"Diana, Anak!" nakangiting sambit ni Tatay.
"Tay!" Tawag ko sa ama-amahan.
"Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo, Anak." Hinaplos ni Nanay ang aking pisngi.
"Nay!" Yumakap ako rito.
"Anak, lagi mong tatandaan na nandito lang kami parati sa'yong tabi," wika ni Nanay.
"H'wag mong pababayaan ang iyong sarili, Anak." Hinaplos ni Tatay ang buhok ko.
"Mahal na mahal ka namin, Anak!" Sabay nilang sabi at niyakap ako nang mahigpit.
"Nay! Tay!" Nagsimulang umagos ang mga luha mula sa aking mga mata.
"Paalam, Anak!" Hinalikan pa nila ako ng sabay sa aking pisngi.
*Nay! Tay!" humahagulgol kong sambit.
Sa huling pagkakataon ay hinaplos nila ang aking pisngi at saka dahan-dahan silang lumayo sa'kin.
"H'wag niyo po akong iwan!" Sigaw ko sa kanila.
Hinawakan ko ang kanilang mga kamay at tila halos ayaw ko nang bumitiw pa.
"Nay! Tay!" Sigaw ko sa kanila at tuluyan na silang nawala sa aking paningin.
"Nay! Tay!" Malakas kong sigaw saka bumalikwas nang bangon.
Ang huling pagkakaalala ko ay nasa labas ako ngunit narito na ko sa loob ng silid nang ilinga ko ang aking mga mata.
"Diana!" usal ni Nicolo at agad akong dinaluhan.
Niyakap ako nito at hinagod ang aking likuran.
"Nay! Tay!" Bumalong ang mga luha sa aking mga mata at tuluyang umagos ang mga iyon sa aking pisngi gaya ng isang ulan.
"Sshh... Tahan na, Mahal kong Prinsesa!" Pag-aalo sa'kin ni Nicolo.
"Sina Nanay at Tatay, iniwan na nila ako," humihikbing anas ko sa kaniya.
"Kailangan natin tanggaping tapos na ang kanilang misyon," ani nito sa'kin.
Umiling-iling ako sa kaniya at patuloy na humagulgol sa kaniyang dibdib.
"Hindi ko kayang wala sila," patuloy kong saad kay Nicolo.
"Kaya mo, Mahal ko! Kaya mo!" tugon naman nito sa'kin.
"Nandito pa ako. Nandito lamang ako lagi sa'yong tabi." Muli nitong hinagod ang aking likuran.
Patuloy akong nanaghoy at hinayaan lamang ako ni Nicolo.
Nakayakap ito nang mahigpit sa'kin habang kulong niya ako sa kaniyang mga bisig.
May ilang sandaling ganoon ang aming ayos hanggang sa makaramdam ako ng kakaibang antok.
"Wala akong ibang alam na lunas para sa iyong kalungkutan, Mahal kong Prinsesa, kaya't mahimbing ka muna pansamantala," bulong ni Nicolo, sa'kin.
Napatingala ako sa kaniya at namumungay ang mga matang napatitig sa maamo niyang mukha.
"Nicolo..." Saka tuluyang pumikit ang aking mga mata.
***********
Pagmulat ko sa mga mata ay mukha ni Nicolo ang una kong nasilayan."Kumusta na ang 'yong pakiramdam, Mahal kong Prinsesa?" tanong niya sa'kin.
May bahid nang pag-aalala pa rin sa kaniyang tinig.
Tulalang nakatingin lamang ako sa kaniya.
"Diana!" untag niya sa'kin.
Naluluhang tumingin lamang ako sa kaniya at mapait na ngumiti.
"Diana..." Hinaplos nito ang aking pisngi.
"Ayokong makita kang malungkot, Mahal kong Prinsesa." At patuloy nitong hinaplos ang aking pisngi.
Hinawakan niya ang aking kamay at pinaulanan iyon ng maliliit na halik.
Pumitik ito sa ere at iglap lang ay nasa loob na kami ng kakahuyan.
"Hindi ko kayang mag-isang hilumin ang sugat mo sa iyong dibdib. Kaya rito na muna tayo, mananatili." Nakatitig lamang ako sa kaniya at hinahayaan itong magsalita.
Yumukod ang mga punongkahoy sa aming paligid at parang sumasayaw naman ang mga halaman sa aking paningin.
Nag-aagawan din sa pakikipaglaro ang mga maliliit na hayop sa mga halaman.
Nagpamalas din ng galing ang mga ibon sa pag-awit.
