Home / Fantasy / Enchantria Lost of Love / Chapter 1: Iligtas ang Prinsesa

Share

Enchantria Lost of Love
Enchantria Lost of Love
Author: JGJ Writes

Chapter 1: Iligtas ang Prinsesa

Author: JGJ Writes
last update Last Updated: 2021-07-08 12:10:26

     “Inang Reyna, madali at humayo kayo ng mahal na Prinsesa!” Sigaw ng Amang Hari.

     “Ngunit hindi kita maaring iwan sa gitna ng digmaan,” wika ng Inang Reyna at lumapit pa ito sa Amang Hari habang kalong-kalong ang sanggol na prinsesa.

     “Kailangan mong iligtas ang mahal na Prinsesa. Kayo na lamang ang tanging pag-asa ng buong Enchantria,” sambit ng Amang Hari.

     “Kaya’t humayo na kayo!” Pagtataboy pa niyang muli sa Inang Reyna.

     Lumingon ang Amang Hari sa kinaroroonan ko at kumumpas ito sa hangin. Lumitaw sa aking harapan ang kanyang gintong espada.

     “Nicolo, tanggapin mo ang aking gintong espada at ipagtanggol sila sa abot ng iyong makakaya,” wika niya sa akin.

     “Ihatid mo sila sa lagusan patawid sa mundo ng mga mortal,” dagdag na sabi pa niya at yumukod ako bilang tugon sa kaniya.    

     “Sa mundo ng mga mortal?” nagugulumihanang tanong ng Inang Reyna.

     “Oo, sa mundo ng mga mortal kung saan mas ligtas kayo sapagkat hindi saklaw ng kapangyarihan ni Vera ang mundong iyon,” paliwanag pa ng Amang Hari. 

     Si Vera, ang enkantadang nabigo sa kanyang pag-ibig sa Amang Hari. Umalis ito ng Enchantria na punong-puno ng galit at hinanakit sa kaniyang puso. Usap-usapang inaral niya ang iba’t-ibang libro ng itim na kapangyarihan. Nang makaipon ito ng lakas ay muling nagbalik ng Enchantria upang maghiganti at sakupin ang buong kaharian. Higit na malakas siya kumpara sa mga kapangyarihang taglay ng Amang Hari at Inang Reyna.     

     “Nicolo!” tawag ng Inang Reyna sa’kin.

     “Iligtas mo ang Mahal na Prinsesa!” Inabot nito sa akin ang mahal na prinsesa.

     Pinagmasdan ko ang sanggol na prinsesa at payapa itong natutulog sa kaniyang maharlikang balot na telang gawa sa lana. 

     “Bilang iyong Reyna ay responsibilidad kong samahan ka sa labanang ito. Hindi kita iiwan… Sasamahan kita hanggang sa aking huling hininga!” madamdaming wika ng Inang Reyna sa Amang Hari.

     Naghawak kamay silang dalawa at humarap sa’kin. Itinaas ng Amang Hari ang kanilang pinagsiklop na mga kamay ng Inang Reyna at ipinatong ito sa aking ulo.

     “Bilang inyong Maharlikang Pinuno, binabasbasan namin kayong dalawa ng ating mahal na Prinsesa sa inyong paglalakbay. Nawa’y patnubayan kayo parati ni Bathala!” Basbas nilang dalawa sa’min ng mahal na prinsesa.

     May naramdaman akong kakaibang lakas mula sa liwanag na tumulay sa kanilang mga kamay patungo sa aking katawan.

     Lumapit sa’kin ang Inang Reyna at hinawakan sa kamay ang natutulog na prinsesa, “Bilang iyong Inang Reyna… Binabasbasan kita Mahal kong Prinsesa.”

     Hinalikan pa muna nito ang mga maliliit na kamay ng prinsesa bago muling nagsalita. “Hindi mo man kami makasama mahal ko… Asahan mong kami’y parating nakaantabay sa’yo. Iyong maririnig ang aking tinig na siyang magiging gabay mo. Mamumuhay kang normal ‘gaya ng isang mortal at ipagtatanggol ka ng kalikasan sa anumang panganib na iyong kahaharapin. Ika’y mapapalayo ngunit muling makakapiling sa tamang panahon.”

