Sa isang eleganteng silid, abala si Shayne sa pag-compute ng mga komplikadong problema sa harapan niya. Kahit nag-iisa siya sa malawak na lugar, hindi siya nakakaramdam ng inip dahil nakatutok ang isip niya sa pagresolba ng problema.
Isa siyang college student, na nasa 3rd year. Sa edad niyang kasing-ganda ng bulaklak, pinipilit siya ng lolo at ama niya na mag-blind date. Hindi naman siya nawalan ng market o hindi kaaya-aya, kaya hindi niya maintindihan kung bakit sila nagmamadali. Napabuntong-hininga siya at itinapon ang lapis na hawak sa gilid. Madalas sabihin ng pamilya niya na nerd daw siya at wala siyang alam kundi mag-aral. Alam naman niya ang ibig nilang sabihin. Bilang anak ng pamilya Morsel, kailangan niyang mag-ambag sa pamilya kapag nasa adulting stage na siya. Halimbawa, isang kasal na may kaugnayan sa negosyo. Katulad na lang ng pangalawa niyang kapatid na babae na ipinasal sa isang kalbong matandang lalaki ilang taon na ang nakalipas. Ngayon, mukhang siya naman ang sunod? Naalala niya ang lalaking makaka-blind date niya, si Eldreed Sandronal. Balita niya, 32 na ito, mahigit sampung taon ang tanda sa kanya. Isang tipikal na "matandang baka na gustong kumain ng sariwang damo." Napahawak si Shayne sa pisngi niya at ilang imahe ng isang matabang lalaking may malaking tiyan ang agad pumasok sa isip niya. Sa inis, kinuha niya ang lapis at sinimulang iguhit si Eldreed sa paraan ng kanyang malikot na imahinasyon. May malaking tiyan, bilugang mukha, manipis na buhok, at mga maliit na matang parang monggo na kumikislap sa kakaibang liwanag. Mabilis niyang natapos ang drawing at sinulat ang malalaking salitang "Eldreed" sa ilalim. Masaya niyang itinabi ang lapis, pakiramdam niya'y natupad ang kanyang paghihiganti. Biglang bumukas ang pinto, dahilan para siya'y magulat. Para bang nahuli siyang gumagawa ng kalokohan. Agad niyang pinunit ang papel at tiniklop ito sa isang bola, sabay hagis nito patungo sa basurahan malapit sa pinto. Ngunit nagkamali siya ng tira. Ang papel ay dumapo nang direkta sa mukha ng lalaking pumasok. Nanlaki ang mga mata ni Shayne habang tinakpan ang bibig at napatingin sa papel na unti-unting gumulong pababa mula sa mukha ng lalaki. Lumitaw sa paningin niya ang malamig at mayabang na mukha ni Eldreed. Siya iyon... Paano nangyari ito? Sa isipan niya. Napatulala si Shayne, ang puso niya'y tila isang usa na nagtatatalon sa kaba. Ang alaala ng nakaraan ay parang rumaragasang alon sa isip niya. Akala niya'y nakalimutan na niya iyon, ngunit malinaw pa rin ang bawat detalye at kilos. "Shayne?" Ang elegante at mahinhing boses ni Eldreed na parang tunog ng cello ay pumuno sa silid. Hindi niya inaasahang sasalubungin siya ng isang atake ng papel. Kahit ang blind date na ito ay isang bagay na parehong pinagsang-ayunan ng kanilang mga magulang, iniisip niyang kung ayaw ni Shayne, hindi naman ito kailangang pumunta. Ngunit hindi niya inasahanna makita niya ito ngayon. Nanginginig at hindi makahanap ng boses, sinubukan niyang