Nicolo (POV)
Magmula nang magkaharap kami ni Diana rito sa kasukalan ng kagubatan ay may kung anong engkantasyon ang bumalot sa aming dalawa.
Nakita ko ang liwanag na lumabas mula sa kaniyang katawan nang haplusin niya ang aking pisngi.
Liwanag na tanging mga mahaharlikang engkantada lamang ang mayroon at minsan ko na ring nasaksihan mula sa kaniya ng sanggol pa lamang siya.
Hindi ko batid kung nakita niya rin ang liwanag na 'yon. Pero, alam kong may kakaibang nangyari mula nang haplusin niya ang aking pisngi.
Nararamdaman ko ang kaniyang nadarama. Nakikita ko ang kaniyang mga panaginip. Naririnig ko ang kaniyang naririnig.
Hindi ko gustong makitang nalulumbay si Diana, dahil kahit ako ay nalulumbay rin.
Ang bawat paghihirap ng kaniyang kalooban ay higit na paghihirap na aking nadarama.
Gusto ko lang na lagi siyang masaya sapagkat pati ako ay sumasaya rin.
"Bakit kasi hindi mo pa sabihin sa Mahal na Prinsesa ang totoo?" tanong ng maliit na boses na nagmumula sa kaibigan kong ibon.
"Hindi maaaring ako ang magsabi niyon sa kaniya sapagkat kailangan niya iyong matuklasan ng kusa sa takdang panahon," tugon ko naman dito.
Unti-unti nang lumalabas ang kapangyarihan ni Diana dahil nalalapit na rin ang kaniyang ika-labing anim na kaarawan.
Tiyak ding lahat ng kapangyarihan nito ay sabay rin niyang sisibol.
Siya ang tagapagligtas ng buong Enchantria at siya lang din ang may kapangyarihang talunin si Vera.
"Nicolo!" Rinig kong tawag ni Diana sa akin mula sa kung saan.
"Nariyan na siya!" matinis na wika ng kaibigan kong ibon.
"Nicolo!" Naramdaman ko ang takot na nadarama ni Diana kung kaya't mabilis kong ipinitik sa ere ang aking mga daliri.
Niyakap ko ito mula sa likurang bahagi ng kaniyang katawan. Yakap na madalas kong gawin sa kaniya mula pa man noong ito'y sanggol pa lamang.
"Nicolo..." Rinig kong usal niya.
"Mi Querida Princesa!" bulong ko sa kaniya.
Nagulat ako nang hawakan niya ang mga braso kong nakayakap sa kaniya.
Pa'no niya nalaman na narito ako mismo sa kaniyang likuran?
Hindi na ba ako invisible sa kaniyang mga paningin?
Kumalas siya sa pagkakayakap ko at humarap sa akin.
"Nicolo..." paanas niyang sambit at hinaplos ang aking pisngi.
"Mahal kong Prinsesa!" turan ko naman sa kaniya.
"Natatakot ako!" naluluha niyang wika sa'kin.
"H'wag kang matakot, Mahal kong Prinsesa. Nandito lang ako!" Kinabig ko siya palapit sa aking katawan at doo'y ikinulong sa aking mga bisig.
Paulit-ulit kong hinaplos ang kaniyang buhok upang kalamayin ang kaniyang kalooban.
Dahan-dahan ko siyang kinalas mula sa aking pagkakayakap at hinawakan ang kaniyang braso upang hilahin ito palakad.
Tinahak namin ang daan patungo sa kasukalang bahagi ng kakahuyan at dinala ko siya sa lugar kung saan naroon ang lagusan tungo sa mundo ng Enchantria.
Isa lamang itong simpleng talon na napapalibutan ng mga magagandang bulaklak sa paningin ng bawat mortal. Ngunit sa aming mga Engkanto, ito ang nag-iisang lagusan palabas masok sa mundo ng Enchantria.
Naabutan naming nagtatampisaw ang mga isda sa tubig at tuwang-tuwa si Diana na panoorin iyon.
