Home / Fantasy / Enchantria Lost of Love / Chapter 7: Masidhing Damdamin

Share

Chapter 7: Masidhing Damdamin

Author: JGJ Writes
last update Huling Na-update: 2021-09-06 20:52:37

Hindi ko alam kung bakit kailangan kong tumakbo. Ang tanging alam ko lamang ay kailangan kong makalayo.

Ngunit saan nga ba ako tutungo? Bakit ko nga ba kailangang lumayo?

Hinihingal na ako pero kailangan kong magpatuloy sa pagtakbo. Muli akong tumakbo sa madilim na bahagi ng kakahuyan hanggang marating ko ang kasukalang bahagi niyon.

"Diana..." Rinig kong tawag sa akin ng isang malamyos na tinig.

"Sino ka?" Malakas kong tanong at luminga-linga sa aking paligid.

"Tulungan mo ako, Diana..." Humihinging tulong ang malamyos na tinig.

"Sino ka?" pasigaw ko ulit na tanong sa malamyos na tinig.

Hindi ko alam kung pa'no makakatulong. Pero bakit ako mismo sa aking sarili ay parang kailangan ko rin ng tulong?

Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari. Ako man ay litong-lito na rin.

Huminto ako sa pagtakbo at nayakap ang sarili. Hinaplos ko ang mga braso upang ibsan ang takot na aking nadarama.

Narinig ko ang isang malakas na halakhak mula sa kung saan.

Paglingon ko ay isang magandang babae ang aking nasilayan.

"Kung noon ay nailigtas ka sa'kin ni Nicolo, titiyakin kong hindi na muling mauulit iyon." At muling humalakhak ito.

"Nicolo?" Ulit ko sa pangalang sinabi nito.

Hindi nakikilala ng isip ko ang taong winika niya. Pero, bakit parang kilala iyon ng puso ko?

May kung anong gustong kumawala mula sa loob ng aking dibdib nang marinig ang pangalang iyon. Nararamdaman kong tumatalon sa saya ang aking puso.

Humalakhak muli ang babaeng hindi ko nakikilala dahilan para muling tumuon sa kaniya ang aking isipan.

"Diana..." Rinig kong tawag muli ng malamyos na tinig sa aking pangalan.

"Sino ka?" Sigaw ko sa malamyos na tinig.

"Bakit 'di ka magpakita?" muling tanong ko sa malamyos na tinig.

"Sapagkat pinatay ko na siya!" Hiyaw ng babaeng 'di ko nakikilala.

"Kaya hindi mo na siya makikita kailanman!" dagdag pang wika ng babaeng nasa aking harapan at muling humalakhak ito.

Kinilabutan ako sa kaniyang sinabi at nakadama ng takot.

"Sino ka ba? Sino ba kayo?" nagugulumihanan kong tanong at nagsisimula nang mabuhay ang takot sa aking dibdib.

Nagsisimula nang dumaloy ang mga luha mula sa aking mga mata.

"Ganiyan nga Diana, matakot ka." Patuloy na halakhak ng babae.

"Matakot ka sa'kin!" At tumingin sa'kin ang nanlilisik niyang mga mata.

"Hindi ako natatakot sa'yo!" matapang kong sigaw sa kaniya.

"Mararamdaman mo 'yan sa ihahandog ko sa'yo." Ngumiti ito nang nakakaloko.

Tuluyang nabuhay ang takot sa aking dibdib nang kumumpas ito sa ere at lumakas ang ihip ng hangin na para bagang lahat ay gustong tangayin patungo sa kung saan.

Dala ng takot na aking nadama ay hinawakan ko ang kwintas na suot-suot ko madalas sa aking leeg.

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ng isang pamilyar na yakap mula sa aking likuran sa tuwing hawak ko ang kwintas. Ngunit sa pagkakataong iyon ay naramdaman ko ang mga tunay na bisig mula sa likurang bahagi ng aking katawan.

Nakikilala ko ang yakap na iyon. Nakikilala ko ang mga brasong nakayakap mula sa likurang bahagi ng aking katawan. Kilala ito ng puso ko!

"Nicolo..." Tuluyang namalibis ang mga luha sa aking mga mata sapagkat ito ang lalaking pinakatatangi ko.

