Home / Fantasy / Enchantria Lost of Love / Chapter 6: Nicolo

Share

Chapter 6: Nicolo

Author: JGJ Writes
last update Huling Na-update: 2021-09-04 17:27:16

Pinanood ko sina Nanay at Tatay na kasalukuyang naglalambingan habang nakaupo sa inilatag kong banig.

"Sana kagaya nila ay matagpuan ko rin ang lalaking magpapasaya sa'kin," ani ko sa isipan.

Biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin at para bagang niyayakap ako niyon. May kung anong kakaibang pakiramdam akong naramdaman sa aking puso. Tila baga may mga matang nakatitig sa akin mula sa likurang bahagi ng aking katawan.

Lumingon ako upang tingnan iyon ngunit wala akong nakitang ibang tao roon liban lamang sa mga maliliit na hayop na kasalukuyang naglalaro. 

'Di ko namalayang sinusundan ko na ang mga hayop sa kanilang paghahabulan patungo sa pinakamasukal na bahagi ng kakahuyan. 

Ito ang bahagi ng kakahuyan na ipinagbabawal nang pasukin dahil sa dami ng mga kumakalat na balitang may Engkantong nakatira roon. 

"Patutunayan kong hindi iyon totoo!" ani ko sa sarili.

Nagpatuloy ako sa pagsunod sa mga hayop na patuloy lamang sa kanilang paghahabulan. Kaysaya nilang pagmasdan at tila pati ako ay natutuwang makipaghabulan din sa kanila.

Sa umpisa ay mabagal lamang ang kanilang mga takbo ngunit habang nagtatagal ay pabilis na nang pabilis ang mga 'to.

"Sandali!" Tawag ko sa mga maliit na hayop na 'di ko malaman kung isa bang kuneho o squirrel dahil kakaiba ang kanilang mga anyo.

Napahinto ako sa paglalakad dahil tuluyan nang nawala sa aking mga paningin ang mga hayop na aking sinundan. Nakarinig ako nang langitngit ng mga tuyong dahon na inaapakan mula sa lupa. Luminga ako sa paligid upang sinuhin ang sinumang darating.

Wala akong nakita sa paligid kundi tanging mga punongkahoy at halaman lamang na pawang mga nakayukod sa'kin.

Ikinurap-kurap ko pa muna ang mga paningin at baka ako'y niloloko lamang ng malikot kong imahinasyon. Salit kong ipinikit ang mga mata at sa aking pagdilat ay nasilayan kong muli ang pinakagwapong nilalang na 'di kailanman nawaglit sa aking isipan. Mula ng masilayan ko ito rito sa kakahuyan ay lagi ko na lamang hiling na sana'y magkita kaming muli. 

"Ikaw, ang binatang nakita ko rito minsang papasok ako sa paaralan," paanas kong saad sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin dahilan para  maglululundag ang puso ko. 

"Diana mi querida princesa!" wika niya sa akin na 'di ko naman maintindihan dahil sa kakaibang lenggwahe na ginamit nito.

"Diana, mahal kong prinsesa!" pag-uulit niya sa kaniyang sinabi.

"Prinsesa?" manghang tanong ko sa kaniya.

"Nakalimutan mo na ba ako, Mahal kong Prinsesa?" balik tanong niya sa akin at umiling-iling pa ako bilang tugon sa kaniya.

Kaylambing ng kaniyang boses. Buong-buo pero 'di nakakatakot pakinggan bagkus ay parang gusto ko pa ngang paulit-ulit iyong pakikinggan.

Napatitig ito sa akin at wari baga'y malalim itong nag-iisip kasabay nang kaniyang matiim na pagsusuri sa akin.

"Ako ang iyong kalaro rito sa kakahuyan, ilang taon ng nakakaraan," ani niya sa akin.

Pinilit kong alalahanin sa aking isipan ang mga sinasabi nito.

"Ikaw si..." Naputol ang anumang sasabihin ko nang lumapit ito sa akin.

"Ako si Nicolo! Ang batang kalaro mo noon dito sa kakahuyan," malambing niyang saad.

"Nicolo!" masayang sambit ko.