     Kumumpas ito sa hangin at lumabas doon ang isang bolang liwanag. Ito’y kanyang pinadausdos papunta sa ulo ng mahal na prinsesa.

     “Pagsapit ng iyong ika-labing anim na kaarawan, uusbong ang iyong natatagong lakas at kapangyarihan. Ika’y muling magbabalik sa iyong totoong tahanan at ito’y iyong ililigtas mula sa mapag-imbot na kasamaan!” sambit naman ng Amang Hari at kumumpas din ito sa hangin. Buhat doon ay naglabas din siya ng bolang liwanag kagaya nang ginawa ng Inang Reyna. Ito’y kanya ring pinadausdos papunta sa ulo ng mahal na prinsesa.     

     “Nicolo, ikaw na ang bahalang mangalaga sa ating mahal na Prinsesa.” Pagsusumamo ng Amang Hari.

     Nagbigay pugay ako sa kanilang dalawa ng Inang Reyna bilang tugon.

     “Baunin ninyo ang aming basbas at magpakatatag kayong dalawa ng mahal na Prinsesa, sa mundo ng mga mortal!”

     “Tills vi träffas igen kära prinsessa!” magkasabay na sambit ng Amang Hari at Inang Reyna.

     “Hanggang sa muli nating pagkikita mahal naming Prinsesa!” Kahulugan ng mga salitang kanilang sinambit.

     “Nicolo, ingatan mong hindi makuha ni Vera ang mahal na Prinsesa!” Tagubilin pa ng Inang Reyna.

     “Makakaasa kayong iaalay ko ang aking buhay para sa mahal na Prinsesa!”

     Nagbigay pugay akong muli sa kanila at maayos na binalot ang sanggol na prinsesa ng kanyang maharlikang balot na telang gawa sa maharlikang lana.

     Sunod-sunod na pagsabog ang aming narinig mula sa labas ng silid. Mabilis na itinuro ng Amang Hari ang isang lihim na lagusan at sa pagkumpas nito, iyon ay bumukas. Binaybay ko ang madilim at makipot na daan. Nang aking marating ang dulo ng lagusan ay nasilayan ko ang bandang kasukalan ng kakahuyan na sakop pa rin ng Enchantria.

     Binilisan ko ang paglalakad tungo sa lagusang patawid sa mundo ng mga mortal. Sinalubong ako ng mga kalabang kawal kaya inilabas ko ang gintong espada na kaloob sa’kin ng Amang Hari at nilabanan ko silang lahat gamit ng aking isang braso.

     “Kumapit ka mahal kong Prinsesa at ililigtas kita mula sa kanila!” bulong ko sa kalong-kalong na sanggol.

     Bawat lapit ng mga kalaban ay siya ring lapat ng gintong espada sa kanilang katawan. Basang-basa na ako ngunit ‘di ko alintana ito sapagkat mas inaalala ko ang kaligtasan ng prinsesa.

     “Prinsipe Nicolo!” Sigaw ng isang pamilyar na tinig sa’kin.

     Nilingon ko ito at isang mapait na ngiti ang sumilay sa aking labi. Si Felix ang isa sa mga tapat na kawal ng aming kaharian at itinuring kong matalik na kaibigan ngunit isang pagbabalat-kayo lamang pala ang lahat ng iyon.   

     “Mahal na Prinsipe, ba’t hindi ka na lamang bumalik sa ating kaharian?”

     “Kailan man ay hindi ako babalik sa isang palasyong punong-puno nang panlilinlang!” nang-uuyam kong turan sa kanya.

     “Ngunit ikaw ang Prinsipe ng ating kaharian! Bakit mas pinipili mong maglingkod sa kanila bilang isang kawal?” nang-uuyam din niyang tugon sa’kin.

     “Mas nanaisin ko pang maging isang kawal kaysa ang maging isang Prinsipeng hangal na namumuhay at napapalibutan ng mga manlilinlang!” Sigaw ko sa kanya.

     “Kailangan ka rin ng ating kaharian!” Mapait niyang sigaw sa’kin.

     Umiling-iling ako sa kanya, “Higit akong kailangan ng Prinsesa!”