Bumitiw ito sa pagkakahawak sa'kin at tumakbo palapit sa mga isdang kinatutuwaan niyang lapitan agad.
"H'wag kang tumakbo, Mahal na Prinsesa at baka ika'y madulas!" Sigaw ko sa kaniya ngunit nagpatuloy lamang ito sa pagtakbo dala ng labis na katuwaan sa mga isdang nagtatampisaw sa tubig.
Hindi nito napansin ang tubig sa kaniyang daraanan kung kaya't nadulas ito.
Mabilis ang ginawa kong pagpitik sa ere upang makarating agad sa kaniyang kinaroroonan bago tuluyang bumagsak sa sahig ang kaniyang katawan.
Hinapit ko siya sa kaniyang baywang dahilan para magkalapit ang aming mga katawan.
Tinitigan ko siya sa kaniyang mukha at napadako ang aking mga mata sa mapupula niyang mga labi. Para akong nahihipnotismong pinalalapit doon.
"Que dulce es el beso de tus labios, Mi Querida Princesa."
"Kaysarap halikan ng mapupula mong mga labi," sambit ko sa kaniya.
Dahan-dahang lumapit ang aking mukha sa kaniya at ginawaran ko siya ng halik sa kaniyang labi.
Marahan lamang ang ginawa kong paghalik sa kaniya at puno ng pagmamahal.
Hindi niya alam kung pa'no tugunan ang aking halik sapagkat ito ang kaniyang unang beses na mahalikan.
Alam ko 'yon dahil ako ang kaniyang bantay at walang sinumang kalalakihan ang pinahintulutan kong makalapit sa kaniya.
Dapat lang sapagkat isa siyang Prinsesa at natatanging tagapagligtas ng Enchantria.
Sanggol pa lamang ito ay gusto ko na siya at mula noon ay handa kong ialay ang aking buhay para sa kaniya.
Matagal naming ninamnam ang labi ng isa't isa.
"Nicolo..." usal niya nang bitawan ko ang kaniyangan labi.
"Bawat pagpikit ng aking mga mata ay naroon at naghihintay ang maganda mong mukha na parang tinutukso akong labagin ang batas na aking pinangalagaan. Batas na pangalagaan ka kapalit man ng aking buhay," hayag ko sa kaniya.
"Di mo man ramdam ay lagi akong nasa paligid, binabantayan ka mula sa anumang kapahamakan. Nitong huli ko napagtantong hindi ko na pala ito ginagawa dahil sa aking tungkulin lamang kundi ay dahil ito na ang dikta ng aking puso. Tinatanaw kita mula sa malayo at patuloy na minamahal nang patago pero ngayon ay gusto ko nang ilabas ang lahat ng mga kinikimkim ng aking puso. Mahal kita, Diana at patuloy na mamahalin kahit na di mo man suklian ang aking damdamin," patuloy ko pang hayag sa kaniya.
"Mahal din kita, Nicolo!" humihikbi niyang sambit sabay yakap nang mahigpit sa'kin.
"Diana..." Hinaplos ko ang kaniyang buhok at 'di ko inaasahan ang kaniyang katugon na damdamin.
Umihip ang hangin sa aming paligid at humuni ang mga ibon na tila umaawit. May kung anong engkantasyon ang muling bumalot sa'ming dalawa.
Kaysarap pakinggan na ako'y kaniya ring mahal. Nagawa niya na agad akong mahalin sa sandaling panahon.
Pa'no kaya kung makita niya na ang totoo kong anyo, tatanggapin pa kaya niya ako?
Napatingin ako sa tubig at nasilayan roon ang malahalimaw kong anyo.
"Bakit ka malungkot?" tanong niya ang pumukaw sa aking pag-iisip.
Iglap kong nalimutan na nararamdaman nga pala niya ang nararamdaman ko.
Ngumiti ako sa kaniya, "Halika na sa talon. Panoorin natin ang mga nagtatampisaw na mga isda."
Tumango ito sa'kin at siya na mismo ang humila sa aking kamay palapit sa nagtatampisaw na mga isda.
