Diana (POV)
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Nakita ko ang mga sanga ng punongkahoy na gumagapang at ang mga dahon nito’y kumakalusot. Ang hangin ay sumisipol sa mga putot na siyang nakakagambala sa mga dahon. Kumakanta ang mga ibon samantalang ang mga insekto naman ay humuhuni. Ang mga alitaptap ay nagbibigay liwanag sa buong paligid. Ang mga hayop ay nakikipagdaldalan sa kapwa nila hayop. Nakamamangha! Para akong nasa kakaibang mundo.
“D-diana… Diana…” tawag sa’kin ng isang malamyos na tinig. “Sino ka?” Sigaw ko sa tinig na ‘yon. “Diana… H-halika… L-lumapit ka!” Tawag muli sa’kin nang malamyos na tinig.“Sino ka? Bakit ‘di kita makita?” Sigaw ko ulit dito.
Nakarinig ako nang lagaslas ng tubig sa may bandang dako roon. Tumakbo ako at hinanap ito. Papalayo na ako nang papalayo sa aking kinaroroonan ngunit ‘di ko pa rin makita ang hinahanap. Nanginginig na rin ang aking mga binti pero pinipilit ko pa ring ihakbang ang mga ito.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman, para lang akong paslit na naliligaw sa isang ekstrangherong lugar. Ang boses na aking naririnig ay siyang tangi kong pinanghahawakan upang matunton ang aking hinahanap. Boses na ‘di ko mawari kung kabutihan o kapahamakan ang dala sa’kin.
Nagsimula nang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. At tuluyan na nga akong tinalo nang pangamba at takot. “Nasaan ba ako?” humihikbing tanong ko sa sarili. “Kailangan ko nang umuwi.”“Diana… H-halika…” Narinig ko na namang muli ang tawag ng malamyos na tinig.
Umiling-iling ako at humihikbing sumagot, “Ayoko, hindi kita kilala!”
Gustuhin ko mang magtiwala ay nanaig na ang pagdududa sa aking dibdib para sa boses na ‘di ko mabigyang mukha.
“Sino siya? Bakit kilala niya ako?” naguguluhang tanong ko sa sarili.
“Diana… H‘wag kang matakot, h-halika….”
Umiling ako nang umiling sabay ng malakas kong pag-iyak. Nagsisimula na akong makaramdam ng takot sa kaninang kinamamanghaang lugar.
May narinig akong papalapit na mga yabag kung kaya mabilis akong tumakbo sa malaking puno at doon ay nagtago. Bahagya akong sumilip at gayon na lamang ang aking pagkahindik sa aking nakita.“Mahal na Prinsipe, wala pong ibang nilalang dito,” wika ng isang pangit na nilalang.
Itinaas nang tinawag na prinsipe ang kaniyang kaliwang kamay tanda nang pagpapatahimik sa pangit niyang kasama. Lumingon ito sa gawi ng punong aking pinagtataguan. Pigil hiningang yumuko ako upang ikubli ang aking sarili.
Nang marinig ko ang mga papalayong yabag ay dahan-dahan akong tumayo at pinagpag ang mga tuyong dahon na dumikit sa aking pantalon.
Nabigla ako ng may yumakap mula sa aking likuran. Nagpumiglas ako at nang makawala ay nilingon ko ito. Nahintakutan ako sa aking nakita.
Naglakad palapit ito sa’kin habang ako naman ay paatras nang paatras sa kaniya.
“Huwag! Layuan mo ako,” umiiyak kong usal.
“Diana…” mahinang usal niya na umabot sa’king pandinig.
Tinitigan ko ang kaniyang pangit na mukha at nakita ko ang pamilyar niyang tingin na parang minsan ko nang nakita sa buhay ko.
“Lumayo ka sa’kin!” bulyaw ko sa kaniya.
Nakita kong lumuha ang kaniyang mga mata at hindi ko maintindihan kung bakit ako nakaramdam ng kirot sa aking dibdib.
Muli siyang lumapit sa’kin, “Lumayo ka sa’kin! Isa kang halimaw!”