     Tinitigan ko ang kalong-kalong na Prinsesa, napakaamo ng mukha nito at sa simula pa lamang na nasilayan ko ‘to ay may kung anong mahiwagang damdamin nang lumukob sa akin. Nais ko lamang parating titigan ang maamong mukha nito. Napapangiti ako sa tuwing makikita kong ngumingiti ito habang nilalaro ng kanyang mahal na ama’t ina.

     Gusto kong protektahan ito sa anumang panganib at hindi ko hahayaang masaktan ito ng kahit sino. Handa akong pangalagaan ito hanggang sa aking huling hininga. Buhay ko man ang maging kapalit ng buhay niya!

     “Mamamatay ang Prinsesang ‘yan kagaya ng kanyang mga magulang!” Nanlilisik ang mga matang sumugod si Felix sa aking kinaroroonan.

     Binalot ko ng aking katawan ang mahal na prinsesa at mapanganib kong pinadapo sa katawan ni Felix ang gintong espada.

     Napaatras ito at hinawakan ang tagilirang bahagi ng kaniyang tiyan. Nasugatan ko ito at matamang tinitigan nito ang kulay berdeng dugo sa kanyang palad.

     “Mas gugustuhin mong pumatay ng iyong kalahi para lamang sa isang walang kwentang Prinsesa?!” nakangiwing sigaw ni Felix.

     “Handa akong ibuwis ang aking buhay para sa kanya!” madamdamin kong wika.

     “Kung gan’on, sabay kayong mamamatay!” At sumugod ulit ito sa akin.

     Ngunit bago pa man ito tuluyang makalapit sa’kin ay bumagsak ito sa lupa.

     “Du kommer också att dö!” nakangising saad ni Felix kahit nahihirapan nang kumilos.

     “Mamamatay rin kayo ng iyong Prinsesa!”

     “Siyang hindi magkakaroon ng katuparan!” tugon ko naman sa sinabi niya.

     Pag-angat ko ng aking paningin ay nakita ko ang Amang Hari at tumutulo ang berdeng dugo ni Felix sa kanyang espada.

     “Nicolo, magmadali ka! Pumunta ka sa lagusan at iligtas ang Prinsesa!” utos ng Amang Hari.

     Nagbigay pugay ako sa kanya at tumalikod ngunit bago ko pa maihakbang ang aking mga paa ay siya namang dating ni Vera.

      “Hindi mo mailalayo ang Prinsesa!” sumisigaw na sambit ni Vera. Kumumpas ito sa hangin at ikinulong kami sa rehas na nilikha niya gamit ang kanyang kapangyarihan.

      “Vera, tayong dalawa ang magtuos!” Sigaw ng Amang Hari at kumumpas din ito sa hangin upang hawiin sa’min ng prinsesa ang kulungang nilikha ni Vera.

      Naglalabas ng apoy ang mga mata ni Vera nang bumaling sa Amang Hari, “Ikaw ang dahilan kung ba’t nagluluksa ang puso ko!”

      “Alam mong hindi ikaw ang mahal ko!” turan ng Amang Hari rito.

      “Pwes! Tanggapin mo ang pait ng parusa ko!” At nagsimula itong bumigkas ng mga salitang tanging si Vera lamang ang nakauunawa.

      “Nicolo, umalis na kayo! Iligtas mo ang Prinsesa!” Sigaw ng Amang Hari habang pinipigilan nito ang malakas na hanging nilikha ni Vera.

      Mabilis akong tumalima sa sinabi ng Amang Hari at nilisan ang lugar na ‘yon.

      “Isinusumpa ko sa ngalan ng itim na kapangyarihan, lahat ng narito sa Enchantria ay katatakutan ang kanilang mga anyo!” Sigaw ni Vera at pumailanlang ang malakas na halakhak niya sa buong paligid.

     “Ren passion kommer att bryta din förbannelse. Det finns ingen stirrande form av kärlek!” Sansala ng Amang Hari sa binitiwang sumpa ni Vera.

    “Wagas na pag-iibigan ang sisira sa iyong sumpa, walang tinititigang anyo ang tunay na pag-ibig!” Wikang binigkas ng Amang Hari.

    “Hindi maaari!” Malakas na sigaw ni Vera at biglang dumilim ang buong paligid sabay ng malakas na pag-ihip ng hangin.