Nag-aalangan akong lumapit sa tubig sapagkat maaari niyang masalamin doon ang malahalimaw kong anyo.
Sinubukan kong kumalas sa kaniyang pagkakahawak ngunit 'di ako makakalas sa kaniyang mahigpit na pagkakahawak sa aming mga kamay. Kaya wala akong nagawa kundi samahan na lamang siyang tumampisaw sa may tubig.
Aandap-andap ang kalooban ko at panay ang tingin sa tubig. Baka kasi makita ni Diana ang tunay kong anyo at tuluyan niya na akong layuan.
Nabigla ako sa tumilamsik na tubig sa aking mukha. Pag-angat ko ng paningin ay ang nakangiting mukha ni Diana ang aking nasilayan.
Nawala ang anumang agam-agam sa aking dibdib. Kay sayang pagmasdan ng ngiti niya sa labi at nakakahawa ang saya na kaniyang ipinapakita sa'kin.
Hindi niya nakikita ang tunay kong anyo rito sa mundo ng mga mortal. Iyan ang konklusyong nabuo sa aking isipan.
Kumuha ako ng kaunting tubig at isinaboy iyon sa kaniya. Tuwang-tuwa ito. Parang bumalik ito sa pagkabata kung saan masaya kaming naglalaro.
"Tama na, Nicolo! Basa na ako!" Humahagikhik niyang wika.
Lumapit ako sa kaniya at hinapit siya sa kaniyang baywang. Inangat ko siya mula sa tubig.
"Nicolo!" bulalas niya sa'kin.
"Ibaba mo ako at baka dumulas tayo!" Malakas niyang singhap.
"Kumapit ka sa aking leeg, Mahal na Prinsesa," paanas kong bulong sa kaniya.
Kumunyapit ito sa aking leeg dahilan para magkalapit muli ang aming mga mukha.
Naramdaman ko na sing bilis ng kidlat ang pagkudlit ng init sa aking kalooban sa pagkakalapit ng aming mga katawan.
"Nicolo!" usal niya sa'kin.
"Sana'y lagi na lamang tayong ganito," ani pa niya sa'kin.
"Kung kinakailangan kong magpakatao, gagawin ko para sa'yo, Mahal kong Prinsesa," usal ko sa kaniya na 'di naman niya mawawaan.
**********
Sa paglipas ng mga araw ay patuloy kaming nagkikita sa kasukalan ng kakahuyan.Patuloy pa rin akong pumupunta sa kaniyang silid sa tuwing ito'y tulog na sa gabi.
Dumarating agad ako sa kaniyang tabi sa oras na haplusin nito ang kwintas na suot niya sa kaniyang leeg.
Hindi ko alam kung bakit hindi man lang siya nagtatanong kung pa'no ko iyon nagagawa. Basta't ang alam ko lang ay masaya ito sa tuwing kasama ako dahil nararamdaman ko ang anumang nararamdaman niya.
Kung sa mundo ng Enchantria ay may mga batas na pinaiiral ganoon din dito sa mundo ng mga mortal.
Nasa mundo kami ng mga mortal kung kaya kinakailangang sumunod sa batas na kanilang sinusunod.
Nagkatawang tao ako upang pormal na maligawan si Diana sa kinikilala nitong mga magulang na sina Dante at Tina.
Hindi naman sila tumutol sa'kin kahit pa nga ang mga kapitbahay nila.
Marahil ay dala na rin siguro ng engkantasyong ipinalibot ko sa buong baryo. Ginawa ko iyon upang proteksyunan si Diana mula kay Vera.
Naniniwala ako sa sinabi ng Amang Hari na hindi uubra ang kapangyarihan ni Vera sa mundo ng mga mortal kung kaya't hanggang ngayon ay 'di pa rin nila kami natatagpuan dito.
"Magandang umaga, Prinsipe Nicolo!" Tawag sa'kin ng isang maliit na boses na nagmumula sa ibong nakadapo sa may sanga ng punongkahoy na nasa bakuran ng bahay nila Diana.
Kasalukuyan akong nagsisibak ng kahoy upang gamiting panggatong sa pagluluto nila Diana.
