Home / Fantasy / Enchantria Lost of Love / Chapter 11: Masamang Balita

Share

Chapter 11: Masamang Balita

Author: JGJ Writes
last update Last Updated: 2021-09-14 23:49:41

"Nay!" bulalas ko kay Nanay.

Nilapitan ko 'to at niyakap nang mahigpit.

"Alam naming hindi ka namin katulad. Mula noon ay ramdam na namin 'yan dahil sa mga kakaibang pangyayaring araw-araw na nagaganap sa ating buhay. Walang normal na tao ang kayang mag-iwan ng pitak ng ginto sa tapat ng ating pinto at walang matinong tao rin ang maglalakas ng loob na lagyan ng bulaklak ang loob ng iyong silid na hindi natin makikita at mararamdaman," mahabang salaysay nito.

"Nay!" naluluhang usal ko.

"Nang ipakilala mo sa'min si Nicolo ay higit na nasagot ang lahat ng mga katanungang kaytagal naming itinatanong sa aming sarili ng Tatay mo. Ilang taon na ang nakaraan pero 'di ko kayang maniwala na may ganoong mundo talaga. Hanggang sa kami mismo ng Tatay mo ang makasaksi niyon. Napakaliwanag ninyong dalawa nang minsang magdikit ang inyong katawan. Liwanag na wari'y hindi para sa isang normal na tao talaga. Nakita na rin namin ang liwanag na iyon nang makita kita sa kakahuyan at bigyan kita ng pangalan doon. Nang una'y akala ko'y namamalik mata lamang ako subalit ngayon ay masasabi Kong hindi pala," mahabang hayag pa ni Nanay.

Napanganga akong lalo sa sinabi ni Nanay kung kaya tiningala ko ito at tinitigan.

"Nay," muling usal ko sa kaniya.

"Diana, Anak, salamat sa pagkumpleto mo sa'min ng Tatay Dante mo." Huminto ito sa pagsasalita at humugot muna ng malalim na buntong hininga.

"Salamat at pinaramdam mo sa'min kung pa'no maging magulang sa'yo. Kinumpleto mo ang kulang naming buhay at higit sa lahat ay binigyan mo kami ng saya. Lagi mong tatandaan na anuman ang mangyari..." Huminto itong muli sa pagsasalita.

"Mahal na mahal ka namin ng Tatay Dante mo, Diana." At mahigpit na niyakap ako nito.

"Nay!" Naluluha kong sambit at gumanti rin ng yakap dito.

Narinig ko ang pagsinok niya tanda nang pag-iyak nito.

"Hindi habang panahon ay magkakasama tayo, Anak. Alam namin na darating ang panahon na pwede ka na nilang kuhanin sa'min at 'di namin iyon mapipigilan sapagkat iyon ang nakatakda. Ngunit sa pagdating ng panahon na 'yon, nawa'y patuloy mo pa rin kaming alalahanin ng iyong Tatay Dante at 'wag kang magdalawang isip na muli kang bumalik sa'amin." Tuluyan nang humagulgol ng iyak si Nanay kaya naman pati ako ay 'di na rin napigilan pang umiyak.

"Mahal na mahal ko po kayo ni Tatay, Nay!" madamdamin kong wika rito.

"Mahalin niyo sana ni Nicolo ang isa't isa lalo na kung wala na kami sa iyong tabi, Anak." Masuyong hinaplos nito ang aking buhok.

"Nay!" hilakbot kong sabi nang marinig ang winika nito.

"Hindi kayo mawawala sa'kin," humihikbi ko pang saad sa kaniya.

"Hindi natin hawak ang buhay natin, Diana. Tanging ang Poong Maykapal na siyang lumikha lamang ang tanging nakakaalam ng lahat at sa kung ano ang pwedeng mangyari sa ating buhay. Lagi mo lamang sanang tatandaan na makinig ka sa idinidikta ng iyong puso. Pagmamahal ang siyang sandata mo sa lahat ng unos." Hinaplos ni Nanay ang aking buhok at hinalikan ako sa aking noo.

"Kaya naman pala ang tagal mong pumasok sa silid natin ay dahil nagdadramahan pa kayo rito ni Diana," sabad naman ni Tatay na nakatayo na pala sa may pintuan ng aking silid.