Lahat sila ay pilit akong inaaliw ngunit hindi niyon napawi ang lungkot sa aking dibdib.
"Diana!" Tawag sa'kin ni Nicolo.
Lumuhod ito sa aking harapan at inabot nito ang iba't ibang kulay ng mga bulaklak sa'kin.
Pinagmasdan ko ang mga 'yon at talaga namang may saya kang mararamdaman mula roon.
Ngunit hindi pa rin mapawi niyon ang lumbay na aking nadarama."Salamat!" Malungkot na ngumiti ako sa kaniya.
"Hindi ko ibig na ika'y malungkot, Mahal kong Prinsesa," malungkot nitong wika.
"Nais kong makitang muli ang saya sa'yong mga mata." Pumitik ito sa ere at mula sa kalangitan ay nagbagsakan ang iba't ibang makukulay na liwanag.
"Nicolo!" Napasinghap ako sa pagkamangha nang mamasdan ang maliliit na liwanag.
"Wala akong lunas na maaaring igamot sa sakit na 'yong nararamdaman pero, nawa'y makatulong ang aming handog upang pansamantalang mapawi ang iyong kalungkutan." Hinaplos nito ang aking pisngi.
"Nicolo..." naluluha kong sambit.
"Hayaan mong pawiin namin ang lungkot sa'yong puso, Mahal kong Prinsesa." Kinabig niya ako palapit sa kaniyang katawan.
Ipinikit ko ang mga mata at naramdaman ko ang masuyong pag-alalay niya para patayuin ako Para kaming nakalutang at pakiramdam ko'y dinuduyan sa alapaap ang aking pakiramdam.
Naramdaman ko ang pagyakap ng masuyong lamig ng hangin sa magkadaupang naming mga katawan ni Nicolo.
"Diana..." Narinig kong sambit ni Nicolo.
"Nicolo!" usal tugon ko naman sa kaniya.
"Alam kong masakit tanggaping wala na sina Nanay Tina at Tatay Dante, pero kailangan natin iyong tanggapin nang maluwang sa ating kalooban, Mahal kong Prinsesa." Patuloy niyang hinagod ang aking likuran.
Tuluyan na akong napahagulgol sa kaniyang dibdib at patuloy naman niya akong hinagod sa aking likuran.
"Pakinggan mo ang engkantasyong aawitin at iaalay ko sa'yo, Mahal kong Prinsesa."
Napatingala ako sa kaniyang mukha at saka ko pa lamang napagmasdan na napakalapit pala namin sa kalangitan.
Sa bawat araw na ika'y aming pinagmasdan,
Sa bawat taong lumipas na ika'y aking tinatanaw lamang,Sa bawat oras na 'di malaman kung pa'no ka aking malapitan;Nakuntento akong maging isang aninong sumasabay sa pagdampi ng hangin sa iyong katawan.Bawat lungkot na iyong nadarama ay higit na lumulukob sa aking pagkatao.At ngayong nasa matinding kalungkutan ka, higit na nasasaktan ang puso ko.Sapagkat wala akong lunas na maibibigay kundi tanging pagmamahal ko lamang."Mahal kong Prinsesa, ako'y alipin mo simula pa lamang ng ika'y isilang at hanggang sa ako'y mamatay, mananatiling alipin mo pa rin." Muling hinaplos nito ang aking pisngi.
"Nicolo..." Patuloy sa pagluha ang aking mga mata.
Dumampi ang kaniyang daliri sa aking pisngi at tinuyo niya ang mga luhang umaagos doon.
"Ya no estés triste mi Querida Princesa!"
Dahan-dahang lumapit ang kaniyang mukha sa aking mukha at lumapat ang kaniyang labi sa aking mga labi.
"H'wag ka nang malumbay, Mahal kong Prinsesa!" Paulit-ulit niyang wika nang bitiwan niya ang aking mga labi.