magsalita, "Ikaw... Ikaw ba si Eldreed Sandronal?" Halatang takot si Shayne at nanlalalim ang mukha sa kaba. Napansin ni Eldreed ang pag-aalangan niya at tiningnan siya nang malamig. Ang kanyang mga mata ay tila sumasaliksik sa inosenteng anyo ni Shayne. Si Shayne, kahit walang makeup at kahit simpleng ayos lang, ay may taglay na purong kagandahan. Maliit at pino ang mga facial features niya. Walang masyadong kapansin-pansin sa unang tingin, ngunit kapag sinuri nang maigi, makikita ang kakaibang kagandahan ng kanyang mga mata. Ang mga mata niyang parang may hamog ay nagbibigay ng isang natural na alindog, hindi sinasadya ngunit nakakaakit. Bagamat bata pa, malinaw kay Eldreed na may angking potensyal si Shayne na magdala ng gulo sa kanyang mundo. "Ano, Miss Morsel, kilala mo ba ako?" Ang mabilis na pagkurap ng mga mata ni Shayne ay nagbigay ng bahagyang pagkailang kay Eldreed. Ang mapaglarong tono ng boses niya ay nagdala kay Shayne pabalik sa kanyang normal na huwisyo. Huminga siya nang malalim, pinakalma ang mabilis na tibok ng puso niya, at itinaas ang kanyang tingin nang walang emosyon. Ang kanyang mga mata ay bumagsak sa lalaking nasa di kalayuan. Suot ang isang kamay-gawang silver-gray na suit, bakas sa matangkad na pangangatawan ng lalaki ang pino at elegante nitong anyo. Ang gwapong mukha nito’y tila inukit ng isang magaling na artist, ngunit may malamig na aura. Ang manipis ngunit tamang-tama ang hugis ng mga labi ay maganda na may bahid ng panunuya. Ang mga itim na mata nito ay malalim at walang emosyon, parang may lihim na bagyo sa ilalim ng tahimik na panlabas na anyo. Sa matalim na tingin ni Eldreed na parang agila, pilit pinanatili ni Shayne ang isang kaswal na ngiti. "Oh, paano kita hindi makikilala? Ikaw ang ka- blind date ko, hindi ba? Inalam ko muna kung sino ka." Ang ngiti niya’y kaswal ngunit may bahid ng lamig at pino pa rin ang karisma. Bahagyang tinaas ni Eldreed ang kilay. "Narinig ko na si Miss Morsel daw ay isang nerd na hindi lumalabas ng bahay. Mukhang hindi kapani-paniwala ang mga tsismis. Kaya tama ang sinasabi ng marmi na mabuti nga palang makita kaysa sa magtiwala sa naririnig." Sa tamad ngunit mapanuksong ngiti sa kanyang mukha, muling bumilis ang tibok ng puso ni Shayne, naalala niya ang gabing hinding-hindi niya makakalimutan, at mabilis siyang umubo nang mahina upang itago ang kanyang pagkalito. "Maupo na po, Mr. Sandronal." Ngumiti si Eldreed at bahagyang tinaas ang gilid ng labi niya. Yumuko siya upang pulutin ang bola ng papel na naiwan ni Shayne. Nanigas ang mukha ni Shayne, at agad siyang nagmadaling abutin ang papel mula sa kamay nito. "Anong klase ng sikreto ang nakasulat dito?" Umilag si Eldreed nang bahagya at balak sanang buksan ang papel. Nang mahuli sa akto ng mismong taong ininsulto niya, parang pinagpawisan nang malamig si Shayne. Sa pagkakataong ito, dalawang beses na niyang na-offend si Eldreed. Kung maaalala pa nito ang nangyari noon, hindi niya alam kung paano niya mababayaran ang atraso