Humarap ako sa kaniya at gayon na lamang ang pagkagimbal ko nang makita ito.

Isang  nakahihilakbot na wangis ng isang halimaw ang nasa aking harapan.

"Hindi!" Hilakbot kong sigaw.

"Nicolo!" Malakas kong sigaw.

Napabalikwas ako nang bangon mula sa pagkakahiga sa aking higaang papag.

Naramdaman ko ang pagdaloy ng mga luha mula sa aking mga mata.

"Nicolo..." Hinawakan ko ang kwintas na suot sa aking leeg upang kalamayin ang aking kalooban.

Umihip ang hangin at naramdaman ko ang yakap na kilalang-kilala ng aking puso.

"Nicolo..." Humawak ako sa kaniyang bisig na nakayakap sa aking katawan.

Nasanay na akong dumarating itong bigla sa tuwing hahaplusin ko ang suot na kwintas.

"H'wag kang malumbay, Mahal kong Prinsesa. Nandito lang ako parati sa iyong tabi," turan niya sa'kin.

"Akala ko'y iniwan mo na ako," humihikbing anas ko sa kaniya.

Humarap ako sa kaniya at nasilayan kong muli ang pinakagwapong nilalang na aking nakita.

"Isa lamang iyong masamang panaginip," ani niya sa'kin.

"Ngunit parang totoong-totoo," malungkot kong tugon sa kaniya.

"Parati mo lamang pakinggan ang sinasabi ng iyong puso, Mahal kong Prinsesa," saad niya sa'kin.

Tumingin ako sa kaniya at pinakatitigang maigi ang kaniyang mukha.

"Napakagwapo mo!" nakangiti kong sambit sa kaniya.

"Huwag mong tingnan ang panlabas na anyo, Mahal kong Prinsesa," wika niya sa'kin.

"Ito ang pakinggan mo." Itinuro niya ang dibdib ko kung saan naroon banda ang puso ko, "Ang sinasabi ng iyong puso."

Hinaplos niya ang aking pisngi.

"Nicolo..." Hinawakan ko ang kamay niyang humahaplos sa aking pisngi.

"Matulog ka ng muli, Mahal kong Prinsesa," paanas niyang sabi sa'kin.

"Natatakot ako!" takot kong saad sa kaniya.

Nakakaramdam ako ng takot. Takot na biglang mawala na lamang sa'king tabi ang binata at 'di na muling masilayan pa.

"H'wag kang matakot, nandito lang ako. Babantayan kita!" wika niya sa'kin.

Tumingin ako sa kaniya at siniguro ang mga sinasabi nito.

Pinahiga niya ako sa higaang papag habang patuloy niyang hawak ang aking kamay.

May kakaibang liwanag na lumabas mula sa aming mga kamay ngunit daglit ding nawala.

"Ipikit mo ang iyong mga mata at mahimbing na matulog aking Mahal na Prinsesa." Ipinatong niya ang kamay sa aking mga mata dahan-dahan akong nakaramdam ng antok hanggang sa tuluyan na akong hilahin niyon sa isang magandang panaginip.

*********

Kinabukasan paggising ko ay wala na si Nicolo sa aking tabi.

Ngunit naroon naman ang mga nagkalat na bulaklak sa gilid ng aking higaang papag.

Napangiti ako nang makita ang mga bulaklak.

Kinuha ko ang mga 'yon at dinala sa aking plorera saka inalis ang nagsisimula ng malantang mga bulaklak doon.

Namangha ako nang biglang mamukadkad ang mga bulaklak na malapit ng malanta.

Hinawakan ko lang ang mga bulaklak na malapit ng malanta ay bumalik na rin agad ang magandang kulay at anyo nito.

Ibinalik ko ang mga bulaklak sa plorera at tiningnan ang aking mga kamay.

"Mayroon akong kapangyarihang ibalik ang dating anyo ng mga bulaklak?" manghang tanong ko sa sarili.

Dala nang pagkalito ay binuksan ko ang aking aparador at doon ay hinaplos ang mga nalalanta ng mga bulaklak.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang unti-unting nagbalik ang magandang kulay at anyo ng mga bulaklak.

"Mahabaging langit!" bulalas ko sabay antadang krus.