Sa paglipas ng mga araw ay nanatili si Nicolo sa aking tabi.Sa kabila ng kalungkutang aking nadarama ay nanatili itong gabay sa nagdidilim kong mundo.Kasama ng kalikasan, dinamayan nila ako sa pagluluksa kina Nanay at Tatay.Walang katawan nina Nanay at Tatay kaming naiburol sapagkat parehong nalunod at nalubog sa gitna ng dagat ang mga katawan nila.Parang kahapon lang ng iyon ay maganap. Halos hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.Mabuti na lamang at nanatili si Nicolo sa aking tabi."Malalim na naman ang iyong iniisip, Mahal kong Prinsesa." Mula sa likurang bahagi ng aking katawan ay niyakap niya ako."Iniisip ko lang sina Nanay at Tatay," malungkot kong tugon sa kaniya."H'wag ka nang malumbay, Mahal kong Prinsesa." Ipinatong pa nito ang kaniyang baba sa aking balikat.Nakaharap kami sa bintana ng aking silid kung saan natatanaw namin ang ganda ng kakahuyan.Ang kakahuyang kinatatakutan
“Inang Reyna, madali at humayo kayo ng mahal na Prinsesa!” Sigaw ng Amang Hari. “Ngunit hindi kita maaring iwan sa gitna ng digmaan,” wika ng Inang Reyna at lumapit pa ito sa Amang Hari habang kalong-kalong ang sanggol na prinsesa. “Kailangan mong iligtas ang mahal na Prinsesa. Kayo na lamang ang tanging pag-asa ng buong Enchantria,” sambit ng Amang Hari. “Kaya’t humayo na kayo!” Pagtataboy pa niyang muli sa Inang Reyna. Lumingon ang Amang Hari sa kinaroroonan ko at kumumpas ito sa hangin. Lumitaw sa aking harapan ang kanyang gintong espada. “Nicolo, tanggapin mo ang aking gintong espada at ipagtanggol sila sa abot ng iyong makakaya,” wika niya sa akin. “Ihatid mo sila sa lagusan patawid sa mundo ng mga mortal,” dagdag na sabi pa niya at yumukod ako bilang tugon sa kaniya.
Nakarinig ako ng mga papalapit na yabag, ginamit ko ang aking kapangyarihan upang ikubli kaming dalawa ng mahal na prinsesa. Nakita ko ang dalawang nilalang na naglalakad patungo sa aming kinaroroonan. Minatyagan ko ang kanilang mga galaw at pinakinggan ang kanilang usapan. “Kung nagkaroon lang tayo ng anak Dante, masaya siguro tayong naninirahan sa ngayon dito,” malungkot na wika ng babae. “Huwag ka nang malungkot Tina, alam naman natin na may dahilan ang Diyos kung bakit hindi tayo maaaring magkaanak.” Inakbayan ng lalaki ang babae. “Ano kaya kung sa kanila kita ipaalaga habang narito tayo sa mundo ng mga mortal?” wala sa loob na sambit ko sa prinsesa at biglang pumalahaw ito ng iyak. “Narinig mo ba ‘yon Dante, may umiiyak na sanggol,” sabi ng babae sa kanyang asawa. “Naliligaw na baboy
Diana (POV) Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Nakita ko ang mga sanga ng punongkahoy na gumagapang at ang mga dahon nito’y kumakalusot. Ang hangin ay sumisipol sa mga putot na siyang nakakagambala sa mga dahon. Kumakanta ang mga ibon samantalang ang mga insekto naman ay humuhuni. Ang mga alitaptap ay nagbibigay liwanag sa buong paligid. Ang mga hayop ay nakikipagdaldalan sa kapwa nila hayop. Nakamamangha! Para akong nasa kakaibang mundo. “D-diana… Diana…” tawag sa’kin ng isang malamyos na tinig. “Sino ka?” Sigaw ko sa tinig na ‘yon. “Diana… H-halika… L-luma
Habang nasa klase ay 'di mawaglit sa aking isipan ang lalaking nakita ko sa may kakahuyan. "Sana ay muli ko siyang makita roon." Piping hiling ko sa sarili. Narinig kong humuhuni ang mga ibon na nakadapo sa bintana ng aming silid aralan. Nginitian ko ang mga ito at lalo naman silang humuni pa na parang umaawit lamang. "Kay gandang awitin, mga Kaibigan!" wika ko sa aking isipan upang purihin ang mga ibong masayang humuhuni. "Salamat, Mahal na Prinsesa!" Rinig kong sagot ng isang maliit na boses. Hinanap ko ang nagsalitang iyon at inilinga sa paligid ang aking mga mata ngunit wala kong nakita. Kinalabit ko si Elsa sa aking tabi. "Tinawag mo ba akong Prinsesa?" tanong ko sa kaniya. "Ano ka ba naman Diana, ba't naman kita tatawaging prinsesa eh wala ka namang kaharian," bumubungisngis na tugon naman ni Elsa sa akin. "Ang sama mo talaga!" nakasimangot kong sagot sa kaniya. "Eh