Agad kong niyakap ito nang mahigpit at may kung anong kakaibang damdamin akong naramdaman para sa kaniya. Damdaming hindi ko rin mapangalanan o dahil sadyang masaya lamang ako sa muli naming pagkikita ng kaibigan kong kaytagal na nawala.

"Hinanap kita noon pero hindi ka na nagpakita pa," humihikbi kong turan sa kaniya habang patuloy na nakayakap sa kaniyang dibdib.

Hindi ko maintindihan ang matinding emosyon na lumalabas mula sa aking katawan. Tanging alam ko lamang ay ayokong malayo sa kaniyang katawan sapagkat nakakaramdam ako roon ng kapayapaan.

Naramdaman ko ang pagganti niya sa aking yakap. "Sshh... Husto na aking Prinsesa!"

Hindi ko alam kung bakit natutuwa akong pakinggan ang salitang Prinsesa lalo pa at nanggagaling iyon mismo sa kaniyang bibig. 

"Hindi ako Prinsesa noh!" Kumalas ako sa kaniyang pagkakayakap.

"Isa lamang iyong laro sa atin noon," nakaingos kong sabi sa kaniya.

Natawa naman siya sa akin at muling hinila ako pabalik sa kaniyang katawan. Muli niya akong niyakap nang mahigpit.

Parang kaytagal ko nang naramdaman ang ganoong klase ng yakap kung kaya't naramdaman ko ang kakaibang damdamin na gustong kumawala mula sa aking kalooban. 

"Mananatili kang Prinsesa ko!" usal niya sa aking tainga.

Parang may mga paru-parong nagliparan sa aking sikmura at pawang mgamusika lamang ang aking naririnig nang mga sandaling iyon. Musikang hindi ko alam kung ano ang titulo o kung anong klase iyon basta't nagbibigay ligaya sa akin.

Ipinikit ko ang aking mga mata at may kung anong init akong naramdaman sa aming mga katawan. Init na hindi man lang ako nadadarang o napapaso bagkus ay pinalalamig pa ang aking pakiramdam.

Pagdilat sa aking mga mata ay nakita kong napakaliwanag ng aming paligid. Liwanag na parang isang sikat ng araw kung saan, walang sinuman ang maaaring tumitig doon. Ngunit kabaligtaran naman ng siyang aking ginagawa ngayon.

Narinig ko ang mga yabag na papalapit sa kinaroroonan naming dalawa ni Nicolo.

"Kailangan ko nang lumisan Mahal kong Prinsesa," nagmamadaling wika niya sa akin.

"Magkikita pa ba tayo?" malungkot kong tanong sa kaniya.

"Anumang oras na iyong naisin ay muli mo akong makikita kahit pa nga sa iyong panaginip, tiyak na ako'y darating!" sambit niya sa akin.

Itinaas niya ang aking mukha at pinisil ang aking baba.

"H'wag kang malungkot sapagkat ako'y mananatili sa iyong tabi anumang sandali. Isipin mo lamang ako." Muli niya akong niyakap nang mahigpit.

"Paalam, Mahal kong Prinsesa!" Dahan-dahan siyang kumalas mula sa pagkakayakap sa akin.

Humakbang ito patalikod sa akin ngunit pinigilan ko siya sa kaniyang braso.

"Diana, nasaan ka na?!" Rinig kong sigaw ni Tatay sa aking pangalan.

"Diana, Anak, umuwi na tayo!" Nag-aalalang sigaw naman ni Nanay.

Lumingon ako sa lugar kung saan ko banda narinig ang tinig nina Tatay at Nanay.

"Nandito lang po ako!" Ganting sigaw ko naman sa kanila. 

Namangha ako ng sa aking paglingon ay wala na si Nicolo sa aking likuran. Hindi ko man lang naramdaman ang kaniyang pag-alis pero pakiwari ko'y hawak ko pa rin ang kaniyang braso.

"Saan nagpunta 'yon?" manghang tanong ko sa sarili.

"Narito ka lamang pala, Diana" kunway pagalit na sabi ni Tatay sa'kin.

"Ano bang ginagawa mo rito?" tanong naman ni Nanay.