Dala ng sobrang emosyon na aking naramdaman ay nakaramdam ako nang panghihina. Bigla akong nilamon ng madilim na karimlan at tuluyang nawalan ng malay.
“H-huwag!!!” sigaw ko at napaupo sa higaan.
Pagtingin ko sa paligid ay nakita ko ang pamilyar na itsura ng aking silid. Ikinusot-kusot ko pa ang aking mga mata gamit ng aking mga kamay. Pinakatitigan ko pang maigi at baka ako’y nagkakamali lamang ng tingin.
“Ito nga ang aking silid!” masayang sambit ko sa sarili at lumundag-lundag akong lumabas ng aking silid.
“Panaginip lang pala, akala ko’y totoo na.” Sinampal-sampal ko pa ang aking pisngi upang masigurong gising nga ako.
Napapailing na naghanda na lamang ako sa aking pagpasok sa eskwela. May napansin akong maliit na tatak sa aking braso habang naliligo ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang ito. Ipinagpatuloy ko ang paliligo habang umaawit ng paborito kong awit.
Paglabas ko ng banyo ay bumalik ako sa aking silid. Sinalubong ako ng mga nagliliparang ibon at kaysarap pakinggan ng kanilang mga huni na para bagang ako’y kanilang inaawitan. Napangiti rin ako nang mapansin ang mga bulaklak sa paligid ng aking higaan. Kinuha ko ang mga ito at dinala sa aking ilong upang samyuin.
“Kay gandang bulaklak!” usal ko sa sarili.
Araw-araw ay ganito lagi ang anyo ng aking silid. Maraming mga bulaklak na nakapalibot sa aking higaan. Napupuno na nga ang aking aparador ng mga talutot na natuyo mula sa mga bulaklak. Mabuti na lang at mabango pa rin kahit tuyo’t na.
Sabi nila Nanay at Tatay ay hindi raw nila alam kung kanino galing ang mga bulaklak, basta ang alam lang nila mula pagkabata ko ay may bulaklak na parati sa aking silid.
Noong ako’y matagpuan nila sa may bandang gitna ng kakahuyan, naisip nilang ako’y galing sa mga engkanto na ipinagkaloob sa kanila dahil hindi sila magkaanak.
Mula nang matagpuan nila ako ay araw-araw na raw may mga bulaklak sa aking silid. Araw-araw ring may mga sariwang gulay at prutas sa harap ng aming pintuan. Mayroon ding iniiwang isang bitak ng ginto na siyang ginagamit nila nanay at tatay pantustos sa aking pag-aaral kung kaya’t nakakapasok ako sa eskwelahan.
‘Di lingid sa aking kaalaman na hindi nila ako tunay na anak ngunit ganoon pa man ay hindi nila ipinaramdam sa akin na ‘di nila ako kadugo bagkus ay minahal pa nga nila ako ng sobra. Salat man sila sa yaman ay pinuno naman nila ako ng kanilang pagmamahal.
“Diana, nandito na si Elsa!” Tawag ni Nanay ang pumukaw sa aking pagmumuni-muni.
“Nariyan na po, Nay!” ganting tugon ko naman kay Nanay.
Mabilis kong inilagay ang mga bulaklak sa plorera at muli kong sinamyo ang bango ng mga ito. Inilagay ko naman sa aking aparador ang mga tinanggal na bulaklak.
Sa tuwing papasok sa eskwela ay naglalakad lamang kami ni Elsa, ito ang ginagawa naming exercise.
Lagi kaming magkasabay ni Elsa sa pagpasok. Maganda, morena at balingkinitan ang katawan nito kagaya ko. Maraming manliligaw ito na mga kabinataan sa aming lugar. Minsan nga ay ‘di ko maiwasang makaramdam ng inggit dito.
Pa’no ba naman kasi, kahit isang pangit na lalaki wala man lang nagkamaling manligaw talaga sa akin. Saklap!
Upang mabilis kaming makarating ng eskwela madalas kaming mag-short cut sa may kakahuyan.