"Totoo nga ang aking nakikita!" muli ko pang sabi sa aking sarili.

"Kung gayo'y anong klaseng nilalang ako?" tanong ko ulit sa aking sarili.

"Pa'no ko ito nagagawa?!" nalilitong tanong ko pa.

Wala akong maapuhap na sagot sa aking katanungan kung kaya naisip kong dumaan sa kakahuyan.

"Maaaring alam ni Nicolo ang sagot sa aking mga katanungan."

Mabilis ang mga kilos kong nag-asikaso ng sarili upang makapunta sa may kakahuyan.

Palabas na ako ng bahay nang tawagin ni Nanay.

"Saan ang punta mo Diana?" tanong nito sa'kin.

"Diyan lang po kina Elsa, Nay!" Pagdadahilan ko rito.

"Napapadalas 'ata ang pag-alis mo nitong mga nakaraang araw, Anak. Baka naman may inililihim ka na sa amin ng Tatay mo?" Narinig ko ang hinampo sa tinig nito.

"Wala po, Nay! Kila Elsa lamang po ang punta ko. Kung wala naman po ako sa kanila tiyak na nasa kakahuyan po ako naroon," matamang sagot ko kay Nanay.

"Hindi kita pipigilang pumunta sa may kakahuyan, Anak. Pero tiyakin mo lamang na lagi kang mag-iingat lalo pa at may bali-balitang kumakalat na may Engkantong nakatira roon," nag-aalalang saad ng kaniyang ina.

"Hayan na naman kayo sa kwentong barbero, Nay." At bumuntong hininga

pa ako bago muling magsalita. "Hindi totoo ang Engkanto."

"Pero mainam din po na kumalat ang mga kwentong ganiyan sapagkat mas higit na maiiwasan ng mga taong pumunta roon. Mas napi-preserved ang ganda ng kalikasan," ani ko pa kay Nanay.

"O siya, basta lagi ka lamang mag-iingat parati Diana," naiiling na wika nito sa'kin.

Lumapit ako kay Nanay at hinalikan siya sa kaniyang pisngi. Nagmano pa muna ako bago tuluyang nagpaalam at lumisan ng bahay.

Malalaki ang aking mga hakbang na binaybay ang daan patungo sa kasukalan ng kakahuyan.

Nasa bukana pa lang ako ng kakahuyan ay pansin ko na ang pagyukod ng mga halaman at punongkahoy. Wari'y sinasalubong nila ako sa aking pagdating.  

Ikinurap-kurap ko ang mga mata at itinutok ang aking paningin sa mga halamang patuloy na nagyuyukuran sa'kin.

Hindi ito totoo! Namamalikmata lamang ako!

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa kasukalan ng kakahuyan.

"Nicolo!" Tawag ko sa binata.

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa kasukalang bahagi ng kakahuyan.

Nakarinig ako ng mga kaluskos ngunit 'di ko iyong pinansin.

"Nicolo!" Muling tawag ko sa binata.

Hinaplos ko ang nakasuot na kwintas sa aking leeg.

Naramdaman ko ang pagyakap ng pamilyar na mga bisig mula sa likurang bahagi ng aking katawan.

"Nicolo..." usal ko sa kaniyang pangalan.

"Mi Querida Princesa!" paanas nitong bulong sa likod ng aking tainga.

Naramdaman ko ang init ng kaniyang hininga. Nagtayuan ang lahat ng mga balahibo ko sa batok at naramdaman ang pangangatog ng aking mga tuhod. 

Humarap ako sa kaniya at hinaplos ang kaniyang pisngi. "Nicolo..."

"May gusto akong sabihin sa'yo," saad ko sa kaniya.

"Ano 'yon, Mahal kong Prinsesa?" tugon naman niya sa'kin.

"May kakaibang bagay na nangyayari sa aking katawan. Hinawakan ko ang mga nalantang bulaklak kanina upang itapon ngunit bigla na lamang iyong bumalik sa sariwang anyo niyon," nahihintakutan kong salaysay sa kaniya.

Kinabig ako ni Nicolo palapit sa kaniyang katawan at niyakap niya ako nang mahigpit.