"Sinundan ko po kasi ang mga hayop na nakita kong naghahabulan kaya po napadpad ako rito," kumakamot-kamot sa ulong tugon ko sa kanila.

"Ikaw talagang bata ka, hindi ka man lang nagpaalam sa amin. Pinag-alala mo pa tuloy sa'yo ang Nanay mo," naiiling na wika ni Tatay.

Yumakap ako sa kaniya, "Tay, alangan naman pong panoorin ko na lang ang matamis ninyong paglalambingan ni Nanay. Gusto niyo pa po 'ata akong inggitin sa lagay na 'yon."

"Ikaw talagang bata ka, dinadaan mo kami sa pagdadahilan mo," kunway galit na saway ni Nanay sa akin pero namumula naman ang kaniyang mga pisngi.

"Aysus, si Nanay, kunwari pang galit pero kinikilig din naman." Sabay pa kaming nagkatawanan ni Tatay.

"Tse! Magsipag-uwi na nga tayo!" asar na anas ni Nanay.

**********

Kanina pa ako nakahiga ngunit 'di naman ako dalawin ng antok. Parang may kung anong bumabagabag sa aking isipan.

Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakahiga at maingat akong lumapit sa may bintana upang iyon ay buksan.

Idinungaw ko ang ulo at tinanaw mula sa bintana ang madilim na kakahuyan. May kung anong bahagi ng aking pagkatao ang gustong bumalik muli sa lugar na iyon.

Nagtatalo ang aking kalooban, gusto kong bumalik sa kakahuyan ngunit hindi naman maaari sapagkat masyado ng madilim kung ako'y pupunta pa roon. Maaari ko rin namang ipagpabukas ang pagtungo roon kung talagang gugustuhin.

Napabuntonghininga na lamang ako sa naisip at 'gaya nang nakagawian kong gawin kapag ako'y nalulungkot ay hinawakan ko ang kwintas sa aking leeg. 

Naramdaman ko ang kapayapaan na dala ng pamilyar na yakap sa akin ng hangin na parang minsan ko nang naramdaman sa tao ngunit 'di ko lamang maalala kung sino.

Napayakap ako sa aking mga braso at ipinikit ang mga mata. Ninamnam ko ang bawat sandaling yakap ako ng hangin mula sa likurang bahagi ng aking katawan. Yakap na parang kagaya lamang ng yakap sa'kin ni Nicolo.

"Nicolo!" usal ko nang maisip ang binata.

Idinilat ko ang mga mata nang tuluyang maramdaman ang mga brasong nakayakap mula sa likurang bahagi ng aking katawan. Mabilis akong kumalas sa kung sinuman ang nakayakap sa'kin at ito'y aking hinarap.

"Nicolo..." Nakangiting lumapit ito sa akin at hinaplos ako sa aking pisngi.

"Sabi ko naman sa'yo na 'wag kang malulungkot dahil tiyak na ako'y darating sa oras na iyong ibigin." Patuloy lamang ito sa paghaplos sa aking pisngi.

Yumakap ako sa kaniya nang mahigpit at matagal kong ninamnam ang pagdaiti ng aking katawan sa kaniyang katawan. 

Walang pagsidlan ang nadarama kong kaligayahan ng mga sandaling ito. Kulang na nga lang ay 'wag ko na siyang paalisin pa at manatili na lamang siya rito sa aking tabi. Parang halos ayaw ko na siyang mawala pa sa aking tabi. 

"Dumito ka na lamang sa amin, Nicolo," Pakiusap ko pa sa kaniya.

"Hindi iyan maaari, Mahal kong Prinsesa," sagot naman niya sa akin at hinila ako papunta sa aking papag na higaan upang doon paupuin.

"Hindi tamang dito ako manirahan sapagkat ikaw ay isang babae at ako naman ay isang lalaki. Hindi magandang tingnan para sa mata ng mga mortal ang ganoong gawain." Masuyong hinaplos pa niya ang aking pisngi.

Napalabi naman ako sa kaniyang sinabi. Masyado kasing makaluma ang paniniwala ng mga taong nakatira rito sa baryo kung kaya naman halos namumuhay na rin sila sa mga paniniwala at pamahiing hindi ko alam kung nakakatulong nga bang talaga sa kanilang pag-usad o mas lalo lamang silang pinapabagal sa pag-unlad. 