"Nicolo, Kaibigan! Nicolo lamang. Wala tayo sa Enchantria para tawagin mo akong Prinsipe," turan ko rito.
"Ngunit Mahal na Prinsipe..." Naputol ang anumang sasabihin nito ng titigan ko siya.
"Nakakausap mo rin ang mga ibon?" manghang tanong ni Diana na nagpaigtad sa'kin.
"Binati ko lang sila," nakangiti kong tugon sa kaniya.
"Narinig ko kayong nag-uusap at tinawag ka niyang Prinsipe, Mahal ko!" nakangiti niyang sambit sa'kin.
Lumapit siya sa'kin at pinunasan ang pawis ko sa mukha ng dala niyang tuwalya.
"Ang sweet naman ng mahal ko." Gumanti ako sa kaniya ng isang matamis na ngiti.
"Nakakausap ko rin ang mga ibon kaya hindi ako magtatakang nakakausap mo rin sila," ani niya sa'kin.
Hindi pa lubusang lumalabas ang kaniyang kapangyarihan kung kaya't hindi ko rin masabi-sabi pa sa kaniya ang totoong pagkatao niya.
Ang buong akala niya ay nakatuwaan ko lamang siyang tawaging Mahal na Prinsesa.
Pinisil ko ang kaniyang ilong at natawa naman ito sa aking ginawa.
"Ang gwapo mo talaga!" nangingiti niyang wika at pinindot ng kaniyang daliri ang matangos kong ilong.
"Maganda ka rin naman!" Ganting puri ko sa kaniya.
Namula ang mga pisngi niya na lalong nagbigay ganda sa kaniya.
"Aysus, nagbolahan pa silang dalawa!" sabad naman ni Elsa na 'di namin namalayang nakatayo na pala sa isang tabi.
"Pareho po kayong magandang lahi kaya?! Kung 'di ko nga lang kilala si Diana, iisipin kong iisa lang kayo ng bansang pinagmulan. Kakaiba kaya kayong dalawa sa aming lahat dito." mahabang wika nito.
"Elsa!" bulalas naman ni Diana rito.
"Haist, sana ako rin makakita ng ganiyang kagandang lahi. Sana all!" Pinapungay pa ni Elsa ang kaniyang mga mata.
Sanay na ako sa ganitong paraan nang pakikipag-usap ni Elsa dahil inaral ko ang mga paraan nang pananalita at pakikisalamuha ng mga mortal dito.
Nilapitan ito ni Diana at pinong kinurot sa tagilirang baywang ni Elsa.
"Aray!" natitilihang anas naman ni Elsa.
Natatawang naiiling lang ako sa kanilang dalawa.
Diana (POV)Namulat ko ang mga mata nang maramdaman sa aking balat ang pagtama ng sinag ng araw na lumulusot mula sa butas ng bintana.Bumangon ako sa higaang papag at naghikab bago tuluyang tumayo. Niligpit ko ang pinaghigaan at sinuklay ang aking buhok.Binuksan ko ang sirado ng bintana at sumilay ang ngiti sa'king labi nang makita si Nicolo na nagsisibak ng mga kahoy sa'ming bakuran.Mula ng maging kasintahan ko 'to ay lagi na niyang pinatutunayan sa'min ang kaniyang sarili.Sa sandaling panahon nang panliligaw nito ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pang sagutin ito.Hindi naman na ako naniniwala pa sa makalumang paraan nang panliligaw dahil nasa modernong panahon na ang mundo at hindi na uso sa akin ang Maria Clara style.Si Nicolo lang naman ang mapilit na gawin ang mga makalumang paraan nang panliligaw dahil gusto
"Diana!" Mahinang tinig ni Nicolo ang siyang aking naririnig."Nicolo..." Hinahanap ko ang presensiya niya sa madilim na karimlan."Diana..." Muli'y narinig ko ang malakas niyang tinig na parang kaylapit niya lamang sa'kin."Dumilat ka, Mahal kong Prinsesa!" Naramdaman ko ang masuyong haplos niya sa aking pisngi."Nicolo..." Iminulat ko ang mga mata at aking nasilayan ang nag-aalalang mukha nito."Diana, Mahal kong Prinsesa!" Niyakap ako nito nang mahigpit.Ramdam kong nakahiga ako pero wala sa loob ng aking silid.Inilinga ko ang mga mata sa paligid at nakita kong nasa kakahuyan pa rin ako.Ngunit saan ako nakahiga kung gayon?Pinilit kong bumangon sa pagkakahiga at inalalayan naman ako ni Nicolo.Namangha ako sa nakitang ganda ng aking higaan.Para akong isang tunay na prinsesang nakahiga sa isang magarang higaan na napalilibutan ng iba't ibang uri ng mga bulaklak.Nap