"Diana, Anak, nagbilin ako kay Nicolo na ingatan, alagaan at protektahan ka sa lahat ng oras na siya naman niyang gagawin. Dahil natitiyak namin ng Nanay mo kung ga'no ka niya kamahal," ani pa ni Tatay.

Napangiti naman ako sa sinabi ni Tatay at 'di ko maitatangging totoo ang mga sinabi nito dahil kahit ako ay ramdam ko iyon.

"Pakamahalin at pakaingatan mo si Nicolo, Anak. Alam naming malaki ang bahagi niya sa buhay mo at gayon ka rin sa kaniya. Nararamdaman naming anumang unos ang iyong kaharapin ay iyong malalagpasan basta't lagi lamang kayong magkasama at magmahalan. Halos magkarugtong na ang inyong mga puso," mahabang hayag ni Tatay.

"Kayo talaga Tay, parang binibenta niyo na ako ng husto niyan kay Nicolo," naiiling kong saad kay Tatay.

Lumapit sa'kin si Tatay at niyakap din ako nito.

"Hindi naman sa ganoon, Anak. Matanda na rin kami ng Nanay mo at gusto nga namin na may mag-aalaga rin sa'yo. Natitiyak namin na si Nicolo ang taong karapat-dapat sa'yo dahil nakikita namin sa kaniyang mga mata kung pa'no ka niya mahalin at sambahin ng tunay," wika ni Tatay sa'kin.

"At si Nicolo lang ang lalaking nakita naming nagpangiti nang ganiyan sa'yo, Anak," sabad naman ni Nanay.

Matagal kong niyakap ang mga ito na tila baga ayaw kong mawalay sa kanilang dalawa.

"O siya, magpahinga na tayo, Tina at maaga pa ang pagpalaot natin bukas," ani ni Tatay kay Nanay.

"Oo, susunod na ako. Mauna ka na sa kwarto at ihahabilin ko lang kay Diana ang mga importanteng gamit niya," tugon naman ni Nanay.

Matapos iabot sa'kin ni Nanay Ang maliit na kahon ay hinubad nito ang kaniyang singsing sa daliri at isinuot niya sa akin iyon.

"Iyan lang ang maihahandog ko sa'yong ika-labing anim na kaarawan, Anak. Sana'y iyong maibigan." Muling yumakap ito sa'kin nang mahigpit.

"Salamat po, Nay! Pakaingatan ko po ito. Pangako!" Taos puso kong sambit.

"Alam ko!" Ngumiti siya sa'kin at muling niyakap ako nang mahigpit saka hinagod nang paulit-ulit ang aking likuran.

Nagpaalam na itong lilipat na sa kanilang silid na agad ko namang tinanguan.

Bago ko tuluyang isara ang pinto ng silid ay sinilip ko pa muna si Nicolo na nakahiga sa upuang kawayan namin sa sala.

Kinuha ko ang isang ekstrang kumot at unan saka lumabas sa aking silid upang ibigay iyon kay Nicolo.

"Nicolo..." Mahinang niyugyog ko ito.

Idinilat nito ang kaniyang mga mata at nakangiting bumangon ito.

"Diana!" usal niya sa'kin.

"Magkumot ka at napakalamig dito bukod pa sa malamok. Gamitin mo rin ang unan para 'di masaktan ang iyong batok sa paghiga rito sa papag," mahabang litanya ko sa kaniya.

Tinanggap niya ang inabot kong unan at kumot.

"Kung tutuusin ay hindi ko na ito kailangan, Mahal kong Prinsesa," ani niya sa'kin.

"Pero dahil kaloob mo ito sa'kin, ay aking gagamitin ito," nakangiti niyang sambit.

Natuwa naman ako sa narinig na sinabi niya.

Lumapit ako sa kaniya at ginawaran ko ito ng halik sa kaniyang noo. Palayo na ako sa kaniya nang hilahin niya ang aking kamay pabalik sa kaniyang katawan. Napadausdos tuloy ako sa kaniyang dibdib.

"Nicolo!" mahinang usal ko.

Kinintilan niya ako ng halik sa aking labi.

"Sueño feliz mi Querida Princesa," masayang bulong niya sa'kin.