Simple lang ang pamumuhay na aking kinalakhan dito sa baryo ngunit nasaksihan ko naman ang mga kakaibang ugaling unti-unting nagpapabago sa pananaw ng mga tao rito.

Karamihan sa mga tao rito'y naniniwala na lamang sa swerte at kinakailangang humanap ng isang dayuhan upang iyon ang mapangasawa ng isang kababaihan upang ito'y makaraos sa kahirapan. Pananaw na siyang kinaiinisan ko!

"Hindi ka marapat na magalit sa kanila Mahal kong Prinsesa sapagkat iyan na ang kanilang mga paniniwala sa buhay at hindi natin sakop ang bawat damdamin ng isa't isa." Hinawakan ni Nicolo ang akinng mga kamay.

"Pero hindi pa rin tamang iasa ang buhay sa mga paniniwala lamang," nakalabing tugon ko sa kaniya.

Itinaas niya ang aking mukha at nagtama ang aming mga paningin. 

"Kailangan nating sumunod sa batas na itinakda saan mang kaharian tayo naroon, Mahal kong Prinsesa." At masuyo niyang hinaplos ang aking pisngi.

"Bakit ba Prinsesa pa rin ang tawag mo sa akin? Hindi naman na tayo mga bata gaya noon para tawagin mo pa akong Prinsesa," litanya ko sa kaniya.

Hindi ko kasi maintindihan kung bakit patuloy niya pa rin akong tinatawag na prinsesa gayong matatanda naman na kami para sa makalumang laro namin noon.

"También lo entenderás en el momento adecuado, Querida Princesa." 

"Mauunawaan mo rin sa tamang panahon, Mahal na Prinsesa." Kahulugan ng sinabi ni Nicolo.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
malalaman mo yan Diana sa takdang panahon
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 7: Masidhing Damdamin

    Hindi ko alam kung bakit kailangan kong tumakbo. Ang tanging alam ko lamang ay kailangan kong makalayo.Ngunit saan nga ba ako tutungo? Bakit ko nga ba kailangang lumayo?Hinihingal na ako pero kailangan kong magpatuloy sa pagtakbo. Muli akong tumakbo sa madilim na bahagi ng kakahuyan hanggang marating ko ang kasukalang bahagi niyon."Diana..." Rinig kong tawag sa akin ng isang malamyos na tinig."Sino ka?" Malakas kong tanong at luminga-linga sa aking paligid."Tulungan mo ako, Diana..." Humihinging tulong ang malamyos na tinig."Sino ka?" pasigaw ko ulit na tanong sa malamyos na tinig.Hindi ko alam kung pa'no makakatulong. Pero bakit ako mismo sa aking sarili ay parang kailangan ko rin ng tulong?Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari. Ako man ay litong-l

    Huling Na-update : 2021-09-06
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 8: Iisang Damdamin

    Nicolo (POV)Magmula nang magkaharap kami ni Diana rito sa kasukalan ng kagubatan ay may kung anong engkantasyon ang bumalot sa aming dalawa.Nakita ko ang liwanag na lumabas mula sa kaniyang katawan nang haplusin niya ang aking pisngi.Liwanag na tanging mga mahaharlikang engkantada lamang ang mayroon at minsan ko na ring nasaksihan mula sa kaniya ng sanggol pa lamang siya.Hindi ko batid kung nakita niya rin ang liwanag na 'yon. Pero, alam kong may kakaibang nangyari mula nang haplusin niya ang aking pisngi.Nararamdaman ko ang kaniyang nadarama. Nakikita ko ang kaniyang mga panaginip. Naririnig ko ang kaniyang naririnig.Hindi ko gustong makitang nalulumbay si Diana, dahil kahit ako ay nalulumbay rin.Ang bawat paghihirap ng kaniyang kalooban ay higit na paghihirap na aking nadarama.Gusto ko lang na lagi siyang masaya sapagkat pati ako ay sumasaya rin."Bakit

    Huling Na-update : 2021-09-07
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 9: Ika-labing Anim na Kaarawan