"Nay!" bulalas ko kay Nanay.Nilapitan ko 'to at niyakap nang mahigpit."Alam naming hindi ka namin katulad. Mula noon ay ramdam na namin 'yan dahil sa mga kakaibang pangyayaring araw-araw na nagaganap sa ating buhay. Walang normal na tao ang kayang mag-iwan ng pitak ng ginto sa tapat ng ating pinto at walang matinong tao rin ang maglalakas ng loob na lagyan ng bulaklak ang loob ng iyong silid na hindi natin makikita at mararamdaman," mahabang salaysay nito."Nay!" naluluhang usal ko."Nang ipakilala mo sa'min si Nicolo ay higit na nasagot ang lahat ng mga katanungang kaytagal naming itinatanong sa aming sarili ng Tatay mo. Ilang taon na ang nakaraan pero 'di ko kayang maniwala na may ganoong mundo talaga. Hanggang sa kami mismo ng Tatay mo ang makasaksi niyon. Napakaliwanag ninyong dalawa nang minsang magdikit ang inyong katawan. Liwanag na wari'y hindi para sa isang normal na tao talaga. Nakita na rin na
"Diana, Anak!" nakangiting sambit ni Tatay."Tay!" Tawag ko sa ama-amahan."Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo, Anak." Hinaplos ni Nanay ang aking pisngi."Nay!" Yumakap ako rito."Anak, lagi mong tatandaan na nandito lang kami parati sa'yong tabi," wika ni Nanay."H'wag mong pababayaan ang iyong sarili, Anak." Hinaplos ni Tatay ang buhok ko."Mahal na mahal ka namin, Anak!" Sabay nilang sabi at niyakap ako nang mahigpit."Nay! Tay!" Nagsimulang umagos ang mga luha mula sa aking mga mata."Paalam, Anak!" Hinalikan pa nila ako ng sabay sa aking pisngi.*Nay! Tay!" humahagulgol kong sambit.Sa huling pagkakataon ay hinaplos nila ang aking pisngi at saka dahan-dahan silang lumayo sa'kin."H
Sa paglipas ng mga araw ay nanatili si Nicolo sa aking tabi.Sa kabila ng kalungkutang aking nadarama ay nanatili itong gabay sa nagdidilim kong mundo.Kasama ng kalikasan, dinamayan nila ako sa pagluluksa kina Nanay at Tatay.Walang katawan nina Nanay at Tatay kaming naiburol sapagkat parehong nalunod at nalubog sa gitna ng dagat ang mga katawan nila.Parang kahapon lang ng iyon ay maganap. Halos hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.Mabuti na lamang at nanatili si Nicolo sa aking tabi."Malalim na naman ang iyong iniisip, Mahal kong Prinsesa." Mula sa likurang bahagi ng aking katawan ay niyakap niya ako."Iniisip ko lang sina Nanay at Tatay," malungkot kong tugon sa kaniya."H'wag ka nang malumbay, Mahal kong Prinsesa." Ipinatong pa nito ang kaniyang baba sa aking balikat.Nakaharap kami sa bintana ng aking silid kung saan natatanaw namin ang ganda ng kakahuyan.Ang kakahuyang kinatatakutan
“Inang Reyna, madali at humayo kayo ng mahal na Prinsesa!” Sigaw ng Amang Hari. “Ngunit hindi kita maaring iwan sa gitna ng digmaan,” wika ng Inang Reyna at lumapit pa ito sa Amang Hari habang kalong-kalong ang sanggol na prinsesa. “Kailangan mong iligtas ang mahal na Prinsesa. Kayo na lamang ang tanging pag-asa ng buong Enchantria,” sambit ng Amang Hari. “Kaya’t humayo na kayo!” Pagtataboy pa niyang muli sa Inang Reyna. Lumingon ang Amang Hari sa kinaroroonan ko at kumumpas ito sa hangin. Lumitaw sa aking harapan ang kanyang gintong espada. “Nicolo, tanggapin mo ang aking gintong espada at ipagtanggol sila sa abot ng iyong makakaya,” wika niya sa akin. “Ihatid mo sila sa lagusan patawid sa mundo ng mga mortal,” dagdag na sabi pa niya at yumukod ako bilang tugon sa kaniya.