niya. ‘Tatakas na lang ako!’ sa isip ni Shayne. "Isara ang pinto." Malamig na utos ni Eldreed, parang nababasa ang iniisip ni Shayne. Agad namang sinunod ng dalawang bodyguard na kasama niya ang utos at mabilis na isinara ang pinto. Nabigla si Shayne habang pinapanood ito. Sinubukan niyang buksan ang pinto, ngunit mahigpit itong hinawakan ng mga bodyguard sa labas. Kahit anong hila niya, hindi ito bumubukas. Magdala ba naman ng bodyguard sa blind date? Kahit pa siya ang panganay na anak ng Sandronal family at presidente ng sikat na Sandronal Group, parang sobra naman ito. Sa isipan ni Shayne ay ipinagyayabang nito ang kayamanan niya. Dahil hindi siya makalabas, wala nang magawa si Shayne kundi umupo sa isang sulok, yumuko, at amining mali siya, parang batang estudyanteng nagkamali at naghihintay ng parusa. Nang makita ni Eldreed ang pagiging tahimik niya, dahan-dahan niyang binuksan ang bola ng papel. Agad na bumungad sa kanya ang nakakatawang larawan ng isang matabang lalaki na may pangalan niyang nakasulat. Lumamig ang tingin niya habang tinitingnan si Shayne, na pilit binabawasan ang presensya niya sa sulok. "Ako ba ito?" tanong ni Eldreed na may kasamang ngiti. "Hindi." Mahinang sagot ni Shayne, mukhang talo na. "Bulag ba ako o hindi marunong magbasa? Ha?" Dumilim ang mukha ni Eldreed. Ang dulo ng huling salita niya ay hinila, na nagdagdag ng bigat sa presyon ng kanyang presensya. Para bang tumigil sa paggalaw ang hangin sa silid. "Mali ako." Taos-puso niyang inamin ang kanyang pagkakamali. "What did you do?" Isang mapanuksong ngiti ang lumitaw sa labi ni Eldreed, mukhang hindi kontento. "Hindi ko dapat ginuhit nang ganoon ang gwapo at kahanga-hangang tagapagmana ng Sandronal family. At... hindi ko dapat ginawa ang nangyari kalahating buwan na ang nakalipas..." Delikado! Halos nasabi ko na yata nang buo ang sikreto!’ sigaw niya sa isipan. Masyadong malakas ang presensya ni Eldreed, at sa ilalim ng nakakakilabot na titig nito, parang kusa niyang nasasabi ang totoo."May hindi magandang nangyari sa akin kalahating buwan na ang nakalipas." Ang madilim na mga mata ni Eldreed ay nakatuon kay Shayne. Iniunat niya ang mahahaba niyang binti at unti-unting lumapit sa kanya. Mas matangkad siya ng higit sa kalahating ulo kay Shayne, at tumingin siya pababa sa halatang kinakabahang mukha nito. Isang hinala ang pumasok sa isip niya, kaya isa-isang binigkas ang mga salita, "Noong gabing iyon, ikaw ba iyon?!""Hindi!" Agad na sagot ni Shayne."Ayon sa psychology, ang taong mabilis sumagot sa tanong ay kadalasang may itinatago." Ang malamig na tingin ni Eldreed ay dumaan sa mukha niya, parang isang kutsilyong tumatagos."Ngayon ko lang nalaman na ang sikat na si Eldreed Sandronal pala ay isang psychologist din." Nahuli ni Eldreed ang iniisip niya, kaya hindi na nakatiis si Shayne at sumagot na rin nang patutsada."Si Shayne, na nerd daw ayon sa kanyang mga kaklase, ay may matataas na grado, may mahinahon na ugali, hindi kailanman nagagalit, at isang mabuting a