     

      Tinitigan ko ang kalong-kalong na prinsesa at payapa pa rin itong natutulog sa aking bisig. Narating namin ang lagusan at binigkas ko ang mahiwagang salita upang ito’y bumukas.

     “Du öppnar en magisk tunnel och vi är på väg över de dödliga!”

     "Bumukas ka mahiwagang lagusan at kami’y iyong paraanin patawid sa mundo ng mga mortal!”

      Bumukas ang lagusan at kami’y dumaan dito. Nang ganap na akong nakaapak sa mundo ng mga mortal ay muling nagsara ang lagusan.

      Lumabas kami sa gitna ng kakahuyan at mainit na sinalubong ng kalikasan. Yumukod ang mga punongkahoy at masayang humuni ang mga ibon sa himpapawid. Umihip ang hangin na tila baga ito’y sumasayaw kasabay ng mga halaman sa paligid.

     “Pangangalagaan kita sa lugar na ito mahal kong Prinsesa!”

             

     Napansin ko ang pag-iibang anyo ng aking mga braso. Naging mabalahibo ang mga ito at mas lumaki kaysa sa normal na laki. May kung anong hapdi akong naramdaman sa aking bandang likuran. Gumawa ako ng duyan gamit ang aking kapangyarihan at maingat kong inilapag ang prinsesa upang tingnan ang nagaganap sa aking katawan.

     “Aaahhh!” Malakas kong sigaw. “Ano’ng nangyayari sa akin?!”

      Naalala ko ang huling wikang binigkas ng Amang Hari, “Wagas na pag-iibigan ang sisira sa iyong sumpa, walang tinititigang anyo ang pag-ibig!”

      “Kung gano’n ay naganap nga ang sumpa ni Vera!” nagtatagis ang mga ngiping turan ko sa sarili.

      Kinalong kong muli ang Prinsesa at sinuri ang kanyang anyo. Naghintay ako ng ilang sandali at walang pagbabagong naganap sa anyo nito. Ang prinsesa ay nanatili pa rin sa kanyang magandang anyo.

     “Nakapagtatakang hindi ka man lang tinamaan ng sumpa ni Vera?!” namamanghang sambit ko.

      Dumilat ang mata nito at nagsalubong ang aming mga paningin. Ngumiti ito sa akin at itinaas ang kanyang mga maliliit na kamay. Inabot ko ito at dinala sa aking pisngi.

      “Ikaw nga ang nakatakdang tagapagligtas ng Enchantria!” usal ko at hinaplos ang makinis na pisngi nito.

     “Ngunit paano kita mapapangalagaan kung ganito ang aking anyo? Tiyak na katatakutan ako ng mga nilalang dito,” sambit ko pa sa kanya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
grabe umpisa pa lng makapigil hininga na
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 2: Sa Mundo ng mga Mortal

    Nakarinig ako ng mga papalapit na yabag, ginamit ko ang aking kapangyarihan upang ikubli kaming dalawa ng mahal na prinsesa. Nakita ko ang dalawang nilalang na naglalakad patungo sa aming kinaroroonan. Minatyagan ko ang kanilang mga galaw at pinakinggan ang kanilang usapan. “Kung nagkaroon lang tayo ng anak Dante, masaya siguro tayong naninirahan sa ngayon dito,” malungkot na wika ng babae. “Huwag ka nang malungkot Tina, alam naman natin na may dahilan ang Diyos kung bakit hindi tayo maaaring magkaanak.” Inakbayan ng lalaki ang babae. “Ano kaya kung sa kanila kita ipaalaga habang narito tayo sa mundo ng mga mortal?” wala sa loob na sambit ko sa prinsesa at biglang pumalahaw ito ng iyak. “Narinig mo ba ‘yon Dante, may umiiyak na sanggol,” sabi ng babae sa kanyang asawa. “Naliligaw na baboy

    Last Updated : 2021-07-08
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 3: Panaginip

    Diana (POV) Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Nakita ko ang mga sanga ng punongkahoy na gumagapang at ang mga dahon nito’y kumakalusot. Ang hangin ay sumisipol sa mga putot na siyang nakakagambala sa mga dahon. Kumakanta ang mga ibon samantalang ang mga insekto naman ay humuhuni. Ang mga alitaptap ay nagbibigay liwanag sa buong paligid. Ang mga hayop ay nakikipagdaldalan sa kapwa nila hayop. Nakamamangha! Para akong nasa kakaibang mundo. “D-diana… Diana…” tawag sa’kin ng isang malamyos na tinig. “Sino ka?” Sigaw ko sa tinig na ‘yon. “Diana… H-halika… L-luma