    Diana (POV)Namulat ko ang mga mata nang maramdaman sa aking balat ang pagtama ng sinag ng araw na lumulusot mula sa butas ng bintana.Bumangon ako sa higaang papag at naghikab bago tuluyang tumayo. Niligpit ko ang pinaghigaan at sinuklay ang aking buhok.Binuksan ko ang sirado ng bintana at sumilay ang ngiti sa'king labi nang makita si Nicolo na nagsisibak ng mga kahoy sa'ming bakuran.Mula ng maging kasintahan ko 'to ay lagi na niyang pinatutunayan sa'min ang kaniyang sarili.Sa sandaling panahon nang panliligaw nito ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pang sagutin ito.Hindi naman na ako naniniwala pa sa makalumang paraan nang panliligaw dahil nasa modernong panahon na ang mundo at hindi na uso sa akin ang Maria Clara style.Si Nicolo lang naman ang mapilit na gawin ang mga makalumang paraan nang panliligaw dahil gusto

    Huling Na-update : 2021-09-09
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 10: Kakaibang Kaba

    "Diana!" Mahinang tinig ni Nicolo ang siyang aking naririnig."Nicolo..." Hinahanap ko ang presensiya niya sa madilim na karimlan."Diana..." Muli'y narinig ko ang malakas niyang tinig na parang kaylapit niya lamang sa'kin."Dumilat ka, Mahal kong Prinsesa!" Naramdaman ko ang masuyong haplos niya sa aking pisngi."Nicolo..." Iminulat ko ang mga mata at aking nasilayan ang nag-aalalang mukha nito."Diana, Mahal kong Prinsesa!" Niyakap ako nito nang mahigpit.Ramdam kong nakahiga ako pero wala sa loob ng aking silid.Inilinga ko ang mga mata sa paligid at nakita kong nasa kakahuyan pa rin ako.Ngunit saan ako nakahiga kung gayon?Pinilit kong bumangon sa pagkakahiga at inalalayan naman ako ni Nicolo.Namangha ako sa nakitang ganda ng aking higaan.Para akong isang tunay na prinsesang nakahiga sa isang magarang higaan na napalilibutan ng iba't ibang uri ng mga bulaklak.Nap

    Huling Na-update : 2021-09-11
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 11: Masamang Balita

    "Nay!" bulalas ko kay Nanay.Nilapitan ko 'to at niyakap nang mahigpit."Alam naming hindi ka namin katulad. Mula noon ay ramdam na namin 'yan dahil sa mga kakaibang pangyayaring araw-araw na nagaganap sa ating buhay. Walang normal na tao ang kayang mag-iwan ng pitak ng ginto sa tapat ng ating pinto at walang matinong tao rin ang maglalakas ng loob na lagyan ng bulaklak ang loob ng iyong silid na hindi natin makikita at mararamdaman," mahabang salaysay nito."Nay!" naluluhang usal ko."Nang ipakilala mo sa'min si Nicolo ay higit na nasagot ang lahat ng mga katanungang kaytagal naming itinatanong sa aming sarili ng Tatay mo. Ilang taon na ang nakaraan pero 'di ko kayang maniwala na may ganoong mundo talaga. Hanggang sa kami mismo ng Tatay mo ang makasaksi niyon. Napakaliwanag ninyong dalawa nang minsang magdikit ang inyong katawan. Liwanag na wari'y hindi para sa isang normal na tao talaga. Nakita na rin na

    Huling Na-update : 2021-09-14
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 12: Kalungkutan

    "Diana, Anak!" nakangiting sambit ni Tatay."Tay!" Tawag ko sa ama-amahan."Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo, Anak." Hinaplos ni Nanay ang aking pisngi."Nay!" Yumakap ako rito."Anak, lagi mong tatandaan na nandito lang kami parati sa'yong tabi," wika ni Nanay."H'wag mong pababayaan ang iyong sarili, Anak." Hinaplos ni Tatay ang buhok ko."Mahal na mahal ka namin, Anak!" Sabay nilang sabi at niyakap ako nang mahigpit."Nay! Tay!" Nagsimulang umagos ang mga luha mula sa aking mga mata."Paalam, Anak!" Hinalikan pa nila ako ng sabay sa aking pisngi.*Nay! Tay!" humahagulgol kong sambit.Sa huling pagkakataon ay hinaplos nila ang aking pisngi at saka dahan-dahan silang lumayo sa'kin."H