Biglang nanigas ang maliit na mukha ni Shayne, tumayo siya at walang alinlangang sinampal si Eldreed, "Gago ka! Walanghiya ka!”Madaling nasalo ni Eldreed ang kanyang kamay, at ang malamig niyang boses ay tila yelo sa tuktok ng bundok na hindi natutunaw kahit libu-libong taon na, "Sino sa atin ang walang hiya? Shayne, bago ang araw na ito, hindi kita kilala sa buong buhay ko, pero sinadya mo akong pagplanuhan?"Bahagyang nag-iba ang mukha ni Shayne, ngunit agad niya itong naitago at nagbalik sa normal. Ang kanyang mga mata ay kumikislap sa panunukso. Sa halip na kumawala sa pagkakahawak ni Eldreed, lalo pa niyang idinikit ang kanyang kamay sa kanya, at ngumiti nang kakaiba, "Hmm, hindi ba nawalan ka ng malay noon? Paano mo natatandaan?"Ang ngiti sa mga mata ni Eldreed ay napalitan ng lamig, at ang tingin niya ay matalim na parang isang lobo na naghahanap ng biktima sa kapatagan. Ang kanyang mga labi ay mahigpit na nakatikom, nagpapakita ng malamig na disposisyon. Si Shayne naman, hin
Matapos tanggapin ang kasunduan, tiningnan ni Eldreed si Shayne, pinaikot ang papel ng agreemnt gamit ang kanyang mga daliri, at ngumisi. "Masaya akong makikipagtulungan."Naibenta ang sarili nang wala sa oras, masama ang loob ni Shayne, at pakiramdam niya ay gusto niyang manakit ng tao dahil sa pagkainis.Tumayo si Eldreed nang matagal, at bago lumabas sa pinto, tumigil siya. Sa malamig na tono at hindi lumingon ay nagsalita siya, "Sa totoo lang, wala akong maalala tungkol sa gabing iyon sa loob ng kalahating buwan. Ikaw ang unang nagbanggit ng kalahating buwan, at pagkatapos ay nagsinungaling ako nang basta-basta. Sinabi mo na ang lahat, Shayne, naglakas-loob kang paglaruan ako? Hindi pwedeng walang kapalit ang ginawa mo."Pagkatapos noon, binuksan niya ang pinto at umalis.Ilang segundo bago nakapag-react si Shayne na naiwan sa loob ng silid. Hindi niya napigilan ang pagtataas ng kanyang boses, "Eldreed! Hayop ka! Nagbabago-bago ka ng salita, lalaki ka pa ba talaga?!"Napahagikhik
Pagkababa ng cellphone, agad na sumakay si Shayne ng taxi papunta sa Wanten.Ang lugar na ito ay isang Taiwanese hall na itinayo ng kanyang panganay na kapatid tuwing wala itong magawa. May espesyal na kwarto dito para sa pamilyang Morsel, at ilang beses na rin siyang nakapunta rito. Walang waiter na naghatid sa kanya, kaya’t pumasok siya sa kwarto nang pamilyar. Tiningnan niya ang oras sa relo at nakita niyang may dalawang minuto pa bago ang takdang oras na kalahating oras.Kumuha siya ng cue stick at nagsimulang maglaro ng billiards, maganda ang kanyang postura at malinis ang mga galaw."Shayne, hindi ako tagapaglingkod mo, ha?" sabi ni Andeline nang dumating ito sakto sa oras. Binuksan nito ang pinto habang dala ang kanyang schoolbag. Nasa ikatlong taon na siya ng high school sa edad na 16-years old. Kung hindi lamang siya takot makaagaw ng atensyon, dahil sa talino niya, malamang nasa kolehiyo na siya ngayon."Maglaro tayo. Kung sino ang matalo, kailangang magsabi ng totoo. Game?