Pagdaan namin dito ay napansin kong yumukod ang mga punongkahoy. Naririnig ko ang mga pag-uusap ng mga hayop at nakikita kong sumasabay sa pagsayaw ng hangin ang mga halaman sa paligid.
Huminto ako sa paglalakad at mahinang tinampal ang aking noo. Sandali kong ipinikit ang aking mga mata at sa pagmulat ko ay may napansin akong isang lalaki na nakatitig din sa akin mula sa ‘di kalayuan. Napaawang ang aking bibig nang makita ang itsura nito.
Isang gwapong nilalang! Napakagwapong nilalang sa buong baryo! Kasing gwapo ng mga holywood celebrity. Matangkad, maputi at mamula-mula ang labi. May kulay gintong buhok na lagpas balikat ang haba at ‘di mo maipagkakamaling isang babae dahil sa matikas na tindig nito. Makikita mo ring alaga ang katawan at mukhang batak na batak sa gym dahil sa nakabakas na abs sa kaniyang tiyan. Shocks!
Ipinilig ko ang aking ulo at ikinusot-kusot ang aking mga mata. Pagtingin kong muli sa kinaroroonan ng lalaki ay wala na ito roon.
“Sayang!” dismayadong bulong ko sa sarili at napahawak ako sa aking kwintas na suot.
Madalas ganito ang ginagawa ko sa aking kwintas sa tuwing nakakaramdam ako ng lungkot o pagkadismaya. ‘Di ko rin maintindihan, pero gumagaan ang aking pakiramdam ‘pag hawak-hawak ko ito. Para akong niyayakap ng isang tao at inaalo.
“Elsa, may nakita ako banda roon sa kakahuyan.” Itinuro ko kay Elsa kung saan ko nakita ang gwapong lalaki.
“Susmaryosep ka Diana!” At nag-antada pa ito. “Daldal ako nang daldal ‘yon naman pala wala ka sa aking likuran.”
“B-bakit?” maang kong tanong sa kanya.
“Hindi mo ba alam ang kumakalat na tsismis dito sa baryo?” Umiling ako sa kanya bilang tugon.
“May Engkanto raw sa kakahuyan,” bulong niya sa akin.
“Engkanto?!” natatawang sambit ko.
“Naniniwala ka naman sa mga kwento ng mga tsismosa sa baryo natin?” Hindi ko na napigilang humagalpak pa ng tawa at sinamaan naman niya ako ng tingin.
“Tara na nga! Mamaya ma-Engkanto pa ako rito. Sayang naman ang ganda ko!” nakasimangot na sabi niya at nauna nang naglakad.
Iiling-iling na sinundan ko ito nang marinig kong tinawag ang aking pangalan ng isang malamyos na tinig.
“Diana… H-halika…”
Luminga ako sa paligid ngunit wala naman akong nakitang ibang tao. Nagkibit balikat na lamang ako at ‘di ito pinansin pa.
Naramdaman ko ang pag-ihip ng hangin na parang may isang nilalang na niyakap ako mula sa aking likuran.
“Ano kaya magandang regalo kina Nanay at Tatay?” tanong ko kay Elsa.
“Ano ba gusto nila?” sagot naman niya sa akin.
“Hindi naman kasi sila mahilig sa mga material na bagay,” nakapalumbaba kong sabi.
“Kunsabagay…” sang-ayon naman ni Elsa.
Napadako ang aking paningin sa bintana at nakita ko ang mga ibong paikot-ikot na lumilipad sa kalangitan. Napangiti ako sa aking naisip. Ipapasyal ko na lamang sila sa araw ng kanilang anibersaryo ng kasal. Maghahanda ako ng masarap na putahe at magpi-picnic kami sa may bandang kakahuyan para naman tahimik ang ambiance. May isang parte ng kakahuyan ang hindi pa nararating ng mga tiga baryo dahil nga sa takot silang pasukin iyon gawa ng mapaglikhang kwento ng mga tsismosa.
Pero mabuti na rin ang ganoon nang mabawasan naman ang mga taong umaabuso sa kalikasan. Marami rin kasi sa mga tao na pinuputol ang mga punongkahoy at hindi man lang pinapalitan ng panibagong punla.