    Huling Na-update : 2021-09-17
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 13: Mahiwagang Tinig

    Sa paglipas ng mga araw ay nanatili si Nicolo sa aking tabi.Sa kabila ng kalungkutang aking nadarama ay nanatili itong gabay sa nagdidilim kong mundo.Kasama ng kalikasan, dinamayan nila ako sa pagluluksa kina Nanay at Tatay.Walang katawan nina Nanay at Tatay kaming naiburol sapagkat parehong nalunod at nalubog sa gitna ng dagat ang mga katawan nila.Parang kahapon lang ng iyon ay maganap. Halos hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.Mabuti na lamang at nanatili si Nicolo sa aking tabi."Malalim na naman ang iyong iniisip, Mahal kong Prinsesa." Mula sa likurang bahagi ng aking katawan ay niyakap niya ako."Iniisip ko lang sina Nanay at Tatay," malungkot kong tugon sa kaniya."H'wag ka nang malumbay, Mahal kong Prinsesa." Ipinatong pa nito ang kaniyang baba sa aking balikat.Nakaharap kami sa bintana ng aking silid kung saan natatanaw namin ang ganda ng kakahuyan.Ang kakahuyang kinatatakutan

    Huling Na-update : 2021-09-22
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 1: Iligtas ang Prinsesa

    “Inang Reyna, madali at humayo kayo ng mahal na Prinsesa!” Sigaw ng Amang Hari. “Ngunit hindi kita maaring iwan sa gitna ng digmaan,” wika ng Inang Reyna at lumapit pa ito sa Amang Hari habang kalong-kalong ang sanggol na prinsesa. “Kailangan mong iligtas ang mahal na Prinsesa. Kayo na lamang ang tanging pag-asa ng buong Enchantria,” sambit ng Amang Hari. “Kaya’t humayo na kayo!” Pagtataboy pa niyang muli sa Inang Reyna. Lumingon ang Amang Hari sa kinaroroonan ko at kumumpas ito sa hangin. Lumitaw sa aking harapan ang kanyang gintong espada. “Nicolo, tanggapin mo ang aking gintong espada at ipagtanggol sila sa abot ng iyong makakaya,” wika niya sa akin. “Ihatid mo sila sa lagusan patawid sa mundo ng mga mortal,” dagdag na sabi pa niya at yumukod ako bilang tugon sa kaniya.

    Huling Na-update : 2021-07-08

Pinakabagong kabanata

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 13: Mahiwagang Tinig

    Sa paglipas ng mga araw ay nanatili si Nicolo sa aking tabi.Sa kabila ng kalungkutang aking nadarama ay nanatili itong gabay sa nagdidilim kong mundo.Kasama ng kalikasan, dinamayan nila ako sa pagluluksa kina Nanay at Tatay.Walang katawan nina Nanay at Tatay kaming naiburol sapagkat parehong nalunod at nalubog sa gitna ng dagat ang mga katawan nila.Parang kahapon lang ng iyon ay maganap. Halos hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.Mabuti na lamang at nanatili si Nicolo sa aking tabi."Malalim na naman ang iyong iniisip, Mahal kong Prinsesa." Mula sa likurang bahagi ng aking katawan ay niyakap niya ako."Iniisip ko lang sina Nanay at Tatay," malungkot kong tugon sa kaniya."H'wag ka nang malumbay, Mahal kong Prinsesa." Ipinatong pa nito ang kaniyang baba sa aking balikat.Nakaharap kami sa bintana ng aking silid kung saan natatanaw namin ang ganda ng kakahuyan.Ang kakahuyang kinatatakutan