Tiningnan ni Shayne si Michael, bakas sa mukha niya ang gulat na parang tinamaan ng kidlat. Ang seryoso niyang ekspresyon, matatag na tingin, at sunog sa araw niyang balat ay lalong nagbigay ng pagka-maskulado sa kanyang dating. Ang tuwid niyang tindig ay nagpapakita ng dugong-sundalo at integridad. "Kuya Michael, tumayo ka na," mabilis niyang inalis ang tingin mula sa diamond ring sa loob ng kahon at sinubukang alalayan ito patayo. Ngunit matigas ang loob ni Michael. Nanatili siyang nakaluhod habang seryosong tumingin kay Shayne. "Shayne, hindi mo ba nararamdaman ang nararamdaman ko para sa’yo? Trust me, aalagaan kita habangbuhay." "Kuya Michael, pasensya ka na, pero hindi ko maibibigay ang sagot na gusto mo." Bukod pa sa may kasunduan na siyang pinirmahan, kahit wala pa iyon, hindi niya magawang sagutin si Michael. "Shayne, mas pipiliin mo bang magpakasal sa isang estranghero na minsan mo lang nakilala kaysa sa tanggapin ang proposal ko?" Dahan-dahang nawala ang liwanag sa mga ma
Hindi gumalaw ang mga tao sa loob ng sasakyan. “Hoy, Eldreed! Papasukin mo ako agad! Malaking iskandalo ito at ikaw rin ang mapapahiya!” muling sigaw ni Shayne habang kumakatok sa bintana.Sa mga sandaling iyon, papalapit na ang mga reporter na humahabol sa kanya. Biglang bumukas ang likurang pinto ng Rolls-Royce, at isang maputing kamay ang inilahad mula sa loob. Nagulat si Shayne ngunit agad niyang hinawakan ang kamay na iyon at dali-daling pumasok sa sasakyan.Hindi pinalampas ng mga reporter ang pagkakataong ito. Nang bumukas ang pinto ng sasakyan, mabilis na kinuhanan ng litrato ng camera ang gilid ng mukha ni Eldreed.Ang babaeng reporter mula sa Capital TV ay biglang hinawakan ang kabilang kamay ni Shayne, pilit siyang pinipigilang makapasok sa sasakyan. Pilit na nagpumiglas si Shayne, ngunit malakas ang kapit ng reporter. Sa lakas ng paghatak, napunit ang ilang butones ng puting blouse ni Shayne, at tumambad ang kanyang makinis na leeg at bilugang balikat.Kasabay nito, nakita
"Pero kung sasabihin mo ang lahat ng totoo, hindi mo matatakpan ang katotohanan na ikaw mismo ay nakialam para lang magpakitang-tao." Naisip ni Shayne, ngunit napagtanto niyang wala ring kaibahan kung sasabihin niya ito o hindi, dahil parehong magka-kwento lang din. Mas mabuti na rin na hindi madamay ang ibang tao sa pagsasabi ng totoo.Inisip niya na siya ang nagmamanipula sa mga pangyayari, ngunit hindi niya alam na siya na pala ang naging pawn ng ibang tao."Huh... I see, so you’re also someone who’s being played." Binanggit ni Eldreed habang pinagmamasdan ang ekspresyon ni Shayne. Nakita niya sa mga mata ni Shayne ang sakit, kaya’t natawa siya ng malamig. "Ano'ng pakiramdam na napaglaruan?"Biglang namutla si Shayne, na parang nawalan ng kulay ang kanyang mukha. Wala na siyang magagawa kundi aminin na tama ang lalaki, wala siyang maipaliwanag, dahil tama ang sinabi ni Eldreed.Biglaang huminto ang kotse, binuksan ni Eldreed ang pinto, at walang awa siyang itinulak palabas. Tumilap