"Masayang panaginip din sa'yo, Nicolo!" ganting sambit ko sa kaniya.

Nakangiting humakbang na ako papasok sa loob ng aking silid.

Inayos ko ang higaang papag at nahiga na roon ako.

********

Naramdaman ko ang malamig na hanging dumapo sa aking katawan.

Pagmulat ko sa aking mga mata ay nakangiting mukha nina Nanay at Tatay ang bumungad sa akin.

"Diana, Anak! Mahal na mahal ka namin!" Naluluhang sambit sa'kin ni Nanay.

"Nay!" tanging tugon ko sa kaniyang sinabi at dumaloy na rin ang mga luha mula sa aking mga mata.

"Tandaan mo sana lahat ng mga bilin namin sa'yo, Anak. Mahal na mahal ka namin ng Nanay Tina mo," madamdaming saad din ni Tatay.

"Tay!" tugon ko sa ama.

Nagugulumihanang tumayo ako at niyakap ko sila.

Niyakap din nila ako nang mahigpit na mahigpit na parang iyon na Ang huling sandaling makakapiling ko sila.

"Paalam, Anak! Paalam!" magkapanabay nilang wika sa'kin.

"Nay! Tay!" malakas kong sigaw sa kanila nang makitang tumalikod ang mga ito sa'kin.

"H'wag niyo po akong iwan!" malakas kong hiyaw sa kanila.

Ngunit hindi na sila lumingon pa sa'kin.

"Diana! Diana!" Naramdaman ko ang mahinang yugyog sa aking katawan.

Pagdilat ko ng mga mata ay ang nag-aalalang mukha ni Nicolo ang bumungad sa'kin.

"Nicolo!" usal ko sa kaniya.

"Nananaginip ka Diana, kaya ginising kita." Paliwanag nito sa'kin.

"Sina Nanay at Tatay?" tanong ko sa kaniya.

"Kanina pa sila nakaalis at dadaong pa raw sila sa laot patawid sa kanilang pupuntahan. Hindi ka na nila ginising dahil ayaw ka raw nilang abalahin pa sa iyong paghimbing," mahabang salaysay nito sa'kin.

May kung anong kaba ang biglang bumundol sa aking dibdib. Kabang naramdaman ko sa kakahuyan kahapon at naulit na naman ngayon.

"H'wag mong isipin ang anumang nakakatakot na isipin, Diana. Ligtas sila!" Pagpapakalma sa'kin ni Nicolo.

"Tama ka, ligtas sila!" nakangiti kong tugon kay Nicolo.

Inalalayan akong makabangon sa higaan ni Nicolo at niligpit ko muna ang aking higaang papag.

Napangiti ako nang makita ang mga nagkalat na bulaklak sa gilid ng aking higaan.

"Salamat sa mga magandang bulaklak na ito." Turo ko kay Nicolo sa mga bulaklak.

"Walang anuman, Mahal kong Prinsesa, basta't makita lamang kitang maligaya," ani nito sa'kin.

Lumapit ako sa kaniya at hinaplos ko ang kaniyang pisngi.

Hinapit naman ako nito sa aking baywang at dinampian ako ng halik sa aking mga labi.

"Nicolo!" bulalas ko sa kaniya.

"Hindi pa ako nagtu-toothbrush!" dagdag ko pang sabi.

Malakas na tawa lamang ang tugon nito sa'kin.

"Diana! Diana!" Malakas na sigaw ng kung sinumang tao sa labas ng aming pinto.

"Sandali lang ho!" tugon ko naman dito.

Mabilis na kumalas ako sa pagkakahapit sa'kin ni Nicolo.

"Diana!" Muling sigaw ng kung sinuman.

Madali akong lumabas ng silid at tinungo ang pinto ng aming sala.

"Kayo ho pala, Mang Kanor, magandang umaga ho!" Bati ko sa matandang mangingisda at nagmano rito.

"Iha, ang Nanay at Tatay mo..." Natataranta ito at 'di halos malaman kung ano ang sasabihin.

"Wala ho rito sina Nanay at Tatay, umalis ho sila kaninang madaling araw at may pupuntahan daw pong kaibigan," saad ko sa pag-aakalang hinahanap nito ang Nanay at Tatay niya upang kausapin.