“Diana, malayo na naman ang iyong iniisip!” Tapik ni Elsa ang nagpabalik sa lumilipad kong diwa.
Sinamaan ko ito ng tingin at bumunghalit lamang ito ng tawa sa akin.
“Nag-iisip nga ako ng magandang regalo para kina Nanay at Tatay.”
“Sorry!” At nag-peace sign pa ito.
“Alam mo ang gwapo ng lalaking nakita ko sa kakahuyan.” Pag-iiba ko sa usapan namin.
“Huh?! Ano’ng hitsura?” nananabik niyang tanong sa’kin.
“Matangkad, maputi at mamula-mula ang labi. May kulay gintong buhok na lagpas balikat ang haba at kahawig ng mga celebrity holywood.” Kwento ko sa kaniya.
“Ay! Ba’t ‘di mo agad sinabi ‘yan kanina?” natitilihang saad niya sa’kin.
“Pa’no ba naman bigla mo na lang pinagbintangang Engkanto ‘yong tao,” nakairap kong tugon sa kanya.
“Gosh! Balikan natin mamaya para makilala rin natin,” tumitiling turan nito.
“Sasama ka kahit sa kakahuyan iyon?” Saglit itong natigilan at maya-maya’y ngumiti sa’kin.
“Siyempre sasama ako! Baka mam’ya siya na ang forever mo!” kumikindat na sabi nito.
“Bruha ka talaga!” Sabay irap sa kanya.
“Magandang bruha naman!” humahagikhik niyang sabi.
Naiiling na tinalikuran ko ito at itinutok ang aking pansin sa binabasang pocketbook.
“Sana nga, siya na ang forever ko!” piping hiling ko sa isip.
Habang nasa klase ay 'di mawaglit sa aking isipan ang lalaking nakita ko sa may kakahuyan. "Sana ay muli ko siyang makita roon." Piping hiling ko sa sarili. Narinig kong humuhuni ang mga ibon na nakadapo sa bintana ng aming silid aralan. Nginitian ko ang mga ito at lalo naman silang humuni pa na parang umaawit lamang. "Kay gandang awitin, mga Kaibigan!" wika ko sa aking isipan upang purihin ang mga ibong masayang humuhuni. "Salamat, Mahal na Prinsesa!" Rinig kong sagot ng isang maliit na boses. Hinanap ko ang nagsalitang iyon at inilinga sa paligid ang aking mga mata ngunit wala kong nakita. Kinalabit ko si Elsa sa aking tabi. "Tinawag mo ba akong Prinsesa?" tanong ko sa kaniya. "Ano ka ba naman Diana, ba't naman kita tatawaging prinsesa eh wala ka namang kaharian," bumubungisngis na tugon naman ni Elsa sa akin. "Ang sama mo talaga!" nakasimangot kong sagot sa kaniya. "Eh
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa aking silid. Panaginip lang ba ang lahat? Wala sa sariling dinama ko ang tapat ng aking dibdib gamit ang kanan kong palad. Naroon pa rin ang kakaibang kabog ng aking puso na walang pagkakaiba sa nararamdaman ko kani-kanina lang habang naririnig ang boses na iyon. Pero merong kakaiba at bagong damdamin akong nakapa sa aking sarili... Parang may bahagi ng aking pagkatao ang gustong bumalik muli sa lugar na iyon. Kusang tumuon ang aking paningin sa nakabukas na bintanang nakaharap sa direksiyon ng kakahuyan. Dahan-dahan akong tumayo mula sa higaang papag na aking kinauupuan at dumungaw roon. Mula rito sa aking silid ay isang simpleng kakahuyan lang naman ang natatanaw ko at wala akong napapansing espesyal dito. Naroon ang kakaibang pakiramdam sa aking puso ngunit malabo ang alaala ko. Malinaw ang p