    Last Updated : 2021-07-08
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 4: Mga Kakaibang Pangyayari

    Habang nasa klase ay 'di mawaglit sa aking isipan ang lalaking nakita ko sa may kakahuyan. "Sana ay muli ko siyang makita roon." Piping hiling ko sa sarili. Narinig kong humuhuni ang mga ibon na nakadapo sa bintana ng aming silid aralan. Nginitian ko ang mga ito at lalo naman silang humuni pa na parang umaawit lamang. "Kay gandang awitin, mga Kaibigan!" wika ko sa aking isipan upang purihin ang mga ibong masayang humuhuni. "Salamat, Mahal na Prinsesa!" Rinig kong sagot ng isang maliit na boses. Hinanap ko ang nagsalitang iyon at inilinga sa paligid ang aking mga mata ngunit wala kong nakita. Kinalabit ko si Elsa sa aking tabi. "Tinawag mo ba akong Prinsesa?" tanong ko sa kaniya. "Ano ka ba naman Diana, ba't naman kita tatawaging prinsesa eh wala ka namang kaharian," bumubungisngis na tugon naman ni Elsa sa akin. "Ang sama mo talaga!" nakasimangot kong sagot sa kaniya. "Eh

    Last Updated : 2021-09-02
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 5: Mahiwagang Damdamin

    Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa aking silid. Panaginip lang ba ang lahat? Wala sa sariling dinama ko ang tapat ng aking dibdib gamit ang kanan kong palad. Naroon pa rin ang kakaibang kabog ng aking puso na walang pagkakaiba sa nararamdaman ko kani-kanina lang habang naririnig ang boses na iyon. Pero merong kakaiba at bagong damdamin akong nakapa sa aking sarili... Parang may bahagi ng aking pagkatao ang gustong bumalik muli sa lugar na iyon. Kusang tumuon ang aking paningin sa nakabukas na bintanang nakaharap sa direksiyon ng kakahuyan. Dahan-dahan akong tumayo mula sa higaang papag na aking kinauupuan at dumungaw roon. Mula rito sa aking silid ay isang simpleng kakahuyan lang naman ang natatanaw ko at wala akong napapansing espesyal dito. Naroon ang kakaibang pakiramdam sa aking puso ngunit malabo ang alaala ko. Malinaw ang p

    Last Updated : 2021-09-03
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 6: Nicolo

    Pinanood ko sina Nanay at Tatay na kasalukuyang naglalambingan habang nakaupo sa inilatag kong banig."Sana kagaya nila ay matagpuan ko rin ang lalaking magpapasaya sa'kin," ani ko sa isipan.Biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin at para bagang niyayakap ako niyon. May kung anong kakaibang pakiramdam akong naramdaman sa aking puso. Tila baga may mga matang nakatitig sa akin mula sa likurang bahagi ng aking katawan.Lumingon ako upang tingnan iyon ngunit wala akong nakitang ibang tao roon liban lamang sa mga maliliit na hayop na kasalukuyang naglalaro.'Di ko namalayang sinusundan ko na ang mga hayop sa kanilang paghahabulan patungo sa pinakamasukal na bahagi ng kakahuyan.Ito ang bahagi ng kakahuyan na ipinagbabawal nang pasukin dahil sa dami ng mga kumakalat na balitang may Engkantong nakatira roon."Patutunayan kong hindi iyon totoo!" ani ko sa sarili.Nagpatuloy ako sa pagsunod sa mga hayop na patuloy lama

    Last Updated : 2021-09-04
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 7: Masidhing Damdamin