"Alam ko, Iha, at kaya nga ako narito upang ibalita sa'yong patay na ang Nanay at Tatay mo," paanas nitong sabi.

"Ano ho?" malakas na bulalas ko kay Mang Kanor.

"Pilit silang pumalaot sa dagat kahit napakalakas ng alon. Pinigilan namin sila ngunit mapilit sila dahil naghihintay raw sa kanila ang kanilang pupuntahan." Paliwanag pa ni Mang Kanor.

"Hindi ho totoo 'yan!" Pabiling-biling kong sabi.

"Sabihin niyo pong nagbibiro lang kayo, Mang Kanor," muli ko pang sabi rito.

"Hindi ko magagawang magbiro sa'yo ng ganiyan, Diana," ani nito sa'kin.

Nag-unahang umagos ang mga luha ko mula sa aking mga mata.

"Nakikiramay ako, sa'yo, Diana." Tinapik ako ni Mang Kanor sa aking braso at tumalikod na ito.

"Nay! Tay!" Sigaw ko habang humahagulgol nang malakas.

"Diana!" Naramdaman ko ang masuyong pagyakap ni Nicolo mula sa aking likuran.

"Sina Nanay at Tatay, iniwan na ako." Malakas na hagulgol ko ang maririnig sa bawat sulok ng buong bahay.

"Tapos na ang kanilang misyon, kung kaya kinuha na sila ni Bathala." Patuloy sa paghagod ito sa aking katawan.

"Hindi! Hindi 'yan maaari!" Patuloy kong panaghoy.

"Ngunit wala na tayong magagawa kung sadyang nakatakda na ang lahat, Diana," malungkot nitong sabi.

"Hindi totoo 'yan!" Malakas kong bulyaw kay Nicolo sabay tulak dito.

Tumakbo ako palabas ng bahay at parang baliw na nagtatatakbo patungo sa palaot.

Nadatnan ko ang mga taong nagkagulo roon at sinalubong nila ako ng kanilang pakikidalamhati.

"Nakikiramay kami sa'yo, Diana!" magkakapanabay nilang wika.

"Hindi! Hindi totoo 'yan!" Parang baliw kong sabi at pinagtututulak ko sila isa-isa.

"Diana!" Pinigilan ako nang malabakal na braso ni Nicolo at niyakap nang mahigpit.

"Nay! Tay!" Tawag ko sa mga nakalakhang magulang.

"Diana!" Rinig kong sigaw nila Nicolo bago ako tuluyang kainin ng dilim at tuluyang nawalan ng malay.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
hala kya pala ganun nlng kung magpaalam kay Diana ung kinagisnan nyang magulang un pla mawawala na sila .........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 12: Kalungkutan

    "Diana, Anak!" nakangiting sambit ni Tatay."Tay!" Tawag ko sa ama-amahan."Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo, Anak." Hinaplos ni Nanay ang aking pisngi."Nay!" Yumakap ako rito."Anak, lagi mong tatandaan na nandito lang kami parati sa'yong tabi," wika ni Nanay."H'wag mong pababayaan ang iyong sarili, Anak." Hinaplos ni Tatay ang buhok ko."Mahal na mahal ka namin, Anak!" Sabay nilang sabi at niyakap ako nang mahigpit."Nay! Tay!" Nagsimulang umagos ang mga luha mula sa aking mga mata."Paalam, Anak!" Hinalikan pa nila ako ng sabay sa aking pisngi.*Nay! Tay!" humahagulgol kong sambit.Sa huling pagkakataon ay hinaplos nila ang aking pisngi at saka dahan-dahan silang lumayo sa'kin."H

    Last Updated : 2021-09-17
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 13: Mahiwagang Tinig

