sagot ng papa niya.

Nginitian ko sila. "Okay na po. Thank you po sa magandang pag-asikaso sa 'kin dito," tinignan ko sila Manang Dehlia na nakangiti sa 'kin.

"No worries, iha. Ako nga ang dapat magpasalamat. Endless thank you's, iha," sabi sa 'kin ng mama niya. "Ipapahatid kita sa family driver namin. Dehlia, can you tell---"

"No need, Mom. Ako na ang maghahatid sa kaniya."

Napatingin kaming lahat kay Damon. Bakit ba niya 'to ginagawa? Ang hirap-hirap niyang abutin tapos ginagawa niya pa 'tong mga ganitong bagay. Lalo tuloy akong nagkakagusto sa kaniya.

Gulat na gulat 'yong parents niya sa sinabi niya. "Are you sure? I mean, you'll go outside this mansion, Damon?" tanong ng mama niya.

Nakita kong humigpit ang hawak niya sa tinidor habang nakatingin ng diretso sa kawalan. "Yes."

Napalunok ako habang tinitignan siya. Damon, kinulong mo ba talaga ang sarili mo rito matapos ang nangyari sa 'yo? Nagkatinginan pa ang parents niya at tumango na lang. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang bahagyang pagngiti ng papa niya.

Biglang tumayo si Damon at tumingin sa 'kin. Sa aming dalawa tuloy nakatingin ang mga tao sa paligid namin. Feeling ko tuloy ay nananaginip lang ako. Grabe na 'to kung panaginip lang 'to. Almost two weeks na panaginip. Walang gising-gising.

"Do you need to go to your home now?" tanong niya.

Napakurap-kurap ako. "Oo. Ngayon na," tinignan ko ang mukha niya.

Huling beses ko na siguro siyang makikita ngayon. Hindi ko alam kung bakit nagprisinta siyang ihatid ako pero natutuwa ako kasi bago matapos ang araw na 'to ay makakasama ko siya.

Tumango siya. "I'll wait for you outside," aniya at naunang maglakad palabas ng mansiyon.

Sinundan ko lang siya ng tingin. "I'm happy that our son finally decided to go outside the mansion," sabi ng mama niya. Naglakad na 'ko palabas matapos magpaalam ulit sa parents niya. Sa Lunes na 'ko magsisimulang pumasok sa restaurant nila. Natutuwa ako ngayon. Ihahatid ako ni Damon.

Ihahatid ako ni Tito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status