"H'wag kang matakot sa anumang bagay na matutuklasan mo sa iyong sarili sapagkat pagsapit ng iyong ika-labing anim na kaarawan, ito'y iyong lubos na mauunawaan."

"Nicolo..."

Hindi ko maunawaan ang kaniyang sinasabi pero nararamdaman kong sinasabi ng aking puso na magtiwala lamang kay Nicolo.

Hinaplos nito ang aking buhok at pakiramdam ko'y napakapayapa ng aming kinalulugaran.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at hinawakan ang aking kamay. Hinila niya ako patungo sa kasukalan kung saan naroon ang magandang tanawin ng talon na napapalibutan ng makukulay na mga bulaklak.

Napasinghap ako sa pagkamangha nang masilayan ang iba't-ibang mga uri ng isda na nagtatampisaw sa tubig ng talon.

Dala ng labis na katuwaan kumalas ako sa pagkakahawak sa'kin ni Nicolo at mabilis na tumakbo palapit sa talon.

"H'wag kang tumakbo, Mahal na Prinsesa at baka ika'y madulas!" malakas na sambit ni Nicolo.

Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi bagkus ay nagpatuloy lamang ako sa pagtakbo palapit sa mga isdang patuloy na nagtatampisaw sa may talon.

Hindi ko napansin ang tubig sa lupa kung kaya naapakan ko iyon at ako'y nadulas.

Akala ko'y tuluyan na akong sasaluhin ng lupa kung kaya napapikit na lamang ako at naghintay ng aking pagbagsak.

Naramdaman ko ang matigas na katawan ni Nicolo na siyang sumalo sa aking katawan.

"Nicolo!" mahinang usal ko.

Nakahapit ang kaniyang kamay sa aking baywang habang nakahiga.

Halos magkalapit na ang aming mga mukha dahil sa aming posisyon. .

"Que dulce es el beso de tus labios, Mi Querida Princesa." Unti-unting bumaba ang mukha nito sa'king mukha at kinintilan ako ng halik sa labi.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
OMG! may first kiss na c Diana...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 8: Iisang Damdamin

    Nicolo (POV)Magmula nang magkaharap kami ni Diana rito sa kasukalan ng kagubatan ay may kung anong engkantasyon ang bumalot sa aming dalawa.Nakita ko ang liwanag na lumabas mula sa kaniyang katawan nang haplusin niya ang aking pisngi.Liwanag na tanging mga mahaharlikang engkantada lamang ang mayroon at minsan ko na ring nasaksihan mula sa kaniya ng sanggol pa lamang siya.Hindi ko batid kung nakita niya rin ang liwanag na 'yon. Pero, alam kong may kakaibang nangyari mula nang haplusin niya ang aking pisngi.Nararamdaman ko ang kaniyang nadarama. Nakikita ko ang kaniyang mga panaginip. Naririnig ko ang kaniyang naririnig.Hindi ko gustong makitang nalulumbay si Diana, dahil kahit ako ay nalulumbay rin.Ang bawat paghihirap ng kaniyang kalooban ay higit na paghihirap na aking nadarama.Gusto ko lang na lagi siyang masaya sapagkat pati ako ay sumasaya rin."Bakit

    Huling Na-update : 2021-09-07
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 9: Ika-labing Anim na Kaarawan

    Diana (POV)Namulat ko ang mga mata nang maramdaman sa aking balat ang pagtama ng sinag ng araw na lumulusot mula sa butas ng bintana.Bumangon ako sa higaang papag at naghikab bago tuluyang tumayo. Niligpit ko ang pinaghigaan at sinuklay ang aking buhok.Binuksan ko ang sirado ng bintana at sumilay ang ngiti sa'king labi nang makita si Nicolo na nagsisibak ng mga kahoy sa'ming bakuran.Mula ng maging kasintahan ko 'to ay lagi na niyang pinatutunayan sa'min ang kaniyang sarili.Sa sandaling panahon nang panliligaw nito ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pang sagutin ito.Hindi naman na ako naniniwala pa sa makalumang paraan nang panliligaw dahil nasa modernong panahon na ang mundo at hindi na uso sa akin ang Maria Clara style.Si Nicolo lang naman ang mapilit na gawin ang mga makalumang paraan nang panliligaw dahil gusto