    Sa paglipas ng mga araw ay nanatili si Nicolo sa aking tabi.Sa kabila ng kalungkutang aking nadarama ay nanatili itong gabay sa nagdidilim kong mundo.Kasama ng kalikasan, dinamayan nila ako sa pagluluksa kina Nanay at Tatay.Walang katawan nina Nanay at Tatay kaming naiburol sapagkat parehong nalunod at nalubog sa gitna ng dagat ang mga katawan nila.Parang kahapon lang ng iyon ay maganap. Halos hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.Mabuti na lamang at nanatili si Nicolo sa aking tabi."Malalim na naman ang iyong iniisip, Mahal kong Prinsesa." Mula sa likurang bahagi ng aking katawan ay niyakap niya ako."Iniisip ko lang sina Nanay at Tatay," malungkot kong tugon sa kaniya."H'wag ka nang malumbay, Mahal kong Prinsesa." Ipinatong pa nito ang kaniyang baba sa aking balikat.Nakaharap kami sa bintana ng aking silid kung saan natatanaw namin ang ganda ng kakahuyan.Ang kakahuyang kinatatakutan

    Last Updated : 2021-09-22
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 1: Iligtas ang Prinsesa

    “Inang Reyna, madali at humayo kayo ng mahal na Prinsesa!” Sigaw ng Amang Hari. “Ngunit hindi kita maaring iwan sa gitna ng digmaan,” wika ng Inang Reyna at lumapit pa ito sa Amang Hari habang kalong-kalong ang sanggol na prinsesa. “Kailangan mong iligtas ang mahal na Prinsesa. Kayo na lamang ang tanging pag-asa ng buong Enchantria,” sambit ng Amang Hari. “Kaya’t humayo na kayo!” Pagtataboy pa niyang muli sa Inang Reyna. Lumingon ang Amang Hari sa kinaroroonan ko at kumumpas ito sa hangin. Lumitaw sa aking harapan ang kanyang gintong espada. “Nicolo, tanggapin mo ang aking gintong espada at ipagtanggol sila sa abot ng iyong makakaya,” wika niya sa akin. “Ihatid mo sila sa lagusan patawid sa mundo ng mga mortal,” dagdag na sabi pa niya at yumukod ako bilang tugon sa kaniya.

    Last Updated : 2021-07-08
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 2: Sa Mundo ng mga Mortal

    Nakarinig ako ng mga papalapit na yabag, ginamit ko ang aking kapangyarihan upang ikubli kaming dalawa ng mahal na prinsesa. Nakita ko ang dalawang nilalang na naglalakad patungo sa aming kinaroroonan. Minatyagan ko ang kanilang mga galaw at pinakinggan ang kanilang usapan. “Kung nagkaroon lang tayo ng anak Dante, masaya siguro tayong naninirahan sa ngayon dito,” malungkot na wika ng babae. “Huwag ka nang malungkot Tina, alam naman natin na may dahilan ang Diyos kung bakit hindi tayo maaaring magkaanak.” Inakbayan ng lalaki ang babae. “Ano kaya kung sa kanila kita ipaalaga habang narito tayo sa mundo ng mga mortal?” wala sa loob na sambit ko sa prinsesa at biglang pumalahaw ito ng iyak. “Narinig mo ba ‘yon Dante, may umiiyak na sanggol,” sabi ng babae sa kanyang asawa. “Naliligaw na baboy

    Last Updated : 2021-07-08
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 3: Panaginip

    Diana (POV) Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Nakita ko ang mga sanga ng punongkahoy na gumagapang at ang mga dahon nito’y kumakalusot. Ang hangin ay sumisipol sa mga putot na siyang nakakagambala sa mga dahon. Kumakanta ang mga ibon samantalang ang mga insekto naman ay humuhuni. Ang mga alitaptap ay nagbibigay liwanag sa buong paligid. Ang mga hayop ay nakikipagdaldalan sa kapwa nila hayop. Nakamamangha! Para akong nasa kakaibang mundo. “D-diana… Diana…” tawag sa’kin ng isang malamyos na tinig. “Sino ka?” Sigaw ko sa tinig na ‘yon. “Diana… H-halika… L-luma

    Last Updated : 2021-07-08
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 4: Mga Kakaibang Pangyayari