Naka-khaki casual na outfit si Jerome, at isang simpleng cotton T-shirt na tumulong upang ipakita ang kanyang malapad na balikat at makitid na baywang, na nagbigay ng impresyon na mas matangkad at guwapo siya. Mayroon siyang malumanay na personalidad at isang malambot na ngiti sa kanyang mukha, na medyo kahawig ni Michael.Siya ang panganay na kapatid ni Michael, at hindi sumali sa army, kundi pinamamahalaan ang military industrial group ng pamilya Conrad, na nakatuon sa negosyo sa gobyerno. Magkaiba si Michael sa kanya, dahil magaling si Michael sa negosyo, ngunit sa kabila ng kanilang tagumpay, ang mga ninuno ng pamilya Conrad ay nagtatrabaho para sa bansa, kaya’t hindi nila tinitingala ang mga negosyanteng puro "copper smell" o amoy-kalakal.Isang mabilis na sulyap ang ibinato ni Jerome kay Cassy na tumakas, at isang malamlam na liwanag ang kumislap sa kanyang mga mata, ngunit hindi ito nakita ni Shayne na tinitingnan si Cassy."Shayne, ayos ka lang ba?" Lumapit si Jerome at dahan-
Para kay Shayne, wala namang “misunderstanding” na nangyari. Kung ‘yung eksenang nakita niya kanina ay isa raw hindi pagkakaintindihan lang, paano naman ‘yung mga litrato noon? Lahat ba ng ‘yon ay aksidente rin?Tumitig siya kay Divina, malamig ang boses habang nagsalita. “Okay, Miss Divina. I don’t want to waste time explaining anything to fake people. Kung mahal mo talaga siya, I don’t mind giving him up. I sincerely wish you both happiness.”Ang tinig niya ay kalmado, pero tagos ang sakit.Biglang napakunot ang noo ni Eldreed. Give him up?Hindi ba siya man lang pinagsisihan ni Shayne? Wala man lang ba itong konting pagseselos o panghihinayang?Ang inakala niyang galit ng isang babaeng nagmamahal ay nauwi lang pala sa isang simpleng pagtalikod.Pakiramdam ni Eldreed ay parang sinampal siya sa mukha. Hindi niya matanggap na ganun lang siya kalamig tignan ni Shayne. Biglang pumasok sa isip niya si Jerome. Hindi ba’t magkasama ang dalawa halos araw-araw habang wala siya sa bansa?Bigl
Bigla na lang siyang niyakap ni Divina. Nahirapan si Eldreed—hindi niya alam kung paano kikilos. Ilang segundo siyang natigilan bago niya maingat na hinawi si Divina palayo, kunwari’y para tulungan itong tanggalin ang bra.Bitin na bitin si Divina sa sandaling pagkakayakap, kaya’t bahagya siyang nagtampo.“Eldreed, can I hug you a little longer? Matagal na simula nung huli kitang nayakap…”Hindi pa man nakakasagot si Eldreed, sumiksik na agad si Divina sa kanyang dibdib at mahigpit na yumakap. Para siyang lubid na nakapulupot sa baywang ng lalaki.“Late na. You should get some rest,” mahina niyang sabi.“Please, kahit sandali lang…”Nahulog ang loob ni Eldreed sa tinig ni Divina. Gusto niyang itulak ito palayo, pero parang hindi niya rin kayang bitawan. Nasa gitna siya ng gulo ng damdamin.Ngunit bago pa siya makapagdesisyon, bumukas ang pinto sa tapat na guest room. Lumabas si Shayne, naka-bathrobe, at mabilis na tumakbo papunta sa master bedroom.Sanay si Shayne matulog na naka-cott
Napilitan si Eldreed na itago ang tensyon sa sarili nang marinig ang sinabi ni Divina. Alam niyang hindi niya kayang mahalin si Divina, lalo na’t hindi niya kayang suklian ang inaasahan nitong damdamin. Kaya’t pinilit niyang panatilihin ang mahinahong tono.“Divina, gabi na. Hayaan mong ihatid na kita sa kwarto mo para makapagpahinga ka,” alok niya.“Okay,” mabilis na sagot ni Divina. “Pero samahan mo muna ako.”Napatigil si Eldreed at agad napansin ni Divina ang pagkailang nito. Napangiti siya, tila nagustuhan ang reaksiyon ng lalaki.