Nakarinig ako ng mga papalapit na yabag, ginamit ko ang aking kapangyarihan upang ikubli kaming dalawa ng mahal na prinsesa. Nakita ko ang dalawang nilalang na naglalakad patungo sa aming kinaroroonan. Minatyagan ko ang kanilang mga galaw at pinakinggan ang kanilang usapan. “Kung nagkaroon lang tayo ng anak Dante, masaya siguro tayong naninirahan sa ngayon dito,” malungkot na wika ng babae. “Huwag ka nang malungkot Tina, alam naman natin na may dahilan ang Diyos kung bakit hindi tayo maaaring magkaanak.” Inakbayan ng lalaki ang babae. “Ano kaya kung sa kanila kita ipaalaga habang narito tayo sa mundo ng mga mortal?” wala sa loob na sambit ko sa prinsesa at biglang pumalahaw ito ng iyak. “Narinig mo ba ‘yon Dante, may umiiyak na sanggol,” sabi ng babae sa kanyang asawa. “Naliligaw na baboy
Diana (POV) Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Nakita ko ang mga sanga ng punongkahoy na gumagapang at ang mga dahon nito’y kumakalusot. Ang hangin ay sumisipol sa mga putot na siyang nakakagambala sa mga dahon. Kumakanta ang mga ibon samantalang ang mga insekto naman ay humuhuni. Ang mga alitaptap ay nagbibigay liwanag sa buong paligid. Ang mga hayop ay nakikipagdaldalan sa kapwa nila hayop. Nakamamangha! Para akong nasa kakaibang mundo. “D-diana… Diana…” tawag sa’kin ng isang malamyos na tinig. “Sino ka?” Sigaw ko sa tinig na ‘yon. “Diana… H-halika… L-luma
Sa paglipas ng mga araw ay nanatili si Nicolo sa aking tabi.Sa kabila ng kalungkutang aking nadarama ay nanatili itong gabay sa nagdidilim kong mundo.Kasama ng kalikasan, dinamayan nila ako sa pagluluksa kina Nanay at Tatay.Walang katawan nina Nanay at Tatay kaming naiburol sapagkat parehong nalunod at nalubog sa gitna ng dagat ang mga katawan nila.Parang kahapon lang ng iyon ay maganap. Halos hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.Mabuti na lamang at nanatili si Nicolo sa aking tabi."Malalim na naman ang iyong iniisip, Mahal kong Prinsesa." Mula sa likurang bahagi ng aking katawan ay niyakap niya ako."Iniisip ko lang sina Nanay at Tatay," malungkot kong tugon sa kaniya."H'wag ka nang malumbay, Mahal kong Prinsesa." Ipinatong pa nito ang kaniyang baba sa aking balikat.Nakaharap kami sa bintana ng aking silid kung saan natatanaw namin ang ganda ng kakahuyan.Ang kakahuyang kinatatakutan
"Diana, Anak!" nakangiting sambit ni Tatay."Tay!" Tawag ko sa ama-amahan."Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo, Anak." Hinaplos ni Nanay ang aking pisngi."Nay!" Yumakap ako rito."Anak, lagi mong tatandaan na nandito lang kami parati sa'yong tabi," wika ni Nanay."H'wag mong pababayaan ang iyong sarili, Anak." Hinaplos ni Tatay ang buhok ko."Mahal na mahal ka namin, Anak!" Sabay nilang sabi at niyakap ako nang mahigpit."Nay! Tay!" Nagsimulang umagos ang mga luha mula sa aking mga mata."Paalam, Anak!" Hinalikan pa nila ako ng sabay sa aking pisngi.*Nay! Tay!" humahagulgol kong sambit.Sa huling pagkakataon ay hinaplos nila ang aking pisngi at saka dahan-dahan silang lumayo sa'kin."H