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa aking silid. Panaginip lang ba ang lahat? Wala sa sariling dinama ko ang tapat ng aking dibdib gamit ang kanan kong palad. Naroon pa rin ang kakaibang kabog ng aking puso na walang pagkakaiba sa nararamdaman ko kani-kanina lang habang naririnig ang boses na iyon. Pero merong kakaiba at bagong damdamin akong nakapa sa aking sarili... Parang may bahagi ng aking pagkatao ang gustong bumalik muli sa lugar na iyon. Kusang tumuon ang aking paningin sa nakabukas na bintanang nakaharap sa direksiyon ng kakahuyan. Dahan-dahan akong tumayo mula sa higaang papag na aking kinauupuan at dumungaw roon. Mula rito sa aking silid ay isang simpleng kakahuyan lang naman ang natatanaw ko at wala akong napapansing espesyal dito. Naroon ang kakaibang pakiramdam sa aking puso ngunit malabo ang alaala ko. Malinaw ang p
Pinanood ko sina Nanay at Tatay na kasalukuyang naglalambingan habang nakaupo sa inilatag kong banig."Sana kagaya nila ay matagpuan ko rin ang lalaking magpapasaya sa'kin," ani ko sa isipan.Biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin at para bagang niyayakap ako niyon. May kung anong kakaibang pakiramdam akong naramdaman sa aking puso. Tila baga may mga matang nakatitig sa akin mula sa likurang bahagi ng aking katawan.Lumingon ako upang tingnan iyon ngunit wala akong nakitang ibang tao roon liban lamang sa mga maliliit na hayop na kasalukuyang naglalaro.'Di ko namalayang sinusundan ko na ang mga hayop sa kanilang paghahabulan patungo sa pinakamasukal na bahagi ng kakahuyan.Ito ang bahagi ng kakahuyan na ipinagbabawal nang pasukin dahil sa dami ng mga kumakalat na balitang may Engkantong nakatira roon."Patutunayan kong hindi iyon totoo!" ani ko sa sarili.Nagpatuloy ako sa pagsunod sa mga hayop na patuloy lama
Hindi ko alam kung bakit kailangan kong tumakbo. Ang tanging alam ko lamang ay kailangan kong makalayo.Ngunit saan nga ba ako tutungo? Bakit ko nga ba kailangang lumayo?Hinihingal na ako pero kailangan kong magpatuloy sa pagtakbo. Muli akong tumakbo sa madilim na bahagi ng kakahuyan hanggang marating ko ang kasukalang bahagi niyon."Diana..." Rinig kong tawag sa akin ng isang malamyos na tinig."Sino ka?" Malakas kong tanong at luminga-linga sa aking paligid."Tulungan mo ako, Diana..." Humihinging tulong ang malamyos na tinig."Sino ka?" pasigaw ko ulit na tanong sa malamyos na tinig.Hindi ko alam kung pa'no makakatulong. Pero bakit ako mismo sa aking sarili ay parang kailangan ko rin ng tulong?Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari. Ako man ay litong-l
Sa paglipas ng mga araw ay nanatili si Nicolo sa aking tabi.Sa kabila ng kalungkutang aking nadarama ay nanatili itong gabay sa nagdidilim kong mundo.Kasama ng kalikasan, dinamayan nila ako sa pagluluksa kina Nanay at Tatay.Walang katawan nina Nanay at Tatay kaming naiburol sapagkat parehong nalunod at nalubog sa gitna ng dagat ang mga katawan nila.Parang kahapon lang ng iyon ay maganap. Halos hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.Mabuti na lamang at nanatili si Nicolo sa aking tabi."Malalim na naman ang iyong iniisip, Mahal kong Prinsesa." Mula sa likurang bahagi ng aking katawan ay niyakap niya ako."Iniisip ko lang sina Nanay at Tatay," malungkot kong tugon sa kaniya."H'wag ka nang malumbay, Mahal kong Prinsesa." Ipinatong pa nito ang kaniyang baba sa aking balikat.Nakaharap kami sa bintana ng aking silid kung saan natatanaw namin ang ganda ng kakahuyan.Ang kakahuyang kinatatakutan