    Hindi ko alam kung bakit kailangan kong tumakbo. Ang tanging alam ko lamang ay kailangan kong makalayo.Ngunit saan nga ba ako tutungo? Bakit ko nga ba kailangang lumayo?Hinihingal na ako pero kailangan kong magpatuloy sa pagtakbo. Muli akong tumakbo sa madilim na bahagi ng kakahuyan hanggang marating ko ang kasukalang bahagi niyon."Diana..." Rinig kong tawag sa akin ng isang malamyos na tinig."Sino ka?" Malakas kong tanong at luminga-linga sa aking paligid."Tulungan mo ako, Diana..." Humihinging tulong ang malamyos na tinig."Sino ka?" pasigaw ko ulit na tanong sa malamyos na tinig.Hindi ko alam kung pa'no makakatulong. Pero bakit ako mismo sa aking sarili ay parang kailangan ko rin ng tulong?Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari. Ako man ay litong-l

    Last Updated : 2021-09-06
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 8: Iisang Damdamin

    Nicolo (POV)Magmula nang magkaharap kami ni Diana rito sa kasukalan ng kagubatan ay may kung anong engkantasyon ang bumalot sa aming dalawa.Nakita ko ang liwanag na lumabas mula sa kaniyang katawan nang haplusin niya ang aking pisngi.Liwanag na tanging mga mahaharlikang engkantada lamang ang mayroon at minsan ko na ring nasaksihan mula sa kaniya ng sanggol pa lamang siya.Hindi ko batid kung nakita niya rin ang liwanag na 'yon. Pero, alam kong may kakaibang nangyari mula nang haplusin niya ang aking pisngi.Nararamdaman ko ang kaniyang nadarama. Nakikita ko ang kaniyang mga panaginip. Naririnig ko ang kaniyang naririnig.Hindi ko gustong makitang nalulumbay si Diana, dahil kahit ako ay nalulumbay rin.Ang bawat paghihirap ng kaniyang kalooban ay higit na paghihirap na aking nadarama.Gusto ko lang na lagi siyang masaya sapagkat pati ako ay sumasaya rin."Bakit

    Last Updated : 2021-09-07
  • Enchantria Lost of Love   Chapter 9: Ika-labing Anim na Kaarawan

    Diana (POV)Namulat ko ang mga mata nang maramdaman sa aking balat ang pagtama ng sinag ng araw na lumulusot mula sa butas ng bintana.Bumangon ako sa higaang papag at naghikab bago tuluyang tumayo. Niligpit ko ang pinaghigaan at sinuklay ang aking buhok.Binuksan ko ang sirado ng bintana at sumilay ang ngiti sa'king labi nang makita si Nicolo na nagsisibak ng mga kahoy sa'ming bakuran.Mula ng maging kasintahan ko 'to ay lagi na niyang pinatutunayan sa'min ang kaniyang sarili.Sa sandaling panahon nang panliligaw nito ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pang sagutin ito.Hindi naman na ako naniniwala pa sa makalumang paraan nang panliligaw dahil nasa modernong panahon na ang mundo at hindi na uso sa akin ang Maria Clara style.Si Nicolo lang naman ang mapilit na gawin ang mga makalumang paraan nang panliligaw dahil gusto

    Last Updated : 2021-09-09

Latest chapter

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 13: Mahiwagang Tinig

    Sa paglipas ng mga araw ay nanatili si Nicolo sa aking tabi.Sa kabila ng kalungkutang aking nadarama ay nanatili itong gabay sa nagdidilim kong mundo.Kasama ng kalikasan, dinamayan nila ako sa pagluluksa kina Nanay at Tatay.Walang katawan nina Nanay at Tatay kaming naiburol sapagkat parehong nalunod at nalubog sa gitna ng dagat ang mga katawan nila.Parang kahapon lang ng iyon ay maganap. Halos hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.Mabuti na lamang at nanatili si Nicolo sa aking tabi."Malalim na naman ang iyong iniisip, Mahal kong Prinsesa." Mula sa likurang bahagi ng aking katawan ay niyakap niya ako."Iniisip ko lang sina Nanay at Tatay," malungkot kong tugon sa kaniya."H'wag ka nang malumbay, Mahal kong Prinsesa." Ipinatong pa nito ang kaniyang baba sa aking balikat.Nakaharap kami sa bintana ng aking silid kung saan natatanaw namin ang ganda ng kakahuyan.Ang kakahuyang kinatatakutan