    Habang nasa klase ay 'di mawaglit sa aking isipan ang lalaking nakita ko sa may kakahuyan. "Sana ay muli ko siyang makita roon." Piping hiling ko sa sarili. Narinig kong humuhuni ang mga ibon na nakadapo sa bintana ng aming silid aralan. Nginitian ko ang mga ito at lalo naman silang humuni pa na parang umaawit lamang. "Kay gandang awitin, mga Kaibigan!" wika ko sa aking isipan upang purihin ang mga ibong masayang humuhuni. "Salamat, Mahal na Prinsesa!" Rinig kong sagot ng isang maliit na boses. Hinanap ko ang nagsalitang iyon at inilinga sa paligid ang aking mga mata ngunit wala kong nakita. Kinalabit ko si Elsa sa aking tabi. "Tinawag mo ba akong Prinsesa?" tanong ko sa kaniya. "Ano ka ba naman Diana, ba't naman kita tatawaging prinsesa eh wala ka namang kaharian," bumubungisngis na tugon naman ni Elsa sa akin. "Ang sama mo talaga!" nakasimangot kong sagot sa kaniya. "Eh

    Last Updated : 2021-09-02
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 5: Mahiwagang Damdamin

    Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa aking silid. Panaginip lang ba ang lahat? Wala sa sariling dinama ko ang tapat ng aking dibdib gamit ang kanan kong palad. Naroon pa rin ang kakaibang kabog ng aking puso na walang pagkakaiba sa nararamdaman ko kani-kanina lang habang naririnig ang boses na iyon. Pero merong kakaiba at bagong damdamin akong nakapa sa aking sarili... Parang may bahagi ng aking pagkatao ang gustong bumalik muli sa lugar na iyon. Kusang tumuon ang aking paningin sa nakabukas na bintanang nakaharap sa direksiyon ng kakahuyan. Dahan-dahan akong tumayo mula sa higaang papag na aking kinauupuan at dumungaw roon. Mula rito sa aking silid ay isang simpleng kakahuyan lang naman ang natatanaw ko at wala akong napapansing espesyal dito. Naroon ang kakaibang pakiramdam sa aking puso ngunit malabo ang alaala ko. Malinaw ang p

    Last Updated : 2021-09-03
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 6: Nicolo

    Pinanood ko sina Nanay at Tatay na kasalukuyang naglalambingan habang nakaupo sa inilatag kong banig."Sana kagaya nila ay matagpuan ko rin ang lalaking magpapasaya sa'kin," ani ko sa isipan.Biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin at para bagang niyayakap ako niyon. May kung anong kakaibang pakiramdam akong naramdaman sa aking puso. Tila baga may mga matang nakatitig sa akin mula sa likurang bahagi ng aking katawan.Lumingon ako upang tingnan iyon ngunit wala akong nakitang ibang tao roon liban lamang sa mga maliliit na hayop na kasalukuyang naglalaro.'Di ko namalayang sinusundan ko na ang mga hayop sa kanilang paghahabulan patungo sa pinakamasukal na bahagi ng kakahuyan.Ito ang bahagi ng kakahuyan na ipinagbabawal nang pasukin dahil sa dami ng mga kumakalat na balitang may Engkantong nakatira roon."Patutunayan kong hindi iyon totoo!" ani ko sa sarili.Nagpatuloy ako sa pagsunod sa mga hayop na patuloy lama

    Last Updated : 2021-09-04

Latest chapter

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 13: Mahiwagang Tinig

    Sa paglipas ng mga araw ay nanatili si Nicolo sa aking tabi.Sa kabila ng kalungkutang aking nadarama ay nanatili itong gabay sa nagdidilim kong mundo.Kasama ng kalikasan, dinamayan nila ako sa pagluluksa kina Nanay at Tatay.Walang katawan nina Nanay at Tatay kaming naiburol sapagkat parehong nalunod at nalubog sa gitna ng dagat ang mga katawan nila.Parang kahapon lang ng iyon ay maganap. Halos hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.Mabuti na lamang at nanatili si Nicolo sa aking tabi."Malalim na naman ang iyong iniisip, Mahal kong Prinsesa." Mula sa likurang bahagi ng aking katawan ay niyakap niya ako."Iniisip ko lang sina Nanay at Tatay," malungkot kong tugon sa kaniya."H'wag ka nang malumbay, Mahal kong Prinsesa." Ipinatong pa nito ang kaniyang baba sa aking balikat.Nakaharap kami sa bintana ng aking silid kung saan natatanaw namin ang ganda ng kakahuyan.Ang kakahuyang kinatatakutan