“Don’t worry, I’m not asking you to sleep beside me,” sabi ni Divina, sabay tawa. “Besides, this is your house. May asawa ka. I wouldn’t ask you to ruin your image for me.”Bahagyang nakahinga ng maluwag si Eldreed. Ngunit agad na nadagdagan muli ang tensyon nang magsalita ulit si Divina.“Pero siyempre, kung gusto mo akong samahan… I won’t mind.”“Divina, it’s really late. Your health is fragile. You need rest,” mabilis na tugon ni Eldreed, pilit iniiw
Pagkaabot ni Eldreed ng susi at bubuksan na sana ang pinto, napansin niyang hindi ito naka-lock. Nang hawakan niya ang doorknob, kusa itong bumukas.Bakit bukas ang pinto? May tao ba sa loob? Nagtaka siya.Habang nag-iisip, biglang may lumabas na babae mula sa loob—nakabalot lang sa towel si Shayne, basang-basa pa ang buhok. Nagmamadali itong lumapit at aksidenteng nabangga si Eldreed, na buhat-buhat si Divina.“Shayne, hindi mo na naman nilock ang pinto? Delikado ’yan! What if some stranger came in? You could’ve been in danger,” sermon agad ni Eldreed habang pumapasok.Pero hindi siya pinansin ni Shayne. Nakatingin lang ito sa babae sa kanyang mga bisig—mahimbing na natutulog si Divina sa balikat ng lalaki.Nainis si Eldreed sa pagkakabaling ng atensyon ni Shayne. Medyo mas mabigat na ang tono niya nang ulitin ang sinabi.“Shayne, bakit ka ganyan? Ang tanda mo na, pero hindi ka pa rin marunong mag-ingat sa sarili. Sometimes I wonder how I even fell in love with you in the first place
Nang marinig ni Dr. Robles ang tarantang boses ni Eldreed, napatawa siya. Akala ni Eldreed ay pinagtatawanan siya nito kaya agad siyang umalma.“Hoy, Stinky Stone, anong pinagtatawanan mo d’yan? Akala mo hindi ko alam ha?” inis niyang tanong.“Kung alam mo naman pala, bakit ka pa nagtatanong?” sagot ni Dr. Robles habang natatawa pa rin. Nakakatuwa para sa kanya si Eldreed sa ganoong itsura.“Eh kasi naman, hilo na ako sa stress dito! Imbes na tulungan mo ako, pinagtatawanan mo pa ako? Sabihin mo na lang kung tutulungan mo ako o hindi. Kung hindi, hahanap na lang ako ng iba!”“Relax ka lang, Young Master. Sa sobrang pagka-agresibo mo, baka pati ‘yung babaeng mahal mo, hindi mo na kayang hawakan,” tugon ni Dr. Robles, sabay ngiting may laman.Napaisip bigla si Eldreed. May iba ba itong tinutukoy? Parang may alam si Dr. Robles na hindi niya alam. Hindi niya mapakali.“Stone, may nangyari ba diyan sa Pilipinas? Sabihin mo nga!”“Ha? Wala naman…” umiwas si Dr. Robles. Ayaw niyang magsinung
“Jerome, tama na. Huwag mo na akong pilitin. Sa ngayon, ang mahalaga ay gumaling ka. Yung tungkol sa kanya—bahala na,” mariing sabi ni Shayne. Mas importante sa kanya ngayon ang kalagayan ni Jerome kaysa sa alitan nila ni Eldreed.“Pero Shayne, alam mo namang ang gusto ko lang ay ang maging masaya ka. Ako, huwag mo na akong intindihin,” sagot ni Jerome, na tila sinadya ang pagpapakababa para magtuluy-tuloy ang pagkonsensya ni Shayne. Ginamit niya ang sariling kalagayan para manatili ito sa tabi niya.At epektibo ito—lalo lang nalungkot si Shayne. Bumalik sa alaala niya ang tagpong duguan at walang malay si Jerome sa ospital. Hindi niya kayang kalimutan ang sakit na nakita niya sa mga mata nito, at ang kaba habang hinihintay niyang magising ito.Sa puntong iyon, nagpasya si Shayne. Hahayaan na muna niya ang tungkol kay Eldreed. Ang mahalaga ngayon ay si Jerome—ang responsibilidad niya sa taong nasaktan para sa kanya. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung pababayaan niya ito.Sa mga su