Pinanood ko sina Nanay at Tatay na kasalukuyang naglalambingan habang nakaupo sa inilatag kong banig."Sana kagaya nila ay matagpuan ko rin ang lalaking magpapasaya sa'kin," ani ko sa isipan.Biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin at para bagang niyayakap ako niyon. May kung anong kakaibang pakiramdam akong naramdaman sa aking puso. Tila baga may mga matang nakatitig sa akin mula sa likurang bahagi ng aking katawan.Lumingon ako upang tingnan iyon ngunit wala akong nakitang ibang tao roon liban lamang sa mga maliliit na hayop na kasalukuyang naglalaro.'Di ko namalayang sinusundan ko na ang mga hayop sa kanilang paghahabulan patungo sa pinakamasukal na bahagi ng kakahuyan.Ito ang bahagi ng kakahuyan na ipinagbabawal nang pasukin dahil sa dami ng mga kumakalat na balitang may Engkantong nakatira roon."Patutunayan kong hindi iyon totoo!" ani ko sa sarili.Nagpatuloy ako sa pagsunod sa mga hayop na patuloy lama
Hindi ko alam kung bakit kailangan kong tumakbo. Ang tanging alam ko lamang ay kailangan kong makalayo.Ngunit saan nga ba ako tutungo? Bakit ko nga ba kailangang lumayo?Hinihingal na ako pero kailangan kong magpatuloy sa pagtakbo. Muli akong tumakbo sa madilim na bahagi ng kakahuyan hanggang marating ko ang kasukalang bahagi niyon."Diana..." Rinig kong tawag sa akin ng isang malamyos na tinig."Sino ka?" Malakas kong tanong at luminga-linga sa aking paligid."Tulungan mo ako, Diana..." Humihinging tulong ang malamyos na tinig."Sino ka?" pasigaw ko ulit na tanong sa malamyos na tinig.Hindi ko alam kung pa'no makakatulong. Pero bakit ako mismo sa aking sarili ay parang kailangan ko rin ng tulong?Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari. Ako man ay litong-l
Nicolo (POV)Magmula nang magkaharap kami ni Diana rito sa kasukalan ng kagubatan ay may kung anong engkantasyon ang bumalot sa aming dalawa.Nakita ko ang liwanag na lumabas mula sa kaniyang katawan nang haplusin niya ang aking pisngi.Liwanag na tanging mga mahaharlikang engkantada lamang ang mayroon at minsan ko na ring nasaksihan mula sa kaniya ng sanggol pa lamang siya.Hindi ko batid kung nakita niya rin ang liwanag na 'yon. Pero, alam kong may kakaibang nangyari mula nang haplusin niya ang aking pisngi.Nararamdaman ko ang kaniyang nadarama. Nakikita ko ang kaniyang mga panaginip. Naririnig ko ang kaniyang naririnig.Hindi ko gustong makitang nalulumbay si Diana, dahil kahit ako ay nalulumbay rin.Ang bawat paghihirap ng kaniyang kalooban ay higit na paghihirap na aking nadarama.Gusto ko lang na lagi siyang masaya sapagkat pati ako ay sumasaya rin."Bakit
Diana (POV)Namulat ko ang mga mata nang maramdaman sa aking balat ang pagtama ng sinag ng araw na lumulusot mula sa butas ng bintana.Bumangon ako sa higaang papag at naghikab bago tuluyang tumayo. Niligpit ko ang pinaghigaan at sinuklay ang aking buhok.Binuksan ko ang sirado ng bintana at sumilay ang ngiti sa'king labi nang makita si Nicolo na nagsisibak ng mga kahoy sa'ming bakuran.Mula ng maging kasintahan ko 'to ay lagi na niyang pinatutunayan sa'min ang kaniyang sarili.Sa sandaling panahon nang panliligaw nito ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pang sagutin ito.Hindi naman na ako naniniwala pa sa makalumang paraan nang panliligaw dahil nasa modernong panahon na ang mundo at hindi na uso sa akin ang Maria Clara style.Si Nicolo lang naman ang mapilit na gawin ang mga makalumang paraan nang panliligaw dahil gusto