    Huling Na-update : 2021-09-09
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 10: Kakaibang Kaba

    "Diana!" Mahinang tinig ni Nicolo ang siyang aking naririnig."Nicolo..." Hinahanap ko ang presensiya niya sa madilim na karimlan."Diana..." Muli'y narinig ko ang malakas niyang tinig na parang kaylapit niya lamang sa'kin."Dumilat ka, Mahal kong Prinsesa!" Naramdaman ko ang masuyong haplos niya sa aking pisngi."Nicolo..." Iminulat ko ang mga mata at aking nasilayan ang nag-aalalang mukha nito."Diana, Mahal kong Prinsesa!" Niyakap ako nito nang mahigpit.Ramdam kong nakahiga ako pero wala sa loob ng aking silid.Inilinga ko ang mga mata sa paligid at nakita kong nasa kakahuyan pa rin ako.Ngunit saan ako nakahiga kung gayon?Pinilit kong bumangon sa pagkakahiga at inalalayan naman ako ni Nicolo.Namangha ako sa nakitang ganda ng aking higaan.Para akong isang tunay na prinsesang nakahiga sa isang magarang higaan na napalilibutan ng iba't ibang uri ng mga bulaklak.Nap

    Huling Na-update : 2021-09-11
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 11: Masamang Balita

    "Nay!" bulalas ko kay Nanay.Nilapitan ko 'to at niyakap nang mahigpit."Alam naming hindi ka namin katulad. Mula noon ay ramdam na namin 'yan dahil sa mga kakaibang pangyayaring araw-araw na nagaganap sa ating buhay. Walang normal na tao ang kayang mag-iwan ng pitak ng ginto sa tapat ng ating pinto at walang matinong tao rin ang maglalakas ng loob na lagyan ng bulaklak ang loob ng iyong silid na hindi natin makikita at mararamdaman," mahabang salaysay nito."Nay!" naluluhang usal ko."Nang ipakilala mo sa'min si Nicolo ay higit na nasagot ang lahat ng mga katanungang kaytagal naming itinatanong sa aming sarili ng Tatay mo. Ilang taon na ang nakaraan pero 'di ko kayang maniwala na may ganoong mundo talaga. Hanggang sa kami mismo ng Tatay mo ang makasaksi niyon. Napakaliwanag ninyong dalawa nang minsang magdikit ang inyong katawan. Liwanag na wari'y hindi para sa isang normal na tao talaga. Nakita na rin na

    Huling Na-update : 2021-09-14
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 12: Kalungkutan

    "Diana, Anak!" nakangiting sambit ni Tatay."Tay!" Tawag ko sa ama-amahan."Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo, Anak." Hinaplos ni Nanay ang aking pisngi."Nay!" Yumakap ako rito."Anak, lagi mong tatandaan na nandito lang kami parati sa'yong tabi," wika ni Nanay."H'wag mong pababayaan ang iyong sarili, Anak." Hinaplos ni Tatay ang buhok ko."Mahal na mahal ka namin, Anak!" Sabay nilang sabi at niyakap ako nang mahigpit."Nay! Tay!" Nagsimulang umagos ang mga luha mula sa aking mga mata."Paalam, Anak!" Hinalikan pa nila ako ng sabay sa aking pisngi.*Nay! Tay!" humahagulgol kong sambit.Sa huling pagkakataon ay hinaplos nila ang aking pisngi at saka dahan-dahan silang lumayo sa'kin."H

    Huling Na-update : 2021-09-17
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 13: Mahiwagang Tinig

    Sa paglipas ng mga araw ay nanatili si Nicolo sa aking tabi.Sa kabila ng kalungkutang aking nadarama ay nanatili itong gabay sa nagdidilim kong mundo.Kasama ng kalikasan, dinamayan nila ako sa pagluluksa kina Nanay at Tatay.Walang katawan nina Nanay at Tatay kaming naiburol sapagkat parehong nalunod at nalubog sa gitna ng dagat ang mga katawan nila.Parang kahapon lang ng iyon ay maganap. Halos hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.Mabuti na lamang at nanatili si Nicolo sa aking tabi."Malalim na naman ang iyong iniisip, Mahal kong Prinsesa." Mula sa likurang bahagi ng aking katawan ay niyakap niya ako."Iniisip ko lang sina Nanay at Tatay," malungkot kong tugon sa kaniya."H'wag ka nang malumbay, Mahal kong Prinsesa." Ipinatong pa nito ang kaniyang baba sa aking balikat.Nakaharap kami sa bintana ng aking silid kung saan natatanaw namin ang ganda ng kakahuyan.Ang kakahuyang kinatatakutan