Ayaw sagutin ni Shayne ang tanong ni Andeline. Sa halip, nilampasan niya ito at diretsong lumabas ng mall. Balak niyang puntahan agad ang ospital para tingnan ang kalagayan ni Jerome."Ay, dahan-dahan lang, hintayin mo ako!" sigaw ni Andeline nang mapansing bigla na lang nawala si Shayne. Agad siyang nagmadaling humabol.Pero hindi bumagal si Shayne kahit pa patuloy na tinatawag siya ni Andeline. Sa halip, mas lalo pa siyang bumilis. Pagkalabas niya ng mall, agad siyang sumakay ng taxi at nagpahatid sa ospital, iniwang tuluyan si Andeline.Habang nasa biyahe, mabigat ang pakiramdam ni Shayne. Hindi niya alam kung ano ang madadatnan niya kay Jerome. Kapag nagising ba ito, magiging katulad pa rin ba ng dati—dominante at maangas? O nagbago na?Pagdating sa ospital, sinundan niya ang direksyon ng staff at natunton ang ward ni Jerome. Sa tapat ng pintuan ng Room 605, bigla siyang napatigil nang makarinig ng malakas na tunog ng nabasag na salamin mula sa loob.Napatingin siya sa numero ng s
“Lorraine! Akala mo ba palalagpasin kita? Matagal na kitang gustong turuan ng leksyon. Tignan natin ngayon kung sino ang mas matapang,” galit na sigaw ni Andeline habang inaambang sugurin si Lorraine para ipagtanggol ang ate niyang si Shayne.Pero si Lorraine, na sanay lang sa arte at sosyal na pamumuhay, hindi niya kayang tapatan si Andeline na may alam sa self-defense. Ilang saglit lang, bagsak na siya sa sahig, hingal at walang kalaban-laban. Pakiramdam ni Andeline, parang bata lang ang kinaya niya.Nang makita ni Shayne si Lorraine na nakaupo sa sahig at naghahabol ng hininga, dali-daling hinawakan ang kamay ni Andeline para pigilan siya. “Andeline, damit lang ‘yan, hayaan mo na!”Pero sumingit si Lorraine at ngumisi pa, “Heh. Kanina, galit na galit ka, tapos ngayon pa-angel ka na naman? Ang arte mo rin minsan.”Tahimik lang si Shayne, pero si Andeline, di na nakatiis sa pang-iinsulto. Pilit siyang kumawala sa pagkakahawak ng ate niya, lumapit kay Lorraine, saka ito tinadyakan. “W
Nang makita ni Shayne kung gaano ka-determinado si Andeline, natuwa na siya. Para sa kanya, hindi na ganoon kahalaga kung makita man nila ang damit o hindi."Andeline, kung wala na talaga, huwag mo na masyadong isipin. Damit lang naman ‘yon. Baka nabili na rin talaga ng iba," sabi ni Shayne."Hindi puwede! Nangako 'yong saleslady sa akin na itatabi nila ‘yon ng isang linggo. Nagbigay pa ako ng halos kalahating deposit noong araw na ‘yon. Paano mawawala ‘yon bigla?""Ha? Nagbigay ka ng deposit? Eh di tanungin mo sila. Dapat may record sila no’n."Sa sinabi ni Shayne, parang saka lang natauhan si Andeline. Napailing siya, sabay tawa, "Ay oo nga pala! Baka nasa likod na nila ‘yon, tinabi na para sa atin!""Ano pa hinihintay mo? Tanungin mo na!""Oo!" sagot ni Andeline at dali-daling lumapit sa cashier.Tanghali na kaya kaunti lang ang staff sa store—isa o dalawa lang ang naiwan, 'yong iba nag-lunch break.Paglapit ni Andeline sa cashier, agad siyang tinanong ng saleslady, "Hi, ma’am! May