"Nay!" bulalas ko kay Nanay.Nilapitan ko 'to at niyakap nang mahigpit."Alam naming hindi ka namin katulad. Mula noon ay ramdam na namin 'yan dahil sa mga kakaibang pangyayaring araw-araw na nagaganap sa ating buhay. Walang normal na tao ang kayang mag-iwan ng pitak ng ginto sa tapat ng ating pinto at walang matinong tao rin ang maglalakas ng loob na lagyan ng bulaklak ang loob ng iyong silid na hindi natin makikita at mararamdaman," mahabang salaysay nito."Nay!" naluluhang usal ko."Nang ipakilala mo sa'min si Nicolo ay higit na nasagot ang lahat ng mga katanungang kaytagal naming itinatanong sa aming sarili ng Tatay mo. Ilang taon na ang nakaraan pero 'di ko kayang maniwala na may ganoong mundo talaga. Hanggang sa kami mismo ng Tatay mo ang makasaksi niyon. Napakaliwanag ninyong dalawa nang minsang magdikit ang inyong katawan. Liwanag na wari'y hindi para sa isang normal na tao talaga. Nakita na rin na
"Diana!" Mahinang tinig ni Nicolo ang siyang aking naririnig."Nicolo..." Hinahanap ko ang presensiya niya sa madilim na karimlan."Diana..." Muli'y narinig ko ang malakas niyang tinig na parang kaylapit niya lamang sa'kin."Dumilat ka, Mahal kong Prinsesa!" Naramdaman ko ang masuyong haplos niya sa aking pisngi."Nicolo..." Iminulat ko ang mga mata at aking nasilayan ang nag-aalalang mukha nito."Diana, Mahal kong Prinsesa!" Niyakap ako nito nang mahigpit.Ramdam kong nakahiga ako pero wala sa loob ng aking silid.Inilinga ko ang mga mata sa paligid at nakita kong nasa kakahuyan pa rin ako.Ngunit saan ako nakahiga kung gayon?Pinilit kong bumangon sa pagkakahiga at inalalayan naman ako ni Nicolo.Namangha ako sa nakitang ganda ng aking higaan.Para akong isang tunay na prinsesang nakahiga sa isang magarang higaan na napalilibutan ng iba't ibang uri ng mga bulaklak.Nap
Diana (POV)Namulat ko ang mga mata nang maramdaman sa aking balat ang pagtama ng sinag ng araw na lumulusot mula sa butas ng bintana.Bumangon ako sa higaang papag at naghikab bago tuluyang tumayo. Niligpit ko ang pinaghigaan at sinuklay ang aking buhok.Binuksan ko ang sirado ng bintana at sumilay ang ngiti sa'king labi nang makita si Nicolo na nagsisibak ng mga kahoy sa'ming bakuran.Mula ng maging kasintahan ko 'to ay lagi na niyang pinatutunayan sa'min ang kaniyang sarili.Sa sandaling panahon nang panliligaw nito ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pang sagutin ito.Hindi naman na ako naniniwala pa sa makalumang paraan nang panliligaw dahil nasa modernong panahon na ang mundo at hindi na uso sa akin ang Maria Clara style.Si Nicolo lang naman ang mapilit na gawin ang mga makalumang paraan nang panliligaw dahil gusto