    Huling Na-update : 2021-09-22
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 1: Iligtas ang Prinsesa

    “Inang Reyna, madali at humayo kayo ng mahal na Prinsesa!” Sigaw ng Amang Hari. “Ngunit hindi kita maaring iwan sa gitna ng digmaan,” wika ng Inang Reyna at lumapit pa ito sa Amang Hari habang kalong-kalong ang sanggol na prinsesa. “Kailangan mong iligtas ang mahal na Prinsesa. Kayo na lamang ang tanging pag-asa ng buong Enchantria,” sambit ng Amang Hari. “Kaya’t humayo na kayo!” Pagtataboy pa niyang muli sa Inang Reyna. Lumingon ang Amang Hari sa kinaroroonan ko at kumumpas ito sa hangin. Lumitaw sa aking harapan ang kanyang gintong espada. “Nicolo, tanggapin mo ang aking gintong espada at ipagtanggol sila sa abot ng iyong makakaya,” wika niya sa akin. “Ihatid mo sila sa lagusan patawid sa mundo ng mga mortal,” dagdag na sabi pa niya at yumukod ako bilang tugon sa kaniya.

    Huling Na-update : 2021-07-08
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 2: Sa Mundo ng mga Mortal

    Nakarinig ako ng mga papalapit na yabag, ginamit ko ang aking kapangyarihan upang ikubli kaming dalawa ng mahal na prinsesa. Nakita ko ang dalawang nilalang na naglalakad patungo sa aming kinaroroonan. Minatyagan ko ang kanilang mga galaw at pinakinggan ang kanilang usapan. “Kung nagkaroon lang tayo ng anak Dante, masaya siguro tayong naninirahan sa ngayon dito,” malungkot na wika ng babae. “Huwag ka nang malungkot Tina, alam naman natin na may dahilan ang Diyos kung bakit hindi tayo maaaring magkaanak.” Inakbayan ng lalaki ang babae. “Ano kaya kung sa kanila kita ipaalaga habang narito tayo sa mundo ng mga mortal?” wala sa loob na sambit ko sa prinsesa at biglang pumalahaw ito ng iyak. “Narinig mo ba ‘yon Dante, may umiiyak na sanggol,” sabi ng babae sa kanyang asawa. “Naliligaw na baboy

    Huling Na-update : 2021-07-08

Pinakabagong kabanata

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 13: Mahiwagang Tinig

    Sa paglipas ng mga araw ay nanatili si Nicolo sa aking tabi.Sa kabila ng kalungkutang aking nadarama ay nanatili itong gabay sa nagdidilim kong mundo.Kasama ng kalikasan, dinamayan nila ako sa pagluluksa kina Nanay at Tatay.Walang katawan nina Nanay at Tatay kaming naiburol sapagkat parehong nalunod at nalubog sa gitna ng dagat ang mga katawan nila.Parang kahapon lang ng iyon ay maganap. Halos hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.Mabuti na lamang at nanatili si Nicolo sa aking tabi."Malalim na naman ang iyong iniisip, Mahal kong Prinsesa." Mula sa likurang bahagi ng aking katawan ay niyakap niya ako."Iniisip ko lang sina Nanay at Tatay," malungkot kong tugon sa kaniya."H'wag ka nang malumbay, Mahal kong Prinsesa." Ipinatong pa nito ang kaniyang baba sa aking balikat.Nakaharap kami sa bintana ng aking silid kung saan natatanaw namin ang ganda ng kakahuyan.Ang kakahuyang kinatatakutan