"Diana!" Mahinang tinig ni Nicolo ang siyang aking naririnig."Nicolo..." Hinahanap ko ang presensiya niya sa madilim na karimlan."Diana..." Muli'y narinig ko ang malakas niyang tinig na parang kaylapit niya lamang sa'kin."Dumilat ka, Mahal kong Prinsesa!" Naramdaman ko ang masuyong haplos niya sa aking pisngi."Nicolo..." Iminulat ko ang mga mata at aking nasilayan ang nag-aalalang mukha nito."Diana, Mahal kong Prinsesa!" Niyakap ako nito nang mahigpit.Ramdam kong nakahiga ako pero wala sa loob ng aking silid.Inilinga ko ang mga mata sa paligid at nakita kong nasa kakahuyan pa rin ako.Ngunit saan ako nakahiga kung gayon?Pinilit kong bumangon sa pagkakahiga at inalalayan naman ako ni Nicolo.Namangha ako sa nakitang ganda ng aking higaan.Para akong isang tunay na prinsesang nakahiga sa isang magarang higaan na napalilibutan ng iba't ibang uri ng mga bulaklak.Nap
"Nay!" bulalas ko kay Nanay.Nilapitan ko 'to at niyakap nang mahigpit."Alam naming hindi ka namin katulad. Mula noon ay ramdam na namin 'yan dahil sa mga kakaibang pangyayaring araw-araw na nagaganap sa ating buhay. Walang normal na tao ang kayang mag-iwan ng pitak ng ginto sa tapat ng ating pinto at walang matinong tao rin ang maglalakas ng loob na lagyan ng bulaklak ang loob ng iyong silid na hindi natin makikita at mararamdaman," mahabang salaysay nito."Nay!" naluluhang usal ko."Nang ipakilala mo sa'min si Nicolo ay higit na nasagot ang lahat ng mga katanungang kaytagal naming itinatanong sa aming sarili ng Tatay mo. Ilang taon na ang nakaraan pero 'di ko kayang maniwala na may ganoong mundo talaga. Hanggang sa kami mismo ng Tatay mo ang makasaksi niyon. Napakaliwanag ninyong dalawa nang minsang magdikit ang inyong katawan. Liwanag na wari'y hindi para sa isang normal na tao talaga. Nakita na rin na
Sa paglipas ng mga araw ay nanatili si Nicolo sa aking tabi.Sa kabila ng kalungkutang aking nadarama ay nanatili itong gabay sa nagdidilim kong mundo.Kasama ng kalikasan, dinamayan nila ako sa pagluluksa kina Nanay at Tatay.Walang katawan nina Nanay at Tatay kaming naiburol sapagkat parehong nalunod at nalubog sa gitna ng dagat ang mga katawan nila.Parang kahapon lang ng iyon ay maganap. Halos hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.Mabuti na lamang at nanatili si Nicolo sa aking tabi."Malalim na naman ang iyong iniisip, Mahal kong Prinsesa." Mula sa likurang bahagi ng aking katawan ay niyakap niya ako."Iniisip ko lang sina Nanay at Tatay," malungkot kong tugon sa kaniya."H'wag ka nang malumbay, Mahal kong Prinsesa." Ipinatong pa nito ang kaniyang baba sa aking balikat.Nakaharap kami sa bintana ng aking silid kung saan natatanaw namin ang ganda ng kakahuyan.Ang kakahuyang kinatatakutan
"Diana, Anak!" nakangiting sambit ni Tatay."Tay!" Tawag ko sa ama-amahan."Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo, Anak." Hinaplos ni Nanay ang aking pisngi."Nay!" Yumakap ako rito."Anak, lagi mong tatandaan na nandito lang kami parati sa'yong tabi," wika ni Nanay."H'wag mong pababayaan ang iyong sarili, Anak." Hinaplos ni Tatay ang buhok ko."Mahal na mahal ka namin, Anak!" Sabay nilang sabi at niyakap ako nang mahigpit."Nay! Tay!" Nagsimulang umagos ang mga luha mula sa aking mga mata."Paalam, Anak!" Hinalikan pa nila ako ng sabay sa aking pisngi.*Nay! Tay!" humahagulgol kong sambit.Sa huling pagkakataon ay hinaplos nila ang aking pisngi at saka dahan-dahan silang lumayo sa'kin."H