Nicolo (POV)Magmula nang magkaharap kami ni Diana rito sa kasukalan ng kagubatan ay may kung anong engkantasyon ang bumalot sa aming dalawa.Nakita ko ang liwanag na lumabas mula sa kaniyang katawan nang haplusin niya ang aking pisngi.Liwanag na tanging mga mahaharlikang engkantada lamang ang mayroon at minsan ko na ring nasaksihan mula sa kaniya ng sanggol pa lamang siya.Hindi ko batid kung nakita niya rin ang liwanag na 'yon. Pero, alam kong may kakaibang nangyari mula nang haplusin niya ang aking pisngi.Nararamdaman ko ang kaniyang nadarama. Nakikita ko ang kaniyang mga panaginip. Naririnig ko ang kaniyang naririnig.Hindi ko gustong makitang nalulumbay si Diana, dahil kahit ako ay nalulumbay rin.Ang bawat paghihirap ng kaniyang kalooban ay higit na paghihirap na aking nadarama.Gusto ko lang na lagi siyang masaya sapagkat pati ako ay sumasaya rin."Bakit
Hindi ko alam kung bakit kailangan kong tumakbo. Ang tanging alam ko lamang ay kailangan kong makalayo.Ngunit saan nga ba ako tutungo? Bakit ko nga ba kailangang lumayo?Hinihingal na ako pero kailangan kong magpatuloy sa pagtakbo. Muli akong tumakbo sa madilim na bahagi ng kakahuyan hanggang marating ko ang kasukalang bahagi niyon."Diana..." Rinig kong tawag sa akin ng isang malamyos na tinig."Sino ka?" Malakas kong tanong at luminga-linga sa aking paligid."Tulungan mo ako, Diana..." Humihinging tulong ang malamyos na tinig."Sino ka?" pasigaw ko ulit na tanong sa malamyos na tinig.Hindi ko alam kung pa'no makakatulong. Pero bakit ako mismo sa aking sarili ay parang kailangan ko rin ng tulong?Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari. Ako man ay litong-l
Pinanood ko sina Nanay at Tatay na kasalukuyang naglalambingan habang nakaupo sa inilatag kong banig."Sana kagaya nila ay matagpuan ko rin ang lalaking magpapasaya sa'kin," ani ko sa isipan.Biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin at para bagang niyayakap ako niyon. May kung anong kakaibang pakiramdam akong naramdaman sa aking puso. Tila baga may mga matang nakatitig sa akin mula sa likurang bahagi ng aking katawan.Lumingon ako upang tingnan iyon ngunit wala akong nakitang ibang tao roon liban lamang sa mga maliliit na hayop na kasalukuyang naglalaro.'Di ko namalayang sinusundan ko na ang mga hayop sa kanilang paghahabulan patungo sa pinakamasukal na bahagi ng kakahuyan.Ito ang bahagi ng kakahuyan na ipinagbabawal nang pasukin dahil sa dami ng mga kumakalat na balitang may Engkantong nakatira roon."Patutunayan kong hindi iyon totoo!" ani ko sa sarili.Nagpatuloy ako sa pagsunod sa mga hayop na patuloy lama
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa aking silid. Panaginip lang ba ang lahat? Wala sa sariling dinama ko ang tapat ng aking dibdib gamit ang kanan kong palad. Naroon pa rin ang kakaibang kabog ng aking puso na walang pagkakaiba sa nararamdaman ko kani-kanina lang habang naririnig ang boses na iyon. Pero merong kakaiba at bagong damdamin akong nakapa sa aking sarili... Parang may bahagi ng aking pagkatao ang gustong bumalik muli sa lugar na iyon. Kusang tumuon ang aking paningin sa nakabukas na bintanang nakaharap sa direksiyon ng kakahuyan. Dahan-dahan akong tumayo mula sa higaang papag na aking kinauupuan at dumungaw roon. Mula rito sa aking silid ay isang simpleng kakahuyan lang naman ang natatanaw ko at wala akong napapansing espesyal dito. Naroon ang kakaibang pakiramdam sa aking puso ngunit malabo ang alaala ko. Malinaw ang p