"Diana, Anak!" nakangiting sambit ni Tatay."Tay!" Tawag ko sa ama-amahan."Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo, Anak." Hinaplos ni Nanay ang aking pisngi."Nay!" Yumakap ako rito."Anak, lagi mong tatandaan na nandito lang kami parati sa'yong tabi," wika ni Nanay."H'wag mong pababayaan ang iyong sarili, Anak." Hinaplos ni Tatay ang buhok ko."Mahal na mahal ka namin, Anak!" Sabay nilang sabi at niyakap ako nang mahigpit."Nay! Tay!" Nagsimulang umagos ang mga luha mula sa aking mga mata."Paalam, Anak!" Hinalikan pa nila ako ng sabay sa aking pisngi.*Nay! Tay!" humahagulgol kong sambit.Sa huling pagkakataon ay hinaplos nila ang aking pisngi at saka dahan-dahan silang lumayo sa'kin."H
"Nay!" bulalas ko kay Nanay.Nilapitan ko 'to at niyakap nang mahigpit."Alam naming hindi ka namin katulad. Mula noon ay ramdam na namin 'yan dahil sa mga kakaibang pangyayaring araw-araw na nagaganap sa ating buhay. Walang normal na tao ang kayang mag-iwan ng pitak ng ginto sa tapat ng ating pinto at walang matinong tao rin ang maglalakas ng loob na lagyan ng bulaklak ang loob ng iyong silid na hindi natin makikita at mararamdaman," mahabang salaysay nito."Nay!" naluluhang usal ko."Nang ipakilala mo sa'min si Nicolo ay higit na nasagot ang lahat ng mga katanungang kaytagal naming itinatanong sa aming sarili ng Tatay mo. Ilang taon na ang nakaraan pero 'di ko kayang maniwala na may ganoong mundo talaga. Hanggang sa kami mismo ng Tatay mo ang makasaksi niyon. Napakaliwanag ninyong dalawa nang minsang magdikit ang inyong katawan. Liwanag na wari'y hindi para sa isang normal na tao talaga. Nakita na rin na
"Diana!" Mahinang tinig ni Nicolo ang siyang aking naririnig."Nicolo..." Hinahanap ko ang presensiya niya sa madilim na karimlan."Diana..." Muli'y narinig ko ang malakas niyang tinig na parang kaylapit niya lamang sa'kin."Dumilat ka, Mahal kong Prinsesa!" Naramdaman ko ang masuyong haplos niya sa aking pisngi."Nicolo..." Iminulat ko ang mga mata at aking nasilayan ang nag-aalalang mukha nito."Diana, Mahal kong Prinsesa!" Niyakap ako nito nang mahigpit.Ramdam kong nakahiga ako pero wala sa loob ng aking silid.Inilinga ko ang mga mata sa paligid at nakita kong nasa kakahuyan pa rin ako.Ngunit saan ako nakahiga kung gayon?Pinilit kong bumangon sa pagkakahiga at inalalayan naman ako ni Nicolo.Namangha ako sa nakitang ganda ng aking higaan.Para akong isang tunay na prinsesang nakahiga sa isang magarang higaan na napalilibutan ng iba't ibang uri ng mga bulaklak.Nap
Diana (POV)Namulat ko ang mga mata nang maramdaman sa aking balat ang pagtama ng sinag ng araw na lumulusot mula sa butas ng bintana.Bumangon ako sa higaang papag at naghikab bago tuluyang tumayo. Niligpit ko ang pinaghigaan at sinuklay ang aking buhok.Binuksan ko ang sirado ng bintana at sumilay ang ngiti sa'king labi nang makita si Nicolo na nagsisibak ng mga kahoy sa'ming bakuran.Mula ng maging kasintahan ko 'to ay lagi na niyang pinatutunayan sa'min ang kaniyang sarili.Sa sandaling panahon nang panliligaw nito ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pang sagutin ito.Hindi naman na ako naniniwala pa sa makalumang paraan nang panliligaw dahil nasa modernong panahon na ang mundo at hindi na uso sa akin ang Maria Clara style.Si Nicolo lang naman ang mapilit na gawin ang mga makalumang paraan nang panliligaw dahil gusto
Nicolo (POV)Magmula nang magkaharap kami ni Diana rito sa kasukalan ng kagubatan ay may kung anong engkantasyon ang bumalot sa aming dalawa.Nakita ko ang liwanag na lumabas mula sa kaniyang katawan nang haplusin niya ang aking pisngi.Liwanag na tanging mga mahaharlikang engkantada lamang ang mayroon at minsan ko na ring nasaksihan mula sa kaniya ng sanggol pa lamang siya.Hindi ko batid kung nakita niya rin ang liwanag na 'yon. Pero, alam kong may kakaibang nangyari mula nang haplusin niya ang aking pisngi.Nararamdaman ko ang kaniyang nadarama. Nakikita ko ang kaniyang mga panaginip. Naririnig ko ang kaniyang naririnig.Hindi ko gustong makitang nalulumbay si Diana, dahil kahit ako ay nalulumbay rin.Ang bawat paghihirap ng kaniyang kalooban ay higit na paghihirap na aking nadarama.Gusto ko lang na lagi siyang masaya sapagkat pati ako ay sumasaya rin."Bakit