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 12: Kalungkutan

    "Diana, Anak!" nakangiting sambit ni Tatay."Tay!" Tawag ko sa ama-amahan."Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo, Anak." Hinaplos ni Nanay ang aking pisngi."Nay!" Yumakap ako rito."Anak, lagi mong tatandaan na nandito lang kami parati sa'yong tabi," wika ni Nanay."H'wag mong pababayaan ang iyong sarili, Anak." Hinaplos ni Tatay ang buhok ko."Mahal na mahal ka namin, Anak!" Sabay nilang sabi at niyakap ako nang mahigpit."Nay! Tay!" Nagsimulang umagos ang mga luha mula sa aking mga mata."Paalam, Anak!" Hinalikan pa nila ako ng sabay sa aking pisngi.*Nay! Tay!" humahagulgol kong sambit.Sa huling pagkakataon ay hinaplos nila ang aking pisngi at saka dahan-dahan silang lumayo sa'kin."H

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 11: Masamang Balita

    "Nay!" bulalas ko kay Nanay.Nilapitan ko 'to at niyakap nang mahigpit."Alam naming hindi ka namin katulad. Mula noon ay ramdam na namin 'yan dahil sa mga kakaibang pangyayaring araw-araw na nagaganap sa ating buhay. Walang normal na tao ang kayang mag-iwan ng pitak ng ginto sa tapat ng ating pinto at walang matinong tao rin ang maglalakas ng loob na lagyan ng bulaklak ang loob ng iyong silid na hindi natin makikita at mararamdaman," mahabang salaysay nito."Nay!" naluluhang usal ko."Nang ipakilala mo sa'min si Nicolo ay higit na nasagot ang lahat ng mga katanungang kaytagal naming itinatanong sa aming sarili ng Tatay mo. Ilang taon na ang nakaraan pero 'di ko kayang maniwala na may ganoong mundo talaga. Hanggang sa kami mismo ng Tatay mo ang makasaksi niyon. Napakaliwanag ninyong dalawa nang minsang magdikit ang inyong katawan. Liwanag na wari'y hindi para sa isang normal na tao talaga. Nakita na rin na

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 10: Kakaibang Kaba

    "Diana!" Mahinang tinig ni Nicolo ang siyang aking naririnig."Nicolo..." Hinahanap ko ang presensiya niya sa madilim na karimlan."Diana..." Muli'y narinig ko ang malakas niyang tinig na parang kaylapit niya lamang sa'kin."Dumilat ka, Mahal kong Prinsesa!" Naramdaman ko ang masuyong haplos niya sa aking pisngi."Nicolo..." Iminulat ko ang mga mata at aking nasilayan ang nag-aalalang mukha nito."Diana, Mahal kong Prinsesa!" Niyakap ako nito nang mahigpit.Ramdam kong nakahiga ako pero wala sa loob ng aking silid.Inilinga ko ang mga mata sa paligid at nakita kong nasa kakahuyan pa rin ako.Ngunit saan ako nakahiga kung gayon?Pinilit kong bumangon sa pagkakahiga at inalalayan naman ako ni Nicolo.Namangha ako sa nakitang ganda ng aking higaan.Para akong isang tunay na prinsesang nakahiga sa isang magarang higaan na napalilibutan ng iba't ibang uri ng mga bulaklak.Nap

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 9: Ika-labing Anim na Kaarawan

    Diana (POV)Namulat ko ang mga mata nang maramdaman sa aking balat ang pagtama ng sinag ng araw na lumulusot mula sa butas ng bintana.Bumangon ako sa higaang papag at naghikab bago tuluyang tumayo. Niligpit ko ang pinaghigaan at sinuklay ang aking buhok.Binuksan ko ang sirado ng bintana at sumilay ang ngiti sa'king labi nang makita si Nicolo na nagsisibak ng mga kahoy sa'ming bakuran.Mula ng maging kasintahan ko 'to ay lagi na niyang pinatutunayan sa'min ang kaniyang sarili.Sa sandaling panahon nang panliligaw nito ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pang sagutin ito.Hindi naman na ako naniniwala pa sa makalumang paraan nang panliligaw dahil nasa modernong panahon na ang mundo at hindi na uso sa akin ang Maria Clara style.Si Nicolo lang naman ang mapilit na gawin ang mga makalumang paraan nang panliligaw dahil gusto