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 12: Kalungkutan

    "Diana, Anak!" nakangiting sambit ni Tatay."Tay!" Tawag ko sa ama-amahan."Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo, Anak." Hinaplos ni Nanay ang aking pisngi."Nay!" Yumakap ako rito."Anak, lagi mong tatandaan na nandito lang kami parati sa'yong tabi," wika ni Nanay."H'wag mong pababayaan ang iyong sarili, Anak." Hinaplos ni Tatay ang buhok ko."Mahal na mahal ka namin, Anak!" Sabay nilang sabi at niyakap ako nang mahigpit."Nay! Tay!" Nagsimulang umagos ang mga luha mula sa aking mga mata."Paalam, Anak!" Hinalikan pa nila ako ng sabay sa aking pisngi.*Nay! Tay!" humahagulgol kong sambit.Sa huling pagkakataon ay hinaplos nila ang aking pisngi at saka dahan-dahan silang lumayo sa'kin."H

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 11: Masamang Balita

    "Nay!" bulalas ko kay Nanay.Nilapitan ko 'to at niyakap nang mahigpit."Alam naming hindi ka namin katulad. Mula noon ay ramdam na namin 'yan dahil sa mga kakaibang pangyayaring araw-araw na nagaganap sa ating buhay. Walang normal na tao ang kayang mag-iwan ng pitak ng ginto sa tapat ng ating pinto at walang matinong tao rin ang maglalakas ng loob na lagyan ng bulaklak ang loob ng iyong silid na hindi natin makikita at mararamdaman," mahabang salaysay nito."Nay!" naluluhang usal ko."Nang ipakilala mo sa'min si Nicolo ay higit na nasagot ang lahat ng mga katanungang kaytagal naming itinatanong sa aming sarili ng Tatay mo. Ilang taon na ang nakaraan pero 'di ko kayang maniwala na may ganoong mundo talaga. Hanggang sa kami mismo ng Tatay mo ang makasaksi niyon. Napakaliwanag ninyong dalawa nang minsang magdikit ang inyong katawan. Liwanag na wari'y hindi para sa isang normal na tao talaga. Nakita na rin na

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 10: Kakaibang Kaba

    "Diana!" Mahinang tinig ni Nicolo ang siyang aking naririnig."Nicolo..." Hinahanap ko ang presensiya niya sa madilim na karimlan."Diana..." Muli'y narinig ko ang malakas niyang tinig na parang kaylapit niya lamang sa'kin."Dumilat ka, Mahal kong Prinsesa!" Naramdaman ko ang masuyong haplos niya sa aking pisngi."Nicolo..." Iminulat ko ang mga mata at aking nasilayan ang nag-aalalang mukha nito."Diana, Mahal kong Prinsesa!" Niyakap ako nito nang mahigpit.Ramdam kong nakahiga ako pero wala sa loob ng aking silid.Inilinga ko ang mga mata sa paligid at nakita kong nasa kakahuyan pa rin ako.Ngunit saan ako nakahiga kung gayon?Pinilit kong bumangon sa pagkakahiga at inalalayan naman ako ni Nicolo.Namangha ako sa nakitang ganda ng aking higaan.Para akong isang tunay na prinsesang nakahiga sa isang magarang higaan na napalilibutan ng iba't ibang uri ng mga bulaklak.Nap

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 9: Ika-labing Anim na Kaarawan

    Diana (POV)Namulat ko ang mga mata nang maramdaman sa aking balat ang pagtama ng sinag ng araw na lumulusot mula sa butas ng bintana.Bumangon ako sa higaang papag at naghikab bago tuluyang tumayo. Niligpit ko ang pinaghigaan at sinuklay ang aking buhok.Binuksan ko ang sirado ng bintana at sumilay ang ngiti sa'king labi nang makita si Nicolo na nagsisibak ng mga kahoy sa'ming bakuran.Mula ng maging kasintahan ko 'to ay lagi na niyang pinatutunayan sa'min ang kaniyang sarili.Sa sandaling panahon nang panliligaw nito ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pang sagutin ito.Hindi naman na ako naniniwala pa sa makalumang paraan nang panliligaw dahil nasa modernong panahon na ang mundo at hindi na uso sa akin ang Maria Clara style.Si Nicolo lang naman ang mapilit na gawin ang mga makalumang paraan nang panliligaw dahil gusto