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 12: Kalungkutan

    "Diana, Anak!" nakangiting sambit ni Tatay."Tay!" Tawag ko sa ama-amahan."Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo, Anak." Hinaplos ni Nanay ang aking pisngi."Nay!" Yumakap ako rito."Anak, lagi mong tatandaan na nandito lang kami parati sa'yong tabi," wika ni Nanay."H'wag mong pababayaan ang iyong sarili, Anak." Hinaplos ni Tatay ang buhok ko."Mahal na mahal ka namin, Anak!" Sabay nilang sabi at niyakap ako nang mahigpit."Nay! Tay!" Nagsimulang umagos ang mga luha mula sa aking mga mata."Paalam, Anak!" Hinalikan pa nila ako ng sabay sa aking pisngi.*Nay! Tay!" humahagulgol kong sambit.Sa huling pagkakataon ay hinaplos nila ang aking pisngi at saka dahan-dahan silang lumayo sa'kin."H

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 11: Masamang Balita

    "Nay!" bulalas ko kay Nanay.Nilapitan ko 'to at niyakap nang mahigpit."Alam naming hindi ka namin katulad. Mula noon ay ramdam na namin 'yan dahil sa mga kakaibang pangyayaring araw-araw na nagaganap sa ating buhay. Walang normal na tao ang kayang mag-iwan ng pitak ng ginto sa tapat ng ating pinto at walang matinong tao rin ang maglalakas ng loob na lagyan ng bulaklak ang loob ng iyong silid na hindi natin makikita at mararamdaman," mahabang salaysay nito."Nay!" naluluhang usal ko."Nang ipakilala mo sa'min si Nicolo ay higit na nasagot ang lahat ng mga katanungang kaytagal naming itinatanong sa aming sarili ng Tatay mo. Ilang taon na ang nakaraan pero 'di ko kayang maniwala na may ganoong mundo talaga. Hanggang sa kami mismo ng Tatay mo ang makasaksi niyon. Napakaliwanag ninyong dalawa nang minsang magdikit ang inyong katawan. Liwanag na wari'y hindi para sa isang normal na tao talaga. Nakita na rin na

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 10: Kakaibang Kaba

    "Diana!" Mahinang tinig ni Nicolo ang siyang aking naririnig."Nicolo..." Hinahanap ko ang presensiya niya sa madilim na karimlan."Diana..." Muli'y narinig ko ang malakas niyang tinig na parang kaylapit niya lamang sa'kin."Dumilat ka, Mahal kong Prinsesa!" Naramdaman ko ang masuyong haplos niya sa aking pisngi."Nicolo..." Iminulat ko ang mga mata at aking nasilayan ang nag-aalalang mukha nito."Diana, Mahal kong Prinsesa!" Niyakap ako nito nang mahigpit.Ramdam kong nakahiga ako pero wala sa loob ng aking silid.Inilinga ko ang mga mata sa paligid at nakita kong nasa kakahuyan pa rin ako.Ngunit saan ako nakahiga kung gayon?Pinilit kong bumangon sa pagkakahiga at inalalayan naman ako ni Nicolo.Namangha ako sa nakitang ganda ng aking higaan.Para akong isang tunay na prinsesang nakahiga sa isang magarang higaan na napalilibutan ng iba't ibang uri ng mga bulaklak.Nap

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 9: Ika-labing Anim na Kaarawan

    Diana (POV)Namulat ko ang mga mata nang maramdaman sa aking balat ang pagtama ng sinag ng araw na lumulusot mula sa butas ng bintana.Bumangon ako sa higaang papag at naghikab bago tuluyang tumayo. Niligpit ko ang pinaghigaan at sinuklay ang aking buhok.Binuksan ko ang sirado ng bintana at sumilay ang ngiti sa'king labi nang makita si Nicolo na nagsisibak ng mga kahoy sa'ming bakuran.Mula ng maging kasintahan ko 'to ay lagi na niyang pinatutunayan sa'min ang kaniyang sarili.Sa sandaling panahon nang panliligaw nito ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pang sagutin ito.Hindi naman na ako naniniwala pa sa makalumang paraan nang panliligaw dahil nasa modernong panahon na ang mundo at hindi na uso sa akin ang Maria Clara style.Si Nicolo lang naman ang mapilit na gawin ang mga makalumang paraan nang panliligaw dahil gusto