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 8: Iisang Damdamin

    Nicolo (POV)Magmula nang magkaharap kami ni Diana rito sa kasukalan ng kagubatan ay may kung anong engkantasyon ang bumalot sa aming dalawa.Nakita ko ang liwanag na lumabas mula sa kaniyang katawan nang haplusin niya ang aking pisngi.Liwanag na tanging mga mahaharlikang engkantada lamang ang mayroon at minsan ko na ring nasaksihan mula sa kaniya ng sanggol pa lamang siya.Hindi ko batid kung nakita niya rin ang liwanag na 'yon. Pero, alam kong may kakaibang nangyari mula nang haplusin niya ang aking pisngi.Nararamdaman ko ang kaniyang nadarama. Nakikita ko ang kaniyang mga panaginip. Naririnig ko ang kaniyang naririnig.Hindi ko gustong makitang nalulumbay si Diana, dahil kahit ako ay nalulumbay rin.Ang bawat paghihirap ng kaniyang kalooban ay higit na paghihirap na aking nadarama.Gusto ko lang na lagi siyang masaya sapagkat pati ako ay sumasaya rin."Bakit

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 7: Masidhing Damdamin

    Hindi ko alam kung bakit kailangan kong tumakbo. Ang tanging alam ko lamang ay kailangan kong makalayo.Ngunit saan nga ba ako tutungo? Bakit ko nga ba kailangang lumayo?Hinihingal na ako pero kailangan kong magpatuloy sa pagtakbo. Muli akong tumakbo sa madilim na bahagi ng kakahuyan hanggang marating ko ang kasukalang bahagi niyon."Diana..." Rinig kong tawag sa akin ng isang malamyos na tinig."Sino ka?" Malakas kong tanong at luminga-linga sa aking paligid."Tulungan mo ako, Diana..." Humihinging tulong ang malamyos na tinig."Sino ka?" pasigaw ko ulit na tanong sa malamyos na tinig.Hindi ko alam kung pa'no makakatulong. Pero bakit ako mismo sa aking sarili ay parang kailangan ko rin ng tulong?Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari. Ako man ay litong-l

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 6: Nicolo

    Pinanood ko sina Nanay at Tatay na kasalukuyang naglalambingan habang nakaupo sa inilatag kong banig."Sana kagaya nila ay matagpuan ko rin ang lalaking magpapasaya sa'kin," ani ko sa isipan.Biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin at para bagang niyayakap ako niyon. May kung anong kakaibang pakiramdam akong naramdaman sa aking puso. Tila baga may mga matang nakatitig sa akin mula sa likurang bahagi ng aking katawan.Lumingon ako upang tingnan iyon ngunit wala akong nakitang ibang tao roon liban lamang sa mga maliliit na hayop na kasalukuyang naglalaro.'Di ko namalayang sinusundan ko na ang mga hayop sa kanilang paghahabulan patungo sa pinakamasukal na bahagi ng kakahuyan.Ito ang bahagi ng kakahuyan na ipinagbabawal nang pasukin dahil sa dami ng mga kumakalat na balitang may Engkantong nakatira roon."Patutunayan kong hindi iyon totoo!" ani ko sa sarili.Nagpatuloy ako sa pagsunod sa mga hayop na patuloy lama

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 5: Mahiwagang Damdamin

    Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa aking silid. Panaginip lang ba ang lahat? Wala sa sariling dinama ko ang tapat ng aking dibdib gamit ang kanan kong palad. Naroon pa rin ang kakaibang kabog ng aking puso na walang pagkakaiba sa nararamdaman ko kani-kanina lang habang naririnig ang boses na iyon. Pero merong kakaiba at bagong damdamin akong nakapa sa aking sarili... Parang may bahagi ng aking pagkatao ang gustong bumalik muli sa lugar na iyon. Kusang tumuon ang aking paningin sa nakabukas na bintanang nakaharap sa direksiyon ng kakahuyan. Dahan-dahan akong tumayo mula sa higaang papag na aking kinauupuan at dumungaw roon. Mula rito sa aking silid ay isang simpleng kakahuyan lang naman ang natatanaw ko at wala akong napapansing espesyal dito. Naroon ang kakaibang pakiramdam sa aking puso ngunit malabo ang alaala ko. Malinaw ang p

DMCA.com Protection Status