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 8: Iisang Damdamin

    Nicolo (POV)Magmula nang magkaharap kami ni Diana rito sa kasukalan ng kagubatan ay may kung anong engkantasyon ang bumalot sa aming dalawa.Nakita ko ang liwanag na lumabas mula sa kaniyang katawan nang haplusin niya ang aking pisngi.Liwanag na tanging mga mahaharlikang engkantada lamang ang mayroon at minsan ko na ring nasaksihan mula sa kaniya ng sanggol pa lamang siya.Hindi ko batid kung nakita niya rin ang liwanag na 'yon. Pero, alam kong may kakaibang nangyari mula nang haplusin niya ang aking pisngi.Nararamdaman ko ang kaniyang nadarama. Nakikita ko ang kaniyang mga panaginip. Naririnig ko ang kaniyang naririnig.Hindi ko gustong makitang nalulumbay si Diana, dahil kahit ako ay nalulumbay rin.Ang bawat paghihirap ng kaniyang kalooban ay higit na paghihirap na aking nadarama.Gusto ko lang na lagi siyang masaya sapagkat pati ako ay sumasaya rin."Bakit

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 7: Masidhing Damdamin

    Hindi ko alam kung bakit kailangan kong tumakbo. Ang tanging alam ko lamang ay kailangan kong makalayo.Ngunit saan nga ba ako tutungo? Bakit ko nga ba kailangang lumayo?Hinihingal na ako pero kailangan kong magpatuloy sa pagtakbo. Muli akong tumakbo sa madilim na bahagi ng kakahuyan hanggang marating ko ang kasukalang bahagi niyon."Diana..." Rinig kong tawag sa akin ng isang malamyos na tinig."Sino ka?" Malakas kong tanong at luminga-linga sa aking paligid."Tulungan mo ako, Diana..." Humihinging tulong ang malamyos na tinig."Sino ka?" pasigaw ko ulit na tanong sa malamyos na tinig.Hindi ko alam kung pa'no makakatulong. Pero bakit ako mismo sa aking sarili ay parang kailangan ko rin ng tulong?Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari. Ako man ay litong-l

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 6: Nicolo

    Pinanood ko sina Nanay at Tatay na kasalukuyang naglalambingan habang nakaupo sa inilatag kong banig."Sana kagaya nila ay matagpuan ko rin ang lalaking magpapasaya sa'kin," ani ko sa isipan.Biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin at para bagang niyayakap ako niyon. May kung anong kakaibang pakiramdam akong naramdaman sa aking puso. Tila baga may mga matang nakatitig sa akin mula sa likurang bahagi ng aking katawan.Lumingon ako upang tingnan iyon ngunit wala akong nakitang ibang tao roon liban lamang sa mga maliliit na hayop na kasalukuyang naglalaro.'Di ko namalayang sinusundan ko na ang mga hayop sa kanilang paghahabulan patungo sa pinakamasukal na bahagi ng kakahuyan.Ito ang bahagi ng kakahuyan na ipinagbabawal nang pasukin dahil sa dami ng mga kumakalat na balitang may Engkantong nakatira roon."Patutunayan kong hindi iyon totoo!" ani ko sa sarili.Nagpatuloy ako sa pagsunod sa mga hayop na patuloy lama

  • Enchantria Lost of Love   Chapter 5: Mahiwagang Damdamin

    Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa aking silid. Panaginip lang ba ang lahat? Wala sa sariling dinama ko ang tapat ng aking dibdib gamit ang kanan kong palad. Naroon pa rin ang kakaibang kabog ng aking puso na walang pagkakaiba sa nararamdaman ko kani-kanina lang habang naririnig ang boses na iyon. Pero merong kakaiba at bagong damdamin akong nakapa sa aking sarili... Parang may bahagi ng aking pagkatao ang gustong bumalik muli sa lugar na iyon. Kusang tumuon ang aking paningin sa nakabukas na bintanang nakaharap sa direksiyon ng kakahuyan. Dahan-dahan akong tumayo mula sa higaang papag na aking kinauupuan at dumungaw roon. Mula rito sa aking silid ay isang simpleng kakahuyan lang naman ang natatanaw ko at wala akong napapansing espesyal dito. Naroon ang kakaibang pakiramdam sa aking puso ngunit malabo ang alaala ko. Malinaw ang p

DMCA.com Protection Status