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 8: Iisang Damdamin

    Nicolo (POV)Magmula nang magkaharap kami ni Diana rito sa kasukalan ng kagubatan ay may kung anong engkantasyon ang bumalot sa aming dalawa.Nakita ko ang liwanag na lumabas mula sa kaniyang katawan nang haplusin niya ang aking pisngi.Liwanag na tanging mga mahaharlikang engkantada lamang ang mayroon at minsan ko na ring nasaksihan mula sa kaniya ng sanggol pa lamang siya.Hindi ko batid kung nakita niya rin ang liwanag na 'yon. Pero, alam kong may kakaibang nangyari mula nang haplusin niya ang aking pisngi.Nararamdaman ko ang kaniyang nadarama. Nakikita ko ang kaniyang mga panaginip. Naririnig ko ang kaniyang naririnig.Hindi ko gustong makitang nalulumbay si Diana, dahil kahit ako ay nalulumbay rin.Ang bawat paghihirap ng kaniyang kalooban ay higit na paghihirap na aking nadarama.Gusto ko lang na lagi siyang masaya sapagkat pati ako ay sumasaya rin."Bakit

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 7: Masidhing Damdamin

    Hindi ko alam kung bakit kailangan kong tumakbo. Ang tanging alam ko lamang ay kailangan kong makalayo.Ngunit saan nga ba ako tutungo? Bakit ko nga ba kailangang lumayo?Hinihingal na ako pero kailangan kong magpatuloy sa pagtakbo. Muli akong tumakbo sa madilim na bahagi ng kakahuyan hanggang marating ko ang kasukalang bahagi niyon."Diana..." Rinig kong tawag sa akin ng isang malamyos na tinig."Sino ka?" Malakas kong tanong at luminga-linga sa aking paligid."Tulungan mo ako, Diana..." Humihinging tulong ang malamyos na tinig."Sino ka?" pasigaw ko ulit na tanong sa malamyos na tinig.Hindi ko alam kung pa'no makakatulong. Pero bakit ako mismo sa aking sarili ay parang kailangan ko rin ng tulong?Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari. Ako man ay litong-l

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 6: Nicolo

    Pinanood ko sina Nanay at Tatay na kasalukuyang naglalambingan habang nakaupo sa inilatag kong banig."Sana kagaya nila ay matagpuan ko rin ang lalaking magpapasaya sa'kin," ani ko sa isipan.Biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin at para bagang niyayakap ako niyon. May kung anong kakaibang pakiramdam akong naramdaman sa aking puso. Tila baga may mga matang nakatitig sa akin mula sa likurang bahagi ng aking katawan.Lumingon ako upang tingnan iyon ngunit wala akong nakitang ibang tao roon liban lamang sa mga maliliit na hayop na kasalukuyang naglalaro.'Di ko namalayang sinusundan ko na ang mga hayop sa kanilang paghahabulan patungo sa pinakamasukal na bahagi ng kakahuyan.Ito ang bahagi ng kakahuyan na ipinagbabawal nang pasukin dahil sa dami ng mga kumakalat na balitang may Engkantong nakatira roon."Patutunayan kong hindi iyon totoo!" ani ko sa sarili.Nagpatuloy ako sa pagsunod sa mga hayop na patuloy lama

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 5: Mahiwagang Damdamin

    Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa aking silid. Panaginip lang ba ang lahat? Wala sa sariling dinama ko ang tapat ng aking dibdib gamit ang kanan kong palad. Naroon pa rin ang kakaibang kabog ng aking puso na walang pagkakaiba sa nararamdaman ko kani-kanina lang habang naririnig ang boses na iyon. Pero merong kakaiba at bagong damdamin akong nakapa sa aking sarili... Parang may bahagi ng aking pagkatao ang gustong bumalik muli sa lugar na iyon. Kusang tumuon ang aking paningin sa nakabukas na bintanang nakaharap sa direksiyon ng kakahuyan. Dahan-dahan akong tumayo mula sa higaang papag na aking kinauupuan at dumungaw roon. Mula rito sa aking silid ay isang simpleng kakahuyan lang naman ang natatanaw ko at wala akong napapansing espesyal dito. Naroon ang kakaibang pakiramdam sa aking puso ngunit malabo ang alaala ko. Malinaw ang p

DMCA.com Protection Status