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 12: Kalungkutan

    "Diana, Anak!" nakangiting sambit ni Tatay."Tay!" Tawag ko sa ama-amahan."Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo, Anak." Hinaplos ni Nanay ang aking pisngi."Nay!" Yumakap ako rito."Anak, lagi mong tatandaan na nandito lang kami parati sa'yong tabi," wika ni Nanay."H'wag mong pababayaan ang iyong sarili, Anak." Hinaplos ni Tatay ang buhok ko."Mahal na mahal ka namin, Anak!" Sabay nilang sabi at niyakap ako nang mahigpit."Nay! Tay!" Nagsimulang umagos ang mga luha mula sa aking mga mata."Paalam, Anak!" Hinalikan pa nila ako ng sabay sa aking pisngi.*Nay! Tay!" humahagulgol kong sambit.Sa huling pagkakataon ay hinaplos nila ang aking pisngi at saka dahan-dahan silang lumayo sa'kin."H

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 11: Masamang Balita

    "Nay!" bulalas ko kay Nanay.Nilapitan ko 'to at niyakap nang mahigpit."Alam naming hindi ka namin katulad. Mula noon ay ramdam na namin 'yan dahil sa mga kakaibang pangyayaring araw-araw na nagaganap sa ating buhay. Walang normal na tao ang kayang mag-iwan ng pitak ng ginto sa tapat ng ating pinto at walang matinong tao rin ang maglalakas ng loob na lagyan ng bulaklak ang loob ng iyong silid na hindi natin makikita at mararamdaman," mahabang salaysay nito."Nay!" naluluhang usal ko."Nang ipakilala mo sa'min si Nicolo ay higit na nasagot ang lahat ng mga katanungang kaytagal naming itinatanong sa aming sarili ng Tatay mo. Ilang taon na ang nakaraan pero 'di ko kayang maniwala na may ganoong mundo talaga. Hanggang sa kami mismo ng Tatay mo ang makasaksi niyon. Napakaliwanag ninyong dalawa nang minsang magdikit ang inyong katawan. Liwanag na wari'y hindi para sa isang normal na tao talaga. Nakita na rin na

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 10: Kakaibang Kaba

    "Diana!" Mahinang tinig ni Nicolo ang siyang aking naririnig."Nicolo..." Hinahanap ko ang presensiya niya sa madilim na karimlan."Diana..." Muli'y narinig ko ang malakas niyang tinig na parang kaylapit niya lamang sa'kin."Dumilat ka, Mahal kong Prinsesa!" Naramdaman ko ang masuyong haplos niya sa aking pisngi."Nicolo..." Iminulat ko ang mga mata at aking nasilayan ang nag-aalalang mukha nito."Diana, Mahal kong Prinsesa!" Niyakap ako nito nang mahigpit.Ramdam kong nakahiga ako pero wala sa loob ng aking silid.Inilinga ko ang mga mata sa paligid at nakita kong nasa kakahuyan pa rin ako.Ngunit saan ako nakahiga kung gayon?Pinilit kong bumangon sa pagkakahiga at inalalayan naman ako ni Nicolo.Namangha ako sa nakitang ganda ng aking higaan.Para akong isang tunay na prinsesang nakahiga sa isang magarang higaan na napalilibutan ng iba't ibang uri ng mga bulaklak.Nap

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 9: Ika-labing Anim na Kaarawan

    Diana (POV)Namulat ko ang mga mata nang maramdaman sa aking balat ang pagtama ng sinag ng araw na lumulusot mula sa butas ng bintana.Bumangon ako sa higaang papag at naghikab bago tuluyang tumayo. Niligpit ko ang pinaghigaan at sinuklay ang aking buhok.Binuksan ko ang sirado ng bintana at sumilay ang ngiti sa'king labi nang makita si Nicolo na nagsisibak ng mga kahoy sa'ming bakuran.Mula ng maging kasintahan ko 'to ay lagi na niyang pinatutunayan sa'min ang kaniyang sarili.Sa sandaling panahon nang panliligaw nito ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pang sagutin ito.Hindi naman na ako naniniwala pa sa makalumang paraan nang panliligaw dahil nasa modernong panahon na ang mundo at hindi na uso sa akin ang Maria Clara style.Si Nicolo lang naman ang mapilit na gawin ang mga makalumang paraan nang panliligaw dahil gusto

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 8: Iisang Damdamin

    Nicolo (POV)Magmula nang magkaharap kami ni Diana rito sa kasukalan ng kagubatan ay may kung anong engkantasyon ang bumalot sa aming dalawa.Nakita ko ang liwanag na lumabas mula sa kaniyang katawan nang haplusin niya ang aking pisngi.Liwanag na tanging mga mahaharlikang engkantada lamang ang mayroon at minsan ko na ring nasaksihan mula sa kaniya ng sanggol pa lamang siya.Hindi ko batid kung nakita niya rin ang liwanag na 'yon. Pero, alam kong may kakaibang nangyari mula nang haplusin niya ang aking pisngi.Nararamdaman ko ang kaniyang nadarama. Nakikita ko ang kaniyang mga panaginip. Naririnig ko ang kaniyang naririnig.Hindi ko gustong makitang nalulumbay si Diana, dahil kahit ako ay nalulumbay rin.Ang bawat paghihirap ng kaniyang kalooban ay higit na paghihirap na aking nadarama.Gusto ko lang na lagi siyang masaya sapagkat pati ako ay sumasaya rin."Bakit

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 7: Masidhing Damdamin

    Hindi ko alam kung bakit kailangan kong tumakbo. Ang tanging alam ko lamang ay kailangan kong makalayo.Ngunit saan nga ba ako tutungo? Bakit ko nga ba kailangang lumayo?Hinihingal na ako pero kailangan kong magpatuloy sa pagtakbo. Muli akong tumakbo sa madilim na bahagi ng kakahuyan hanggang marating ko ang kasukalang bahagi niyon."Diana..." Rinig kong tawag sa akin ng isang malamyos na tinig."Sino ka?" Malakas kong tanong at luminga-linga sa aking paligid."Tulungan mo ako, Diana..." Humihinging tulong ang malamyos na tinig."Sino ka?" pasigaw ko ulit na tanong sa malamyos na tinig.Hindi ko alam kung pa'no makakatulong. Pero bakit ako mismo sa aking sarili ay parang kailangan ko rin ng tulong?Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari. Ako man ay litong-l

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 6: Nicolo

    Pinanood ko sina Nanay at Tatay na kasalukuyang naglalambingan habang nakaupo sa inilatag kong banig."Sana kagaya nila ay matagpuan ko rin ang lalaking magpapasaya sa'kin," ani ko sa isipan.Biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin at para bagang niyayakap ako niyon. May kung anong kakaibang pakiramdam akong naramdaman sa aking puso. Tila baga may mga matang nakatitig sa akin mula sa likurang bahagi ng aking katawan.Lumingon ako upang tingnan iyon ngunit wala akong nakitang ibang tao roon liban lamang sa mga maliliit na hayop na kasalukuyang naglalaro.'Di ko namalayang sinusundan ko na ang mga hayop sa kanilang paghahabulan patungo sa pinakamasukal na bahagi ng kakahuyan.Ito ang bahagi ng kakahuyan na ipinagbabawal nang pasukin dahil sa dami ng mga kumakalat na balitang may Engkantong nakatira roon."Patutunayan kong hindi iyon totoo!" ani ko sa sarili.Nagpatuloy ako sa pagsunod sa mga hayop na patuloy lama

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 5: Mahiwagang Damdamin

    Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa aking silid. Panaginip lang ba ang lahat? Wala sa sariling dinama ko ang tapat ng aking dibdib gamit ang kanan kong palad. Naroon pa rin ang kakaibang kabog ng aking puso na walang pagkakaiba sa nararamdaman ko kani-kanina lang habang naririnig ang boses na iyon. Pero merong kakaiba at bagong damdamin akong nakapa sa aking sarili... Parang may bahagi ng aking pagkatao ang gustong bumalik muli sa lugar na iyon. Kusang tumuon ang aking paningin sa nakabukas na bintanang nakaharap sa direksiyon ng kakahuyan. Dahan-dahan akong tumayo mula sa higaang papag na aking kinauupuan at dumungaw roon. Mula rito sa aking silid ay isang simpleng kakahuyan lang naman ang natatanaw ko at wala akong napapansing espesyal dito. Naroon ang kakaibang pakiramdam sa aking puso ngunit malabo ang alaala ko. Malinaw ang p

DMCA.com Protection Status